Pangako (Published by Preciou...

By MarthaCecilia_PHR

881K 16.8K 861

Pangako by Martha Cecilia Published by PHR More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Thirteen

43K 841 54
By MarthaCecilia_PHR


"GISING ka pa?" tanong ni Jake sa kanya nang makitang nasa sala siya at nakaupo. "Alas-dies na nang gabi."

"Gusto kitang makausap."

Umiwas ito ng tingin. "If it's about what happened this—"

"Hindi," agap niya, trying to control the fury inside her. Wala siyang inaasahang anupaman sa nangyari sa kanila. Ginusto niya iyon. But he could have shown a little tenderness.

"Gusto kong ipakipag-usap ang tungkol kay Kathleen. But I guess you want to eat first."

"Kumain na ako kina Greg. Ano iyong tungkol kay Kathleen?"

She took a deep breath. "N-nagsalita siya kanina."

"Ano?!" He turned sharply and she saw a flicker of hope in his eyes.

"Pero—hindi na naulit uli," she said softly. Tumalikod dahil hindi niya gustong makita ang kabiguang hahalili sa mga mata nito. "But she said a word and it's 'blood.'"

"'Blood'?"

Tumango si Janine nang hindi tumitingin dito. "S-she... she saw the... well, she was there when I woke up." pinuno niya ng hangin ang dibdib and made her voice sound businesslike. "I don't have to spell it out kung anong dugo ang nakita niya, you know what I mean. Tumili siya at isinigaw niya ang salitang 'blood.' Ilang sandali rin bago ko siya napakalma, And when she did, she was back to her normal self."

"Dammit, it wasn't normal that she's not talking!" he blurted angrily. Pagkatapos ay naupo sa naroong silya and drew his breath. Ilang sandali ang pinalipas bago nagsalita. "I had taken her to experts. Ang sabi ng mga doktor ay ang pagkamatay ng Papa Anselmo ang posibleng dahilan ng trauma niya since it was after he died that she stopped talking."

"I know he died of heart attack, but how?"

"Sa may kubo di-kalayuan sa bahay nila. Nasa puno siya ng hagdan nang matagpuan ng isa sa mga katulong na duguan ang ulo. Ayon sa doktor, may posibilidad na bumagsak ito sa bato nang atakihin."

"Hindi siya nakita ni Kathleen?"

Umiling si Jake. "Nandito si Kathleen nang umuwi ako matapos ibalita sa akin ang nangyari."

Wala na siyang masabi pa roon. It could have been her grandfather's death that caused Kathleen's shock. Humakbang siya patungo sa hagdan. "Papanhik na ako."

"Babe," pahabol nito in a strangled voice. Lumingon siya at sarisaring emosyon ang nakita niya sa mukha nito. Regret... guilt... confusion o kung anumang hindi niya mabigyang pangalan. "Ang nangyari sa atin kaninang—"

"Forget it," she hissed. Damn him for showing remorse, pagkatapos nang mga endearment at sweet nothing na ibinubulong nito sa kanya kaninang madaling-araw while he took advantage of her body.

Hypocrite! Mas di-hamak na straight forward si Matthew than this so-called old fashion man that she fell so in love with hopelessly.

"Right," galit nitong ganti. "Isa na naman sa passing interlude mo, lamang ay isa kang malaking palaisipan, Janine del Castillo. Laman ng society column ang mukha mo sa nakalipas na tatlong taon after you came back from the States. Bawat okasyon ay iba't ibang boyfriend ang ipinakikilala mo. How come you were still untouched until this morning? Ano ang nangyari noong gabing dumating ako sa pad mo? I was so positive that that boyfriend of yours—" hindi nito itinuloy ang sinabi, bahagyang umiling.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa embarassment. Is it really so shocking now-a-days na malamang virgin pa ang isang babae that he spoke of her innocence in a mocking manner?

"I know you were a virgin when I first met you pero hindi ko inaasahang ganoon ka pa rin hanggang ngayon. I wouldn't really be so surprised kung malamig ka but you're as hot as a coal, Janine." desire flickered in his eyes again na humalo sa galit na nasa mga mata nito.

"I will not stand here and listen to your insult!" Akma siyang papanhik nang muling magsalita si Jake.

