BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 23: Savage Chameleon 1

9.2K 165 11
By vixenfobia

Confession 23: Savage Chameleon 1

 

Kris’ POV

 

Oo, desperado na akong tao para maisipang lapitan si Alice sa hindi ko rin malamang kadahilanan. Instinct ko lang ‘to na siya na ang lapitan dahil hindi maasahan si Coller sa mga panahon na ito. He’s damn missing in action! F*ck it! Kung kailan naman kasi kailangan namin siya bilang leader ng Temple Island saka naman hindi siya mahagilap sa kahit saan. P*nyeta pang cellphone at email niyang ‘yan dahil wala namang silbi sa paghahanap sakanya! Nakita ko ng minsan kung paano lumaban si Alice at alam kong matalino rin ito kaya kahit naman suntok sa ego ko ‘to, no choice but to swallow my pride and asked for her help.

At kung bakit ako ganito umarte ng malaman ko kay Tao ang mga banta sa buhay ni Tyra? Simple lang. Girlfriend ko kasi si Tyra Huang. At isa pang nakakagulo sa isip ko ay kung sino ang gagawa nito dahil wala na kaming atraso sa kahit na sinong gang. Tahimik na rin ang Arendelle Mafia kaya wala akong kahit na katiting na clue kung sino ang gumagawa ng mga threats na ‘to. I even plead para lang dito. Put*ngna lang talaga!

“Anong maitutulong ko?”

 

Parang gustong magdiwang ng kalooban ko noong marinig k okay Alice ang mga katagang ‘yan. Pinagmasdan ko muna siya na hindi kakikitaan ng kahit na anong emosyon, maging ang mga mata nito ay blangko pero wala na muna akong pakialam doon. Basta kailangan ko siya para matigil na ang mga threats na ito.

“Mamaya, magkita tayo sa place ni Tao. I’ll send you the address,” sagot ko sakanya na may tipid na ngiti.

Tumango lang ito at akmang aalis na ng napatigil ito at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran ko kung nasaan ang pinto. Tumalikod na rin ako para tingnan ang dahilan ng ikinatigil niya ng mapansin ang dalawang tao.

“May kausap ka pala. Siguro next time na lang natin ituloy ang laro natin, may pupuntahan rin kasi ako,” sambit ng isang haponesa kay Alice bago sandaling ibaling ang tingin sakin. Ngumiti ito bago ibalik ang tingin kay Alice. “Biglaan kasi e,” nahihiyang dugtong niya.

Binaling ko naman ang tingin kay Oz Bezarius na matalim na nakatingin sakin habang nakakuyom pa ang mga kamay. Halata sa pagtagis ng panga nito na hindi niya gusto ang nakikita niya. I know what he’s thinking now but I don’t give a f*cking care anymore. Nagpunta ako dito na may malinis na intension kaya hindi ko kailangang magpaliwanag sakanya kung bakit nasa loob ako ng girl’s shower room kasama ang rumoured girl na idinedate niya. Pero as a token for Alice’s help, magpapaliwanag ako kahit na hindi naman kailangan. Ayoko lang maging dahilan ng away nila. May Tyra na ako for pete’s sake.

Humugot muna ako ng isang cigarette stick saka ito sinindihan bago mamulsa. I puffed twice at ibinaling ang tingin sa tatlong kasama ko na binabalot ng katahimikan. Pinagmasdan ko si Alice na blangko pa rin ang mukha, may tipid na ngiti naman ‘yong haponesa habang may maitim na aura pa rin si Oz.

“I came here to ask her for something, and that something is obviously none of you fishy businesses,” pacool na paliwanag ko na hindi inaalis ang tingin sa tatlo. “And I’m done asking her, so if you’ll excuse me may gagawin pa ako.” Hindi ko na sila inantay pang sumagot at dumiretso na palabas pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay naramadaman ko na ang isang hawak sa braso ko na agad namang nakapagpatigil sakin sa paglalakad.

“I don’t wanna see you again near her,” bulong niya na sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig habang may pagdidiin sa bawat kataga. I smirked. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong inis na inis ang itsura niya.

