Mon Amour

Autorstwa Childof1998

71.5K 1.8K 137

I've been hook up, and head over heels in one girl. For 3 years courting her, and repeatedly hearing "Im not... Więcej

Chapter 1: Scarlet and Kaireen
Chapter 2: Tired
Chapter 3: Make her fall for me
Chapter 4: Change
Chapter 5: Brace yourself
Chapter 6: Make it up
Chapter 7: I want to have a family with you
Chapter 8: Make Her Mine Officially
Chapter 9: Akin ka lang
Chapter 10: Marrying her
Chapter 12: Proposal
Chapter 13: Wedding Agad?!
Chapter 14: Happy Ending
AUTHOR

Chapter 11: Jealousy

4.1K 102 1
Autorstwa Childof1998

Kaireen's POV


Its monday and Im excited na pumasok na sa kompanya. Ilang araw rin akong di nakapasok dahil nga sa nagkasakit ako so sobrang namiss ko ang kompanya. Hihi.


After ko mag ayos, bumaba na agad ako para makapag breakfast. Nadatnan ko dun ang pinsan ko at ang mag iina niya. "Hi guys! Goodmorning!" masayang pag bati ko sa knila. Humalik pa ako sa pisngi ng mga pamangkin ko.


"Good morning ate, good mood ah?" bati rin ni summer.


"Oo eh, namiss ko kasi ang kompanya," nakangiti kong sabi sabay sumabay na ako sa kanila sa almusal. Patapos na kami kumain ng magsalita ang pinsan kong si snow,


"Riyan is acting weird," nakatingin siya sa phone niya at nakakunot noo. At dahil narinig ko ang 'riyen' lumapit ako sa kanya at napatingin na rin sa phone niya. nacurious ako eh.


"Why?" tanong ko. Binasa ko ang convo nila ni riyen at nakasulat dun na aalis si riyen at di siya makakapasok sa opisina at pinakiusapan niya si snow na isabay niya ako papuntang kompanya.


Napakunot noo na rin ako. Normally kasi, kahit na may lakad si riyen o busy siya lagi talagang dumadaan dito. Actually, simula nung na hospital ako nagiging weird na siya. Lagi siyang umaalis at lagi niyang sinasabi na aalis siya at may aasikasuhin. Something is wrong,


"Saan naman daw siya pupunta?" tanong ko kay snow. nagkibit balikat lang ito kaya inirapan ko siya. Ang saya saya ng umaga ko sisirain ng riyen na yun!

Di ko napigilan pa at tinawagan ko na siya,


"Hoy riyen!" bungad ko pagka sagot pa lang niya.


"Aray naman babe, makasigaw."


"Saan ka pupunta at di ka makakapasok sa opisina ha?!"


"babe naman, pakihinaan naman yung boses mo. Tsaka nagtext po ako sayo kung saan ako pupunta," sabi niya. Di ako nakasagot dahil ko pa na oopen yung mga messages niya.


"Saan nga?"


"Dyan lang po. Makikipagkita sa pinsan ko,"


"Pinsan? Sinong pinsan?" sa pagkakaalam ko iisa lang ang pinsan nito eh.


"Si Dennise. Remember her? Iisa lang naman ang pinsan ko eh." sabi na eh, iisa lang ang pinsan niya. Nameet ko na si dennise, sa pag kakaalam ko event organizer si dennise.


"Bakit makikipagkita ka kay dennise?"


"Haha babe naman, syempre pinsan ko yun. Tsaka ilang months na kaming di nagkikita noh." natatawa niyang sagot. Napairap naman ako.


"Osige na, ingat kayo. Magtext ka kapag nagkita na kayo," yun lang at binaba ko na ang tawag. Medyo nainis kasi ako sa kanya. Parang lagi siyang may gala tsk.


Sumabay na nga lang ako kay snow sa kompanya at itutuon ko na lang dun ang atensyon ko buong araw.


...


Its already 6 pm and its time for me to time out of office. Medyo marami akong ginawa pero dahil sobrang namiss ko ang opisina, halos nagawa ko sila ng madalian lang.


