BROKEN STRINGS (COMPLETED)

By SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... More

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #11: CHERRYPOP
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #14: DESPERATE ASSH-LE

362K 4.8K 1.9K
By SweetKitkat

BS #14: DESPERATE ASSH-LE

********

WRIGHT AGONCILLO

Nakayukom ang mga kamay ko habang naglalakad palapit sa sasakyan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Ako yung mali. Ako yung dapat sisihin. Ako yung natakot. Hindi ko ininda ang sakit ng kamao ko dahil sa pagsuntok sa pader kanina, mas masakit kasing makita na masaya na yung pamilya ko kasama ang doktor na iyon. Hindi lang ako makalapit sa kanila dahil baka magkagulo.

Pinatunog ko yung sasakyan ko at mabilis na pumasok doon. Mahigpit kong hinawakan ang manubela. Ano ba ang kailangan kong gawin para patawarin ako ng pamilya ko?

Napatingin ako sa isang simbahan na nadaanan ko. Minanipula ko ang aking kotse at lumiko roon. Ilang taon ko na pala Siyang hindi kinakausap. Kaya siguro nagkakaganito ang buhay ko ay dahil nakakalimutan ko na Siya.

Bumaba ako ng kotse, sinuot ko kaagad ang shades ko para walang makakilala sa akin. Hindi ako makakapagdasal ng maayos kung maraming nakapaikot sa akin. Pumasok ako sa malaking pinto nito.

Nakita ko ang pari na yumuko sa gitna ng altar. Kaming dalawa lang ang tao rito.

Lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang shades ko para magbigay-galang. "Father."

"Oh, hijo, ano ba ang maipaglilingk---“ Naningkit ang mga mata nito at inayos ang salamin sa mata. “Sandali. Ikaw ba si Wright Agoncillo?"

Inilagay ko ang aking hintuturo sa harap ng aking labi na parang ‘wag nitong lakasan ang boses.

Tumango si Father at ngumiti. "Ah. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo, Anak?"

"Nais ko pong mangumpisal, Father." Magalang kong sabi.

"Halika, dito tayo."

Sumunod ako sa kanya. Pumasok siya sa isang pinto ng kumpisalan. Binuksan ko rin ang isa pang pinto at pumasok roon. Umupo ako sa upuan nakalagay sa sulok. Medyo may kaliitan ang loob niyon at mainit rin. Pero hindi ko na ininda iyon, ito na ang panahon para humingi ako sa Kanya ng tulong.

"Ano ang ikukumpisal mo, hijo?" Pag-uumpisa ni Father. Tanging boses lang nito ang maririnig ko. Hindi ko siya nakikita dahil may manipis na screen ang nakaharang sa aming dalawa.

Saan ba ako dapat mag-uumpisa?

"May nakilala po akong babae seven years ago. Niligawan ko siya hindi dahil mahal ko siya kundi dahil gusto kong ipakita sa Ex ko na nakamove-on na ako. Yes, I used her." Bawat salitang binibitawan ko ay parang ulan na bumubuhos ang mga alaala. "Ilang buwang naging kami. Isang araw, nabalitaan kong nakipagbreak na ang ex ko sa boyfriend niya. Pumunta ako ng Cebu para makumpirma iyon. And I confirmed, wala na nga sila. Nakipagbalikan siya sa akin at tinggap ko siyang muli. Umuwi ako ng Manila para makipagbreak sa babaeng ginamit ko."

Huminto sandali dahil nagsisimula ng bumigat ang nararamdaman ko.

"Ipagpatuloy mo." Himok sa akin si Father.

"But she said, she’s pregnant and the child was mine." May paghihirap sa boses ko. Para kasing nakikita ko si Melissa sa harap ko. Yung sakit sa mga mata niya dahil hindi niya matanggap ang naging desisyon ko. Pumikit ako at tumulo ang luha sa pisngi ko. "Sabi ko, ipalaglag niya yung bata kasi hindi ko kayang panagutan. Bibigyan ko siya ng pera pangpa-abort dahil mas mura ang gastos n'un kaysa magpalaki ng bata."

