The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 5

4.3K 123 3
By kristineeejoo

CHAPTER FIVE


"A-ano bang sinasabi mo, diyan?" Hindi ako makatingin sakaniya habang nagsasalita. Nanlalamig na ako, promise. Malamig naman na kaming mga Grim Reaper, e. Dahil patay na kami, pero ibang lamig ang nararamdaman ko ngayon.

"Sigurado akong patay kana. 9 years ago matapos ang insidenteng 'yon. Kitang kita ko ang bangkay mo. Pero paano nangyaring makikita kitang buhay na buhay ngayon?"

"B-baka.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Baka, hindi ako 'yung tinutukoy mo. Malay mo magkamukha lang kami."

Wow! Nakagawa pa ako ng dahilan sa kabilang ng sobrang kaba ko. Buti nalang talaga nakakaisip ako ng pwedeng idahilan.

"Impossible." Maikling sagot niya tsaka inuusisang mabuti ang buong mukha ko. "Hindi maaring mangyari 'yon. Alam kong ikaw 'yan, nawalan kalang ng ala-ala. Pero alam ko ring patay kana. Kaya paano nangyayari ang lahat ng 'to?"

"B-bahala ka mabaliw kakaisip." Sagot ko nalang tsaka itinutok ang paningin sa bintana ng kotse. Narinig ko siyang bumuntong hininga tsaka pinaandar ulit ang makina ng kotse at nagmaneho na.

Ilang minuto siyang nagmaneho tsaka niya inihinto ang kotse sa isang malaking bahay. Hindi ko alam pero mukhang pamilyar ang buong lugar na nakikita ko ngayon. Hindi ko lang matandaan kung kailan ko siya nakita. Basta pamilyar siya sa paningin ko.

Agad na bumaba siya sa kotse at sunod naman niya akong pinagbuksan ng pinto upang makalabas. Hindi ko maiwasang mamangha sa bahay na nakikita ko ngayon. Sobrang laki at lawak nito.

"Kaninong bahay 'to?" Hindi maiwasang tanong ko habang nakatulala sa malaking bahay na nasa harap ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong napatingin siya sakin at nginitian ako.

"Bahay nating dalawa 'yan." Sagot niya, agad naman akong napatingin sakaniya at nagtama ang paningin namin. Base sa emosyon na pinapakita niya ngayon, masaya siya pero parang malungkot rin. Hindi ko alam kung anong dahilan.

"Ha?"

Lumapit pa siya sakin ng konti at hinawakan ang pulsuhan ko. Napatingin naman ako sa kamay niya. Kapag hinawakan niya ang kamay ko, makikita ko ang past niya. Pero ayokong makita 'yon dahil natatakot ako at may pagdududa na baka nga kasama ako sa past niya, baka kilala niya talaga ako, at baka may relasyon sa pagitan naming dalawa. Kaya hangga't maaari hindi ko muna hahayaang makita ang nakaraan niya. Hindi pa ako handa.

"Naniniwala akong ikaw si Cherry. Naniniwala akong ikaw ang dating nakatira diyan sa bahay na 'yan. Tayong dalawa. Masaya at kontento na sa isa't isa." Nakangiting sabi niya sakin ngunit bakas parin ang kalungkutan sa mga mata niya.

"P-paanong tayong dalawa ang nakatira diyan, e hindi nga kita kilala?" Sagot ko. Itatanggi ko talaga sakaniya na magkakilala kami.

"Pero kilala pa kita." Sagot niya. "Ayon nalang ang pinanghahawakan ko ngayon. Handa kong gawin ang lahat para maibalik lang ang ala-ala mo at makilala mo talaga kung sino ako sa buhay mo."

"Bakit ayaw mo pang sabihin sakin ang lahat ngayon para matapos na 'to?" Tanong ko.

"Natatakot akong sabihin. Natatakot ako na kapag sinabi ko sayo ang lahat ay baka iwan mo nalang ako bigla. Gusto kong unti-unti mong maalala ang lahat, Cherry. Gusto kong ikaw ang makatuklas nun." Nakangiting sabi niya sakin at pinaunlakan akong pumasok sa loob ng bahay. No'ng una, ayaw kong pumasok pero malakas ang lalaking 'to at hinila nalang ako papasok rito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang naglalakad papasok ng kusina nila. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay at namangha ako sa disenyo at sa lawak nito. Sobrang ganda at talagang inayos talaga ang pagpapagawa sa bahay na 'to.

