Rivals to Lovers: 33

1.7K 63 29
                                    

Sa pagpapatuloy ng ating kwento...♥️♥️♥️

Days have gone so quickly. Di na namalayan ni Kier na halos dalawang buwan na nilang nilalabanan ang lalo pang lumalang kalagayan ni Evan. Mas lalo lamang nagkaroon ng puwang si Kier para manatili, dahil kailangan na kailangan. Kahit masakit man sa kanyang kalooban ang lahat ng mga kasalanang ginawa ng taong ito, narito parin siya sa tabi nito, lalo pa ngayon na nasa ganitong kalagayan si Evan. Kahit gaano man kasama ang ginawa ni Evan kay Kier at kay Kaizzer, kinalimutan nalang muna ni Kier ang lahat ng iyon. Kung tutuusin ito na sana ang tamang pagkakataon para makamit niya na ang kalayaan mula sa taong nagkulong sa kanya at umagaw sa kanyang kaligayahan ng halos ilang taon. Ngunit iba si Kier, hindi niya gagawing pabayaan na lamang ang taong nagpahirap sa kanya, dahil alam niya na ngayon siya mas kailangan. He don't want to take advantage on the misery of others. Besides, gusto na rin ituring ni Kier na pagtanaw ng utang na loob ang lahat ng kanyang ginagawa para kay Evan. Dahil minsan din naman niyang naging kanlungan si Evan noong panahong pinanghinaan siya ng loob at nawalan ng pagasa, noong minsang nalugmok siya sa labis na problema at kalungkutan. Noong panahon na pinilit umalis ni Kier sa puder nila Kaizzer. Iyon, ang mga karanasang nagbibigay rason kay Kier para manatili at samahan si Evan hanggang ngayon. Ito ay ang kanyang makataong paraan at isang uri ng pagmamahal para sa isang tao na naging isang malaking parte na rin ng kanyang buhay.

"Kier, thank you ha." Nanghihinang saad ni Evan. Pinilit niyang magsalita habang pinapakain siya ni Kier.

"Thank you saan?" Balik na tanong ni Kier.

"Thank you sa lahat!" Sagot naman ni Evan.

"Evan, di mo na kailangan sahihin yan. Huwag ka ng mag isip ng kung ano-ano, makakasama sayo yan. Kain ka nalang oh!"

"Alam mo ang bait mo talaga. Kahit ang dami-dami kong kasamaang ginawa sayo di mo parin ako pinapabayaan." Pagpapatuloy ni Evan.

Hindi nakasagot si Kier. Pero sa loob niya ay gusto niya ng maiyak sa mga sinasabi ni Evan. May kung ano kasi sa puso niya na nasasaktan habang sinasabi ni Evan ang mga bagay tungkol sa kanya.

"Sorry Kier sa mga kasalanan ko sayo pati kay Kaizzer. Kaya ko lang nagawa yun kasi mahal na mahal na mahal kita. Gusto ko lang naman sana na makasama ka hanggang nabubuhay pa ako. Sorry Kier!" Ngayon ay umiiyak ng sabi ni Evan.

"Evan please tama na, okay? Di mo na kailangang pahirapan ang sarili mo sa kakaisip sa mga ganyang bagay. matagal nakitang pinatawad, simula noong nalaman ko ang rason kung bakit mo ginawa ang mga bagay na ito sa akin. Please, lumaban ka naman kahit para sa sarili mo manlang." May galit ngunit naiiyak na sagot ni Kier kay Evan.

"Huwag mo na ako isama pabalik ng Pilipinas. Ayaw kong mahirapan ka pa dahil sa kalagayan ko. Okay na ako dito. Hayaan mo na yung family ko ang mag-alaga sa akin Kier. You've done so much for me."

"Akala ko ba umoo kana kahapon na sasama ka sakin. So, gusto mo talaga pabayaan nalang kita dito? Look, kung iniisip mo na masaya akong aalis at iiwanan ka sa ganitong kalagayan, nagkakamali ka Evan. It hurts a lot na hayaan kang ganito. Alam mo kahit papaano I learned to love you. Hindi man kagaya ng pagmamahal ko kay Kaizzer, pero Evan minahal din kita. So please naman huwag ka namang panghinaan ng loob..." Hindi na itinuloy ni Kier ang paliwanag niya dahil bumuhos na ang mga luha nuya at napahagulgol na siya. Agad niyang niyakap si Evan ng mahigpit at ipinaramdam sa kanya naging parte siya sa buhay ni Kier, at isa siya sa mga taong minahal nito.

Evan's POV

Simula noong araw na binigyan ako ng taning ng doktor, di ko na sinayang ang bawat araw na lumipas upang di itama at ihingi ng tawad ang mga nagawa kong kasalanan. Lalong lalo na kay Kier.

Rivals to Lovers Where stories live. Discover now