Pangako (Published by Preciou...

By MarthaCecilia_PHR

881K 16.8K 861

Pangako by Martha Cecilia Published by PHR More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen

Chapter Five

44K 907 61
By MarthaCecilia_PHR


PATULOY si Janine sa pagtakbo. Ni hindi siya gaanong pinagpapawisan. Malamig ang simoy ng hangin at makapal ang fogs sa paligid.

Mahigit na sa kalahating oras siyang tumatakbo at nang mapagod ay humihingal na isinandal ang sarili sa isang puno ng niyog. She was still breathing heavily nang makarinig ng tunog ng papalapit na sasakyan. Nag-angat siya ng tingin.

Isang top down Renegade ang patungo sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Kaninang tumatakbo siya'y wala siyang nakikita kahit na sinong tao sa kalawakan ng buong paligid. Hindi niya matiyak kung tauhan ng mga Cordero ito o baka masamang tao. Medyo napalayo siya sa pagtakbo sa pagnanais niyang pagpawisan nang husto.

Huminto ang jeep ilang dipa mula sa kanya. Pinatay ng driver ang makina at ipinatong ang kanang braso sa manibela, sabay lingon sa kanya.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" si Jake na hindi makapaniwalang hinagod ng tingin ang estrangherang dalaga.

Bigla ang pag-angat ng mga mata ni Janine tungo sa mukha ng lalaki. She couldn't forget that familiar drawl.

"Ikaw?" aniya na bahagyang nanlaki ang mga mata. At nang maalala ang ginawa nito ay biglang tumiim ang mukha ng dalaga.

Hindi natigatig si Jake sa reaksiyon niya. His eyes lazily surveyed her body down only to find himself surprised. Sa inis nito sa pagiging walang pakundangan ng dalaga ay hindi nito gaanong napagtuunan ng pansin ang anyo ni Janine. Add the fact that she wore dark shades at nakaplaster sa mukha ang medyo basa at maiksing buhok.

Ngayon ay nasa harap nito ang bisita ng mga Cordero na ayon sa impormasyon nito'y gumagawa ng thesis on agriculture. At hindi nito akalaing makakatagpo ang dalaga ngayon sa mismong lupain ng mga Falcon. It has been almost a week mula nang magtagpo sila sa Ibayo. Kung hindi lang nito alam na hindi naman mapapahamak ang dalaga sa pagtuturo nito ng maling daan ay babalikan sana nito. He really felt guilty and worried afterward. Umaasang maaga siyang makatagpo ng mga magsisiuwing galing ng koprahan.

Mula sa malayo'y inakala nitong lalaki ang tumakbo patungo sa ilalim ng punong niyog. She wore her hair short. Mas maiksi pa sa buhok nito. At hindi niya type ang mga babaeng tila lalaki ang buhok. Though he thanked the gods she didn't dye it. It was midnight black.

And he liked voluptuous women and this woman is nothing of the sort. A little over five-five perhaps and slim. And she wasn't even beautiful. Ang tanging striking sa paningin nito ay ang light brown na kulay ng mga mata ng dalaga na sinamahan ng mahahaba at makapal na pilikmata.

Oh, well, at least may-katangusan ang ilong. Lips that he couldn't decide whether wide or narrow and yet the way she unconsciously lick them with her tongue as she nervously and angrily gaped at him, made him want to touch his own lips to hers. They looked soft that he had this urge to find out.

Whoa, Jake! Heto ka lang at sinasabing ang babaeng ito'y may maiksing buhok na 'di mo type at hindi pa makurba ang katawan...at 'di rin maganda sa tingin mo.

Yes. Not really very beautiful but she's pretty and there's something about her na iba kaysa karamihan. Something that made him think of his cousin's wife, Allie. Marahil ay ang pinong kutis na sa tingin ba nito'y magagalusan if he so much as touch her.

May pinong pawis na gumigitaw sa noo niya. Banayad ang pagbaba at pagtaas ng dibdib. Makapal at oversized ang pale yellow turtle necked sweatshirt. At hindi nito matiyak kung itinago lang ng sweatshirt ang dibdib o talagang flat-chested ang babae. Oh, well, what does he care kung flat-chested man o hindi ang kaharap nito.

