Rivals to Lovers

By Anthonymous13

211K 4.6K 682

Love is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's inco... More

Panimula
Rivals to Lovers: 1
Rivals to Lovers: 2
Rivals to Lovers: 3
Rivals to Lovers: 4
Rivals to Lovers: 5
Rivals to Lovers: 6
Rivals to Lovers : 7
Rivals to Lovers: 8
Rivals to Lovers: 9
Rivals to Lovers : 10
Rivals to Lovers: 11
Rivals to Lovers: 12
Rivals to Lovers: 13
Rivals to Lovers: 14
Rivals to Lovers: 15
Rivals to Lovers: 16
Rivals to Lovers: 17
Rivals to Lovers: 18
Rivals to Lovers: 19
Rivals to Lovers: 20
Rivals to Lovers: 21
Rivals to Lovers: 22
Rivals to Lovers: 23
Rivals to Lovers: 25
Rivals to Lovers 26
Rivals to Lovers 27
Rivals to Lovers 28
Rivals to Lovers: 29
Rivals to Lovers: 30
Rivals to Lovers: 31
Rivals to Lovers: 32
Rivals to Lovers: 33
Rivals to Lovers: 34
Rivals to Lovers: 35
Rivals to Lovers: 36
Rivals to Lovers: 37
Rivals to Lovers: 38
Rivals to Lovers: 39
Rivals to Lovers: 40
Rivals to Lovers: 41
Rivals to Lovers: 42
Rivals to Lovers: 43
Rivals to Lovers: 44 (Ending)

Rivals to Lovers: 24

3.6K 67 17
By Anthonymous13

This is the next part. It's been a long time.️♥️♥️♥️

Ilang araw na rin ang inilagi ko sa bahay nila Kaizzer kasama ang mom nito. Bawat araw na lumipas kasama si Kaizzer ay puno ng kasiyahan. Ramdam ko na rin na kahit sa mga simpleng paraan ay pinapatunayan niya ang kanyang pangako sakin na babawi siya.

Ilang araw na rin akong walang balita kay Evan. Masyado akong naging busy kasama si Kai at si tita. May ilang araw din na kami ni Kai ang magkasama pumasok at umuwi mula ng umalis ako kay Evan. Kakaiba ang saya na nararamdaman ko sa ilang araw na nagdaan at sa tingin ko iba ang kasiyahan ko ngayon kumpara noon. Halos makalimutan ko na rin si Evan. Sa una pa lang ay alam ko na magagalit siya sa ginawa ko, kaya siguro di niya manlang ako tinext o tinawagan simula noong araw na iniwan ko siya. I hope he'll know  how much I am sorry for leaving him. I know  I became selfish but I hope he will understand my reasons.

Medyo nagtaka lang din ako nang di ko siya makita sa University nang ilang araw. Di ko rin siya nakikita na kasama ang mga kaklase niya. Nag-aalala ako pero takot akong hanapin siya kasi baka sumbatan niya ako sa ginawa ko. Baka busy lang siya sa studies. Siguro kung ano man ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan man siya ay paraan ng pagganti niya saakin. Sana sa araw na magkita kami ay makaya ko siyang harapin at sana maintindihan niya rin ang naging desisyon ko.

Ngayon nga ay narito kami nila tita at Kaizzer sa opisina ng abogado na nakahawak sa mga documents na kailangan kong pirmahan. Nauna nang nai transfer sakin ang bank account ng biological mother ko. nang makita ko ang laman nito ay nasabi kong sobra sobra iyon para sakin. Kahit sa ibang bansa pa ata ako mag-aral, kayang kaya dahil sa laki ng halaga na iniwan skain ng ina ko.

May ilan pang mga documents at titles ng mga properties na inilipat na sa pangalan ko na kailangan kong pirmahan kaya kami bumalik ulit dito. hindi ko na halos inisa-isa ang pagbusisi sa laman ng mga papel, basta pinirmahan ko nalang ang mga ito at iniabot muli sa lawyer. Para sakin naman ay hindi ko kailangan nang maraming mga pag-aari para mabuhay ng masaya. Alam ko anaman sa sarili ko na sanay ako sa simpleng buhay simula pagkabata. Mas gugustuhin ko pa nga na kahit wala nalang ang mga yaman na iyan kong yaman ba na maituturing ang mga bagay na ito basta makasama ko lang ang tunay kong ina. Pero naiintindihan ko naman na di na pwede mangyari ang gusto ko. Pasalamat nalang din ako at may mga taong nasa tabi ko na pwede kong ituring na pamilya. Isa pa gaya nga ng sabi ni tita sakin, nariyan pa ang lolo at lola ko na pwede kong takbuhan. Si tita at Kaizzer, ay mga tao rin na itinuturing kong pamilya at maging sila ay ganun din sakin.