“Sorry dude but I’m not done yet… with her,” I paused. Mas napanigisi ako ng humigpit ang hawak niya sakin. T*ngna! Masakit kaya. G*go talaga ‘tong Oz na ito. Napakapossessive naman. “I’m going,” saad ko na may kalakasan na para marinig rin ng dalawang babae.

Sino ba ‘yong haponesang ‘yon? Bago sa paningin ko at hindi ko natanong ang pangalan. Tsk.

Aoi’s POV

 

“Magbibihis lang ako,” sabay taas niya ng hawak niyang P.E uniform na sinagot ko naman ng tango.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng girls’ locker room. Pinagmasdan ko ang hawak kong bola saka nagdribble. Ilang sandali pa ay pumorma na ako para ishoot ang bola sa ring. Nasa free throw line ako kaya walang kahirap-hirap itong nakapasok. Sanay ako sa larong ito. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng ball games. Sabihin na nating hindi halata sa mukha ko pero ‘yon talaga ang totoo. Pinagmasdan ko lang ang pagbagsak ng bola sa court habang paulit-ulit itong tumatalbog.

Basketball game. May iisang bola lang na pag-aagawan ng dalawang grupo. Isang bola na kailangan ingatan para makagawa ng malaking puntos mula sa kalaban. Isang bolang pinag-aawayan. Kung sino ang makakuha sa jump ball, maswerte dahil sakanya ang pinakamahalagang bola. Pero dahil dalawang team ang basketball, ang kalaban ang gagawa ng paraan para maharangan lahat ng balak niya para makagawa ng puntos. Defense and Offense. Pero ito ang pinakagusto ko sa larong ito… steal. Kailangan mo lang maging maliksi at mabilis para magawa ang technique na ito. Ang mga moves na mapanlinlang. Lahat gagawin mo mapunta lang sayo ang bola, kahit pa ang kapalit noon ay isang tawag ng foul.

Bahagya akong napapitlag mula sa mga iniisip ko ng marahas na magring ang cellphone kong nasa bleachers. Agad ko ‘yong nilapitan at napangiti ng makita kung sino ang tumatawag. I slid the answer button at inilapit ‘yon sa tainga still wearing my smile. Pinagmasdan ko ang paligid para masigurong walang ibang tao sa court bukod sakin.

“Leon,” bungad ko sa kabilang linya.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa narinig ng magsimula itong magsalita. Biglang nabaling ang tingin ko sa ring at sa bolang kanina ay hawak ko. Hindi pala ako makakapaglaro ng basketball ngayon dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Ayaw pa naman ni Leon sa lahat ay ang pinaghihintay siya. Hindi naman na ako nag-abalang sumagot pa at ibinaba na ang tawag.

“Aoi!”

 

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang isang pamilyar na boses sa likuran ko. Doon ko lang napansin na napahigpit na pala ang hawak ko sa bolang pinulot habang pinagmamasdan ang taong papalapit. Ngumiti muna ako ng makitang ilang hakbang na lamang ang pagitan namin sa isa’t-isa ng tumigil ito. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

“What are you doing here Oz?” casual na tanong ko sakanya habang nakangiti.

Tulad noong una naming pagkikita rito ay wala itong ibang reaksyon bukod sa mga kunot nitong noo. Matiim niya akong pinagmamasdan ng mga singkit niyang mata habang tikom ang mga mapupulang labi. I wonder what would it taste like.

“Where’s Alice?” tanong nito pabalik. Agad ko namang tinuro ang girls’ shower room hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko saka ibinalik sakin ang tingin. Pinagmasdan muna ako sandali nito bago nagbuntong hininga na tila kinakalma ang sarili. “Sige,” yan na ang huli nitong sinabi bago ako lagpasan.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay inihagis ko na ang bola pabalik sa lalagyan nito at tumakbo papunta sa tabi ni Oz. Sabay na kaming naglalakad ngayon pero hindi naman siya umiimik. Nanatili itong tahimik habang seryoso naming binabagtas ang shower room. Tulad ng sabi ko kanina ay may lalakarin pa ako kaya naman kailangan ko na ulit magbihis ng makaalis na.

“Thank you nga pala sa pagpapagamit ng locker,” putol ko sa katahimikan pero hindi manlang ito sumagot kaya hinayaan ko na lang.

