Opposite Attracts (Heartthrob...

De CesMusickera

2.4K 91 56

We are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi m... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 9

62 3 2
De CesMusickera


Hiring pa po kami ng mga willing na maging operators. Male operators po. Just piem me.







-------

Bianca's Pov



Mula nang mailibing si Lolo, napansin ko si Lola na palaging tulala at kung minsan ay malayo ang tingin. Marahil ay sobra itong nalungkot sa pagkawala ng Lolo. Lumalaki na rin ang tiyan ko. T'wing dadating ang pensyon ng Lolo, ito ang ginagamit kong pampacheck up para sa amin ni Baby.




Isang araw ay galing ako sa check up nang madatnan ko ang bahay na bukas ang pinto. Nagtaka ako sa katahimikan ng buong bahay. "Lola?"paulit-ulit kong tawag pero ni isang sagot ay wala akong narinig.



Nag-alala ako kaya agad na akong tumakbo sa may kwarto nila ni Lolo. Napaupo ako sa nadatnan ko. Si Lola na duguan ang dibdib habang yakap ang larawan ni Lolo sa frame. Napasigaw ako kasabay ng pag-iyak ko.




"Bianca?" Nang lingunin ko kung sino ang dumating, kahit anong galit ko sa kanya ay wala akong nagawa. Niyakap ko siya at doon naiyak. "Shhh, tahan na. Magiging okay din ang lahat." Tumingin ako sa gwapo niyang mukha. Pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko maitatangging namiss ko siya. Sa ilang buwan na hindi ko siya nakita, pakiramdam ko ay taon na ang lumipas. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin ang ama ng magiging anak ko.





------






Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto kung nasaan ako. Lahat ay kulay puti. Nakita ko si Vincent na natutulog habang nakasubsob ang ulo sa kama kung saan ako nakahiga. Nang marealize ko na nasa ospital ako ay agad akong bumagon dahilan para magising ang lalaki sa gilid ko.



"Bianca? Anong ginagawa mo?"nag-aalalang sabi nito.



"Aalis na ako dito. Si Lola? Paano si Lola?"bulyaw ko.



"Sorry pero Bianca, wala na si Lola mo."malungkot na sabi ni Vincent.



"Hindi! Hindi totoo yan!"sigaw ko.



"Kumalma ka. Makakasama 'yan sa baby natin."



Nang marinig ko siya ay agad kong tiningnan ang tiyan ko. Saka matalim na tumingin sa kanya. "Baby? Natin?"



"Oo. Anak natin 'yan."




"Hindi! Matagal mo na kaming iniwan. Ay mali, ako lang pala ang may gusto ng lahat. Para sayo peke ang lahat! Peke tayo!"sigaw ko.




"Mahal kita Bianca. Pananagutan kita."



"Hindi! Ayo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang sakupin ang mga labi ko. Sabi ng isip ko ay mali ang pumayag ako sa halik na ito. Pero ang puso ko na mabilis pa sa alas quatro ang pagtibok, sumasang-ayon sa ginagawa ni Vincent.



Nang matapos ang halik na iyon ay napayuko ako at doon bumagsak sunud-sunod ang mga luha ko. Ang bigat ng dibdib ko. Kailangan ba talagang pahirapan ako ng panahon?



"Tahan na. Sige ka, iiyak din si Baby."pag-aamo ni Vincent sa akin.



"Gusto kong makita si Lola."




"Pero-"



"Gusto ko siyang makita. Parang-awa mo na."pagmamakaawa ko.





Tahimik ako sa byahe. Pagdating namin sa bahay ay nadatnan ko ang ilang kapitbahay namin na nandoon. Inaayos nila ang puting tent sa labas. May ilan na nag-aalok ng kape at tinapay.



Inalalayan ako ni Vincent sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kabaong kung nasaan ang Lola. Wala akong pakialam kung maga na ang mata ko. Muling dumaloy ang luha sa pisngi ko. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Vincent sa likod ko. "Bakit nyo ako iniwang mag-isa?"iyak ko. "Paano kami ng anak ko? Wala na. Mag-isa na lang talaga ako."ptuloy ko pa.




"Nandito naman ako."si Vincent.



"Lola..."






-----



"Napakaswerte naman ni Bianca sa lalaking iyan no? Aba sagot lahat ang burol at libing."narinig kong chismisan ng ilang dumalo sa libing ni Lola.






