Tropa

By mykisnotreal

12.8K 404 51

Isang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita ni... More

Author's Note
Chapter 1 - Mga Tao sa Litrato
Chapter 2 - Macario Sandoval
Chapter 3 - New Day Begins
Chapter 4 - Ang Babaeng Nakapula
Chapter 5 - Advance Gifts
Chapter 6 - Days With Raisa
Chapter 7 - Ang Hinagpis ni Tommy
Chapter 8 - Macario vs. Mr. Abuyen
Chapter 9 - K.A.T
Chapter 10 - Pekeng Sulat
Chapter 11 - Cream of the Crop
Chapter 12 - Tommy's Secret Admirer
Chapter 13 - Chumie
Chapter 14 - THE S.W.A.G TEAM
Chapter 15 - Tsinelas
Chapter 16 - Kwintas sa Mahal Kong Babae
Chapter 17 - Ang Rason at mga Dahilan
Chapter 18 - Ang Sikretong Lugar
Chapter 19 - Ang Lihim ni Ferdinand
Chapter 20 - Ako Ang Salarin
Chapter 21 - Confrontation
Chapter 22 - The Bully's Message
Chapter 23 - Stepdad
Chapter 24 - Ang Desisyon ng Ina
Chapter 25 - Mr. Rogers and Peppers
Chapter 27 - Kiss
Chapter 28 - Ang Tunay na Nararamdaman
Chapter 29 - Graduation Speech
Chapter 30 - Tommy's Motivation
Chapter 31 - Ang Aking Mahal
Epilogue - Tropa
What's New?

Chapter 26 - Ang Kuwento ni Henry

151 13 0
By mykisnotreal

Bilis ng tibok ng puso, kaba at takot. Ito ang pangunahing emosyon na nararamdaman ni Tommy ngayon. Sa lakas ng sampal na ito, di niya mawari kung nasira na ba ang pisngi ng kapatid o may nawalang ngipin sa bibig nito. Pero ano man ang sagot, di niya ito maipaliwanag dala narin ng madilim na panahon.

“Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita sa kapatid mo tapos tatraydurin mo lang ako!” sigaw ni Mrs. Acas. Kahit na may pagkadismayado ang tono nito, bakas na bakas naman sa mata niya ang galit at inis kay Henry dahil di ito makapaniwala na tatraydurin siya ng pinakatitiwala niyang anak.

“Akala ko pagkakatiwalaan kita! Bakit mo ako tinraydor ha! Tapos sinigurado mo muna akong tulog para matuloy niyo yang balak niyo! Sino ka ba ha! Sino ka ba ha!” dagdag pa ng ginang habang sinusuntok ang dibdib ni Henry na may kasamang luha.

Madilim man, tanaw parin kahit kaunti ni Tommy ang mukha ng kapatid. Kita nito ang mapulang pisngi ni Henry at ang maluha-luhang mata nito. Kita niya rin na buong loob na sinasalo ng kanyang kuya ang mga malalakas na suntok mula sa magulang.

“Walang kang kuwenta!” paulit-ulit na sermon ni Mrs. Acas.

Patuloy pa ang pananakit ni Mrs. Acas kay Henry hanggang sa unti-unti ng namanhid ang katawan nito sa malalakas na suntok. Ilang saglit pa’y biglang nalipat ang galit ni Mrs. Acas kay Tommy. Gagawin na niya sana ang ginagawa niya kay Henry kanina pero iaangat pa lamang nito ang kamay nito nang biglang hinarangan na siya ni Henry.

“Ma, tama na!” sigaw agad ni Henry.

“Ma, ako ang may kasalanan dito ‘di si Tommy. Ako ang sumaway sa utos niyo. Pinagbigyan ko lang naman siya sa gusto niya dahil naniniwala akong di naman masamang impluwensiya ang mga kaibigan ni Tommy. At kung kailangan mo ng patunay ma, ako na ang magpapatunay sa’yo. Nakilala ko sila ngayon at lahat sila mababait. Ma, walang kasalanan si Tommy at maski ang mga kaibigan niya walang kasalanan,” paliwanag ni Henry.

