My Rented Boyfriend (Complete...

By missrxist

54.5K 914 23

Mareyna's plan backfires when she discovered the weird beating of her heart and the 'kilig' factor that Cast... More

Teaser
Rented BF 1
Rented BF 1.2
Rented BF 2
Rented BF 2.2
Rented BF 3
Rented BF 3.2
Rented BF 4
Rented BF 4.2
Rented BF 5.2
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Rented BF 9
Epilogue
Rented BF 4
Rented BF 4
Rented BF 5
Rented BF 6
Rented BF 7
Rented BF 8
Rented BF 9
Rented BF 10
Epilogue

Rented BF 5

2.3K 44 0
By missrxist


"YOU LOOK so beautiful and fabulous, Mareyna!" masayang sabi ni Jelly sa kanya. Saka siya hinawakan sa kamay at pinaikot. "Your brown spaghetti strap dress with crystals is really good on you; maputi ka kasi at para kang mag-a-attend sa isang acting awards night. Cous, tiyak ikaw ang magiging centro ng atensyon sa reunion party natin mamaya." Puri pa nito sa kanya.

"Thanks, cous." Nakangiting sabi niya. "Ikaw din naman." Nakangiting ganti niya, nakasuot ito ng white suit na bumagay dito, guwapong-guwapo ito pero mas gusto nitong nasasabihan na maganda.

Inayusan siya ng pinsan niya; mula make up hanggang bun hairstyle at ito na rin ang pumili ng kanyang isusuot. Hindi siya marunong mag-ayos ng sarili dahil madalas lipstick lang naman ang ipinapahid niya sa kanyang mga labi kapag pumapasok sa trabaho. Marunong naman siyang tumingin ng magandang dress pero hindi lang siya gano'n ka-confident kung bagay sa kanya 'yon kaya madalas fashion consultant niya ang pinsan, na mas magaling sa mga gano'ng usapin.

"Parating na siguro ang Castle ng Reyna and I wonder how does he looks like." Nakangiti at excited na sabi nito. "Alam mo ba, bagay na bagay kayo ni Castle para kayong mga hari at reyna sa isang kaharian. Kapag nagkatuluyan kayo, tiyak ang ganda ng lahi ninyong dalawa." Kinikilig na sabi nito.

Tinampal niya ang braso nito pero lihim naman siyang natawa sa sinabi ng pinsan. "Rented boyfriend ko lang 'yong tao kaya huwag mo nga kaming itinutukso." Aniya.

"Eh, bakit ba ayaw mo?"

"Eh, nagpapanggap lang naman kami, e."aniya. "FYI, hindi ito dahil sa high standards ko na madalas sinasabi ng iba, ha."

"I know, kung nakatingin ka talaga sa standards ay hindi mo sana pinatulan si Avys kasi hindi mo naman gusto ang mga tulad niyang mayabang at maangas, e." ani Jelly.

Tumango-tango naman siya. "Nabubulag pa ako no'n dahil sa mga ngiti at sweetness nila at hindi na masyado nagfo-focus sa attitude at mas maganda pa rin ang attitude; bonus na lang ang ganda ng mga ngiti at sweetness ng isang lalaki."

"So, bakit ka nga hindi pwede mapasama si Castle sa listahan mo?"

"Okay fine! Dahil ayoko muna uli magka-boyfriend."

"Natatakot ka na? Pansin ko nga na after ng mga nagiging break ups mo, after three years ka uli nagkaka-boyfriend. So, maghihintay ka uli ng three years para sa isang bagong relasyon at kung gano'n pag-twenty eight ka na uli magbo-boyfriend? Matagal-tagal pa pala."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi na uli ako magpapadala sa mga ngiti at sweetness, doon ako nadadali at doon din ako nasasaktan dahil ipinagpapalit din naman ako sa huli, dahil hindi ko kayang ibigay sa kanila ang mga pangangailangan nila."