Malapit na sana kami sa shower room ng makarinig ng dalawang boses na nag-uusap mula sa loob, dahilan upang mapatigil kami sa paglalakad. Ang nakakacurious pa ay boses ito ng babae at lalaki. Ano ang initial reaction kapag nakarinig ka ng ganyan sa loob ng shower room? Nakita ko na lamang na biglang umitim ang aurang bumabalot sa katabi  ko habang nakakuyom ang dalawang kamao. Mabilis ito muling naglakad papunta sa pintuan at tumambad samin si Alice na may kausap na lalaki sa loob. Nakatalikod samin ang lalaki kaya naman ay hindi ko mamukhaan kung sino ‘yon.

Kitang-kita ko kung paano nagtagis ang mga panga ni Oz habang masamang tingin ang ipinupukol nito sa dalawang taong nasa harapan namin na tila wala pa ring kaalam-alam na nandito kami. Ibinalik ko ang tingin kina Alice at nakitang papalabas na sana ito ng biglang natigilan at nanlaki ang mga mata noong makita kaming nakatayo sa harapan nila. Pumihit patalikod ang lalaking kausap niya at doon ko namukhaan kung sino siya. Isa sa myembro ng Temple Island… Kris Wu. Sinong hindi makakakilala sakanya kung sikat na sikat sila. Humugot pa ito ng sigarilyo at cool na cool na nagpuff ng usok, hindi iniinda ang masasamang tinging ipinupukol sakanya ng katabi ko.

“May kausap ka pala. Siguro next time na lang natin ituloy ang laro natin, may pupuntahan rin kasi ako,” basag ko sa tension at para makatakas na rin sa namumuong away. Ayoko ng mga ganitong eksena. Masyadong pambata. Tipid na nginitian ko si Alice na blangko lamang ang mukha. “Biglaan kasi e,” saad ko na may tono ng paumanhin.

Mayamaya lang ay lumabas na ang lalaki pero hindi ko na inintindi ang mga sinasabi nito. Hindi ko maialis ang tingin kay Alice. Anong mayroon at pinuntahan siya ni Kris? Hindi naman sa chismosa ako pero nakakacurious lang. magkakilala pala sila. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nagvibrate ang phone na nasa bulsa ko hudyat na pinagmamadali na ako ni Leon. Napailing na lamang ako sa isip ko, kahit kailan talaga napakamainipin niya.

“I need to go,” sambit ko na agad namang tinanguan ni Alice.

Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa isa sa mga cubicle bitbit ang mga damit ko.

Third Person’s POV

 

Hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad si Tao sa sala ng unit niya dahil sa matinding pag-aalala. Bigla kasi siyang napasugod sa eskwelahan ng kapatid ng mabalitaang nawawala ito. Alam ng lahat na hindi ugali ni Tyra ang magskip ng klase at mas lalong lumakas ang kutob ni Tao na nakidnap ang kapatid niya noong naiwan pa nito ang mga gamit sa loob ng silid. May nakakita rin kay Tyra na sapilitang isinakay sa isang itim na van ng mga nakaitim na kalalakihan takip ang mga mukha, kaya naman wala ni isa ang namukhaan. Wala ring lead sa sasakyang ginamit dahil wala ang plate number nito na mas nagpalaki ng problema.

Sakto namang may nagdoorbell sa unit niya na halos ikatalon nito sa gulat. Mabilis niyang nilapitan ang pinto at bumungad sakanya si Kris.

“Anong nangyari?” bakas ang takot sa boses ng binate habang kaharap ang kapatid ng kasintahan.

Bumuntong hininga naman si Tao bago ito nagsalita. “May kumidnap kay Tyra,” halos pabulong nitong sagot habang nakayuko.

Napasuntok na lamang si Kris sa dingding hindi kalayuan sakanya and curse under his breath. Kitang-kita sa mukha ni Tao ang awa sa kaibigan dahil alam nito kung gaano ito nag-aalala para kay Tyra. Muli siyang bumuga ng hangin at pinapasok na sa loob si Kris na agad itinapon ang sarili sa sofa, leaning his head on the head rest at itinakip ang kaliwang braso sa kanyang mga mata. Umupo na rin si Tao sa isang sofa katapat si Kris na nanatiling tahimik.