"Nahiya naman ako sa sobrang dami ng yaman na iniwan sayo ni tita," Tapik sakin ni Kaizzer nang lumabas kami at hinitay si tita habang nakikipag-usap pa sa attorney na  nakahawak sa mga papeles.

Actually kung alam mo lang mas pilpiliin ko pang wala ang mga yan basta makakasama ko pa ang mama ko, may bahid ng pagkaasar na turan ko sakanya.

"Ito naman biro lang. Alam ko naman yun. Alam ko rin  bago pa tayo muling magkita kung gaano ka kayaman... kaya nga gusto kitang asawahin (mahinang wka ni Kaizzer sa huli niyang sinabi),"at tumawa ito.

Anong sabi mo? paglilinaw ko sa huli niyang sinabi, medyo tumaas boses  ko.

"Hanggang ngayon talaga pikunin ka parin, ansarap mo...paring inaasar dagdag pang pang-iinis ni Kaizzer habang nakatitig na animoy inaakit ang kausap.

Diyan ka na nga, di ka matinong kausap, at tinalikuran ko siya. Nagkunwari akong inis sa kanya. 

"Uy sandali lang. ito naman parang naglalambing lang eh," habol niya sabay kuha ng kaliwang kamay ko.

Tumigil ako sa paglalakad pero di ko siya kinibo. Pinili kong hindi magsalita at magpakaseryoso nalang. Ako naman ngayon ang mang-aasar sa kanya. Sakto at hinihintay pa namin si tita na nasa loob ng opisina kasama ang lawyer. hinarap ako ni Kaizzer ngunit di ko parin siya pinapansin. Naglakad ako pabalik at nanatiling seryoso. Sige nga tingnan ko lang kung paano siya mabwisit sakin.

"Uy kier, sorry na. Oo ako na tong nakakainis.

Hindi parin ako natinag. mukhang sa sandaling ito ay napapaniwala ko siyang totoong nabwibwisit ako. Naalala ko tuloy noong high school pa kami kung gaano niya ako pinakaba at pinaniwala sa acting nila ng mga kasabwat niyang mga kaklase niya.

Muli niya akong hinarap at tumingin siya sakin ng seryoso. nakipagtinginan din naman ako sa kanya. yung mga tingin niya ay parang binabasa ang iminumungkahi ng mga mata ko. kaya dapat lang galingan ko pa sa acting ko. lalo pa akong nagpaka- fierce sa kanya. Fierce na may pagka seductive, mala titig ni Maureen ng Asia's Next Top Model. halos isang minuto rin kaming nagtitigan. Eye to eye contact na parang mga tanga. Ang titig ni kaizzer ay nag-iba, naging seductive na rin ang kanyang mga mata na parang nagsusumamo ng pagmamahal. Di ako pwedeng madala sa titig na yan. Di ako magpapaakit kahit magpacute ka pang gago ka.

Kinabahan ako nang dahan dahang inilapit ni Kaizzer ang mukha niya. Ilang pulgada nalang ang pagitan. Damn! I think I started to melt. I cannot bear with this moment. Nagsimula nang magpump ng mabilis ang heaet ko. Ang mga tuhod ko ay nangatog na naman at  feeling ko tutulo n ng malamig na pawis sa noo ko.

Hindi ko na nga kinya ang eksena ni Kaizzer kaya tuluyan akong napahagikhik na halatang nahihiya, at nagtakip nalang ako ng bibig. I know I loobse. Natatawa ako sa di ko malamang dahilan, pero aaminin ko I was strucked by that gesture. Kinilig na naman ako. Yan tayo eh, kunting landi lang bumibugay na eh.

"Sabi ko na eh, bibigay cka rin sakin,"kampante at mapangakit na saad niya sakin," Don't deny Mr. Kier dahil huling huli ko na ang mga ganyang drama mo," dagdag pa niya.

Eh di wow! Ikaw na...medyo inis kong baling, dahil honestly he was right.