“HA! At ngayon nasira narin ang utak mo Henry? Naano ka narin ba ng Macario na yan HA?! Kaya mo ba ako sinasagot-sagot dahil narin ba sa Macario na yan?!” galit na sigaw pa ni Mrs. Acas.

“Di ma. Maayos pa pag-iisip ko. Wala ring ginawang masama si Macario sa akin. Alam mo ba ma kung anong problema? Ang problema, akala mo mangyayari rin kay Tommy ang nangyari kay Kevin. Ma, ibahin mo si Tommy sa kanya dahil matino si Tommy! Ako na mismo ang nagsasabi nun ma. At naniniwala akong malayong mangyari sa kanya ang nangyari sa kuya niya,” sabi ni Henry.

Nabigla si Tommy. Nabigla siya dahil bukod sa ngayon niya lang nakita si Henry na pinagtanggol siya ng ganito, ngayon niya lang din narinig ang pangalan na Kevin.

Si Mrs. Acas naman ay dali-daling nagbago ang emosyon nang marinig naman ang pangalang ito. Litong-lito man si Tommy pero nakikita niyang prarang importanteng tao ito sa buhay ng ina.

“WAG NA WAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NI KEVIN DITO DAHIL WALA KANG KARAPATAN!” sabi pa ni Mrs. Acas.

Di naman sumagot si Henry pero bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa kanyang sinabi.

Tumalikod ang kanilang ina, galit, pero umiiyak na umakyat papunta sa kuwarto nito. Nang tuluyan na itong mawala, napatigil naman sa kinatatayuan si Henry at biglang yumuko. Agad nag-alala si Tommy at hinaplos ang likod ng kapatid.

“Kuya,” malungkot nitong tono at imbes na pansinin ni Henry ay bigla rin itong umalis at umakyat. Naiwan si Tommy na gulat na gulat parin sa mga nangyari.

Buong umaga nasa kuwarto si Tommy. Di niya alam kung may nagluto ba ng almusal dahil sa nangyari kagabi o kung kumain man lang ang kanyang kuya o kanyang ina. Buong araw lang siyang nasa kuwarto dahil di niya alam kung anong mukha ang kanyang ihaharap. Dito’y naglaro na lamang siya ng mga laruang binigay sa kanya ni Macario.

Maya-maya, nang di na mapakali sa loob ng kuwarto si Tommy ay napagdesisyunan na niyang lumabas. Bumaba siya at doon ay nagulat siya sa kung anong nakita niya; walang lutung ulam, nakasara pa ang pintuan sa kanilang sala. Halatang walang ni-isa sa ina at kapatid ni Tommy ang bumaba. Pare-parehas pala silang nasa kuwarto ng buong umaga.

Naupo si Tommy at binuksan ang t.v. ngunit nabagot rin siya agad kung kaya’t pinatay niya rin ito. Nahiga siya sa sofa pero biglang napaupo ulit dahil di siya mapakali. Binuksan niya ang pintuan, umupo sa garahe pero pumasok rin ulit.

Di na alam ni Tommy ang gagawin. Kumatok kaya ako? Sabi niya sa kanyang sarili pero di niya magawa dahil may kung anong pumipigil sa kanya.

Tumingin si Tommy sa orasan. Ilang minuto nalang at tanghalian na pero wala paring pagkain ang nakahain sa kanilang mesa kung kaya’t nagdesisyon siyang siya nalang ang magluto ng tanghalian. Ang problema nga lang ay di marunong magluto si Tommy ng kahit ano. Tanging mga prito katulad ng itlog, hotdog lang ang kanyang kayang lutuin. Pero pagdating sa mga tunay na ulam, walang-wala siyang alam.

Pagkatapos magluto ni Tommy ng medyo sunog na itlog, kumuha siya ng dalwang plato, nilagyan ito ng tigtatalong sandok ng kanin at saka nilagyan niya rin ito ng kanya-kanyang ulam. Ito’y ibibigay niya para sa kanyang kapatid at kanyang ina.

Unang kumatok si Tommy sa pintuan ng kuwarto ni Henry. Masuwerte siya dahil pinapasok siya ng kanyang kapatid sa loob. Pagbukas ni Tommy ng pintuan, nakita niyang nakaupo mula sa isang bedside table si Henry habang nakadungaw sa may bintana.

“Kain na kuya,” mahinahong sabi ni Tommy.

Napalingon si Henry at nagtanong, “Ikaw nagluto niyan?”

Tumango si Tommy. “Di ko alam na marunong ka palang magluto,” sabi pa ni Henry.

“Sunog nga eh,” kamot naman sa ulo ni Tommy sabay lapag ng pagkain sa lamesita ni Henry.

“Pasensiya na ah. Di ko kasi alam na kailangan na palang hinaan yung apoy pag lagay mo ng itlog sa kawali eh. Pero sigurado akong—,”

“Kamusta naman si mama?” putol ni Henry kay Tommy.

Nabigla naman ang binata sa tanong ng kanyang nakakatandang kapatid pero sa totoo lang, di niya alam kung anong isasagot. Naintindihan naman agad ito ni Henry at biglang sumubo ng isang kutsara sa pagkaing binigay ni Tommy.

“Hmmm, nasobrahan ka sa asin,” sabi ni Henry.

Natawa nalang silang dalawa sa sinabi nito.

Sumunod namang kumatok si Tommy sa pintuan ng kuwarto ng kanyang ina at katulad ng inaasahan, di ito sumagot. Naisip ni Tommy na siguro’y hanggang ngayo’y wala parin ito sa mood. Pero kumatok pa ulit ng isang beses si Tommy at katulad parin kanina, di parin sumagot ang kanyang ina.

Walang nagawa ang binata kung hindi ang dalhin nalang ang di nagalaw na pagkain sa kusina at takpan ito upang di galawin ng langaw. Pagkatapos ay umupo nalang si Tommy sa sala, nanood ng t.v at nahiga sa sofa.

Dumating ang kinagabihan. Di napansin ni Tommy na nakatulog pala siya kanina. Pagkagising niya, may kung ano siyang naamoy na mabangong ulam mula sa kusina. Pagsilip niya, si Kuya Henry niya ito na nagluluto ng sinigang.

“Di parin ba lumalabas si mama sa kuwarto niya?” tanong ni Tommy na ikinagulat naman ni Henry sapagkat di niya inaasahang nasa likod niya lang pala ang binata.

“Di pa eh. Nababahala na nga ako,” sabi ni Henry.

“Sige, ako nalang magdadala ng pagkain sa kuwarto niya,” sabi naman ni Tommy na agad namang sinang-ayuan ni Henry.

Ilang sandali pa’y naluto na ang masarap na ulam. Agad naman nilang sinandukan ang plato ng kanilang ina at agad namang hinatid ito ni Tommy sa kuwarto nito.

Pagdating niya doon, kumatok agad si Tommy sa pintuan pero katulad parin kanina, walang sumasagot. Dito’y sinimulan ng kabahan ang binata tungkol sa nangyayari sa loob.

“Ma, dinalhan kita ng hapunan,” sabi ni Tommy kahit na may halong kaba sa kanyang tono.

Katulad parin ng nauna niyang katok, walang nakuhang sagot si Tommy ngunit katahimikan lamang. Katahimikan na mas lalo pang nagpapakaba sa kanya.