*Cellphone Rings*


Naramdaman kong nag vavibrate yung phone ko at agad ko itong tiningnan, tumatawag si fall. Agad ko itong sinagot.


"Yes sister?"


"Ate! Samahan moko, bibili ako ng mga gamit ko pang final namin." just as I thought, tatawag lang naman to kapag may kailangan siya sakin eh.


"alright fine, kita tayo sa mall ngayon. bye."


Nagtawag na lang ako uber papuntang mall. Afer ilang minutes, nakita kong nag aabang na ang kapatid ko together with silver of course, sa harap ng entrance ng mall. Agad ko silang nilapitan.


"Hey guys," bati ko sa kanila.


"HI ate, tara na." natawa na lang ako ng mahina sa kapatid ko. Lagi yang ganyan, minsan na nga lang kami magkita, wala man lang pa 'i miss you ate' grabe.


As usual, pumunta lang naman kami sa national bookstore and after 2 hrs, natapos narin sa pamimili tong kapatid ko at ang pinagbuhat niya syempre ang girlfriend niyang si silver na mukang badtrip na. Naawa naman ako kay silver kaya kumuha na rin ako ng mga ilang bubuhatin,


"Amina yung iba ash," kinuha ko sa kanya yung 4 na paper bags,


"salamat ate kaireen, yang kasing kapatid mo naku, walang pakialam." natawa na lang ako sa sinabi niya.


"I know, pag pasensyahan mo na." sabi ko habang natatawa pa rin.


"Ate kain tayo dun oh," parang bata na turo naman ni fall sa isang restaurant kaya dun kami pumunta.


Pinili namin na sa dulo pumwesto para di ganon ka ingay. Namimili ako ng pagkain ng mapansn kong may tinatanaw si fall si likuran ko, pati na rin si ash may tinatanaw tanaw din at nagbubulungan pa.


"Hoy ano ba kayo, pumili na kayo na kakainin niyo di yung kung ano ano pa ang tinitingnan niyo dyan," suway ko sa kanila.


"Eh kasi ate," parang nag aalangan na sabi ni fall kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Bakit ba? Ano ba kasing tiniting--"


"ate.."


Pag lingon ko sa tinitingnan nila, nakita ko si riyen na may kasamang babae. and I know, na hindi yan ang pinsan niyang si dennise. Nagtatawanan pa sila at mukang tuwang tuwa pa sila sa company ng isa't isa.


"I-is that scarlet riyen?" parang wala sa sarili na tanong ko.


"Siya nga," narinig kong sagot naman ni ash. Nakatingin lang ako kila riyen at diko mapigilan na maiyukom ang kamao ko sa nakikita ko. Kung nakakapatay lang ang mga tingin ko, paniguradong patay na yang si riyen pati na rin ang babaeng kalandian niya!


Di ko na mapigilan mapatayo ng makita kong niyakap ng babae si riyen at talagang nagpayakap pa talaga si riyen ha! At sabay pa silang umalis ng resto, huminga ako ng malalim at inis na sinundan sila riyen. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni fall pero wala na akong pakialam at sinundan ko na sila riyen and it turns out na sa parking ang punta nila.


Huminto sila sa isang kotseng puti and I thin kotse yun nung babae, nagtago ako sa isang sasakyan na malapit sa kanila para marinig ang pinag uusapan nila.


"Thank you for this date riyen," DATE?! WHAT THE FUCK!


"You're welcome." YOUR WELCOME YOUR FACE!


"Till next time?" SISIGURADUHIN KONG WALA NANG NEXT TIME HITAD KANG BABAE KA!


"Oh sure," POTA! Di ko na napigilan pa at lumabas na ako sa pinag tataguan ko at saktong nadatnan ko silang magkayakap. Naninikip ang dibdib ko sa inis, galit at selos. Oo selos, dahil sobrang nagseselos ako sa nakikita ko ngayon.


