My Babies (COMPLETED)

By ILoveHR

366K 2K 44

"I want you to work for me but...as a mother of my children" Mga salitang nagpabago sa buhay ni Maricar. Mga... More

My Babies
#1
#2
#3.1
A/N
The Bitchy Teacher

#3.2

15.5K 295 10
By ILoveHR

#3.2

EDWIN POV

What the heck? Who the hell is that woman?

Maricar Farell

Biglang pumasok sa aking isipan yung pangalang sinabi kanina nung babaeng iyon. Kaya kaagad kong kinuha ang telepono sa aking lamesa at tinawagan si Kentaro.

[Hello sir?]

[Kentaro tawagan mo si Marcus, sabihin mo I need him NOW]

[Copy sir]

Then I hung up. Maricar Farell? Who the hell are you? Bakit mo kamukha ang namayapa kong asawa?

Napailing na lamang ako at napahinga ng malalim. Malalaman ko rin kung sino ka ba talaga Maricar Farell.

---

"Sir pasensya na po talaga pero kanina ko pa po tinatawag ang mga anak niyo pero ayaw po talaga nilang lumabas ng kwarto nila. Iyak po ng iyak eh sir" sambit ng nanny nila Lucas nung utusan ko siyang tawagin ang mga anak ko.

WTF? Mga bata lang hindi niya kayang pasunurin? Kaya ba nakakatakas ang mga anak ko sa kanya dahil kapag ayaw lang ng mga anak ko, ayaw niya na rin? Anong klaseng taga-pag-alaga siya?

"What?! Ayaw nila? Edi gawan mo ng paraan para bumaba sila rito! Anong klase ka bang nanny? Bata lang hindi mo pa mapasunod?!" Hindi ko mapigilang sigaw sa nanny nila Ayesha.

Nagulat yata siya sa pagsigaw ko dahil biglang lumaki ang mata niya----I mean lalong lumaki yung mata niya at napayuko na lamang. Napahinga ako ng malalim. Jeez. Hindi ko namang sinasadyang sigawan yung nanny nila, sumabay lang talagang yung sakit ng ulo ko dahil sa dami ng mga papeles na kailangan kong tignan at pirmahan.

Akala ko kasi pagdating ko sa bahay makakapagpahinga na ko, tapos ano to? Malalaman ko na lang na hindi kayang pasunurin ng nanny nila sila Ayesha at Lucas? Alam kong masyado kong na-spoil ang mga anak ko kaya ganyan ang mga ugali nila. Pero kaya nga ako kumuha ng nanny nila para maalagaan at maturuan sila ng maayos na pag-uugali. Hindi iyong lalo pa silang magiging makulit at hindi masunurin na mga bata.

"What is your name again?" Kalmado kong tanong sa nanny nila Ayesha.

"K-kyla po s-sir" nakayukong sagot niya. Tinignan kong maigi ang nanny nila Ayesha, morena ito ngunit makinis ang balat sa katawan. May mahaba at makapal rin itong itim na buhok. Maliit rin ang katawan nito. Kaya kung titignan siya habang nakayuko, masasabi mong napakaganda niya.

Maya-maya napansin yata ni Kyla na tinititigan ko siya kaya napataas ang kanyang tingin, at sa kasamaang palad nakita ko ang kanyang mukha. Sayang, dapat hindi na lang niya tinaas ang kanyang mukha. Panira eh.

Maganda na sana siya kung hindi lang malapad ang noo niya, malaki ang mata, at pango ang ilong. Yung sa labi niya, maganda ang pagkakahugis, pa-heart kasi. Tapos yung kilay niya makapal kaya bumagay sa malaki niyang mata, kaso yung pilikmata niya naman, sobrang nipis! Hindi bagay sa kanyang mata. Mabuti na lang talaga chubby ang pisngi niya, kaya tuloy parang siopao. Pero totoo talaga, maganda ang pisngi niya para sakin....kung wala lang mga tigyawat. Jeez.

Sa totoo lang, hindi naman matandang babae ang kinuha ko para mag-alaga kayla Ayesha at Lucas. Ang gusto ko kasi ay dalaga pero yung sanay mag-alaga ng mga bata. Pag matanda kasi baka hindi kayanin yung kakulitan ng dalawa kong anak, kaya dalaga na lang ang kinuha ko.

"Ok Kyla, gusto kong tawagin mo na ang mga anak ko ngayon at palabasin sila sa kwarto nila. Or else I will fire you" sambit ko sa kalmadong tono.

Kaagad siyang tumango at nag-paalam sa akin upang tawagin na ang mga anak ko. Huminga ako ng malalim nung makaalis na ang nanny nila Ayesha.

Maya-maya lang, biglang tumunog ang telepono na katabi ko lamang kaya agad ko itong sinagot.

[Hello boss?]

"What is it Marcus? Meron na ba?"

[Yes boss. Actually papunta na po ako sa mansion niyo para ibigay ito]

"Good. By the way, may isa pa pala akong ipapa-imbistiga sa iyo"

[Sino po boss?]