"I really wish to hell you hadn't come back, Janine. You will be hurting my daughter in the process at hindi kita mapapatawad sa gagawin mo sa isang walang-malay na bata!" Nag-echo ang tinig nito sa buong kabahayan na nagpalingon kay Janine, her face in raging fury.

"No matter what you thought of me, I will never hurt my own niece, damn you, Jake!"

"Not in physical sense. Pero hindi mo ba nakikita na malapit sa iyo ang bata? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ni Kathleen sa sandaling bumalik ka na sa Maynila?" ani Jake sa tinig na puno ng akusasyon and—was it bitterness? No, she just imagined it.

Hindi siya agad nakaapuhap ng isasagot doon. Muling naguluhan. Maaaring may basehan ang akusasyon nito pero bakit kailangang masisi sa kanya iyon?

"I—I—could always ask her to come to Manila for—"

"Oh, yeah?" tuya nito. "Send a chaffeur and spend a day or two with you in Manila or take her to America. Show her the world and buy her all the things your money can buy? Hindi ako papayag na gawin mo sa anak ko iyon!"

Kung ano man ang sasabihin ni Janine ay napigil sa biglang pag-iyak ni Kathleen sa may itaas ng hagdan. Marahil ay nagising sa pagtatalo nila. Akmang papanhikin ng dalaga ang bata pero inunahan siya ni Jake.

"Leave my daughter alone!" At dinalawang hakbang nito ang hagdan papanhik. Pinangko ang bata and whispered soothing words at muling dinala sa silid nito.

Nanlulumong napaupo sa puno ng hagdan ang dalaga. Ngayon niya natiyak na hindi tamang naparito siya. Hindi niya dapat pinagbigyan si Consuelo. Hindi siya kailangan nito dahil may bayarang private nurse. At lalong hindi siya kailangan ni Kathleen. Tama si Jake, sasaktan lang niya ang bata pag-alis niya.

Kinabukasan ay nasa bahay ni Allie si Janine.

"Kumusta ang sosyal na yaya? Narinig kong nasa bahay ka ni Jake, Janine," biro nito habang ibinaba sa mesa ang fresh guyabano juice.

"Hindi ko alam kung tamang sagutin ng 'mabuti' ang tanong mo," aniya sa tipid na ngiti. Sa pagitan ng pag-inom ng juice ay sinabi niya rito ang tungkol sa minsanang pagbigkas ni Kathleen ng salita bagaman sinabi niyang monthly period ang nakita nitong tumagos sa beddings.

"I'm sure it was the sight of blood that made her stop talking. At may posibilidad na makapagsalita siyang muli, Allie."

Nakakaunawang tumango si Allie. "Sa palagay mo ba'y makakatulong kung i-expose si Kathleen sa—nakita niya sa iyo? I mean the blood."

"Si Jake ang makapagpapasiya niyan. But he wasn't in the best of moods mula nang dumating ako." sinabi niya ang akusasyon nito sa kanya. "At maaaring tama siya nang sabihing higit ko lang sasaktan si Kathleen pagbalik ko sa Maynila," nahahapong wika niya.

"Nagtataka nga kami ni Greg sa pagiging malapit ng bata sa iyo. But I guess dahil tiyahin ka. Kaya lang hindi naman malapit si Kathleen kay Karla. But then again, siguro dahil walang panahon si Karla sa anak. Mas malimit itong lumabas." iniwas nito ang tingin kay Janine sa bahaging iyon ng kuwento. And she suspected na may iba pang hindi gustong sabihin si Allie sa kanya.

"Ano ang sinasabi ni Jake tungkol sa gawi ng asawa niya?"

Nagkibit ng mga balikat si Allie. "I don't think he cared. Wala akong natatandaang magkasamang umaalis ang dalawa maliban noong ihatid at sunduin ni Jake sa ospital si Karla nang ito'y manganak. Inaabala niya ang sarili sa farm at malimit ay kasama si Kathleen. Nang mamatay si Mr. Cordero, sa bahay na nila umuuwi si Karla at si Kathleen ay palipat-lipat sa dalawang bahay. At nitong nakaraang dalawang buwan ay hiniling ni Mrs. Cordero na sa bahay na nito manatili ang bata. She probably got lonely after her husband died. She'd never been the same again."

Hindi alam ni Janine ang isasagot at iisipin doon. Masyado na siyang na-involve sa mga nangyari sa buhay ni Consuelo at ni Jake Falcon, physically and emotionally. At hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.

Sa pag-uwi ay naisipan niyang dalawin si Consuelo. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang may jeep na nakaparada sa harap ng bahay. Ipinarada niya ang kotse sa tabi ng owner-jeep.

"Janine!" Agad ang pagngiti ni Al nang pumasok siya. "Nice to see you here." sinalubong siya nito kasabay ng pag-abot ng kamay niya at mahigpit na pinisil.

"Hi, Al," she greeted him in her usual polite smile. Nilapitan ang inang nakaupo sa sofa at hinagkan sa pisngi. "Kumusta na kayo?"

"Mabuti, hija," sagot nito sa pagak na tinig. "Nasaan si Kathleen?"

"Nasa bahay." nagsalubong ang kilay niya sa kakaibang anyo ng matandang babae. Nasa mga mata nito ang pag-aalala o takot? Bahagyang nanginginig ang mga labi. "Hindi ho kaya mabuting pumasok kayo sa loob at huwag munang tumanggap ng bisita?"

"Kararating ko lang, Janine," depensa ni Al. "Wala pang limang minuto. Hindi ko siya nadalaw sa ospital kaya naisipan kong ngayon dalawin si Mrs. Cordero."

"Oh, I'm sorry, Al. No offense meant," agad niyang paghingi ng paumanhin. "Hindi ko gustong sabihing hindi mo dapat dalawin ang—si Tita Consuelo—"

He shrugged and smiled. "Naiintindihan ko."

Tinawag ni Janine ang nurse at ipinapapasok sa loob si Consuelo. "Magpahinga na kayo. Kung hindi ko nakikitang bumubuti ang kalagayan ninyo dito'y ipadadala ko kayo sa Maynila," pahabol niya.

"Marahil nga ay dapat na ma-monitor ang kalagayan ni Mrs. Cordero, Janine. Another attack might cost her life," wika nito sa tila nag-aalalang tono.

"Thank you for your concern, Al," sagot niya na nakasunod pa rin ang tingin sa inang papasok sa silid. Pagkatapos ay humarap sa lalaki. "Maupo ka."

"Hindi ako magtatagal pero kung hindi mo mamasamain ay gusto sana kitang yayaing mag-snack sa bayan, Janine. Oh, well, just a friendly invitation. This is a small town and I'm bored."

"I'd really love to, Al, but I'm afraid I can't. Iniwan kong natutulog si Kathleen at natitiyak kong hahanapin niya ako paggising niya."

"Pity," may panghihinayang nitong sinabi. "But I could surely visit you here?"

Ngumiti siya. "But I don't live here. Sa bahay ni Jake ako nakatira." Muli ay nakita niyang natilihan sandali ang lalaki.

"I... see," wika nito na pinag-aralan ang mukha niya. Then his face broke into a teasing smile. "May dapat ba akong ipag—selos?" kaswal na dugtong nito at tiniyak sa tinig na iyon ay sa paraang tila ito nagbibiro. Tumawa si Janine, a shaky laugh.

"I'm almost family, Al. Karla was my...was my best friend." she wished she sounded convincing. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki.

"Forgive me," he said sincerely. "At kamamatay lang ni Karla, wala pang isang buwan. But knowing Jake to be a lady's man, well you can't blame me for crying out loud." at kaswal na tumawa ito. Pagkatapos ay pomormal. "I really wish to see you again, Janine."

"Oh, well." she shrugged her shoulder. "Maaari mo naman siguro akong dalawin sa bahay ni Jake." Hindi niya gustong sabihin iyon pero hindi naman niya gustong mag-isip ito ng hindi mabuti. Isa pa'y ano ang dahilan at hindi siya madalaw nito roon gayong dalaga siya.

Kumislap ang mga mata ng lalaki. "You mean that?"

"Sure."

"Aalis na ako kung ganoon. Isa sa mga araw na ito'y dadalawin kita doon."

Pagkaalis ni Al ay muling lumabas ng silid nito si Consuelo sa pagtataka niya.

"Akala ko'y nagpapahinga na kayo."

"Iwasan mo ang taong iyon, Janine. Mangako ka sa akin, please," wika nito sa bahagyang nanginginig na tinig.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinasabi ng ina. "M-masama bang tao si Al? "

"May asawa siya."

"Oh," wala sa loob niyang usal. Not that she cared. Men are the same everywhere.

"Sundin mo ang sinasabi ko. Hindi ko gustong nakikipagkita ka sa lalaking iyon. At nagkamali ako ng pagpapapunta sa iyo dito," wika nito na ang huling sinabi'y tila para lang sa sarili. Pagkatapos ay naupo na tila naghahabol ng paghinga. Frantic na hiningi ni Janine sa nurse ang gamot nito. Siya na rin mismo ang nagpainom.

"Please don't worry yourself. At kung sa ikapapanatag ng loob mo, nangangako akong iiwasan si Al. Entertaining married men isn't my cup of tea." Nakita ni Janine ang relief sa mga mata ng ina nang tumingin ito sa kanya.

"Salamat, anak." Nilingon nito ang nurse. "Gusto ko nang magpahinga, Asuncion."

"HINDI ako makapaniwalang sa ikatlong pagtatagpo ninyo ni Almario ay nabighani ka sa kanya!" salubong ni Jake nang pumasok siya sa bahay.

"Hindi kita naiintindihan." dere-deretso siya sa loob ng kabahayan kasunod si Jake. "Hindi ba't madali naman talaga akong mabighani?" Nilingon niya ito sa sarkastikong ngiti. "Alalahanin mong sa ikalawa nating pagtatagpo, nagpahalik na agad ako sa iyo, 'di ba?"

Nakita niya ang paghahalili ng ekspresyon sa mga mata ng lalaki. From anger to something like deja vu, to bitterness and anger again.

"Don't be fooled by his charm, Janine, I'm warning you. Bumalik ka na lang sa Maynila kung isasama mo si Guenias sa mga linya ng lovers mo." His eyes in angry slits.

She sighed wearily. "Please, Jake, nagpapasalamat ako sa concern mo. But I think you are overreacting. Al was friendly and—"

"Oh, yes. Too friendly! Inanyayahan ka ba niyang kumain kayo sa labas? O baka naman galing na kayo ng bayan kaya ngayon ka lang."

Kung hindi sa mga ipinakikita nito sa kanya'y gustong isipin ni Janine na nagseselos si Jake. Hinarap niya ito. "Narito ako upang pagbigyan si Consuelo na alagaan si Kathleen habang maysakit siya. Wala kang pakialam sa personal kong buhay."

"Pero iniwan mo ang bata dito para katagpuin si Almario sa bahay ng Mama Consuelo?"

"Katutulog lang niya nang umalis ako at naisipan kong dalawin si Allie at si Consuelo!" Humulagpos ang galit niya sa salitang "katagpuin." "Kailangan ko ng makakausap na hindi ako laging inaangilan at iniinsulto! Damn, I need a breather!"

"At si Al iyon?" hiyaw nito at bago siya may naisagot ay mahigpit siyang hinatak payakap. "Kulang ba ang ginawa ko sa iyo kanina lang, ha? Kulang ba?" Hinatak siya nito patungo sa dingding at marahas na isinandal. "Sabihin mo sa akin at ngayon din mismo'y—" and crushed her mouth with a punishing kiss. His teeth bruising the softness of the insides of her mouth. His hand kneading her breast roughly that she moaned in half protest.

His mouth left hers abruptly but not his body. Pareho silang sandaling natigilan as she gasped when she felt his maleness on her stomach. His nose flared and his eyes sparked anger and desire. Nasasaktan siya sa pagkakahapit nito and she could feel blood inside her mouth but it didn't stop the sensation that ran through her body. Namamangha siya sa reaksiyon ng katawan sa lalaking ito.

"Bit—tiwan mo ako!" She gritted her teeth at nagpilit kumawala. Sinikap niyang magalit upang maitaboy ang damdaming napukaw.

"Dammit to hell!" anas ni Jake at pinakawalan siya, torn between anger and desire. "May asawang tao si Al, Janine!"

"Alam ko!"

Nakita niya ang unti-unting paglatay ng matinding poot sa mga mata nito. "So it's in the blood, eh." his lips twisted in angry sarcasm.

Nagbuka siya ng bibig upang itanong kung ano ang ibig sabihin nito subalit mabilis na tumalikod si Jake at lumabas ng bahay. At ilang sandali pa'y ang tunog ng pickup nito ang maririnig palayo.

Siya a=

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 430 10
Completed na po ata ito? hehe
19K 471 18
Danieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kany...
314K 7.1K 16
Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumana...