The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 11: Illusions

79.6K 1.9K 60
By AleexJin

 Chapter 11: Illusions

 

Nagising ako na wala si Viex. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay na ito pero wala miski anino niya. Baka pumasok siya. Buti naman. Ayoko siyang makita. Naiinis ako sa kanya dahil ayaw niya akong pakawalan. If he's not going to kill me then why keep me?

Unti-unti niya ba akong pahihirapan hanggang sa ako na ang magmakaawang patayin niya? Hindi ako yung tipo ng taong sobrang judgmental o paranoid sa paligid niya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ako pagdating sa magkapatid na Zaffre. Sapat na siguro ang ilang beses nilang pananakit at pagtatangka sa buhay ko para maging paranoid ako pag nasa paligid sila.

I looked at my wrist watch and it says 9:35 in the morning. Ang dami ko pang gagawin sa school para sa papalapit na Sem-Ender party next next week kaya kailangan kong makalabas dito. Pero jeez! Everytime na tatangkain kong lumabas, parang yung mismong pinto na ang lumalayo sa'kin. It's weird, yeah. Pero unti-unti na ata akong nasasanay. Hindi ordinaryong bahay 'to.

Now that I think about it. Malakas ang kutob kong vampire ang magkapatid na 'yon. Masakit man sa ulo at hindi kapani-paniwala na may ganoong klase pala ng nilalang na nabubuhay sa mundo, naniniwala pa rin ako because I witnessed it myself. They have powers and they used that power on me.

Gusto akong patayin ni Roanna kaya nung gabing nakikipag-usap ako kay Mimi, inutusan niya si Viex. O talagang planado na nila yon, bago pa man sila pumasok sa Finelry? I should know. Kailangan kong malaman ang intensyon nila. Why me? At sino yung hinahanap nila na nakakasagabal ako? Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Roanna nang makita ko siya sa isip ko. 

She wants me to be executed because I'm blocking their way. In what sense? Paano ko sila pinipigilan? At anong kinalaman non sa pagiging top student ko?

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Umiling-iling ako para mawala lahat ng nasa isip ko. Kailangan ko munang magfocus sa pagtakas dito. Kailangan kong makaalis dito bago pa man bumalik si Viex. Paano kung kasama niya na si Roanna pagbalik niya? Anong laban ko sa kanila? I'm just a normal individual and they're extraordinary. How will I fight them?

Tumayo ako sa kamang inuupuan ko at naglakad palapit sa pinto. Hindi ko alam kung kwarto ba itong pinagdalhan sa'kin ni Viex o bahay na talaga. Hindi ko naman kasi alam kung anong nasa labas nito.

Unti-unti akong lumapit sa pinto at gaya kagabi, parang bulang naglaho ito sa paningin ko. Napapaisip rin ako kung nababaliw na ba ako o totoo talaga ang nangyayaring ito.

I tried to concentrate on the door. Ano'ng meron sa labas ng pintong yan?

Tinignan ko lang ang kabuuan ng pinto na animo'y sinusukat lahat ng aspetong meron ang pintong iyon. I tried to imagine how heavy it is. How rough or smooth it's texture and all. Even how it tastes. I don't know what I am thinking. Kung makakatulong ba ang pag-iisip ng mga ganoong bagay para makakaalis ako dito. But I can't help it. It's like it's the best way for me to escape this house. Parang inuudyukan ng isip ko ang buong sistema ko para gawin yon.

I closed my eyes and continue to think about those things and then something flashes in my mind.

Nakita ko ang sarili ko, sa harap ng pinto. Nakatingin ako doon. Pero hindi ko alam kung anong nasa isip ko. HIndi ko alam kung anong nasa isip ng Zeira na nakikita ko sa isip ko.

Unti-unti itong naglakad palapit sa pinto. Naramdaman ko rin ang sarili kong katawan na gumalaw pero hindi ko alam kung saan ito papunta. Nakapikit ako at hindi ko alam kung ako pa ba talaga ang kumokontrol sa sarili kong katawan.

Nakikita ko lang ang sarili kong papalapit ng papalapit sa pinto. Nagtaka ako nang hindi nawala ang pinto nang makarating ako sa harap nito. I reached for the door knob and I was stunned when I felt the metal knob in my hands. Paanong nahawakan ko ito sa isip ko pero nararamdaman ko rin naman ito sa sarili kong mga kamay?

I opened my eyes. Kung nagulat ako sa mga nakita ko sa isip ko, mas nagulat ako nang makitang nasa harap ako ng pinto at hawak ang door knob. Paanong nangyari yon?

Ano bang nangyayari sa'kin? Anong nangyayari sa isip ko? Why am I seeing real things in my mind? Paano ko nagagawa ang bagay na yon?

Pipihitin ko na sana ang door knob para makaalis ako sa bahay na ito pero napatigil ako nang biglang may magsalita mula sa likod ko.

"You're really unpredictable. I have no doubt about you being the top student. And you just made me believe more about what Roanna doesn't." Napatingin ako nang dahil sa sinabi niya.

"What?" puzzled na tanong ko habang nakatingin sa malalamig niyang mga mata. Ngayon ko lang napagtantong hindi na ako naiilang na tignan ang mga mata niya. Bakit kaya?

"I can manipulate things and even people's minds exclusion of yours." Even though his eyes were cold as ice, I can see a glint of amusement in it when he said that. 

Nakatingin lang ako ng seryoso sa kanya. Bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito sakin? Hinintay ko lang siyang magsalita ulit. Hindi ako kumibo. Baka kasi may mali akong masabi at hindi niya na ituloy ang mga sinasabi niya. Atleast kahit hindi ko alam kung totoo ba yang mga bagay yan, somehow, makakakuha ako ng clue tungkol sa pagkatao nilang dalawa ng kapatid niya.

"All the things you're seeing right now..." sabi niya na hindi manlang natitinag sa pagkakatitig sa'kin. "All of these are just an illusions." dagdag niya.

My forehead creased. "Illusions?" hindi ko na mapigilang itanong. Hindi ko alam kung bakit, paano at kailan pa ako naging interesado sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya kilala but why do I have this feeling of trusting him, somehow?

He nodded.

In-analyze kong mabuti sa isip ko ang mga sinabi niya. Manipulation. Illusions. Sinabi niya na hindi niya kayang imanipulate ang utak ko diba? Bakit hindi? At kung hindi niya kaya, why am I seeing these illusions he made?

Tinignan ko ulit siya at parang nahulaan naman niya ang mga nasa isip ko. "I can't manipulate your mind. That's a clear fact. But I can manipulate the things around you. In that sense, those things will help me manipulate your vision." he explained.

I nodded. Kaya pala kahit anong gawin kong habol sa pinto, hindi ko ito maabutan. Kusa itong nawawala dahil hindi naman totoo ang mga nakikita ko. It's weird to have a conversation like this with him. Hinding-hindi ito ang Viex na nakilala ko.

I flinched when I remember something. Yung nangyari kanina at yung mga iba pang nakita ko sa isip ko nung mga nakaraang araw. Paano ko nagawa yun? Was that some kind of manipulation? I was about to ask him kung ano ang mga yon nang matigilan ako.

I can't trust him with this matter. Pinagtangkaan niya ang buhay ko diba? You can't trust him, Zeira.

Naisip ko bigla ang lahat ng nangyari. Today  is Thursday. Ito ang pang-apat na araw mula nang makilala ko ang magkapatid na Zaffre. At ang weird lang dahil parang napakahaba ng bawat araw na dumadaan. Dahil ba yon sa napakadaming nangyayari kada araw?

"Another thing is, I'm not a vampire." napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yon sa gitna ng katahimikan.

"But Roanna is." I said confidently. Wala nang oras para sa salitang doubt. Ang dami nang nangyaring napaka-imposibleng bagay para sakin. Kaya alam kong totoo ang nasa isip ko. Roanna is a vampire. Hindi sumagot si Viex sa sinabi kong iyon. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay ang nasa isip ko. I can't trust anyone. But I can trust myself.

Unti-unti kong iniyuko ang ulo ko para mag-isip kung paano makakaalis sa lugar na to. Kung hindi lang sana ako nawala sa concentration kanina, malamang nakaalis na ako sa ilusyong ito.

Inangat ko ang ulo ko para sana hanapin si Viex. Pero nawala na naman siya. Kung hindi siya vampire. Ano siya? Ano kaya?

"Zy? Zy! Wake up!" naramdaman ko ang pagyugyog ng katawan ko hanggang sa naging black na ang buong paligid. Iminulat ko ang mga mata ko pero agad ko ring itinakip dito ang isang kamay ko. Masyadong nakakasilaw ang sinag ng araw.

"Thank God, you're awake!" napatingin ako sa taong biglang yumakap sakin habang nakahiga ako. Si Mishie. Tulog ako? Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat ng yon?

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at nakita si Syn na nasa tabi lang ni Mish. She's looking at me with a worried face pero nakangiti siya. Sinuklian ko rin naman ang ngiting iyon.

Nilibot ko pa ang tingin ko para malaman kung nasaan ako. Puro puti. Mula sa kisame hanggang sa mga kurtina at sahig. Nasa clinic ako ng Finelry. I've never been here pero alam ko ang itsura nito since madalas akong nagdadala ng may sakit na students dito. But why am I here?

"Bakit nandito ako?" tanong ko sa kanilang dalawa nang humiwalay ng yakap sakin si Mish.

"Hinimatay ka kagabi, Zy. Nung papasok na tayo sa likod ng dorm. Hindi namin alam kung anong nangyari sa'yo. Kaya nang biglang dumating si Nijel sa lugar na yon, dinala ka kaagad namin dito sa clinic. And surprisingly, halos 12 hours kang tulog. Ano'ng napanaginipan mo?" paliwanag ni Mishie. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko at saka tumingin ulit sa kanilang dalawa.

"Hinimatay ako? At biglang dumating si Nijel at tinulungan kayong dalhin ako sa clinic?" tanong ko. They both nodded. Bigla akong napaisip. Pagkatapos kong kausapin si Nijel sa phone, something weird happened, na naging sanhi ng panghihina ng buong katawan ko kaya ako nahimatay. Then someone lifted me. It's Viex. Paanong si Nijel ang tumulong sa pagdadala sakin dito? So panaginip lang talaga ang lahat ng nakita ko? Ipinikit ko ang mata ko sa sobrang inis. HIndi ko alam kung bakit ako naiinis sa sarili ko. Bakit ba kasi kung anu-ano ang iniisip ko? Kung anu-ano tuloy napapanaginipan ko.

-----------------------------xx--------------------------

a/n:

TBC. Good night sorcerers! <3 Pasensya na kung sabaw. Thanks sa pagbabasa at pagsuporta! :) Bukas siguro ipopost ko yung kasunod nito. Hihi. Sarreh~!

@aleetheheiress

~Alee

Continue Reading

You'll Also Like

191K 6.4K 38
What we thought was the end, is just about to begin. (Book 2)
54K 7.2K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...
2K 91 22
Cordelia (means Daughter of the Sea) is the daughter of Aqautic Goddess Hydeline and a human Xyron. Just like her mom, Cordelia has an ability to con...
89.5K 3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...