“Nacontact mo na ba si Coller?”

 

Nakita na lamang niyang napakuyom ng kamao si Kris tanda na hindi na niya kailangan pang marinig ang sagot dito dahil alam na niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Coller. Ilang araw na nilang sinusubukang macontact ito pero out of reach, kahit nga ang email nito ay nawalan na ng silbi. Hindi nila alam kung nasaan ang leader nila. Kung kailan naman nila ito kailngan ay saka hindi nagpapakita.

Imbes na sabayan ni Tao ang inis na nararamdaman ni Kris ay nanahimik na lamang ito, nag-iisip kung paano nila mababawi si Tyra sa mga taong ‘yon. Ang problema lang ay hindi manlang sila kinocontact ng mga kidnapper kaya naman hindi pa sila makakilos.

“Papunta na dito si Alice.” Mabilis na napaangat ng tingin si Tao sa sinabi ng kaibigan. Dahan-dahang umayos ng upo si Kris resting his elbows on his knees at pinagsalikop ang mga kamay. “Pakiramdam ko ay matutulungan niya tayo,”

 

Napakunot naman siya ng noo. Si Alice? Makakatulong sa sitwasyon nila? “Paano? Ordinaryong babae lang siya, Kris,”

 

Bago pa man makasagot si Kris ay tumunog na ulit ang doorbell. Napangiti siya ng maisip na baka si Alice na nga ‘yan. Nagkatinginan sila ni Tao at tinguan niya ito para buksan ang pinto ng unit. Mabilis namang tumayo si Tao sa upuan niya at tinungo ang pinto para pagbuksan ang bisita nila at tama nga ang hinala ni Kris ng makita ang bored na mukha ni Alice.

“Pasok,” sambit ni Tao na agad namang sinunod ni Alice.

“Anong kailangan mo?” iritadong tanong ni Alice ng makarating ito sa harapan niya. “Sinira mo ang tulog ko,” dugtong pa nito. Kaya naman pala mukhang inis ito ngayon. Umupo ito sa isa pang one-seater sofa sa bandang kanan ni Tao at kaliwa naman ni Kris.

Lahat sila ay binalot ng katahimikan hanggang sa tumikhim na si Tao para makuha ang atensyon nila. Magkasabay naman siyang nilingon ng mga kasama saka ito nagbuntong hininga.

“Siguro naman ay naikwento na sayo ni Kris ang dahilan kaya ka naririto,” umpisa niya pero nanatiling tahimik si Alice na tila nag-aantay lang sa mga susunod niya pang sasabihin. “Noong unang gabi ay may pinatay akong gun man dahil tinangka nitong patayin si Tyra at noong pangalawang gabi naman ay may nagpadala na sakin ng threat about Tyra’s safety habang binabantayan ko siya sa bar where she’s working,”

 

“And so?” inip na tanong ng dalaga. Ang gusto kasi nito ay diretsahan na para makagawa na siya ng plano at makauwi na siya sa mansion nila para matulog.

“And now…” he paused bago tumingin ng seryoso kay Alice. Bakas ang kaba, takot at pag-aalala sa mukha ng binate dahil buhay ng kapatid niya ang nakasalalay dito. “…they kidnapped Tyra.”

 

Napasinghap si Alice sa narinig. Sinong hindi kung kailan lang ay threat pa lang ang inilapit sakanya ni Kris tapos mababalitaan niya sa kapatid ng dalaga na nakidnap na ito. Napakunot siya ng noo saka ibinaling ang tingin sa lamesang nasa harapan, iniisip ang mga posibleng dahilan ng pagdukot kay Tyra.

“Sinong mga nakabangga mo na pwedeng gawin ito?” seryoso niyang tanong sa dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawang binata bago muling ibaling sakanya ang tingin. “Wala,” sagot ni Kris.

