BOOK 1: Hired Boyfriend [Kath...

By Debbiee

744K 10.9K 797

[BOOK 1 COMPLETED. NO SOFT COPIES] CARMELLA was a certified NBSB. But one day, a guy came into her school an... More

Hired BOYFRIEND...
Characters
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
ANNOUNCEMENT

Twenty One

18.4K 297 28
By Debbiee

 

“Ready ka na ba CC?” tanong ni Paolo sakin

“Oo naman noh!!” pagyayabang ko

“Sure girl? May time pang magback-out!” Britney

“Sige na labas na tayo!!” sabay hila ko sa kanila palabas ng bahay namin

Nagpaalam na ako kina Mama.

Nasa labas naghihintay sina Mica at Black. Ito na talaga! Wala ng urungan, inayos na ni Paolo at Black ang mga gamit sa likod. Van ang gamit namin, van nila Black na kasya talaga para saming lima. Umaasa akong titingin sakin si Black kaso wala.

Hays!

Ito na talaga! Ang outing namin for two days sa beach nila Mica sa Batangas. Hays! Good luck nalang sakin at sana walang mangyayari na ikakagalit ni Mica.

“Pasok na tayo!!” yaya ni Mica samin

Sumunod din naman kami.

Nasa front seat syempre si Mica at si Black naman ang magmamaneho,nasa likod kaming tatlo. Katabi ko si Britney at si Paolo na sa kaliwang bintana, ako naman ang nasa kanan.

Umandar na ang kotse, at sabi ni Mica two hours lang ang biyahe.

Habang nas biyahe kami, sila Britney, Mica at Paolo lang ang nagkwikwentuhan. Si Black tahimik lang sabagay ganyan naman talaga siya! Kaya nagkinig nalang ako ng music, dalawang battery ang dala ko at baka madeadbat ako sa daan dahil hindi ko pa naman nacharge ang phone ko.

Now playing: Prinsesa by DANIEL PADILLA

Ganyan talaga ng music na ito, halos lahat ng songs ni DANIEL PADILLA na download ko na sa phone ko ^////^

Halos 30 minutes na kaming nagbibiyahe at ang tatlo ay nakatulog na. Sa daan lang ako nakatingin at pansing kong ang bagal magpatakbo ni Black.

Tiningnan ko siya sa may mirror, at hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya pero ang mas kinagulat ko ay tiningnan niya rin ako sa may mirror sabay ngiti?

O/////////O

Umiwas agad ako ng tingin dahil namumula na naman ako, argh! Mas lalo ko siyang namiss.

BAHALA NA NGA!!

--

“Gising na!!”

“Hmm?” Britney

“Hays!! Britney may naghahanap na lalaki sayo!!” bulong ko sa kanya

“HAA!? TALAGA? NASAAN NA SIYA!!!?”

Napatayo siya agad at nag-ayos ng sarili. Lagi talaga umaapekto sa kanya ang mga ganito ^__^

“Joke lang!”

“CC naman!! Maganda na sana yung panaginip ko!!” sabay pout niya

“HAHAHA baba na jan, nandito na tayo!!” sabay baba ko ng kotse

Nakababa na din si Paolo at si Black ay binuhat si Mica papuntang kwarto niya. Hays, naalala ko yung birthday ni Britney.

Erase na nga!!

Sumunod na kami sa loob, ang ganda ng vacation house nila Mica. Yari lahat sa kahoy at may mga antique na mga gamit tulad ng vases at iba pa. Nasa may pinto lang kami kasi nakakahiyang pumasok talaga sa loob. Maya-maya nakita namin si Paolo.

“Pasok na tayo, nandon sa mga kwarto ang mga gamit niyo guys!” sabi ni Paolo

Sinamahan niya kami papuntang kwarto daw namin. Isang floor lang ang bahay bakasyunan nila Mica, pero malaki dahil sa kabilang side ng bahay ay mga kwarto na.

Magkasama kaming tatlo sa kwarto. Ngunit si Paolo na kabilang side tapos may pintong pagitan samin. Magkasama naman kami ni Britney.

Nag-ayos na kami ni Britney ng gamit.

“Girl baka magkasama sina Mica at Black!”

“Siguro nga”

“Tapos girl baka uhm you know yung ganun!!”

“Hayaan mo na sila Britney!!” saway ko sa kanya

“Pero girl hindi ka ba talaga nasasaktan?” napahinto ako sa tanong niya

“Alam mo na ang sagot diyan Britney!”

“Okay!”

Pagkatapos mag-ayos ay nagyayang magtanghalian si Mica. May mga tagapangalaga sila dito.

