Nadia's pov
"Paul! Okay na ba ang kambal?" Sigaw ko mula sa taas. Kahit ako ay natetence, excited kasi akong makabalik don.
Pero madami pa ding katanungan ang nasa utak ko. Pano kapag nakita ko si ace? Pano kapag nakita ako ng grupo? Pano kapag nalaman na ng grandpa ni ace na nakabalik nako? Magbabago ba ang lahat? O wala na sa kanila yon paglipas ng tatlong taon?
"Ano Paul? " salubong ko sa kanya pag baba ko.
"Sabi ko kasi sayo magpa maid na tayo noon pa e, ako na bahala sa sahod"
"Ayoko, narining mo naman yun ng libo libo sa bibig ko di ba? " ani ko. Ayoko kasing gumastos para sa pagaalaga sa bata, gusto ko ako ang magaalaga sa kanila. Si mom din kasi antagal nawala pagkalaki ng mga bata.
"Nakapag timpla ka na ba ng Dede nila? Baka mamaya maghubad ka na lang bigla sa eroplano"
"Letche! Bunganga mo nanaman!" Hampas ko sa kanya. Nangaasar nanaman sya, balasa na nga kami dahil baka maiwan kami ng eroplano tapos mangaasar pa sya.
Hanggang sa okay na ang lahat at aalis na lang kami.
"Tara na! Maiwan pa tayo ng eroplano" yaya ko.
"Let's go" ani ni Paul. Inuna ko na ang kambal sa kotse dahil bitbit namin yung maleta, asikaso pa kung pagsasabayin.
Paul's pov
Nakatulog na sya. Pero ilang oras na lang baba na kami di ba? Tagal kasi ng byahe dito dahil ang layo ng pilipinas sa London.
Hinawakan ko ang kamay nya habang tulog sya. Nasa gitna kasi ang kambal, pare-parehas ding tulog. Kung magpipicture kami, para kaming pamilya.
"Sir dito na po tayo, pwede nyo na po gisingin ang pamilya nyo" ani ng playt attendant. Kaya tumango na lang ako at ginising na si lindse pati na rin ang kambal.
"Dito na ba tayo? " ayos nya ng upo.
"Mga anak gising na"
"Mommy san tayo? " ani ni Dwayne habang kinakain daliri nya. Si darzel kasi minsan lang magsalita, Ewan ko Jan bakit ang tahimik. Siguro ganun din ang tatay nya.
Eto na ang pagkakataon ko, nandito na ang swerte sakin. Pero ayoko magexpect na tatanggapin nya ang proposal ko, gusto ko sya na ang maging future wife ko forever, pero sa ngayon iisipin ko muna kung pano ko sya mapapa-oo. Hindi ko na sya dadaanin sa mga pangasar ko. Dito ko magbabago para sa kanya.
"Anak, makikita nyo na mga ninong at ninang nyo" masayang ani ni lindse sa kambal. Dun daw kase sya pupunta sa bestfriend nyang si Darren. Last year ko lang nakilala, dahil nagvideo call sila ni lindse at dun ko sya nakilala.
"Nako, baka makikita na nila ama nila? " pangasar ko habang bit bit ko ang parehas naming gamit. Hawak hawak kasi ni lindse ang kambal in short nahihirapan kami sa kalagayan namin.
"Tigilan mo ko Paul" she's sirious.
Pagdating talaga sa kanya di ko matopic yung ex nya. Seryoso kasi sya pagdating sa ex nya, pero pagdating sa ex ko nakakadami sya.
Nadia's pov
Nandito na kami sa condo. Nakauwi din kami sa wakas, yung kambal pa dumagdag iyak ng iyak. Kaya pinadede ko na at pinatulog para makaayos na din kami ni Paul.
"Mag grogrocery pala ko later, gusto mo sumama? " simula ni Paul habang inaayos damit nya.
"Walang magaalaga sa kambal"
"Ayy oo nga pala, sige ako na lang. Meron pang konting foods Jan na dinala ko, para pag nagutom ka o kayo ng kambal kumain na lang kayo ha? " ani nya at tumayo papuntang cabinet, ilalagay nya kase yung nakahanger nyang damit mga kailangan sa office.
Narealize ko nanaman lahat ng ginagawa ni Paul para samin ng kambal. Naaalala ko lang si ace, kasi bawat galaw ni Paul si ace ang nakikita ko. Sobrang swerte ko na ako ang naging bestfriend ni Paul since elementary, siguro kung hindi ano ako ngayon?
"Thank you Paul ha? "
Napatigil sya at nilingon ako.
"For what? "
"Para sa lahat, siguro kung wala ka. Nandun pa din ako sa London at nagkakabaliw na sa kakaisip"
Nilapitan nya ko at tinabihan.
"Lika nga dito"
Then, he hug me. Sobrang sarap talaga sa feeling kapag may kayakap ka.
"So ngayon alam mo ng hinding hindi ako mawawala sa tabi nyo ng kambal? Kase dito lang ako forever, hanggang sa lumaki ang kambal at sabi ko nga hanggang sa huling tibok ng puso ko sa tabi mo lang ako. Tutulungan ko kayo hanggat sa makakaya ko at di ako magsasawang gawin lahat to sa inyo. Kaya ikaw den, wag ka ring mawawala sa tabi ko"
He said. Naiiyak na ko sa mga sinasabi nya, drama talaga nya kahit kailan, kainis! Kaya di ko maiwan tong lalakeng to e.
Kumalas na kaming dalawa, at di ko namalayan na may luha na palang tumulo sa Mata ko.
"Oo na, letche pinaiyak mo nanaman ako. Di man ikaw ang tatay ng mga anak ko pero ikaw ang tumatayong tatay nila, salamat talaga Paul. Di ako magsasawang magpasalamat sayo"
"Shhh.. Nubayan e, umiyak no?" Yakap nga uli sakin habang hinihimas nya ang ulo ko. Di ko talaga maiwasang umiyak pagdating sa mga seryoso nyang sinasabi. Di ko na talaga iiwan yung lalakeng to realtalk yan! Hehe
"Sorry haha! Ikaw kasi e hilig mo talaga magpaiyak no! " ani ko at tumayo papuntang kusina para maghilamos. Letche napaiyak nya nanaman ako haha!
"Ako pa? Haha baliw naiyak ka lang sa line ko e! " masaya nya ding sabi. Mangaasar nanaman sya kainis, kaya mas gusto ko drama kaysa biruan e, lagi akong talo huhu.
Pero realtalk, nakakapagusap kami ng ganito kaseryoso tungkol sa mga buhay namin. Masasabi ko na ring utang ko lahat to Kay Paul, dahil kahit piso wala aong naambag dito pauwing pilipinas. Kase kahit di ko sabihin sa kanya na nagugutom kami ng kambal kusa nya kaming ibibili. Kaya wala na akong mahihiling pa Kay Paul kundi ang pangaasar nya sain hehe charot.