Rivals to Lovers: 18

4.7K 106 14
                                    

Ito na po mga minamahal kong tagasubaybay... sana ay magustuhan niyo po. Just add your comments and suggestion below as well as your reaction. Salamat! 

Sa pagpapatuloy... ♥️♥️♥️

Katatapos pa lang ng huli kong klase ngayong umaga. Naisipan ko muna na tumambay sa isang coffee shop na malapit sa university. Minabuti ko muna na di na i-text si Evan, ayaw ko muna siyang abalahin sa mga academic responsibilities niya. May group project daw silang gagawin, yan ang paalam niya kanina bago kami pumasok. Sinabi ko na rin sa kanya na huwag niya na akong puntahan sa lunch break para makapag focus muna siya sa mga task niya.

Marami-rami na rin ang tao sa coffee shop. Halatang mga estudyante ang karamihan. May mga couples rin na sinusulit ang oras habang break. Pinili ko na lamang na maupo sa dulong corner ng shop kung saan kunti lang ang mga costumer. Agad namang lumapit ang isang waiter at inabot sakin ang menu.

"Ikaw si Kier right?" Tanong nito sakin habang pumipili ng order. Napatingin tuloy ako sa kanya. Well, gwapo rin ang isang to. Bakit kaya ako kilala nito?

Ah, oo. Ba't mo ako kilala? Balik ko namang tanong sa kanya.

"Diba ikaw yung guy na hinahabol ni Kaizzer?" Muli niyang tanong kaya medyo natigilan ako.

Ah ito na pala ang order ko, pag-iiba ko ng usapan. Ayaw ko lang talaga na mapag-usapan si Kaizzer ngayon. Napanganga nalang ako ng tawagin niya ang isang lalake at sinabe rito ang orders ko.

"Okay sir!" Sagot lang ng lalakeng tinawag niya.

"So back to you Kier, ah, by the way I'm Darwin. Kaklase ko si Kaizzer. "

Ah ganun ba, so anong ginagawa mo rito? And isa pa bakit di ikaw ang kumuha ng order ko doon sa counter... I thought you are...

"One of the waiter here?" natatawa niyang tanong na ikinahiya ko talaga.

I'm sorry, sabi ko nalamang sa kanya.

"It's okay. Hindi ako waiter dito, sakin na kasi ang coffee shop na to. I mean pinaubaya na sakin ng parents ko. Kaya heto pag break dito na agad ang takbo ko para tulungan yung mga btao ko and dito ko na rin ginagawa ang mga school works ko," sabi niya sabay upo sa harap ko.

Ah kaya naman pala, yan lang ang nasagot ko sanya. Ang yaman naman pala ng isang to. Di lang kasi halata, ang simle niya lang kasi.

"Why are you alone, by the way? Saan yung second year na boyfriend mo yung sumapak kay Kaizzer sa lobby?"

Damn, bakit ang daming alam ng kulukoy na to tungkol sakin. Nginitian ko muna siya bago ako sumagot. Actually di ko alam kong paano ko siya sasagutin.

Ah, busy kasi siya. And isa pa gusto ko ring mapagisa muna, magrelax at magfocus muna sa academics, diba nga malapit na ang midterms.

"Oh, but you look so problematic," tyaka siya tumawa. Papunta pala si Kaizzer dito, he just texted me a while back. I guess you guise need to talk. He will come this lunch break.

What the... lagot ako nito. Ayoko na makita yung Kaizzer na yun. Mangungulit na naman yun for sure. Ano kaya ang gagawin ko, nakapag order pa naman na ako.

"Pakit parang kinakabahan ka yata. Ayos ka lang ba?" Tanong niya, ganun na ba ako ka obvious?

Dumating naman ang order ko. Isang caramel flavored brewed coffee with pesto pasta. Nagtaka ako nang ilapag ng waiter ang orders dahil may kasama itong sandwich at isang pure brewed coffee.

Wait, order ko ba to? Tanong ko sa waiter.

"Ah yes po, diba Darwin"

"Oo Kier, order mo at order ko yan. Dito muna ako para may kasama ka sa table. Is it okay with you?"

Rivals to Lovers Where stories live. Discover now