“Sarap naman nito!!” si Britney sabay higop ng sabaw

“Syempre naman si Mama Elena ang nagluto niyan!!” si Mica

Kwento lang ng kwento si Britney at Mica, nakisali na din si Paolo. Ako naman tahimik lang, sana hindi nalang ako pumunta dito NAKAKAILANG TALAGA!

Akala ko hindi mahirap pero yung feeling na nakikita mo siya, tapos siya parang hindi ka niya kilala. Alam niyo yun? Masakit eh! >__<

Nakikita mo siyang kasama ang kaibigan mo MASAKIT!!

Ahaha PBB CLODET lang ang peg :p

Hayaan niyo na ako, naghahanap lang ng paraan para sumaya.

Pagkatapos kumain ay nanunood lang ng TV sina Mica, mainit pa kasi para magswimming, ayaw umitim ni Britney.

Kaya ako lumabas muna.

Malawak ang white beach nila Mica, maraming mga bakasyunisa. Medyo malayo yung bahay nila Mica sa main place ng beach. Maglalakad ka pa bago makarating sa main place na kung saan naroon yung Hotel, mga kainan at iba pa.

Naglakad nalang muna ako kahit mainit pero mahangin naman. Nakakailang lakad ako ng makita ko si Black na nakaupo sa buhangin. Nakatingin lang sa may dagat. Mukhang malalim ang iniisip at hindi namalayang nandito ako.

O baka ayaw niya talaga akong tingnan.

Hays (__=)

“CC!!!?”

--

“CC!?”

CC daw?

Napalingon ako sa may kanan ko kung saan ko narinig ang boses at nakita ko nga si Carmella. Na napalingon sa likod niya, nakita kong papalapit ang isang lalaking maputi sa kanya na nakangiti.

Mukhang aso! -___-

Nakalapit na siya kay Carmella, at teka siya yung humalik kay Carmella nung nakaraang araw ah. Yung nakita ko at nagalit ako! Siya yung lalaking iyon!

Bakit siya nandito!?

At bakit ako nakikialam kay Carmella!? >___<

“Ken?” Carmella na may pagtataka

“Sabi ko na nga ba na ikaw yan!!” masayang sabi nung Ken

Kaya ko naririnig ang usapan nila kasi malapit sila sakin! Kaya wag kayong mag-isip ng kakaiba jan at hindi ako chismoso! >__<

“Anong ginawa mo dito?” napalingon si Carmella sakin

“Nagbabakasyon kasi diba sem break natin!” nahihiyang sagot nung Ken mokong

“Ah ganun ba!” nahihiya din si Carmella at napatingin ulit sakin

So may gusto siya sa lalaking yan!!? Diba ganun naman kapag ang babae ay mahihiya means may gusto siya sa isang lalaki!!

ARGH!

“So ikaw anong ginagawa mo dito?” masayang tanong nung mokong

“Ah ganun din hehe!”

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa dagat mas mabuti pa!

“Halika CC, treat kita!!”

“Ah pe—“

“Sige na bilang kabayaran!!”

Naramdaman kong dumaan sila sa may likod ko, sinasadya ata nung mokong na yun!!

Pero anong sinasabi niyang kabayaran!!?

Pumunta ako sa kung saan sila kakain, ganun naman diba? Kapag ililibre ng isang lalaki sa kainan talaga yan at hindi ako nagkakamali. Sa isang sweets store sila pumasok.

Pumasok din ako at hindi ako magiging stalker dahil ang inaalala ko lamang ay si Carmella. Baka anong gawin nung mokong nayun sa kanya!

Umupo ako sa table malapit sa kanila pero nakatalikod kami sa isa’t isa. Nag-order ako ng ice-cream.

“Mabuti nakita kita dito CC!” sabi nung mokong

“Ahehe oo nga noh, small world talaga!”

“Talaga and CC I want to tell you something!!” mukhang  kinakabahan pa ang mokong

“A—ano yun!!?”

Kainis naman oh hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya kay Carmella na parang kinakabahan din si Carmella. Mukhang magtatapat na ang mokong sa kanya!

“Kasi—kasi CC I don’t know kung kailan ito nagsimula pero nangyari na eh!”

“Ang ano Ken?”

“Gusto kita CC, matagal na!!”

Nakaubo ako sa sinabi nung mokong pero agad ko naman itong inagapan. Mahina lang ang pag-ubo ko. At baka marinig nila.

“Pe-pero Ken—“

“Okay lang CC na friends muna ang tingin mo sakin pero hayaan mong ligawan kita!!”

“Pero Ken ayoko!!”

“Sige na CC, hayaan mong ligawan kita!!” pilit ni mokong

“Ayoko nga Ken!!”