Hanggang sa maya-maya’y wala na siyang nagawa kung hindi ang buksan nalang ang pintuan ng kuwarto pero nabigo siya dahil maski ang pintuan ay nakalock mula sa loob. Doon ay tinawag niya nalang ang kanyang kapatid para tulungan siyang buksan ang pinto.

Agad-agad namang kinuha ni Henry ang susi at agad niyang pinuntahan si Tommy. Di maipaliwanag ang pinta sa mukha nito dahil sa nangyayari. Ilang sandali pa’y nanginginig na binuksan ng dalawa ang pinto gamit ang mga susi at makalipas ang ilang segundo ay nagwagi silang buksan ito.

Isang kakaba-kabang eksena ang naabutan nila sa loob ng kuwarto. Magulo ang kama, nakakalat ang mga unan sa sahig at doon din ay nakahiga ang kanilang ina na tila walang malay habang hawak-hawak sa kanang kamay nito ang larawan ng isang batang lalaking kasing edad ni Tommy. Mukhang bago lang nangyari ito dahil nang lumapit ang dalawang nag-aalalang binata sa ginang ay kita pa nila ang mga sariwang luha sa pisngi ni Mrs. Acas.

Ang bilis ng tibok ng puso ni Henry ang nakatulong upang mabuhat niya agad ang ina. Dali-dali namang lumabas ng bahay si Tommy upang makahingi ng tulong sa mga kapitbahay...

“Inatake sa puso ang nanay niyo. Ano ba ang nangyari bago mangyari to?” tanong ng doctor kanila Henry at Tommy sa hallway ng emergency room.

“Nagkaroon po kasi kami ng kaunting sagutan kagabi doc,” tapat namang sagot ni Henry.

“Ganun ba?” tanong naman ng doctor sabay pamewang. “Iho, iwasan na natin sa susunod ang mga ganito ha? Mahirap na kasi kapag lumala ang sakit ng nanay niyo,” pahabol ng doctor bago ito tuluyang umalis.

Unti-unti ng nawala ang kaba at takot kanila Tommy at Henry dahil nakakasiguro na silang nasa mabuting kalagayan na ang kanilang ina. Umupo muna sila sa isang bench na nakita nilang malapit sa basurahan at huminga ng malalim. Nang makahanap na ng tamang tiyempo si Tommy ay nagsimula na itong magtanong tungkol sa litratong nakita niyang hawak-hawak ng ina kani-kanina lamang.

“Yung h-hawak bang litrato ni mama kanina, yun ba si Kevin?” tanong ni Tommy na animo’y batang curious na curious tanungin kung paano nga ba gumagana ang ulan.

Napalingon naman agad si Henry kay Tommy. Napatayo siya bigla, halatang ayaw niyang sagutin ang tanong ng kapatid. Agad naman siyang sumampa sa pader.

“Kuya, sino si Kevin? Siya ba yun ha? Sagutin mo ako!” medyo naiirita ng tanong ni Tommy.

Pero di parin sumagot si Henry. Agad siyang naglakad papalayo ngunit mukhang inaasahan na ito ni Tommy. Tumayo rin siya, hinabol ang kapatid at pinigilan ito sa balikat. Di naman na nakagalaw si Henry at humarap nalang kay Tommy. Doon, napansin ni Tommy ang nanginginig na kamay ng nakakatandang kapatid, waring may tinatagong lihim na di niya dapat puwedeng malaman.

“’Pag sinabi ko ba sa’yo, pangako mo ba sa aking ‘ding-hindi ka magugulat o ano?” tanong ni Henry habang nanginginig ang kamay at ang tono ng boses. Tumango naman si Tommy.

Huminga muna ng malalim si Henry bago bumalik sa upuan na kinauupuan nila kanina. Kinakabahan man pero sinubukan ni Henry na sagutin lahat ng tanong ni Tommy.

“O-oo, siya si Kevin,” sabi ni Henry. Pinigilan naman ni Tommy ang nanginginig na kamay ng kuya.