Isinandal ko ang ulo ko sa may screen. Lumunok ako ng maraming beses para kalamhin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi sa mga oras na ito, magbe-breakdown na ako.

"Bakit iyon ang naging desisyon mo, Anak?" Sabi ni Father. "Natakot ka ba sa responsibilidad?"

Umiling ako.

"Hindi sa responsibilidad, Father." Sinuklay ng isang kamay ko ang aking buhok.  "Natatakot ako sa magiging future ng bata."

"Bakit?"

"Pagbalik ko ng Manila, sinabi sa akin ni Mama na palubog na n'un ang kumpanya namin. And it was unstoppable because the investors started to pull out all their shares, wala na daw silang tiwala kay Papa na maibabalik pa buhay ng kumpanya. Unti-unting naipapatalo ni Papa ang lahat ng lupain namin sa sugal. Halos araw-araw may mga tiga-bangko na pumupunta sa bahay namin.” Naalala ko na naman ‘yung mga panahong umiiyak si Mama dahil sa pinaggagawa ni Papa sa buhay niya, sa buhay namin. “Hindi ko alam kung ano'ng future pa ang maibibigay ko sa bata. Ayoko siyang makitang namamalimos, ayoko siyang makitang payat dahil wala kaming makain, ayoko siyang makita na natutulog sa ilalim ng tulay o gilid ng kalsada. Natatakot akong sisihin niya ako pagdating na panahon."

“Nagpadaig ka sa takot, Anak.” Marahang sabi sa akin ni Father. "Humingi ka ba ng tulong sa Panginoon?”

"Isa pa iyon sa kasalanan ko, Father." Tumingala ako. "Kinalimutan ko Siya at mas binigyang pansin ang hinaharap. Kailangan ko kasing ibangong muli ang kompanya namin. Umalis kami ng bansa para makaiwas sa iskandalo. Nagbagong buhay kami roon, nakilala ang banda namin sa Amerika. Nakapag-ipon ako ng pera para makapagpatayo muli ng bagong negosyo.”

“Tatlong taon bago kami tuluyang nakabangon. Sinubukan kong umuwi ng Pilipinas para hanapin yung mag-ina ko pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagkasakit si Papa, ayaw akong payagang umuwi ni Mama ng Pilipinas dahil kailangan ako ni Papa doon. Apat na taong lumaban si Papa sa Cancer bago siya tuluyang binawian ng buhay.” Dagdag ko.

“Ano ang nangyari sa iyong anak?” Malumanay niyang tanong.

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko nang maalala yung unang beses kong nakita si Reid. Kuhang-kuha niya ang itsura ko nung nasa ganoong gulang ako. At nung tumingin siya sa mga mata ko, parang nagwala bigla ang dugo ko. May kung anong puwersa ang nagtutulak sa akin na yakapin ko siya.

“Buhay siya, Father. Six years old na siya ngayon.” Sabi ko. Pinunasan ng likod ng palad ko ang luhang nasa pisngi ko. “Napakabigat ng kasalanan ko, Father. Mapapatawad pa kaya Niya ako?”

“Anak..” Sabi nito. “Kahit pa gaano kabigat ang kasalanan natin, patatawarin Niya tayo. Walang hanggan ang pagmamahal sa atin ng Diyos. Sumuko ka na sa Kanya, Anak, pinatawad ka na Niya.”

“Maraming salamat po.” Huminga ako ng malalim. Gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas lahat ng paghihirap ko.

Lumabas na kami sa kumpisalan. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ng pantalon ko at pinunasan ang pawis na lumitaw sa noo at leeg ko. Nakangiti kong inilahad ang kamay kay Father at nagmano rito. Ang kabilang kamay nito ay ipinatong niya sa ulo ko.

“Anak, gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay tama. Umuwi ka na at 'wag ng magkasala pang muli.” Marahan nitong sabi.