"Ako na talaga. At ako lang ang nakatakda para sayo. The man of your dreams. Your savior and your knight in shining armor."

Alam mo, gwapo ka sana Corny mo lang. Para ka pang tanga. May pa aksiyon aksyon ka pa diyan. Para kang bata. di ko na namalayan at bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya dahilan para masubsob  ako sa dibdib niya.

"Anong sabi mo0 ha,ha?"Eh kung halikan kaya kita dito ngayon para malaman mong kaya kong magpakatanga sa harap ng maraming tao para sa'yo.

Sige subukan mo at puputok yang labi  mo. isa!

"Bakit kaya mo, ha?"

Oo nga naman naka-lock ang katawan ko sa matitigas niyang braso. gustuhin ko mang kumawala dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan, kaso di ko kaya. Malakas si gago.

Sige subukan mo lang talaga, lagot ka sakin pag nakawaala ako. Hindi kasi ako makapumiglas dahil mahigpit ang pagkakasapo sakin ng gagong to. Pinipilit ko lang talaga na ilayo ang mukha ko para di magkadikit ang labi namin. Hindi naman sa nandidiri ako, I just want him to stop this kasi nakakahiya sa mga tao. Baka akung ano pa ang sabihin nila samin.

"Kung makakawala ka pa," pang aasar niya pa lala at lalong humigpit ang paggapos ng kanyang mga braso sa katawan ko.

At inilapit niya pa ang mukha niya. lalo lang akong nanghihina sa ginagawa niya. Paano ako makakawala sa kanya kung tuluyan ng akong nadadala sa ginagawa niya.

 pipikit nalang sana ako dahil kunti nalang ay magtatagpo na ang aming mga labi... Ngunit biglang bumukas ang pino sa tabi ng kinatatayuan namin. Oo nga pala nasa tabi lang namin ang pintuan ng opisina ng lawyer na kinunsulta namin.

Para kaming magnanakaw na nahuli sa akto. Mabilis kaming naghiwalay at umayos ng tayo pagkatapos ay humarap sa dalawang tao na iniluwa ng pinto.

Kagaya namin ni Kai ay kakikitaan rin ng pagkabigla ang dalawang tao na lumabas mula sa pinto. Sandaling natigilan kaming apat. parang naghihintayan kung sino ang mauna magsasalita. tumingin muna ako kay kaizzer na tila naiilang rin.

Ah okay na po ba tita? Pagbasag ko sa  katahimikan.

"Ahm, oo nga po okay na po ba mom?" Dugtong naman ni kaizzer.

Nagtinginan muna sina tita at nang lawyer bago sila magsalita.

"Okay na okay na." si tita na parang aligaga ang itsura.

"Yah, it's okay." Sabat naman ng abogado. hindi ko tuloy mawari kung ano ba ang tinutukoy nilang okay. Anyway, bahala na.

Di ko man alam kung ano ang iniisip ni tita at ng abogado sa kanilang nakita saamin. Hindi ko kasi alam kung may alam ba si tita tungkol samin ni Kaizzer noon. All I know is parang wala kasi wala naman siyang naitatanong sakin, not unless sinabi ni  Kai sa kanya. nakaramdam tuloy ako ng hiya kay tita baka kasi kung ano ang isipin niya. Baka magalit siya pagnalaman niya na may something na nag eexist samin ni Kaizzer. Mamaya talaga, tudas sakin tong Kaizzer na to.

mabuti naman po kung ganun, maraming salamat po, nakangiti kong sabi sa abogado at nakipagkamay dito.

"No problem Kier, It's my pleasure to serve you," sagot naman niya.

"So pano Atty. Baniaga, we'll go ahead. Thanks once again," at nakipagkamay si tita sa kanya. "Tara na mga iho,' pagtawag ni tita at kaming dalawa ni Kai ay sinundan siyang naglakad.

Pakindatkindat pa si gago habang naglalakad kami, buti nalang a di tumitingin si tita at deritso lang ang lakad nito.

 Lagot ka talaga mamaya kang Kaizzer ka, at isininyas ko ang kamao ko sa kanya. Kumindat at nagpacute lang si gago. bwisit talaga, may gana pa siyang mang asar habang ako nagiisip kung ano kaya ag iisipin ng mom niya.