Tipid itong tumango. "Anupaman ang maging desisyon mo ay nandito lang ako nakasuporta sa 'yo, cous." Anito. Yumakap naman siya sa pinsan hanggang sa tumunog na ang doorbell sa harapan ng kanyang condo. Mabilis silang naglakad ni Jelly para pagbuksan ang nag-doorbell at si Augustus ang nakita nila—sinabi kasi ng pinsan niyang sa condo na lang niya puntahan ito.

"Hello, dear!" masayang salubong ni Jelly sa kasintahan saka ito yumakap sa lalaki na mabilis din naman nitong ginantihan.

At kasunod naman ni Augustus na dumating si Castle. Saglit siyang napatulala nang makita ang lalaki, kung gaano kaguwapo si Augustus ay mas guwapo ng isang daang beses si Castle para itong artista sa suot nitong black suit. Oh God, he really look like Ji Chang Wook in his latest K-drama K2. He looks so awesomely handsome. Hindi niya masyadong ma-explain kung gaano ito ka-breathtaking.

"Hi!" narinig niyang bati ni Castle sa kanila saka ito nakipag-high five kay Augustus.

"Cous, laway mo tumutulo." Natatawang bulong ni Jelly sa kanya. Palihim din niyang kinapa ang gilid ng mga labi dahil baka may tumulo na nga siyang laway doon na hindi na niya namamalayan dahil sa guwapong lalaking nasa harapan niya. "Kumurap ka naman." Dagdag pa ni Jelly sa kanya kaya pinandilatan niya ito dahil baka marinig sila, palibhasa ay nagkaka-kumustahan ang dalawang lalaki. "He's so gorgeous."

"He's like a fictional character in the K-drama; he is very good-looking, cous." Ganting bulong niya.

Nang bumaling si Castle sa kanya ay ngumiti ito sa kanya. "Pasensya na ngayon lang ako, ang traffic kasi." Nakangiting sabi nito.

Umiling-iling naman siya. "Wala pa namang eight PM, e. Okay lang." saka ang guwapo mo, kaya pinapatawad na kita! Pero lihim siyang napailing sa sinabi niya. Kasasabi lang kasi niyang hindi muna siya magpapadala sa ngiti ng mga tulad nito—pass muna siya sa love.

"Tara na dear," yaya na ni Jelly sa boyfriend nito saka na sila nagpaalam para maunang umalis kumindat pa ito sa kanya bago ito umabrisyete sa kasintahan nito.

"Sorry pala Reyna, wala akong sasakyan tulad ni Augustus," nakakamot sa ulo na sabi nito. "Kaya nag-commute lang ako papunta dito at dalhin ko sana 'yong motor ko kaso hindi mo naman bagay sumakay doon."

"Bakit naman?"

"Ang mga bagay sa 'yo ay mga limousine, Ferrari, lambourgini dahil para ka kasing Reyna lalo na ngayong gabi—you are so beautiful." Nabasa niya ang adoration sa mga mata nito at guwapo pang ngumiti sa kanya. Nagulat siya nang abutin nito ang kamay niya at hinalikan sa ibabaw niyon at yumukod ito sa kanya. "Ikinagagalak kong ikaw ang aking makakapareha ngayong gabi, mahal na Reyna." Anito.

Hindi niya napigilang mapangiti. "You also look amazing, Castle." Aniya.

"Thanks." Nakangiting sabi nito. Saglit pa siyang tinitigan nito bago niya ito niyayang umalis para magtungo na rin sa Grand hotel kung saan gaganapin ang batch reunion nila.

Ginamit na nila ang sasakyan niya at syempre pa ay ito na ang nagmaneho niyon. Habang nasa biyahe sila ay nagkakakuwentuhan sila sa kung ano ang magiging set up nila mamaya at kung ano ang mga kailangan nilang gagawin mamaya.

"Basta kunwari ay matagal na tayong magkakilala at nagdi-date. Tandaan mo ayoko sa roller coaster o kahit anumang nakakahilo na rides, cereal ako for breakfast at mahilig sa blueberry cheesecakes, mint chocolate chip, coffee and rootbeer. I love beach, hiking, reading books, red carnations, music, hello kitty and clouds. I also have a Korean drama cds collections."

"Copy." Nakangiting sabi nito. "But I really didn't know that you're an avid fan of K-dramas."

"I-I am." Pag-amin niya. "You should also tell me what do you like and dislike."

"I like rain, beach, extreme rides, I eat anything edible," nakangiting sabi nito. "I also love music; I sing and dance pero ayokong mag-sample, ha." Natatawang sabi nito. "Stress reliever ko ang paglalaro sa computer shop ng starcraft no'ng kabataan ko, ngayon ay mas gusto ko na lang matulog o mag-soundtrip kapag walang trabaho. I dreamt of living in a countryside; 'yong tahimik at presko, I love black and white at kaya kong hawakan ang lahat ng mga hayop except reptiles or any scaly animals."

Natawa naman siya sa huling sinabi nito. "So, hindi ka naghahawak ng isda?"

Tipid itong tumango. "'Yong mga buhay na isda, oo. Hindi ko din alam kung bakit ayokong hawakan sila, e, basta ayoko. Ayoko ding nagpi-play ng keybords kasi gulong-gulo ang isip ko kapag tumutugtog ako niyon dati sa church namin, naging choir member din kasi ako no'ng teen years ko." Natatawang sabi nito.

Tumango-tango naman siya. "Okay." Natatawang sabi na lang din niya. "What do you fear the most?"

Saglit itong natigilan bago sumagot. "I just don't feel like being judged by the people because of the things I do. Luckily, hindi ka gano'n, dahil 'yong mga previous customers ko, feeling nila no'ng ni-rent ako, binayaran na nila ang buong pagkatao ko at kaya na nilang gawin ang lahat sa akin." Seryosong sabi nito, hindi tuloy siya nakasagot dito agad dahil parang nawala ang masayahin na si Castle sa katauhan nito. Bumuga ito ng hangin bago ito nagsalita. "Eh, ikaw?"

Hindi rin siya agad nakasagot. "I hate rejections." Pagtatapat niya. "'Yong pangchi-cheat ng mga ex-boyfriends ko sa akin ay parang rejection na rin 'yon dahil niloloko nila ako at ipinagpapalit sa ibang babae."

"They're bunches of crazy people who let the queen go out of their lives. Ang mga katulad mo ang tipo ng babaeng siniseryoso at minamahal." Seryosong sabi nito.

Na-touch naman siya sa sinabi nito ngunit mabilis din niyang sinaway ang sarili. Hangga't maaga pa lang ay kailangan na niyang pigilan ang sarili na ma-overwhelm sa sinasabi ng lalaki dahil kung hindi ay baka mauwi na naman siya sa pagiging heart broken. Sa una lang naman sweet ang mga lalaki at kapag tumagal-tagal 'yan ay naghahanap rin ng iba lalo na kapag nakakita ng ibang babaeng mas kayang ibigay ang pangangailangan ng mga ito.

Natahimik na lang siya sa kaya muling nagsalita si Castle. "Are you okay?" tanong nito sa kanya.

Tipid naman siyang tumango sa lalaki. "Nasasabi mo lang 'yan, Castle. Pero kapag nakilala mo na ako ay baka ma-bore ka lang din dahil hindi ako kasing fun ng ibang babae kapag kasama."

"Of course not," mabilis na sagot nito. "We've been together for three weeks now and I still wanna be with you kahit matapos na ang one month contract and be friends with you."

"Why?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 110 24
One hunk of a college professor and his equally gorgeous girlfriend have been together for years. Enter one dreamy-eyed freshman. What could possibly...
43.1K 593 83
Please do read first the book 1 & 2 po para makasunod po sa Story nina JARED&ALI Thankyou!❤
910K 29.6K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...