“Sino ba siya? Bakit parang galit na galit si mama nung binanggit mo ang pangalan niya?” tanong pa ni Tommy.

Medyo maluha-luha na ang mga mata ni Henry pero pinilit niya paring magsalita.

“K-kapatid mo siya Tommy,” biglang sabi ni Henry.

Agad namang napaupo ng tuwid si Tommy, mata ay nakatitig ng mabuti sa mga mata ni Henry. Ilang sandali pa’y may bigla siyang naramdamang mali sa sinabi ng kapatid.

“Sandali? Kapatid ko? Bakit di mo ba siya kapatid?”

“Di. Dahil di rin kita tunay na kapatid. At di ko rin tunay na nanay si mama,” pagtatapat ni Henry.

Napabitaw sa kamay ni Henry si Tommy at sabay napaatras ng upo. Di niya maipaliwanag kung anong gagawin niya sa narinig kay Henry. Di niya raw tunay na kapatid? Anong ibig sabihin ni Henry? Gusto pa marinig ni Tommy ang susunod na sasabihin ng kuya.

“Ampon ako Tommy,” sabi pa ni Henry.

Bigla namang nakuha nito ang atensiyon ni Tommy na kanina pa gulat na gulat. Ito ay dahil noon, inisip niyang siya mismo ang ampon dahil iba ang trato sa kanya ng kanyang ina. Ayun pala ay ang taong dati niyang kinaiinisan mismo ang ampon sa pamilya nila. Pero ang di niya parin maintindihan ay kung sino nga ba talaga si Kevin. Paano siya naging kapatid nito at kung nasan na siya. Kailangan niya ng kumpletong paliwanag.

“Galing ako sa mahirap na pamilya. Anim na taon palang ako noon nung pinagsimulan na nila akong pagtrabahuin. May sakit ang nanay ko ‘nun at lasinggero ang tatay ko kaya wala akong choice kung hindi ang sundin lahat ng sasabihin ng tatay ko,” napayuko si Henry sabay punas ng luha.

“Pinagtinda niya ako sa kalsada at kapag kulang o kaunti yung napagbentahan ko, pinapalo niya ako at sinasaktan. Dalawang taon kong pinilit yun kahit na manhid na manhid na ang katawan ko dahil sa pasa at sugat, hanggang isang araw, pag-uwi ko galing sa pagbebenta, naabutan kong patay na ang nanay ko,

“Simula nun, mas lalong tumindi ang pananakit sa akin ng tatay ko. Ako ang sinisi niya sa pagkamatay ng nanay ko. Sabi niya, kung sapat lang daw ang nabibigay ko araw-araw edi sana nakabili kami ng gamot kay mama. Tommy, ang tanga niya! Dapat siya ang nagtrabaho di ako! Bata lang ako, bata lang ako,” iyak pa ni Henry habang nakatakip ang mukha. Naawa naman si Tommy at lumapit rito. Hinaplos niya ang likod nito upang patahain sa pag-iyak.

“Lumayas ako nun. Tatlong araw ako namalagi sa kalsada at nagpalaboy-laboy. Sa sobrang gutom, nahimatay nalang ako bigla. Akala ko mamatay na ako dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Akala ko dun na matatapos ang lahat. Pero pagkagising ko, nakahiga na ako sa malambot na higaan ng ampunan,

“Nagulat nalang ako dahil puro madre na ang nakikita ko sa paligid ko. Naalala ko ring pinaghahanda nila ako ng masarap na pagkain para makabawi ako sa mga araw na wala akong kinain. Para sa akin nun, langit na yung ampunan dahil sobrang layo nun sa pamumuhay ko sa bahay. Namalagi rin ako ng isang buwan doon hanggang sa isang araw, bigla nalang may aampon raw sa akin at yun na nga sila mama at papa,”

“Sobra daw silang naawa sa kuwento ko kaya kinuha nila ako para ampunin. Natuwa naman ako dahil sa wakas, magkakaroon na ulit ako ng bagong pamilya. Pero isa lang ang di natutuwa sa pagdating ko sa bahay. Si Kevin,”

Mas lalo pang nakinig ng mabuti si Tommy.