Tumingin ako sakaniya. "Wala akong ibang gusto kundi umuwi." Sagot ko tsaka umupo sa malambot at mahaba nilang sofa na pinagigitnaan ng glass table. Wala akong narinig na tugon mula sakaniya, bigla nalang siyang lumabas ng kusina na may dalang tray. At ang laman nun ang isang baso na may lamang juice at two slice of cake na nakalagay na sa maliit na platito. Inilapag niya 'yon sa table sa harap ko tsaka sinabing kainin 'yon pero hindi ko ginawa ang sinabi niya kahit gutom na gutom na ako.

"Hindi mo man lang ba gagalawin 'yang pagkain sa harap mo?" Tanong niya, hindi ko siya pinansin at iniwas ang tingin ko sa pagkaing nasa harap ko. Naglalaway na ako sa pagkain na 'yan kaya dapat ilayo sakin 'yan. Huhu. Hindi ko pwede kainin 'yan kasi baka may lason or what. Pero kahit may lason naman 'yan hindi ako matatablan. Patay na ako, remember? Kaya hindi na ako tatablan niyan.

Pero kasi.. nakakatakam, e. Super nagugutom na ako bago ako umalis ng bahay at sundan sila Sue.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko tsaka sa pagkain. "Wala ka bang gayuma na nilagay sa pagkain ko?"

Napakunot ang noo niya tsaka natawa. "Ba't ko naman lalagyan ng gayuma 'yan? Hindi ako masamang tao, 'no. Atsaka, kahit hindi ko naman 'yan lagyan ng gayuma, maiinlove at maiilove ka parin sakin. Patay na patay ka kaya sakin." Sagot niya.

"Kapal mo." Sagot ko, natawa lang siya. Nilantakan ko na ang cake na nakahain sa harap ko. Hmm, sarap. Shit.

"Hinay hinay naman. Hindi ka ba nakakain sa bahay niyo?" Tanong niya. Umiling lang ako sa pagsagot dahil hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil punong puno ng pagkain ang bunganga ko.

Natigilan ako sa pagnguya ng kinakain ko ng bigla niyang inilapit ang kamay niya sa bibig ko. Nagtaka ako kung anong gagawin niya.

"Ang dungis mong kumain." Sabi niya habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang daliri niya. Naiilang nanaman ako dahil sa ginagawa niya kaya medyo iniwas ko ang bibig ko sa kamay niya. Tumikhim ako tsaka uminom ng juice na nakalagay sa table.

Pagkatapos uminom, inilapag ko ang juice sa table. "Hindi mo na kailangan gawin 'yon. Kaya ko namang punasan ang dumi sa bibig ko."

"Dati gustong gusto mong pinupunasan ko ang dumi sa bibig mo pero ngayon hindi na." Malungkot na sabi niya. Inilapag ko naman hawak kong maliit na platito sa table tsaka tinitigan siya sa mata.

"Teka nga lang, ano bang pangalan mo?" Tanong ko. "Kanina pa tayo magkasama pero hindi mo sinasabi ang pangalan mo. Hindi ko tuloy alam ang itatawag ko sayo."

"Ako?" Muling tanong niya tsaka napangiti nanaman. Napapadalas ang pag-ngiti niya, at naiirita ako kapag nakikita ko 'yon mula sakaniya.

"Hindi, ako, ako! Malamang ikaw." Sarkastikong sabi ko. Natawa lang siya dahil sa sinabi ko tsaka umayos ng upo.

"Ako si Luijin Delacroix."






















PLEASE, VOTE AND COMMENT.

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 1.9K 69
Highest rank that achieved #55 in mystery/thriller "Hindi lahat ng pinapakita ng iyong kaklase ay siyang totoo." "Wag kang magtitiwala kahit kanino...
60.1K 1.9K 43
Lumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hi...
12.7K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...
7.5M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...