Tumayo ako ng tuwid at tumango rito. “Maraming salamat po, Father.”

Ngumiti ito. “Kung may mga problema ka mang haharapin, ‘wag mo na uli Siyang kakalimutan. Tutulungan ka Niya.”

“Opo.” Sang-ayon ko.

Nagpaalam at nagpasalamat ako bago lumabas ng simbahan. Pinatunog ko ang sasakyan ko at pumasok kaagad sa loob.

 Gawin mo kung ano sa tingin mo ay tama.

Kailangan kong gumawa ng paraan para pakinggan ako ni Melissa. Sa lahat ng tao, kay Melissa ako may pinakamalaking kasalanan. Siya ang dapat kong unahin. Pagkatapos niya, si Reid naman. Ang anak ko.

Sana hindi pa huli ang lahat..

Sinuot ko uli yung shades ko bago itigil ang kotse sa harap ng building na tinutuluyan ko. Pagbaba ko palang ay sandamakmak na ang sumalubong sa aking media. Mabuti nalang at dumating na ang mga security personel ng hotel.

"Why did you come back, Sir? Is it true that you and your humored girlfriend are engaged?"

"Sir, do you plan to stay here for good?"

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Pribado ang buhay ko kaya mas lalong nagwawala ang mga reporter sa pagtatanong, baka swertehin na sagutin ko ang ilan sa mga tanong nila.

"Someone saw you entered in the church this afternoon. Have you decided to marry Ms. Claire Dela Rosa there?"

"Some humor says that Ms.Claire's dating someone secretly, are you aware of it? Is she two-timing you? Are you two already broke up?"

Mabilis kong binigay ang susi ng kotse ko sa valet. Hinaharangan ng security personel ang mga agresibong media na gustong humanap ng sagot.

Unti-unting nawala ang ingay at kislap ng camera nang sumara na ang pinto ng elevator. Pinindot ko button ng Tenth Floor. Hindi lang ako ang mag-isa sa loob, may nakasabay akong dalawang babae.

Ang isa ay may green na highlights sa buhok at ang isa naman ay may brownish na buhok.

Namula ang pisngi ng mga ito nang ngitian ko.

"Wright Agoncillo, oh my gosh! I can die in peace now!" She said with heavy breathing. Pinapaypayan pa niya ang sarili gamit ang kamay.

"Uh.. Hi."

"Wright!" Nagulat pa ako nang yakapin ako ng babae may green na highlights. Naglabas ito ng cellphone. "Pa-selfie naman po."

"Sure." Matamis ko itong nginitian.

"Me too. Please?" She said while using her puppy eyes.

Inipit ko sa tainga ang buhok niya. Lalo itong namula. "No problem."

Pagkatapos ng ilang mga shots, sobrang pasasalamat ko nang bumukas na ang pinto ng elevator sa Tenth Floor. Agad akong naglakad patungo sa Bachelor's Pad ko.

Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko ng magkaroon ng peace of mind.

Laking gulat ko nang pihitin ko ang doorknob ay magbukas ito. Bukas ang mga ilaw sa pad ko. Ang natatandaan ko ini-lock at pinatay ko lahat ng ilaw nung dumating ako rito.

Nakita ko ang isang pigura na nakahiga sa sofa habang nakayakap ito sa unan.

"Claire.."

-----

UNEDITED. Sorry sa typos at grammatical errors, iyun ang kayamanan ko. :)

UPLOADED: MAY 31, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

Continue Reading

You'll Also Like

160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
20.7K 255 37
Never fall in LOVE with a LIE (Middle Child X Bunso) Ivoryne Cermosa is a soft hearted and kind person. She just wants a happy life alone yet she did...
739K 15.9K 18
(Finished) To everyone, I'm the famous womanizer and for all those years, she thought I played her heart because of the bet. No, I didn't. In fact, s...
31.1K 1.5K 21
Spin-off of My Not So Ideal Man Classmates Series Book 1 Noong high school ay may crush si Owen kay Jeraldine, hence, the "Crushmate" endearment. Per...