“Si Kevin ang panganay na anak nila mama at pinagbubuntis ka palang noon. Mas matanda nga lang si Kevin sa akin ng apat taon kaya kuya ang tawag ko sa kanya,

“Iba ang trato sa akin nila mama. Sobrang bait nila sa akin. Halos araw-araw nilang tinatanong kung ano ang kundisyon ko, kung ayos lang ako. Lagi rin nila akong binibilhan ng bagong damit at pinapakain ng masasarap na pagkain. Di nga nila pansin na grabeng oras at panahon na ang ginugugol nila sa akin dala narin siguro ng awa dahil sa pinagdaanan ko noon,”

“Pero sa tuwing umaalis sila, lagi akong inaaway at pinapaiyak ni Kevin. Sinasaktan niya ako dahil sabi niya, malas daw ako. Kinuha ko daw lahat ng atensiyon ng nanay at tatay niya at gusto niya akong umalis,

“Pero kapag dumarating sila mama at papa, ang bait niya sa akin. As in sobrang bait. Ako naman, di ko masabi kanila mama at papa ang ginagawa niya dahil sabi niya sa aking huwag daw akong magsumbong,”

“Hanggang sa isang araw, nakita nila mama at papa ang pasa sa katawan ko dahil sa mga bugbog sa akin ni Kevin. Sa sobrang takot, nasabi ko sa kanila ang totoo. Nung nalaman nila yun, nagalit sila ng sobra kay Kevin. Pinalo nila siya at pinagsabihan. Pero imbes na tumino, mas lalong lumaki ang galit sa akin ni Kevin. Mas lalo siyang nainis sa akin at mas lalong gusto niya akong umalis,”

“Kakapanganak palang sa’yo ni mama nun ng tumindi pa lalo ang ugali ni Kevin. Kung dati, inaaway niya ako kapag wala si mama at papa, ngayon, kahit sa harap nila pinagsisigawan niya ako at inaaway. Wala na rin siyang pinapakinggang kahit na sino at mas lalo pa siyang nagagalit kapag pinagsasabihan siya,

“Sinubukan kong lapitan at maging mabait parin sa kanya pero tinataboy niya ako. Sinasabihan niya akong plastic dahil sa ginagawa ko. Minsan nga naisip kong bumalik nalang sa ampunan para di na magalit sa akin si Kevin pero sa tingin kahit na gawin ko yun, hinding-hindi niya ako mapapatawad,”

Napahinga ng malalim si Tommy at napuno ng pagsisisi ang loob niya ngayon dahil sa mga ginawa niya dati at inisip kay Henry. Di niya alam na ganito pala ang tunay na kuwento ng kapatid.

“Isang taon mahigit ka noon ng mapalapit si Kevin sa mga kaibigan niya lalo pa pagkatapos mamatay ni papa dahil sa sakit. Pero ang mga kaibigang yun ay di magandang halimbawa kay Kevin. Dahil sa mga kaibigan niya, natuto siyang mag-inom at magbisyo na mas lalo pang ikinagalit nila mama,”

“Kinausap namin siya ni mama pero mas lalo pa siyang nagrebelde. Sa galit pa nga noon ni mama sa mga kaibigan niya, sumugod siya ng eskuwelahan at inaway ang mga kaibigan ni Kevin. Nung malaman niya yun, nagalit siya lalo na kay mama dahil wala daw siyang karapatang ganunin ang mga kaibigan niya,

“Simula nun, di lang si Kevin ang nagbago, pati narin ang ugali ni mama. Napuno na ata siya kay Kevin dahil halos araw-araw siya nagagalit dito dahil parin sa mga kaibigan niya. Halos linggo-linggo nakakatanggap si mama ng sulat galing sa eskuwelahan at halos linggo-linggo rin siyang pumupunta sa mga conference dahil kay Kevin. Hanggang isang araw, dumating na nga ang kinakatakot ni mama,”

Umulan pa ng kaba ang dibdib ni Tommy dahil mukhang di maganda ang kanyang maririnig.