Mas lalo namang nangunot ang noo nito sa narinig. Tila pinag-aaralan ang mga posibleng dahilan ng pagkuha kay Tyra. Kung walang nakabangga sina Tao at Kris, maaari kayang…

“Hindi naman siguro,” bulong ni Alice sa sarili na bahagyang napapailing pa. Pinagmasdan naman siya ng dalawang kasama na halata ang pagtataka sa ginagawa ni Alice.

“Any leads?” tanong muli nito na ikinailing ni Tao.

“Malinis ang trabaho nila. Walang plate number ang ginamit na van at kahit may nakakita ay hindi naman sila namukhaan dahil sa takip nila sa mukha-”

 

“Anong tatak ng grupo?” putol ni Alice sa sinasabi ng binata.

“Wala. Purong itim lang ang suot ng mga ito at balot na balot mula ulo hanggang paa,” sagot ni Kris.

Napatango naman siya agad. “Dahil malinis ang plano nila, sigurado akong tatawag ang mga ‘yon dahil kapag hindi nila ginawa, wala ng thrill ang laro. Hindi nila tayo mapapapunta sa lugar na pinagdalhan nila kay Tyra kung walang way of communication.” Mahabang paliwanag nito sa dalawa. Tumango naman ang mga binata na bakas ang pag-aalala sa mga mukha.

“So anong plano?” tanong ni Kris.

Hinarap niya ito bago sumandal sa kinauupuan at humalukipkip. “For now, let’s wait and a grip of your guns,”

 

 

 

Alice’s POV

 

I injected the last drop of antidepressant to the bullet I am holding now. Isa ito sa mga itinuro sakin ni mama noong nasa training pa ako with Great Grandpa and imagine how young I am that time to know kind of drug like this. And that time I really don’t know why she’s teaching me that kind of dangerous drug for bullets but now I find it useful. We can easily dodge every man from a distance without them knowing. Kill every hindrance in a snap.

I smirked staring at the loaded guns in front of me. I never thought na dito magsisimula ang paggamit ko ng baril… muli, at para pa sa pagtulong sa mga taong hindi ko pa ganoon kakilala. Funny, right?

Inihilig ko ang ulo ko sa sofa na nasa likuran ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa carpet ng unit ni Tao habang nasa center table naman lahat ng baril nila at isa-isang pinupunasan. Dalawang oras na rin kasi mula noong pumunta ako rito pero wala pa ring tawag galing sa mga kidnapper ni Tyra. Magtatakipsilim na at mukhang paaabutin pa nila ito hanggang sa tuluyang maggabi bago magsimulang kumilos. Oh well, mabuti na nga lang at nandito ang mga armas nila sa mismong unit niya dahil kung hindi ay mapipilitan akong umuwi at kunin pa doon ang mga gamit na matagal ko ng hindi nagamit. I mentioned I was trained when I was still young, right? And not to mention, Grandpa gave me a separate room for my guns and swords as a my 10th birthday. Hindi naman ako nagtataka kung saan niya nakuha ‘yon dahil pakiramdam ko binili niya ang mga ‘yon dahil mayaman naman si Grandpa but after knowing that they’re managing an Underground Society, bigla kong naisip nab aka doon nila nakuha ‘yon for illegal firearms transaction.

I sighed with the thought. Hindi ko pa rin matanggap na isa ako ngayon sa future Big Bosses ng Underground Society na itinatag ni tito Toffer na tinakbuhan ni tita Claudia at pinili namang i-manage ni mama, papa and tito Ace para sa balance ng Black Market. Hindi ko pa naoopen sa mga magulang ko ang tungkol dito at wala ring alam si Aldous.

Sabay-sabay kaming napaharap kay Tao ng malakas na magring ang cellphone nito. Kitang-kita ang pagkislap ng kaba sa mukha niya habang nakatitig sa cellphone niya. Marahan niyang ibinaba ang nililinisan niyang dagger sa table saka humarap samin ni Kris. Tinanguan ko siya and mouthed loud speak. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at bumungad samin ang isang ugong mula sa kabilang linya.

“H-Hello?” nauutal na tanong ni Tao sa kausap.

[Tao,] napakunot ako ng noo sa narinig. Parang hindi totoong boses ang nasa kabilang linya. ‘Yung tipong may ginamit siyang device para maiba ang boses at hindi agad matukoy kung sino.