After ng meeting with the lawyer ay dumiresto kami sa isang fast food restaurant para maglunch. Naging maayos naman ang kainan naming tatlo. Buti na rin at di na anagtanong si tita sa nakita niya kanina. para sakin kasi talaga it's a big deal. naging laman ng usapan namin kung ano ang plano ko ngayong naitransfer na sakin yung mga iniwang properties at pera ng mom ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na gusto ko munang tapusin ang pagaaral ko sa college.

"Saamin ka parin tumira ha kahit may sariling bahay ka na,' biglang linya ni Kaizzer tapos nagpokus ulit sa kanyang kinakain. Parang bata talaga to kahit saan. 

"Oo nga naman Kierr, okay lang naman na sa bahay ka nalang tumira. Para may kasama rin itong si Kaizzer. baka kasi pagkatapos nito ay magtravel na anaman ako para asikasuhin ang negosyo namin. Isa pa para di ka malungkot," segunada naman ni tita sa sinabe ng anak niya. Ang lapad ng ngiti ni gago at nagawa pang kumindat.

Ahm, oo naman po tita.Salamat po sa  lahat and thank you din kasi nariyan kayo para tulungan ako. At itinuloy nalang naming kumain.

..

Pagkatapos naming maglunch ay nagpaalam si tita. May meeting pa raw siyang pupuntahan at maiwan daw niya muna kami. Sino pa nga ba ang sobrang natuwa... ako naman ay tumango lang at nagbeso kay tita bago ito umalis.

Sinulit naman ni Kaizzer ang natirang oras para dalhin ako kung saan saan. Aaaminin ko kahit medyo naiinis ako sa kanaya kanina... sobrang naenjoy ko ang bonding namin. Nagmall, naglakadlakd sa seaside at nag coffee at inenjoy ang magandang view ng sunset.. kahit kailan talaga masaya kasama tong hunghang na to.

 Nang tuluyan nang dumilim ay niyaya naman ako ni Kai na magdinner. Sa isang grilling restaurant kami pumunta. magkaakbay kaming naglakad patungo sa kalapit na restaurant.

Marami ang tao sa loob ng resto kaya medyo nahirapan kaming makahanap ng pwesto. ilang minuto rin lang ay may natapo na costumer at parang paalis na ang mga ito kaya agad naming nilapitan ang lamesa.

"Ah, excuse me tapos na po ba kayo dito," magalang na tanong ni Kai sa tatlong babae na aming nilapitan.

Hindi nagsalita ang dalawang babae sahalip ay tinitigan lang si Kaizzer. Parang mga tanga ang dalawa. Hello po hindi artista ang nasa harap niyo. gusto ko na sana magsalita ngunitnauna lang yug kasama nilang babae.

"Kaizzer is that you," gulat na wika ng kasama nilang babae na kaninay busy nagaayos ng kanyang bag. 

"Ahm Shaira, right?" Alanganin na tanong din ni Kaizzer.

"Oo ako nga. OMG your so hot na talaga! Kumusta na?"

 "Ah, ito ayos lang naman," pabait mode ni gago.

"Uy girls siya nga pala, this is Kaizzer our campus heartrob and genius noong senior high school," pagpapakilala niya kay kaizzer sa mga kasama niya.

 Ako naman ay nasa gilid lang nila.  Yes, OP ako sa kanila. Pati nga si Kaizzer ay halos di na ako ma notice na nag eexist pala na kasama niya.

"Oh by the way kaizzer, do you have a girlfriend na ba?" Tanong ng isang babae, na may malanding tono.

"Ahm... wala akong girlfriend...pe---" At hindi natapos ni Kaizzer ang kanyang sasabihin dahil sumingit yung malanding Shaira. Maganda siya and makinis tapos sex pero malandi at mukhang pakgirl.

"OMG! girls did you here that so it means pwede tayong mag apply," sabi ng Shaira tapos nagtawanan silang tatlo. 

Gusto ko na talagang umalis dahil parang nageenjoy naman si gago sa kanyang fans club. nagselfie pa sila at nagpalitan ng number bago tuluyang umalis ang mga malalanding mga babae. Hindi manlang nila ako na notice na kasama ng idol nila. Well, it's okay dahil ayaw ko rin lang naman na makipagplastikan sa kanila. Si Kaizzer ay naiwang pangiti-ngiti pa habang sinisave ang contact ang number ng Shaira.

Happy? Sarkastiko kung tanong nang lapitan ko siya.

"Oh Kier, sorry ha di na kita naipakilala sa kanila. They are too loud kasi and you notice naman masyado silang na star struck sakin," pagmamayabang naman ni gago.