“Naaksidente si Kevin kasama ang mga kaibigan niya. Pumunta sila sa malayong lugar at di man lang nagpaalam si Kevin. Naalala ko pang gabi bago mangyari yun, nag-away sila ng todo ni mama. Pero huli na ang lahat. Nasa kritikal na kundisyon si Kevin hanggang... hanggang sa mamatay siya,”

Muntik-muntikan ng matumba sa kinauupuan si Tommy. Namatay ang kanyang kapatid ng di man lamang niya ito nakikilala. Pinigilan niya nalang ang luha sa kanyang mga mata dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang lungkot kay Henry.

“Grabe ang epekto ng pagkamatay ni Kevin kay mama. Halos isang linggo siyang di lumalabas ng kuwarto niya dahil sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Kevin. Isinugod pa nga siya sa hospital dahil sa ilang araw siyang di kumakain. Natakot ako dun Tommy. Natakot ako dahil ayaw kong pati si mama mamatay. Ayokong mawala sa akin ang bago kong pamilya. Kaya sinimulan kong alagaan si mama at pinangakong kahit kailan, di na babanggitin ang pangalan ni Kevin para di na ulit siya masaktan,

“Ilang buwan noon bago tuluyang maka-move on si mama. Halos sa loob ng ilang buwan na yun, ako ang nag-alaga sa’yo. Simula rin nun, pati mga kaibigan ko, pinag-isipan narin ng masama ni mama. Wala akong ginawa, sinunod ko siya dahil ayaw kong magalit ulit siya katulad ng pagkagalit niya kay Kevin noon. Yun siguro ang dahilan kung bakit napalapit ang loob ni mama sa akin,”

Bigla namang napaupo ng maayos si Tommy at napayuko. Unti-unti na niyang naintindihan si Henry pati ang kanya ina. Lubos siyang nagsisi sa mga ginawa niya noon at hinihiling niyang sana ay maibalik ang oras upang maitama ang pagkakamali niya.

“Tommy, alam kong masama ang loob mo sa akin pati kay mama. Di kita masisisi dahil kahit na para sa ikabubuti mo ang ginagawa namin, alam kong nasasaktan ka dahil di mo maintindihan yun. Tommy, kahit ano man ang galit na mayroon ka kay mama, wag mong kakalimutan na mama mo parin siya. Mabait siya Tommy. Mabait siya dahil kahit di niya ako tunay na anak, minahal niya naman akong parang tunay niyang anak. Nabulag lang siguro si mama tungkol sa nangyari kay Kevin kaya siguro masama na lahat ng tingin niya sa lahat ng kaibigan,”

Napatingin ulit si Tommy kay Henry.

“Tommy, sorry. Sorry sa lahat ng nagawa kong masama sa’yo nun. Kung alam mo lang sana na noon pa man, gusto ko ng sabihin sa’yo lahat ‘to—pero, di ko lang masabi dahil nag-aalala ako kay mama,”

“Dapat nga ako ang humingi ng tawad eh,” bigla namang sabi ni Tommy.

“Kasi ilang taon ako nagtanim ng galit sa inyo ng di ko man lang naiintindihan ang tunay na nangyari. Di ako nakinig kay Macario na patawarin ko kayo dahil nga sa nabaon na ako ng galit.  Pero ngayon naintindihan ko na,” sabi pa niya sa malungkot na tono.

“Alam mo kung anong bagay ang di naintindihan ni mama?” tanong ni Henry. Biglang napatingin si Tommy sa kanya.

