School War Online

By Penguin20

5.2M 265K 87K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 32 "Interview"

61.5K 3.1K 1.5K
By Penguin20

"If they asked you why you wanted to work here at Stargame, anong isasagot mo?" Raydin asked me habang nandito kaming dalawa sa lobby ng kanilang kumpanya. Madami-dami ring i-interview-hin ngayon kung kaya't nasa lobby ako para maghintay.

Other applicants are all gazing at Raydin. He's wearing suits dahil nga nagtatrabaho siya rito.

"Alam mo, paulit-ulit ka. Kanina ka pa tanong nang tanong tungkol diyan. Alam ko ang isasagot ko, okay?" Iritable kong sabi sa kanya.

"Baka kasi magkamali ka. Tanga ka pa naman." Pinamilugan ko siya ng mata pero imbes na masindak ay mas lalo pang natuwa si Raydin..

"Alam mo, ang yabang mo. Kung hindi man ako matanggap dito, marami pang ibang gaming companies na pwedeng subukan." Sabi ko, hindi naman sarado ang isip ko sa pag-a-apply sa ibang kumpanya. Sabi nga nila, apply lang nang apply para tumaas ang chance ng winning.

"They are just a trashy companies. Our company is the best pagdating sa paggawa ng games." Sabi niya sa akin.

"Ha! Ang yabang talaga," may nakita akong chess board sa ilalim ng table at kinuha ko ito. "Laro na lang tayo. The one who will lose, manlilibre ng pagkain after the interview." Sabi ko sa kanya. Mukha kasi na matagal pa ang turn ko sa interview so kailangan ko ng pamatay ng oras.

"Sir pinapatawag po kay--" hindi na naituloy nung babae yung kanyang sinasabi nung tiningnan siya ni Raydin. Inipit niya ang kanyang labi at naglakad na paalis.

"Baka may gagawin ka pa," sabi ko sa kanya.

"Wala. They will just ask something, alam naman na nila 'yon." Sagot ni Raydin at nagsimula na siyang ayusin ang bawat chess piece. "Let's start."

"Pwede ka pang umatras, Raydin. Umabot ako hanggang nationals sa chess nung elementary ako." Pagbabanta ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo.

He just smirked and itinaas hanggang siko niya ang sleeves na kanyang suot. Akala yata niya ay pagbibigyan ko siya sa pagkakataong ito. Patay sa akin 'tong mayabang na 'to.

***

"Check mate," Raydin said as he move the queen.

Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa nangyari. "We're doing this for the fourth time, Dani. Ni-isang beses ay hindi ka nanalo." Nakangisi niyang sabi sa akin. How can he possibly do it?! I mean, In just 8-12 moves ay na-checkmate niya agad ako.

"Nanduga ka 'no!?" Reklamo ko.

"How can I possibly cheat? Nakita mo naman lahat ng moves ko." Hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha ni Raydin. Natalo na niya naman ako... Sa hindi ko mabilang na pagkakataon.

Alam ko naman sa sarili ko na magaling ako pero pagdating kay Raydin ay parati akong talo. As in never pa akong nanalo sa kanya, he's talented, alam niya 'yon... Pinagmamayabang nga ng hayop e. "So after the interview, you need to treat me." Sabi niya.

Another staff walks on the lobby at napasilip sa amin ni Raydin. "Ay ma'am, kalaro ninyo pala si sir Raydin. Alam ninyo ma'am, nag-compete si sir ng chess sa iba't-ibang bansa." Pagmamayabang nung staff habang ako ay mapanlisik na tumingin kay Raydin.

"Bakit hindi mo sinabi ang tungkol doon, ha!" Reklamo ko.

"Nagtanong ka ba?" He checked his wrist watch at tumayo. "I still have a paper works sa taas. Hintayin mo ako rito sa lobby after the interview." Sabi niya at naglakad paalis.

Umayos ako ng pagkakaupo sa couch. "Bwisit ka talaga, Raydin. Kasumpa-sumpa talaga 'yang kayabangan mo. Sana pinahid ka na lang sa kumot ng tatay mo e." Mahina kong reklamo dahil sa inis. Nakakainis talaga siya!

"Miss Danica Espino," isang babae na naka-office attire ang tumawag sa akin itinaas ko ang aking kamay para makita niya ako. "I-interview-hin na po kayo." Nakangiti niyang sabi.