“Nasaan si Tyra?” diretsong tanong ni Tao.

Narinig ko ang halakhak ng kausap niya kasabay ng pagkuyom ng kamao ni Tao at Kris. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga bagang nila pero hindi ko na lamang pinansin at itinuon ang atensyon sa nasa kabilang linya na patuloy pa rin sa pagtawa.

“Nasaan si Tyra?! Put*ngna mo! Wag mong idamay ang kapatid ko kung sakin ka galit! Hayop kang put*ngna ka!” Kulang na lang ay ibalibag ni Tao ang cellphone niya sa galit saka ito pagbabarilin. He snapped. Akala ko pa naman ay mapapanatili niya ang masakarang suot niya sa ekspresyong kalmado. Kung sabagay nga naman, kapatid na niya ang pinag-uusapan namin dito.

[Hahaha. Relax Temple boy, she’s f*cking alive and you know what?] Kahit hindi ko nakikita ang kausap niya ay ramdam na ramdam ko ang pagngisi nito na mas lalong kinaiinis ng mga kasama ko.

“Put*ngna! Anong ginawa mo kay Tyra?!” sigaw ni Tao na nanggigigil. Nanginginig na ang mga kamay nito sa galit at nanlalaki ang mga singkit na mata. Halos madurog ang hawak niya. Napailing na lang ako. Ang galing mang-inis ng kidnapper na ito.

[She’s f*cking hot and wild in bed. Hahaha. Damn girl.]

 

“F*ck this sh*t!” gigil na bulong ni Kris na kaharap ni Tao.

 

Bago pa man mapasailalim ng galit lalo si Tao at Kris ay hinawakan ko na sila sa mga balikat nila at marahang umiling. Hindi pwedeng lukuban sila ng galit sa ganitong panahon. They need to focus on saving this brat para matapos na ang kahibangan ng kidnapper na ito. Kung ano man ang pakay niya sa mga lalaking ito ay wala naman talaga akong pakialam pero kung masisira ang plano ko dahil lang pagkilos nila ng padalos-dalos ay iba ng usapan. Ayoko sa lahat ang nabubulilyaso ang mga plano ko. I’m here to help not to witness their grudge.

Calm down first, I mouthed. Hindi ko inalis ang tingin sa mga mata ni Tao dahil kitang-kita kung gaano na niya gusto magwala sa inis. Sinong hindi? Kung malaman mo ba namang tinikman pa ang nakakabata mong kapatid na babae ng kung sinong puny*ta ay talagang kukulo ang dugo mo. But they need to calm down first para makausap pa ng matino ang caller.

I saw them both sighed in defeat, still clenching their fists trying to control the rage flowing their entire system.

“Where’s Tyra?” tanong muli ni Tao.

[On my bed-]

 

“F*ck you!” gigil na putol ni Tao sa kausap.

Tumawa lang naman ito ng malademonyong nababaliw saka muling nagsalita. [Sorry Temple Boy, I am enough with this b*tch.] panunuya muli nito.

“Where is she? Let me hear her voice,” he said with a hint of begging trying to ignore the nonsensical dirty words of the caller. That’s good kaysa naman mas lalo siyang mainis.

[Fine. Ang boring mo namang kaasaran. I’ll send you the address.]

 

“Let me hear her voice! Goddammit!!” sigaw ni Tao sa cellphone niya noong babaan siya ng tawag ng caller.

Hinayaan ko na silang sabihin lahat ng curse na alam nila para mailabas nila ang galit na kanina pa nila itinatago. Tumayo na ako at tinitigan ang mga armas na nasa harapan ko. Kinuha ko ang isang Double Tap Tactical Pocket Pistol na nakaagaw sa atensyon ng dalawang lalaki na kanina pa sinusumpa lahat ng bagay na makita nila.

I stared at them blankly. It’s time.

“Get a grip and move your arses there man. Let’s finish this,”

 

© Gingerlu

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.9K 63
Disguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies come...
510K 11.7K 49
She is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.
1K 167 21
Dreams are not meant to happen in reality. Iniisip ng iba na kabaliktaran ito ng mangyayari sa hinaharap. May iba ring nagsasabi na isa itong pangita...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...