"SCARLET RIYEN!" nung akmang mag bebeso pa sila, sinigaw ko na ang pangalan ni riyen. Nakayukom ang mga palad ko habang papalapit sa kanila, halata sa muka ni riyen ang takot at kaba. DAPAT LANG NA MATAKOT AT KABAHAN KA RIYEN!


"B-babe," di ko pinansin si riyen at sinampal ko ang babae. Sa sobrang lakas ng sampal na yun, nagdugo ang gilid ng labi niya. I smirk. You deserve that bitch!


"Babe! Oh my god! Janine are you okay?!" mas lalo pa akong nainis ng makitang nilapitan siya ni riyen.


"babe naman, bakit mo ginawa yun?!" wow.


"woah, at sakin ka ngayon galit?! Di ba dapat ako ang magalit sainyo dahil niloloko moko riyen?! At sa harap ko pa talaga kayo naglalandian ha! Ang kakapal ng muka niyo! Tandaan mo to riyen, wag na wag kang lalapit sakin, at wag na wag ka ng magpapakita pa sakin!"


Iniwanan ko pa sila ng sama ng tingin na dalawa bago ako tuluyan na umalis. Sobrang naninikip ang dibdib ko. Para akong nanghihina, Pumunta ako ng elevator at lumabas don sila fall at ash,


"Ate, anong nang-" di ko na napigilan at napaiyak na ako ng tuluyan.


"Ssshh hush ate, uuwi na tayo." wala na akong lakas pa na magsalita kaya nag pa anod na lang ako sa hila ni fall sakin.


Sa sobrang pag iisip ko at pag iyak, di ko namalayan na nasa harap na pala ako ng mansion. Inalayayan akong bumaba ni fall at ni ash dahil para pa rin akong nanghihina.


"ate dito na muna ako matutulog, sasamahan ko na muna ik--"


"Babe,"


"r-riyen," pagkakita ko sa kanya parang may sariling buhay ang mga kamay ko at nasampal ko siya.


-


Scarlet's POV


Isang malakas na sampal ang iginawad sakin ni kaireen pagkakita niya pa lang sakin. Nung di ko sila nahabol nung nag walk out siya, dito na ako sa mansion nila tumuloy at inabangan ko talaga siya umuwi.


"Babe?! Babe you're fucking face riyen! You cheater!" sigaw niya atsaka tumakbo paakyat. But I grab her hand and face her,


"Let me explain babe,"


"Explain?! Then fine! EXPLAIN!" kung di lang talaga seryoso ang sitwasyon namin ngayon, matatawa talaga ako sa inaakto niya.


"She's jannica. Dennise's girlfriend." I said. That's true. Girlfriend yun ng pinsan kong si dennise,


"I dont believe you!" akmang aalis na naman siya ng pigilan ko.


"Babe, listen. Gf siya ng pinsan ko, I owe dennise a favor and ang kapalit nun ay itreat ko ang gf niya ng dinner. Dating nag aaral si jannica sa Riyen Academy and she said na idol niya ako kaya grinant ni dennise ang wish ni jannica to have a dinner with me." I sincerelyaid. Nakatingin lag siya sakin na halatang naiiyak na siya. Oh god, I could kiss her!


"Totoo ba yan?!" that's the cue at natawa na ako ng tuluyan. The way she said is so cute!


"Yeah its true." niyakap ko siya agad at dun na talaga siya naiyak. I smiled, tao na ang girlfriend ko! Lol. Dati kasi wala tong feelings eh. Ngayon meron naman pala.


"a-akala ko.."


"sshh, im not gonna cheat on you. Hinding hindi kita ipagpapalit okay? Kahit na sinong babae pa yan, hinding hindi kita ipagpapalit. Promise."


"G-good."





to be continued...

--

A/N: Hi guys! Thank you sa mga nagbabasa :) I decided na hanggang chapter 15 na lang to. I shoshort story ko lang siya kasi may iba akong story na gagawin na long story na talaga yun. Haha so yun. THANK YOU AGAIN GUYS!

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
330K 17.4K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...