Bago ako pumasok sa may meeting room ay nagpunta muna ako sa CR para mag-ayos, naglagay muli ako ng lip balm sa aking labi at inipit ito upang maayos. Naglagay din ako ng foundation and I spray some perfume.

Hindi ako yung babae na pala-ayos, sadyang kinakailangan lang dahil interview ngayon. I MUST look presentable... At utos ni Raydin dahil bawal daw ang pangit sa kumpanya niya.

Self proclaimed siya na sa kanya itong Stargame, anak lang naman siya ng may-ari. Kaltukan ko siya e.

As I enter at the Meeting room ay tumambad sa akin ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-50's na. He's wearing a tux at medyo may katabaan din siya. He looks like a well respected man here at the company. "Good afternoon miss Espino, have a seat. I am Greg Cruz, your job interviewer"

It's just a normal job interview, tinanong lang nila ang capabilities ko at ni-review ang mga nilagay ko sa resume.

"Miss Espino, alam mo naman na competent ang Stargame pagdating sa gaming industry. Hindi lang kami basta-basta tumatanggap na mga interns na magaling lang mag-codes o mag-math. Gusto rin namin ng mga interns na may kasanayan sa paglalaro ng games," paliwanag ni si Greg sa akin. "So do you have gaming experience?"

I smiled on him. "Of course I do, during my highschool days ay naglalaro ako sa computer ng mga online games. I used to be a guild master and it becomes a number one in overall ranking. I love playing online games especially the rpg type of games." Paliwanag ko.

Mukhang may magandang naitulong ngayon ang madalas na paghahatak sa akin ni Jace na maglaro ng kung ano-anong games.

"As of now, anong nilalaro mo?" Mukhang mas naging interesado si sir Greg.

"I am playing School War Online po this past few months."

Pinagkwento ako ni sir Greg patungkol sa gaming experience ko. Hindi naman ako tinamad magkwento dahil gusto ko rin naman yung topic. "It's nice meeting miss Espino. Tatawagan ka na lang namin if you made it," iniabot sa akin ni sir Greg ang kanyang kamay na akin namang tinanggap.

"It's a pleasure to meet you, sir." Sagot ko.

After the interview ay naglalakad na ako papunta sa lobby nung makatanggap ako ng isang chat galing kay Mateo. naki-connect kasi ako sa wifi ng kumpanyang ito, pinilit ko si Raydin na ibigay ang password.

Mateo:
Nasa stargame ka 'diba?

Danica:
Paano mo nalaman?

Mateo:
Secreeet. 😛

Jk. Tinanong ko Sophia and sabi niya
baka nasa stargame ka raw.

Danica:
Yup, nandito ako para sa job interview.

Mateo:
Puntahan kita diyan. Sabay na tayo
mag-lunch. 😊

Be there in 10 minutes.

Napakagat ako sa ibabang labi ko upang maiwasan ang aking pagngiti. Talagang pupunta siya rito para sunduin ako. Nag-reply pa ako sa kanya kaso ay hindi niya na nasi-seen, siguro ay on the way na siya rito.

Pagkababa ko sa lobby ay sumalubong aa akin si Raydin. "So how's the interview? Hindi naman siguro katangahan ang sinagot mo doon?"

"Wow! I am running for cumlaude, hindi katangahan ang mga pinagsasagot ko doon. Yabang talaga," sabi ko sa kanya. Naalala ko bigla yung usapan naming dalawa ni Raydin.

"Baka hindi ako sa'yo makasabay ng lunch ngayon," paalam ko na ikinakunot ng noo ni Raydin.

"Why?" Sabi niya sa mas seryosong tono. "Hindi ka marunong tumupad sa mga pangako mo."

"May susundo kasi sa akin, hindi ko naman alam! Hayaan mo," I patted his back. "Babawi ako sa'yo next--"

Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nung biglang maglakad si Raydin papunta sa elevator.

"Anong problema no'n? Parang lunch lang nagtatampo pa." Mahina kong bulong sa aking sarili.

Isa pang chat ang na-receive ko mula kay Mateo.

Mateo:
I'm here. Labas ka na. 😉

Inilagay ko ang cellphone ko sa aking bag at inipit ang ilang hibla ng buhok sa aking tenga.

Nakita ko na agad si Mateo na nakasandal sa kanyang Porsche na kotse. Pinapaikot niya sa daliri niya ang susi nito.

Nung nakita niya ako ay agad siyang naglakad papunta sa aking direksyon at kinuha ang bag na nakasabit sa aking balikat. "Let's go?" Tanong niya kung kaya't sumama na ako.

