Epilogue

2.4K 43 0
                                    

"SA PAGPATAK ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip-isip ko hindi na mahinto pintig ng puso, ikaw ang pinangarap-ngarap ko simula nang matanto na balang araw iibig ang puso..." nakangiti si Castle Wren habang kinakanta nito ang 'Ikaw' ni Yeng Constantinto habang dahan-dahang naglalakad sa carpeted aisle palapapit sa lalaki ang magandang bride nitong si Mareyna na nakasuot ng mahaba, maganda at puting gown.

They both look really so in love with each other, hindi maalis ng binata ang mga tingin nito sa magandang soon to be wife nito. Nakangiti din si Mareyna habang nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa napaka-guwapong soon to be husband niya na noon ay nakasuot ng black tuxedo nito.

Naka-abrisyete si Marenya sa mga magulang niyang habang masayang-masaya at kasama niyang naglalakad sa carpeted aisle ang parents niya na palapit sa kinaroroonan nina Castle kasama ng parents nito at habang naglalakad siya ay kinakantahan siya ng groom niya. Hindi tuloy niya maiwasang kiligin at mapangiti.

Imbitado sa kasal nila ang buong miyembro ng pamilya nila; umuwi pa mula sa States ang ibang miyembro ng pamilya niya at mga kaibigan nila ng kanyang groom, si Chasen ang best man, secondary sponsors naman sina Jelly at Augustus at ibang mga pinsan nila na maids of honor at best men. Ipinakilala din ng pinsan niyang si Jelly ang boyfriend nito sa parents nito na no'ng una ay hindi matanggap ngunit sa huli ay unti-unti ding natanggap dahil doon masaya ang pinsan niya.

Masayang-masaya pareho ang mga lolo at lola niya both sa paternal at maternal side at ang makita ang lahat ng mga mahahalaga sa buhay nila ni Castle na masaya ay sobrang saya na din nilang dalawa.

"Ikaw ang pag-ibig na hinintay puso ay nalumbay nang kay tagl ngunit ngayo'y nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..."

Muli siyang ngumiti at hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa labis na kasiyahan at pagmamahal sa puso niya. Nag-flashback muli ang lahat simula nang magkakilala sila hanggang sa nag-propose ito sa kanya two months ago—from reel love to real love. Napaka-magical talaga ng love.

Naalala pa niya, tatlong linggo simula nang makauwi ito mula sa States ay nag-organize ito ng get-together party nang buong miyembro ng pamilya nila nang wala siyang kaalam-alam at nagulat na lang siya nang sunduin siya ni Castle sa work dahil may date daw sila sa isang romantic place at ni-rent nito ang buong lugar pero hindi niya alam ay magpo-propose na pala ito sa kanya nang gabing 'yon na witness ang lahat ng mga taong malapit sa puso nila na noon ay nakatago pala sa kung saan. Kaya pala panay na ang parinig sa kanya ni Jelly that time tungkol sa kasal dahil kasabwat din pala ito sa paghahanda ng party.

Ngayon nga ay mag-fo-for good na ito sa bansa dahil may business itong naiisip itayo mula sa ipon nito sa pagmo-modelo at sa café na pinag-part-time-an nito at siyempre pa ay dahil gusto siya nitong araw-araw ay makasama.

Sobra talaga siyang nagulat at nasiyahan dahil iyak lang siya nang iyak nang lumuhod ito sa harapan niya para alukin siya ng kasal at nang um-oo na nga siya ay halos mapaiyak din ito, nagtatatalon din sa tuwa ang lahat ng miyembro ng pamilya niya pati yata mga lolo at lola niya sa labis na kasiyahan.

Pl-in-ano din nila agad ni Castle ang date ng kasal nila, ang magiging parte ng maganda at masayang pangyayaring 'yon sa buhay nila, ang mga imbitadong guests, venue, pagkain, motif at kung anu-ano pa. Hindi naman sila gaanong nahirapan sa pag-o-organize dahil kumuha sila ng wedding planner na tutulong sa kanila para mapabilis at maiayos ang lahat.

No'ng una ay beach wedding ang naisipan nila, naisip din nila ang garden wedding at forest wedding ngunit sa huli ay sa simbahan pa rin dahil mas solemn pa rin ang lugar na 'yon para sa pagpapakasal. At wala na siyang iba pang mahihiling sa Maykapal kundi ang maging masaya at makasama pa ng matagal ang lalaking magiging asawa niya.

Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng binata ay nagmano ito at humalik sa parents niya, gano'n din ang ginawa niya sa parents nito saka siya niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo ng groom niya dahil sa labis na kasiyahan nito. Sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay nila, gumati din siya nang mahigpit na yakap dito at nang marinig nilang tumikhim ang pari ay saka lang nila naalalang may magaganap pa palang seremonyas ang nakangiting pari na nasa harapan nilang lahat bago sila maging legal na mag-asawa ni Castle kaya nagkangitian na lang sila ng groom niya. Inalalayan siya ni Castle para magtungo sa harapan ng pari.

Ang bilis ng kabog ng puso niya, dahil 'yon sa mixed emotions na nararamdaman niya at alam niyang gano'n din kasaya si Castle nang mga sandaling 'yon. Wala na talagang makapipigil sa road to forever nilang dalawa.

They were two but their hearts beats as one, indeed, true love really exists!

WAKAS

My Rented Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon