Haraya

By DarkGraySky

421K 15.1K 2.4K

Dating Pamagat: Beautiful Deception Sa Apat na taong pag aaral niya sa kolehiyo, hindi naging komplikado ang... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
NOTE
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Ang May Akda
Chapter 24
Chapter 25: End
Special Chapter

Chapter 18

11.4K 477 118
By DarkGraySky

Papunta ako sa University habang sakay sakay ng bisikleta ko. Hindi na naman ako naihatid ni Gio dahil may kailangan daw itong ayusing mahalagang bagay. Hindi ito ang unang beses na nagpaalam siya na hindi niya ako masasamahan.

Nitong mga nakalipas na araw, palagi siyang umaalis. Hindi din naman niya sinabi sa akin kung ano yon at hindi din naman ako nagtatatanong. Ayaw kong mangulit. Gusto ko, siya mismo ang magsabi though I am bothered by his actions. May mga pagkakataon kasing bigla nalang siyang aalis kapag may tumawag sa kanya sa phone.

Matapos ang ilang minutong pagpepedal, narating ko ang university. Malapit na ding magsimula ang klase ko. Nang maipadlock ko ang bisikleta ko ay lakad takbo kong tinungo ang building namin.

Hindi pa man ako nakakarating ay natanaw ko ang building ng Business Education Department.

Tulad nitong mga nagdaang araw, bumigat uli ang pakiramdam ko.

Matapos ang gabing iyon, balita sa buong university ang hindi pagsipot ng reyna sa mga klasi nito. Kahit sa facebook na madalas naman daw niyang gamitin walang update. Kung noon ay araw araw itong nagpo post, ngayon, wala kahit isa. Ganoon din ang twitter account nito.

Feeling ko, ang nangyari noong gabi na iyon ang dahilan ng biglaan paglalaho ni Amanda.

Nagiwas ako ng tingin sa building at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ko ang building namin ay dali dali ako umakyat sa floor ng room namin.

May naririnig akong kung anong ingay sa loob ng silid aralan namin. Napapakunot nalang ang noo ko lalo na't nakasara ang pinto na usually ay bukas naman.

Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako nang biglang may humila sakin papunta sa gitna.

Inilibot ko ang tingin sa buong silid. Ang daming bulaklak. Napatingin din ako sa taong kumakanta. Hindi ako mahilig sa music kaya hindi ako pamilyar sa kanta. Maganda sa pandinig.

May isa sa mga classmate ko na humila sa akin paupo. Nagtatakang tumingin lamang ako dito habang isang ngiti lang ang isinukli niya sakin.

Ano bang nangyayari?

...Now that the weight has lifted

Love has surely shifted my way

Marry me

Today and every day

Marry me

If I ever get the nerve to say

Hello in this cafe

Say you will

Mm-hmm

Say you will

Mm-hmm...

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot mula sa likod ng mga kaklasi ko si Gio. May hawak siyang isang bungkos ng red tulips. Sinabayan niya sa pagkanta yung isa pang lalaki. Bale, parang naging back up singer nalang si kuya kasi, mas dinig ko ang boses ni Gio.

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa nakikita ko. Feeling ko, pansamantalang nagsara ang mga tenga ko. Wala akong marinig kundi ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Para saan ang lahat ng ito?

...And marry me

Today and everyday

Marry me

If I ever get the nerve to say hello in this cafe

Say you will

Mm-hmm

Say you will

Mm-hmm

Marry me

Mm-hmm...

OMG! M-mag...mag..

Parang sasabog na ako kasi iba iba na ang naiisip ko. Ayoko man maramdaman pero parang hindi ko gusto ang nangyayari dito.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang dala niyang mga bulaklak. Dahan dahan siyang naupo sa harap ko.

Napapitlang ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti nalang din ako. Ayaw kong mag isip siya ng kung anu-ano.

"Ri. My heart, my soul. Noong una palang kitang masilayan, alam ko na agad na ikaw ang gusto kong makasama. Noon pa man, pangarap ko na makasama ka habang buhay. Bago ang pagkakaaksidente ko ay nagplano na akong magpropose sa yo pero hindi natuloy." Humigpit ang hawak niya sa akin. Nangingilid ang luha na nakatitig siya sa mga mata ko.

"Siguro nga hinayaan muna tayo ng Diyos na makaranas ng hirap para matuto tayo at mas lalong tumibay ang samahan. Siguro naman ngayon, wala nang hahadlang sa ating dalawa..." mula sa pagkakaupo ang unti uni niyang itinukod ang kaliwang tuhod niya sa tile. May inilabas din siyang maliit na pulang kahon.

Napakagat labi ako. Alam ko na ito pero... Handa na ba ako?

"Emryse Michaela Fabian... Will you be my wife?" he's giving me that hopeful look.

Ang lakas ng hiyawan ng mga tao dito sa loob. Good thing, sarado ang pinto kung hindi, malamang na dadami ang mga nakikiusyoso.

Nagkatitigan kami at alam ko na alam niya na I am having doubts. Bahagyang lumungkot ang mukha niya kaya nagsalita ako.

"Pero Gio, hindi pa ako tapos mag aral"

"Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mong gawin. Hindi naman dahil kasal na tayo ay hindi ka na makakapagtapos"

"Tatanungin kita uli. Will you be my wife, Ri?" Para akong napipilan. Hindi ako makapagsalita. Hindi ba pwedeng pag isipan muna to?

Napalingon ako sa pintuan nang may narinig akong bumagsak.

Amanda.

Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. Mukhang gulat na gulat siya sa nakikita. Hindi makapaniwala.

Parang walang nakapansin sa kanya dahil sa amin nakatuon ang pansin ng lahat.

"Ri, please be my wife." Humigpit pa lalo ang hawak niya sa mga kamay ko. Hindi na ako nakapag isip pa. Basta nalang akong sumagot kahit na kay Amanda parin ang tingin ko.

"Yes." umugong ang malakas na sigawan sa buong silid. Doon na siya biglang naglakad paalis. Niyakap naman ako ng mahigpit ni Gio pero ako, hindi man lang gumalaw.

Nakatingin lang ako sa papalayong babae. Dumapo ang tingin ko sa bagay na nahulog niya. Isang kahon. Umalis ako sa yakap ni Gio at lumapit sa kahon. Kinuha ko ito at binuksan.

Cheesecake. May note pa sa takip ng kahon. 'I love you and I know you will learn to reciprocate it soon. I am willing to wait, my love.'

Gusto kong maluha. Naaawa ako sa kanya. Oo awa.

"Babe?" mabilis kong itinago sa loob ng uniform ko ang sulat.

"Ano yan?" sinilip niya ang hawak ko.

"Cheesecake"

"Kanino yan?"

"A-ah, naiwan lang siguro." tumingin ako sa mga kaklasi ko na nakatingin parin sa amin. "A-ahm, sa inyo ba to?"

Walang sumagot.

"Sakin nalang." saka ako ngumiti sa kanila. Mukhang wala naman silang pakialam dahil mayayaman naman sila. Tumingin ako kay Gio. Nakangiting nagkibit balikat lang siya.

"Tara?" Inabot niya ang kamay niya sa akin. Hindi muna siguro ako papasok.

--------------------------------

Kinabukasan, maaga akong pumasok para humiram ng notes. May quiz daw kami sa isang course tungkol sa mga napag aralan nila kahapon.

Habang naglalakad ako papapunta sa building namin, nakasalubong ko si Amanda.

Nagtama ang mga mata namin pero may kakaiba sa tingin niya sa akin. Ramdam ko ang kalamigan ng tingin niya.

Nag iwas siya ng tingin saka naglakad palagpas sa akin.

Napalingon nalang ako sa dinaanan niya. Mataman lang akong nakatingin sa kanya nang may biglang umakbay sa kanya.

"Hey, hon."

Malakas na napabuga ako ng hangin.

Wow.

--------------------------
01-30-18

Continue Reading

You'll Also Like

26.2K 1.1K 37
Arabella, one of the most highest paid assasins in asia. A girl who's always been inivisible. A girl who was trained not to be visible, found herself...
63.6K 2.8K 54
Goddess Series #1: Athena Celestine Sinclaire What if you cross paths with the person who stole your first kiss? And what if you discover that the pe...
15.8K 366 46
Love isn't finding a perfect person. It's seeing an emperfect person perfectly. _sam keen
163K 6.6K 38
Date Started: February 27, 2017 © All Rights Reserved