Nang makabalik kami sa bahay ay hinatak ko sa kusina si Vincent para kausapin ito. "Bakit? Tanong pa niya.




"Pagkatapos ng araw na 'to, ayoko nang makikita kita rito."seryoso kong sabi dito.




"Ha? Akala ko ba okay na tayo?"nakakunot-noong di Vincent.




"Hindi kita kailangan. Kaya pwede ba, umalis ka na lang."





"Paano ang anak natin?"




"Kaya ko siyang buhayin. Pagsisikapan ko. Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sayo."





"Dahil ba sa sinasabi nila sayo? Bakit ba mas pinakikinggan mo pa ang sinasabi nila? Heto ko oh! Mahal kita. Mahal na mahal." Nakikita ko na ang nangingilid nitong luha pero pinipigilan kong bumigay.




"Bukas na bukas din ay ayoko nang makita ka pa dito."saka ako nagtungo sa kwarto at inilock ito.




"Bianca! Bianca, mag-usap tayo."sigaw niya kasabay ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng aking kwarto.






Siguro tama lang ito. Tama lang na bitawan ko siya para sa amin ni Baby. Panahon na para sarili ko naman ang mahalin ko. Pero bakit ganoon? Masakit?










-------




Vincent's POV





Wala na akong nagawa pa kundi ang umalis. Labag man sa gusto ko pero kung ito naman ang magpapasaya sa kanya, fine! Lalaki ako, oo. Pero ang lalaking katulad ko ay hindi maiwasang lumuha sa ganitong sitwasyon. Paano? Paano na ang mag-ina ko ngayon? Paano sila mabubuhay kung wala silang kasama?





Dumeretso ako sa bar kung saan kami madalas ni Migs. Nakakailang bote na din ako ng beer nang dumating ang mokong. "Vincent? Hindi ka naman ganyan dati ah?"pagtataka na may halong pag-aalala ni Migs.




Dahil lasing na ay tinawanan ko ito. "Nakakatawa pare. Nahulog na ako ng tuluyan sa babaeng baliw na iyon."






"Lasing ka na talaga. Pero wait, tama ba ang narinig ko? You fell in love with her?"





"Oo. Kinain ko lahat ang mga sinabi ko noon. Ngayon,magkakaanak na kami pero ayun! Ayaw na niya akong makita. Ayaw na niya sa akin."sabay tungga sa bote ng beer.





"So anong plano mo ngayon? Lulunurin mo na lang ang sarili mo sa alak?"






"Wala na akong maisip na gawin para makuha ulit ang loob ni Bianca. Dahil sa takot ko noon kaya kami nagkakaganito ngayon."






"Umiiyak ka ba, pare?"tanong ni Migs.




"Hindi no!"sabay pahidsa luha kong kanina pa gustong kumawala.




"Kung ayaw niya ng tulong mo, why don't you help her na pasekreto? Yung tutulungan mo siya pero hindi niya malalaman na ikaw ang tumutulong sa kanya."saka ito umupo sa tabi ko at kumuha ng isang bote ng beer.





Tama. Mukhang iyon na lang ang paraan para matulungan ko ang mag-ina ko. Kung noon siya ang stalker ko. Ngayon, ako naman ang susunod kung saan man siya magpunta. Palihim ko siyang tutulungan at panonoorin. Sa ganitong paraan, mapoprotektahan ko silang mag-ina.





"Tama ka pare."sambit ko.





"Sa ngayon Vincent, tigilan mo na ang pag-iinom. Baka hindi mo na magawa ang plano kung gaganyan-ganyan ka. Ihatid na kita."




"Salamat Pare."









--------




Mr. Stalker ka ngayon Vincent ahahaha... paano na nga ba si Bianca kung siya lang mag-isa?



Unedited.

Continue lendo

Você também vai gostar

291K 6.3K 18
Im not that Childish and Dumb Zooey Anymore!
137K 1.7K 46
There is this one girl who pisses you off to the limits. May amo naman akong naninigaw kapag nagjoke. Pano kaya ipagsama sila sa isang storya? Gulo g...
My Hot-Tempered Boss De ATHENA

Ficção Adolescente

63.7K 1.4K 36
Masungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's...
11.7K 398 65
Scarlet Shane Ramires, 16 years old, at munting prinsesa ng Aris Group of Company. Isang babae ng naghihintay sa pagdating ng kanyang nag-iisa at pin...