“Sige na CC!!”

“Ayoko nga!”

Dahil hindi ko na napigilan ay nakialam na ko, pumunta ako sa kanila.

“Kapag ayaw kaya wag mo siyang pilitin!!” I said coldly sabay hawak sa risk ni CC

Halatang nagulat sila pero agad namang nakarecover yung mokong!

“Wag ka ngang makialam!!” sabi niya sakin

“Eh sa gusto kong makialam, pake mo!” sabay taas ko ng kilay

“Guys tama na!” pigil ni Carmella pero hinigpitan ko ang hawak ko sa risk niya

“Pagkatapos mo siyang SAKTAN ay bigla ka nalang magiging knight in shining armor niya! Bilib naman ako sayo pare (sabay tawa), ang galing mong maglaro ng nararamdaman!!” sarkastikong sabi ni mokong

“Hindi mo alam ang sitwayson kaya wala kang karapatang pagsabihan ako!!” diin kong sabi

“May karapatan ako dahil sinaktan mo ang taong mahal ko! Ng dahil sayo ay umiyak siya, isang walang kwentang tao ang iniiyakan niya!!” ganti naman niya

“TAMA NA!!” napatigil kami sa pagsigaw ni Carmella

Sabay bitaw ng kamay niya at tumakbo palabas.

“CC!!” tawag naming dalawa ni mokong

Nakatinginan kami ng masama.

“Tingnan mo ang ginawa mo!!” sabi niya sakin

“Wag mo akong isisisi!!”

“Ikaw ang may kasalanan ng lahat, nasaktan siya at ngayon ano!? Sinaktan mo na naman siya!! Hindi ko alam kung bakit ang ISANG KATULAD mo ang minahal niya!!” sabay tulak sakin

Lumabas na din ang mokong pero hindi ko maintindihan kung abkit nakatayo pa ako dito. Napako ako sa sinabi ni mokong.

Tama naman siya diba? NapakaTANGA ko talaga na sinaktan ko si Carmella, lahat ng sinabi nung mokong ay tama para sakin.

Pero hindi kahit ngayon lang ay gusto kong mayakap si Carmella.

Kaya naman hinanap ko din siya, ako dapata ng makahanap sa kanya bago pa yung mokong ang mauna.

Takbo ako ng takbo, at hanap ako ng hanap hanggang sa may nakita akong babae na nakaupo sa malaking bato. Nakatingin sa papalubog na araw. Nagiging kulay orange ang kalangitan. Nilapitan ko ang babae at hindi akong nagkakamaling si Carmella iyon.

Bago pa ako makalapit ay minasdan ko siya, nakatitig siya sa araw kahit na sasakita ang mata mo sa kakatitig dito pero makikita mo ang lungkot sa kanya mga mukha.

Lungkot ng dahil sakin!

“CC!?” tawag ko sa kanya

Napalingon naman siya pero walang emosyon

CC hinahanap ka na nila, balik na tayo sa bahay!” yaya ko sa kanya

Nakatitig lang siya sakin pero umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Bakit Black, bakit ang hilig mong saktan ako!?”

“Carmella hindi ko naman alam!” at hindi ko alama ng sasabihin

“Ganun ganun nalang ba ha!? Pagkatapos mong sabihing mahal mo’ko at agad agad mo akong iiwan!!”

Nanatili lang akong tahimik

“Sagutin mo naman ako Black, ayoko ng umiyak pa nakakapagod na!!” sabay lapit sakin

Namumula ang ilong niya at mga mata. Kahit umiiyak siya ay ang ganda niya parin!

Naalala ko yung nasa tabing dagat din kami, at may sunset din nung panahong iyon pero magkasama kami at ngayon ay iba na.

“Ang higit sa lahat ng pinagsisihan ko ay yung minahal kita Black!” sabi niya sakin sabay alis

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya

Ako Carmella

Hindi ko pinagsisihang minahal kita at mahal kita

Ang pinagsisisihan ko lang ay ang SINAKTAN KITA

**********************************************************************************************************

Author’s Note

~Thanks for reading!

~Thanks for the votes!

~Thanks for the comments!

~Thanks for adding to your library!

~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!

I LOVE YOU ALL ^_________^

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 423 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
43K 571 13
CRUSH♡ || COMPLETED All Rights Reserved © 2013 PinkaholicMinamiChan' Storyline ♥
5.5K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
2.7K 59 9
Isang gangster ang nakipaglaro sa isang palaban ng ISANG FAKE RELATIONSHIP. At posible kaya yung GANGSTER NA NASA ISTORYA NA ITO AY MAPAGBAGO NANG IS...