"Hindi sino kung hindi ano"

Matapos kong sabihin kay Marcus ang isa ko pang ipa-iimbistiga, kaagad ko na itong pinatay. Kasabay non ay ang pagbaba ng nanny nila Ayesha at Lucas habang basang-basa itong nakayuko at bumababa sa malaking hagdanan ng mansyon.

Umiiyak itong lumapit sa akin sabay sambit ng "S-sir, hindi niyo na po ako kailangang tanggalin dahil ako na mismo ang aalis. Pasensya na po talaga sir, nahihiya lang po akong sabihin sa inyo ito noon pero ang totoo, napakahirap po talagang alagaan ng dalawa niyong anak. Na kahit sino pong mag-bantay sa kanila ay paniguradong hindi magtatagal. Pasensya na po talaga pero ayun lang po ang opinyon ko. Sige po sir, aalis na po ako. Pasensya na po ulit" sambit nito at dire-diretsong umalis sa harap ko.

WTH? Fuck! Pinabayaan ko na lang si Kyla na umalis at hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mga anak ko. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa nila?

Dali-dali akong umakyat ng second floor ng mansion at pumunta sa kwarto nila Ayesha at Lucas. Pagkapasok ko, nadatnan ko agad ang dalawa na nakaupo sa couch ng kwarto nila habang nakasimangot.

"Kayong dalawa? Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niyo?" Kalmado kong sambit kahit na gustong-gusto ko ng sumigaw.

Hindi sumagot yung dalawa sa tinanong ko at patuloy pa rin silang nakahalukipkip habang nakatingin sa harap.

"Ayesha, Lucas, answer me. Anong kalokohan ang ginawa niyo sa nanny niyo?" Ma-awtoridad kong sambit. Ayoko na sanang kausapin silang dalawa tungkol rito at pabayaan na lamang yung nangyari. Kaso hindi pwede dahil pang-limang nanny na nila si Kyla. At lahat ng iyon hindi tumatagal sa kanila ng isang taon man lang.

Biglang tumingin sa akin si Ayesha na may mamula-mulang mga mata habang naka-pout siya sabay sagot ng "Eh kasi po daddy, she's so makulit kaya binuhusan po siya ni kuya Luke ng water from the flower vase. It's her fault din naman po kaya nangyari iyon sa kanya"

"Is that true Lucas?"

"Yes dad"

Napahinga na lamang ako ng malalim. Ano na ba talagang gagawin ko sa mga anak ko? Hindi ko naman sila pinababayaan pero bakit ganto ang naging ugali ng mga anak ko? Mabait naman si Cleo. Infact, hindi lang siya basta mabait kundi napaka-bait.

Hindi rin naman sakin dahil ayon sa mom ko, eh napakamasunurin kong bata noon until that day.

And again, I sighed. Sa hindi ko mapagilan eh. Napailing na lang ako at umupo sa tabi ng mga anak ko. Oo na, sakin na sila nagmana ng ugali, lalong-lalo na itong si Lucas. But sometimes Ayesha is sweet. Hindi katulad ni Lucas na laging nakasimangot. Pero kahit papaano ngumingiti iyang batang iyan. Minsan nga lang.

"Ayesha, Lucas listen to me. Promise me na kahit kailan hinding-hindi na mauulit ulit ito okay? Naiintindihan niyo ba?" I asked them.

"But dad---"

Naputol ang sasabihin ni Ayesha ng biglang nagsalita si Lucas.

"We're just going to do that lang po daddy if si mie ang mag-aalaga samin diba yesha?" Sambit ni Lucas habang bigla siyang tumingin kay Ayesha.

Bigla akong napa-smirk. Lucas. You are really growing up. Napailing na lang ako at napasambit ng "So you want me to take that girl as your nanny, ganun ba Lucas?"

"She is not just a girl daddy! She is our mommy. Why are you like that po?" Biglang sigaw ni Ayesha. Napataas ang kilay ko sa sinabi ng anak ko sabay sagot ng "She is not your mom Ayesha"

Napaikot ang na lamang ang mata niya at humalukipkip ulit.

"Yes dad" sagot ni Lucas kaya napatingin ako sa kanya.

Nakipagtitigan muna ako sa 6 YEARS OLD kong anak at taimtim na nag-isip. Mukha namang ok ang naisip ng anak ko pero that girl. We don't know her. Ngayon ko lang siya nakilala kaya nga nagulat ako dahil kamukhang-kamukha niya talaga si Cleo except sa mahaba niyang buhok, nunal niya sa leeg at tsaka yung mapula niyang labi.

And again, and again, I sighed. Fine. Panalo na ang mga batang makukulit na ito. Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at napasimangot na lamang sila ngunit bigla silang ngumiti sa sinabi ko.

"Fine. If you say so"

...to be continued...

***

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
192K 3.6K 31
#1 Yesha #265 Blake #184 Arranged Marriage
58.6K 1.2K 39
pano kung magising ka isang araw na wala kang maalala kahit pangalan mo? pano kung may umangking iba sa pagkatao mo at ang masama pa ron ito ay kakam...
239K 1.4K 9
Isang babae na nagmahal sa isang asawa na walang ginawa kundi ang saktan ang damdamin niya. Isang babae na handang isakripisyo ang kaligayahan para l...