“Ay yung pinagpala ka ng mabubuting kaibigan. Kasi sila, tinuruan ka ng mabubuting bagay. Yun ang bagay na di naitindihan ni mama dahil maski siya, nabaon sa nakaraan,” dagdag ni Henry.

 

Sa isang napakatahimik na kuwarto ay nakahiga ngayon si Mrs. Acas habang nakatingin sa bintana kung saan malayang pumasok ang liwanag ng araw dito. Sa sobrang tahimik ay maririnig mo rin ang mga huni ng ibon at maski ng malalaking ECG sa tabi ng ginang.

Sa braso naman niya’y dalawang malalaking karayom ang nakatusok papunta sa isang dextrose bag na nakalambitin sa kanyang ulunan.

Agad namang nawala ang nakakalunod na katahimikan nang biglang bumukas ang pintuan sa kuwartong hinihigaan ni Mrs. Acas. Doon ay nakatayo si Tommy habang nakasilip sa kanyang ina.

Pumasok siya sa loob, sinara ang pintuan at nilapitan ang ginang na di man lang lumingon upang tignan kung sino ang pumasok. Pumunta si Tommy sa harapan ni Mrs. Acas, naupo at hinaplos ang buhok ng ina.

Si Mrs. Acas naman na pilit paring nagkukunwari na di niya nakikita si Tommy ay biglang nalungkot ang mukha habang nakatitig sa bintana. Ilang saglit pa’y biglang napaluha si Tommy na dahilan para maluha rin ang ginang.

“Ma, sorry,” sabi ni Tommy habang hinahaplos ang buhok ng ina. “Ma, sorry...s-sorry,” paulit-ulit na paumanhin ng binata.

Sa wakas, matapos ang paulit-ulit na linyang ito ni Tommy ay napatingin narin si Mrs. Acas sa anak. Ang tingin na ito ay ibang-iba sa itsura ni Mrs. Acas sapagkat ito ang itsura ng tunay na ina na sobrang nag-aalala sa anak. Ang itsurang nawala sa kanya pagkatapos mamatay ni Kevin.

Ilang sandali pa’y mas lalong tumulo ang mga luha sa mata ni Mrs. Acas. Halos wala na siyang makita kung hindi ang mga luha sa kanyang mata. Hinaplos niya rin pabalik ang buhok ng anak na mas lalo namang nagpaiyak kay Tommy.

“Ma,” iyak pa ni Tommy dahil ngayon niya lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Sa halos ilang taong galit niya sa ina, naramdaman niya rin ang pagka-ina ni Mrs. Acas. Doon ay biglang napayakap si Tommy habang humahagulgol ng iyak.

“Pangako ko magiging mabuti akong anak. At pinapangako ko rin sa’yo ma na kahit kailan di naging masamang impluwensiya sa akin sila Macario. Mabuti silang kaibigan ma,”

Di nakasagot si Mrs. Acas. Napahigpit pa nga lalo ang yakap niya sa anak.

Ang di nila alam, palihim rin namang sumisilip sa pintuan si Henry. Maski siya, umiiyak dahil ngayon niya lang din nakita ang ganitong eksena sa pagitan ni Tommy at kanyang ina. Pero ang buong akala niya ay talagang di siya makikitang nakasilip. Nagulat nalang kasi siya bigla ng makita niya ang kamay ni Mrs. Acas na nakataas at nakatapat sa direksyon kung saan siya nakatayo.

“Henry,” bigkas ni Mrs. Acas.

Di na nagdalawang isip pa si Henry. Agad siyang lumapit sa ina, niyakap ito, hinalikan sa noo at pinunasan ang mata.

 Sa buong buhay ni Tommy, ito na ata ang araw na hinding-hindi niya makakalimutan...

Continue Reading

You'll Also Like

71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
348K 8.7K 48
An extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance
21.8K 704 46
Pagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging m...
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...