Pagkasakay ko sa kotse ay may chat na naman akong na-receive.

Demonyo:
Kaya naman pala. May isa pang unggoy
Na sumundo sa'yo. 🙄

Unggoy:
Alam mo, kahit kailan panira ka.

Demonyo:
Panira ng moment pero hindi ako
naninira ng pangako.

Unggoy:
Nangongonsensya ka ba?!

Demonyo:
Nakokonsensya ka ba? 😏

Unggoy:
Hindi. Ewan ko sa'yo.

Sabi ko naman sa'yo bawi na lang
Ako next time.

Demonyo:
Sa'yo na 'yang next time mo. Yung
tukmol na basketball player na lang
Ang ilibre mo.

"Ha! Ang kapal talaga!" Napatakip ako ng bibig nung mapalakas ang sinabi ko. Dapat ay ibubulong ko lang iyon pero dahil sa inis ko kay Raydin ay nasabi ko nang malakas.

"May problema ba?" Tanong ni Mateo at sumulyap sa akin, mabilis din na bumalik ang tingin niya sa daan dahil nagmamaneho siya.

"W-wala. May ka-chat lang akong kampon ng kasamaan." Natawa siya sa aking sinabi. Hindi ako nag-joke, totoong kampon ng kasamaan itong si Raydin.

It's just a regular lunch. Kumain lang kami ni Mateo and we watch a movie nung na-trip-an namin.

Ini-enjoy ko na talaga dahil sa mga susunod na araw ay paniguradong magkukulong lang ako sa kwarto para mag-review.

***

Finals week.

Talagang pinangako ko sa sarili ko na sa linggong ito ay hindi muna ako mag-o-online tutal isang linggong paghihirap lang naman ito. This is the last time na maisasalba ko ang grades ko.

Kahit si Mateo ay hindi rin nagte-text sa akin, pero nagpaalam naman siya na kailangan niyang mag-review dahil kung hindi ay matatanggal siya sa basketball team. May grades din kasi sila na kailangang i-maintain dahil scholar sila ng school.

What I love about my mom, kapag finals week, hindi niya ako inuutusan sa bahay at hinahayaan niya akong mag-focus.

Ibinibili niya rin ako ng mga chocolates para ma-energize ang utak ko.

After the exams ay laking tuwa ko dahil kampante ako na maipapasa ko ang lahat ng subjects ko sa pagkakataong ito.

After the finals, me and Sophia decides to meet sa may tuhog-tuhog sa may third gate.

"Dani, na-miss kita!" Yumakap sa akin si Sophia. "Tapos na ang finals, christmas vacation na! Tapos internship na next sem kaya madalang na tayong magkikita." Sabi ni Sophia sa akin.

"Saan ka mag-i-intern?" tanong ko.

"Sa may St. luke's." Sagot niya. Maganda na rin doon.

Kumain kaming dalawa ng kwek-kwek. Dati ay ayaw ni Sophia na kumain sa mga ganito pero nung minsan naaya namin siya ni Jace, pasok pala sa lasa niya ang mga ganitong klaseng street foods kaya twice a month kaming kumakain dito. Masama kasi na madalas kumain sa ganito.

"Ah, Dani, tungkol sa mission. We will try to do it tomorrow. G ka ba?" Tanong niya sa akin. Na-miss ko rin naman ang gaming kung kaya't mabilis akong tumango.

"Alam mo naman ang ibig sabihin niyan 'diba?" I smiled on him at ngumiti rin siya.

"It's showtime." Sabay naming sabi ni Sophia at parehas kaming natawa ni Sophia.

"Alam mo, ang baduy mo talaga sa part na 'yan," Sophia said at mas lalo akong napatawa. "By the way, Dani, kung mag-suceed tayo sa mission ay may announcement akong sasabihin sa family.

"Ano 'yon?" Tanong ko at sumubon ng isang kwek-kwek.

"Secret muna?" She pointed her index finger on her nose. Ano kaya yung announcement na iyon?

***---***---***---***

Ayon, sorry for the late update dahil nagkaroon ng glitches si wattpad so I decided na huwag munang mag-post.

Alam kong na-miss ninyo ang school war world so sa mga susunod na update ay focus tayo doon :)

Continue Reading

You'll Also Like

ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

242K 12.4K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
39.8K 1.3K 38
Amber was an assassin trained by a unanimous underground organization in Italy. She was trained to kill and to be merciless. But then, she ran away a...
3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
756K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...