Bat di ka kasi sumama sa kanila total parang gusto mo naman na maki hang-out sa kanila. Natigilan siya sa sinabi ko at nagseryoso ng tingin tapos ibinulsa ang phone niya.

"Mukhang may nagseselos ata dito. Don't worry dahil ikaw lang ang gusto kong makasama."

Inirapan ko lang siya at naupo na kami. Di ko nalang siya pinansin at inilibot ko nalang ang aking paningin sa ibang mga taong masayang kumakain sa loob ng resto. Siya nalang ang pinapili ko nang oorderin naming dalawa. Ewan ko ba ba't parang nawalan ako ng gana.

"Pssst," pag-agaw ng pansin ni Kai. "Galit ka ba sakin?"

Hindi. Tipid kong sagot.

"Ngiti ka muna," pangungulit niya pa.

Hindi ko na siya pinansin at sakto naman na lumapit na yung waiter at dinala yung mga plato tapos mga condements at ilang minuto rin ay sumunod na yung order. 

"Psst," pangungulit na naman niya.

Bakit ba?

"I love you!"

 Nabigla naman daw ako kaya nanlaki mata ko.

"Sabi ko I love you!" 

 Nginitian ko lang siya tapos," bleeh."

Tahimik kaming kumain at inenjoy ang masarap na ulam. wala mungdiet diet mga chong, food is life lalo na kung grilled ang ulam, talagang nakakatakam.

...

EVAN'S POV

Akala siguro ni kier ay tulog ako ngumalis siya. Gusto ko sana siyang pigilan pero di ko na ginawa, akala ko kasi ay di niya magagawa ang umalis. nais ko rin kasi na patunayan niya kung gaano niya ako kamahal. Kampante kasi ako na di niya ako kayang iwanan. Ngunit, mali pala. Sa puntong iyon ay  napaisip ako na baka nga di ako mahal ni Kier. Na kahit sa loob ng ilang taon ay di pa rin pala nabuo ang pagmamahalan naming dalawa.

Simula ng araw na umalis siya ay pinilit ko nalang na huwag nalang siyang sundan at pakialaman. Hinayaan ko na muna siya dahil sa tingin ko ay babalik siya.

Oo aaminin ko, nagalit ako ng sobra ng umalis siya kaya gusto kong iparamdam sa kanaya ana di ako nahhahabol sa kanya. Hindi ko rin siya kinumusta kahit sa text o tawag. Gusto kong iparamdam sa kanya na sawa na akong maghabol sa kanya, na di ako apektado sa pag-alis niya. Na  kahit nang iwan siya ay  magiging masaya parin ako. Ngunit mali pala ako, dahil ang totoo ay nahihirapan ako kakaisip sa kanya. habang patuloy ko siyang binabalewala ay siya namang lalo kong hinahanap ang kanyang presensiya.

For almost a week of trying to ignore him. i just fooled myself. Di ko pala kaya na wala siya. Kahit pilit ko siyang kinakalimutan ay di ko magawang burahin siya sa puso ko. Siguro gusto ko lang gumanti. Gusto ko lang na ako naman ang intindihin niya. Nais ko lang na kusa siyang bumalik at mahalin niya na ako ng buo.

I hope he will worry when he find me this way.  Ako na ilang araw nang naglalasing. Ilang araw ng malungkot at nawawalan ng gana. Ilang araw na ring di ako pumasok dahil di ko mafigure out kung ano ba ang gagawin ko. I am clueless of what to do. I chose to do this because I want to find other happiness just like what he said to me.  Pinipilit ko namang maging masaya pero bakit di ko magawang kalimutan siya.

Kier, I hope you know how much I felt right now. I hope you're here to say that You still love me. Please Kier, bumalik kana.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesa. Kinain na pala ang buong sistema ko ng alak. Di ko na kayang umuwi. Hihintayin ko si Kier. Alam kong darating siya.. hanggang sa may naramdaman akong kamay na umakbay saki. Di ko na alam kung sino. Sana si Kier na iyon...

Itutuloy...♥️♥️♥️

Hope you still support this. Thanks you!



Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
364K 11.1K 44
*Editing* Si Shy ay isang cute na gay na naiipit sa sitwasyon na maririmata ang kanilang flowershop, sobrang mahalaga sa kanya dahil pamana ito ng ka...
411K 14.3K 34
Wala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat...