ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO

5.7K Reads 140 Votes 11 Part Story
Dream Grace By DreamGrace Updated Jun 24, 2020

Danieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito lamang ang may alam. The two were as different as night and day. At ngayon, limang taon pagkatapos ng pagkawala ng mga ito sa buhay niya ay pinakiusapan siya ni Lolo Nemo na magtungo sa lugar kung saan lingid sa kanyang kaalaman ay huling natagpuan ang mga itong magkasama. Sa Estancia, ang private estate ng pamilya ni Lucien. 
	There she was met by a man hiding behind his white mask and a secret that will confuse her mind and her heart. Ayon sa nakamaskara ay buhay si Nikolas. At si Lucien diumano ang nagtangkang pumaslang dito. Subalit hindi naman nito nais aminin kung ito nga ba si Nikolas o si Lucien. And worse, she soon found herself falling in love with the masked man. Ang lalaking maaring ang dati niyang nobyo na limang taong nagtago sa kanya o maari ding ang mismong lalaking pumaslang dito.