Janine was equally surveying the stranger who was comfortably sitting behind the steering. Hindi siya makapaniwalang guwapo ang bastos na lalaking nagturo sa kanya ng maling daan. Hindi niya ito napuna noon dahil sa sombrerong nakatabon sa mukha. She couldn't decide yet whether he's tall dahil nasa loob pa ng jeep but he was sure big. In light blue denim polo shirt na nakatupi malapit sa may siko ang mga manggas. Basa pa nang kaunti ang buhok na tila galing ng paligo and she decided that he needed a trim. Defiant curls teased the collar of his shirt.

Damn, but this farmer is drop dead gorgeous!

Tumikhim si Jake na biglang ikinatuon ng mga mata niya sa mapanuring mga mata nito. "Nagkita tayong muli, Miss—"

"You're right," agap ng dalaga bago nito mabuo ang itinawag sa kanya noon, "...we've met again. At ang malas ko naman since I really have no wish of meeting you again."

"Talaga?" sang-ayon nito na tumaas ang isang sulok ng bibig sa nang-uuyam na ngiti. "But then the feeling is mutual, Miss Estrangherang Matapobre."

Namilog ang mga mata ng dalaga. "Hindi ka lang bastos, antipatiko ka pa!" she hissed. "Why don't you just leave," taboy niya rito. "Sa pagkakataong ito'y hindi ko kailangan ang tulong mo."

Nagkibit ng mga balikat si Jake. "O, eh, di malamang na tatanghaliin ka ng uwi, Miss," he said in mocking amusement. "Dahil sa ikalawang pagkakataon, naliligaw ka na naman."

"A-ano ang ibig mong sabihin?" Bahagya siyang nautal sa pagitan ng inis at pagkalito.

"Nasa loob ka lang naman ng Falcon Farm, kung paanong tulad din noong unang araw tayong magkatagpo. Ang totoo nga niyan, eh, tresspassing ka." idiniin nito ang huling sinabi and studied her confused face and asked himself why though this girl who isn't beautiful by his standard couldn't be considered plain either. And how come she's getting interesting in every passing minute.

"I—I don't believe you..." usal niya kasabay ng paglinga sa buong paligid. Hindi nga pamilyar sa kanya ang kinaroroonan niya. She might really have ran farther sa normal niyang ruta at napaliko sa hindi kabisadong daan. Ang kapal naman kasi ng fogs sa daan kanina.

"May palagay akong wala kang mapagpilian kundi ang maniwala sa akin. Duda pa nga akong sadya kang tumuloy dito para magkita tayong muli." ngumisi ito sa nanunudyong paraan.

Naningkit ang mga mata ng dalaga. "You good for nothing farmer!"

"Aray ko!" si Jake na lalong naaliw sa panlilisik ng mga mata ng dalaga. One thing he didn't understand ay kung bakit kailangang inisin nito ang bisita ng mga Cordero.

Tumaas-baba ang dibdib ni Janine sa galit. Yumuko at inayos ang shoe lace. Pagkatapos ay tumalikod upang umalis na lang subalit hindi pa siya nakakahakbang ay muling nagsalita si Jake.

"Sa agang ito'y wala kang mapagtatanungan dahil hindi ito ang ruta ng mga nagtatrabaho sa bukid bukod pa sa napakaaga pa at—"

"Go to hell! Mas gugustuhin ko nang maligaw kaysa—" napigil sa lalamunan niya ang sasabihin. May kung anong munting hapdi ang gumuhit sa likod niya that caused her to suck her breath sharply.

Si Jake ay nawala ang nanunuyang ngiti at nagsalubong ang mga kilay sa malakas na pagkakahugot niya ng paghinga. At bago pa maintindi ni Janine kung ano ang kumagat sa likod niya'y bumaba ng Renegade ang binata at humakbang palapit. Napaatras padikit sa puno ang dalaga. Her eyes widened a fraction in awe.

He wasn't just big, he was also tall. And to think na hindi naman siya maliit pero pakiramdam niya'y hantik siya at higante ang lalaki.

"H-huwag kang lalapit..." she warned nang patuloy sa paghakbang si Jake palapit sa kanya. Ano ang gagawin nito? Nagpalinga-linga si Janine, umaasang may tao siyang makikita sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Pero saan naman siya tatakbo, hindi nga ba at nasa loob daw siya ng Falcon Farm?

Huminto sa harap niya si Jake at itinaas ang kamay patungo sa kanya nang biglang tumili nang malakas si Janine sa gulat ng binata.

"Hey! Wala akong masamang gagawin sa iyo," wika nito na mabilis na ibinaba ang kamay.

"B-bakit mo ako—?"

"May hantik sa leeg mo..." agap ng binata at itinuro ang kuwelyo ng sweatshirt niya.

Napayuko si Janine. May ilang mapupulang hantik na gumagapang sa balikat niya.

Oh, dear! And here she just thought na tila siya hantik sa harap ng lalaking ito!

Mabilis niya itong pinagpag.

"Napasandal ka sa punong may hantik," ani Jake na tumaas ang tingin sa may ibabaw ng ulo niya. Malalaking hantik na kulay pula ang naroon at gumagapang sa puno.

"Oh, no!" si Janine na napaigtad. Bukod sa may gumagapang sa likod niya'y patuloy niyang nararamdaman ang pinong kagat ng mga ito.

"Tumalikod ka!" utos ni Jake na hindi na hinintay na sumunod siya. Hinawakan siya sa balikat at ipinatalikod. Sangrekwang hantik ang naroon at ginawang camping ground ang likod ng sweatshirt niya.

"Oh, please, alisin mo!" pahisteryang sigaw ng dalaga, nakalimutan ang galit sa lalaki. Hindi malaman kung magtatalon o hindi. Nawawala na ang poise niya. Nanghahapdi at nangangati ang likod niya.

"Muntik na akong maniwalang wala sa diksiyunaryo mo ang salitang 'please,'" he mocked softly at pinagpag ang mga hantik na nasa likod niya.

Hindi pinansin ni Janine ang sinabi nito at patuloy sa pagpiksi. Gusto niyang maiyak, kung sa pinagsamang hapdi at kati o sa embarassment.

"May palagay akong may mga nakapasok sa loob ng jogging shirt mo. Masakit mangagat ang pulang hantik. Hubarin mo ang pang-itaas mo..."

Biglang humarap si Janine dito. "What?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata habang tuloy sa pagpiksi at pilit inaabot ng kamay ang likod.

Si Jake ay tumaas ang isang sulok ng bibig sa pagitan ng amusement at pag-aalala. "Miss, sa sandaling ito ay pulos pantal na ang likod mo, natitiyak ko. At kung gusto mong pamahayan ng mga hantik ang likod mo'y bahala ka. And who knows kung saan pa gumapang ang mga iyan..." at bumaba ang tingin nito.

Janine could swear she saw malice in those eyes as they surveyed down her body at huminto sa pribadong bahagi niya. At hindi niya malaman kung alin ang unang iintindihin: ang panggigilalas sa gustong ipahiwatig ng lalaki, ang panghahapdi ng katawan dahil sa mga insekto sa likod niya, ang kahihiyan, o ang paghanga sa guwapong lalaking ito whose eyes twinkled in silent mirth sa predicament niya.

"Alright!" She cried in frustration nang makaramdarn pa uli ng kagat. She half turned na tila beauty contestant at itinaas ang sweatshirt pahubad.

Si Jake ay nawala ang ngiti sa mga labi at napatda sandali sa kinatatayuan sa ginawa ng estrangherang babae.

Naghubad nga!

At walang suot na bra! At nahantad dito ang magandang likod na namumula na sa kagat ng tatlong malalaking hantik, Dahil sa inis dito at sa hapding nararamdaman, she only did the quarter turn at natanaw ng binata ang tagilirang bahagi ng dibdib ng dalaga. She wasn't flat-chested!

Small and firm breasts but not flat.

"Ano pa ang hinihintay mo!" she yelled. Pinipigil ang paghinga sa hapdi at kati. "Alisin mo ang mga insektong iyan!"

"Wala kang bra..." he whispered softly. Spellbound. Something stirred below his stomach.

"Don't tell me, I should know?" sigaw uli ng dalaga. "Ano ba, may hantik ba o wala?"

Noon lang nahimasmasan ang binata, "Tatlo. Mag-asawang hantik at isang anak." bumalik ang amusement sa tono nito though his voice hoarse, "...at mayroon pa sa sweatshirt mo. Hubarin mo nang tuluyan," utos nito. Inilapit ang kamay sa likod niya and in trembling fingers, banayad na inalis ang naroong insekto.

And cursed himself for trembling! He's twenty-seven at hindi iilang katawan ng babae ang nagdaan sa mga kamay na iyon. Bakit biglang-bigla'y likod lang ng babaeng ito ay nanginginig ang kamay nito?

"Pulos pantal na ang likod mo," he said and cleared his throat. "Kung bakit naman sa dinami-dami ng puno dito'y diyan ka pa sumandal sa may binabahayan ng hantik."

"Alam ko ba?" she hissed and sobbed at the same time.

She was backless sa harap mismo ng estrangherong ito. This virtual stranger na unang araw pa lang ay nagdulot na sa kanya ng matinding kahihiyan at galit. At kahit nga ba likod lang niya ang nakikita ay para na ring wala siyang itinago. At idagdag pa ang banayad nitong paghaplos sa likod niya.

Jake felt uncomfortably aware with his rough hand on her soft skin. Inalis nito ang kamay sa likod ng dalaga at hinubad ang sariling polo shirt at inabot sa harap niya.

"Isuot mo muna ito at baka mapulmonya ka. May pawis bahagya ang likod mo at may fogs pa sa paligid. Ipapagpag ko iyang sweatshirt mo." inabot nito sa harap niya ang polo shirt.

Agad ang pagtanggi ng isip ni Janine. Bakit niya isusuot ang damit ng estrangherong ito? She opened her mouth to say no but groaned instead. May kumakagat sa baywang niya.

Mabilis niyang ibinigay ang sweatshirt kasabay ng pag-abot sa damit nito at isinuot. In record time ay naibutones niya sa kung paano na lang. Ignoring the natural male scent from the shirt at ang amoy ng fabric plus the faint scent of his bath soap na humawa rito.

Jake was dumbfounded nang yumuko si Janine at walang sabi-sabing hinubad ang jogging pants.

"Pati sa..." Manghang sinundan ng tingin ni Jake ang ginagawa niya.

"I could feel them in my waistline, oh, no!" Inihagis niya sa damuhan ang jogging pants na para bang nag-aapoy ito. "This is ridiculous and embarassing!" she cried in frustration and faced the stranger and sucked her breath softly as she saw him naked from the waist up.

Ano'ng sinabi ng mga Hollywood actor sa lalaking ito!

Nakalimutan ang hapdi sa sandaling iyon. At walang pakundangang humagod ang mga mata niya sa katawan ng binata. Kulay-bukayo ang balat at wala yatang bahagi ng katawan nito ang kakikitaan niya ng unwanted fats. Interestingly, she stared at the fine hairs in the middle of his muscled chest that goes down to his waistband. And she maliciously wished na malaman kung hanggang saan matatapos ang pinong balahibong iyon.

"Curiosity, curiosity...," nakangising wika ni Jake sa ginawa niyang pagsuri dito. "It can lead you to disaster, lady..."

Nag-alis ng bara ng lalamunan si Janine na mula sa Levi's button fly ng binata ay tumingala rito sa namumulang mukha. "Don't flatter yourself, stranger," she said faking anger. "I—I was only horrifed that you're... you're half naked..."

Isang malakas na tawa ang isinagot ni Jake sa sinabi niya. "Horrified indeed!" And Janine's amazement continues as he showed perfect set of white teeth!

Gosh, are they real? Ang mga guwapong aktor sa Hollywood na hinahangaan ng marami sa buong mundo ay karaniwan nang ginawan ng paraan ng modernong dental technology ang mga ngipin.

"They're not capped, tinitiyak ko sa iyo," ani Jake as he went on grinning at tila nahulaan ang iniisip niya, and run his tongue around his teeth. Janine concealed her gasp sa erotic gesture na iyon. "Want a random check? Not a tooth missing at wala ring may sira kahit isa..." patuloy ng binata na humakbang palapit sa kanya. "At wala akong bad breath..." he added as he softly blew her face na nagpatayo lahat sa balahibo ni Janine as she gazed at him in wide eyes.

He bent slowly at alam ni Janine na hahagkan siya nito but she couldn't move if her life depended upon it. Fascinated by his mouth, full and sexy. Masculine and yet looked soft. Hindi niya maalis ang mga mata sa mga labi ng binata kaya hindi niya napuna nang itaas ni Jake ang kamay patungo sa batok niya and pulled her closer.

Then he touched his lips on hers. Tila nag-aantabay sa magiging reaksiyon niya. Nipped her lower lip gently and then withdraw a little only to come back and traced each corner of her lips with his tongue. Janine parted her lips and moaned impatiently when Jake moved an inch away. She could swear she heard him chuckled softly as he deepened his kiss and thrust his tongue inside her mouth in what she thought a devastating kiss.

Pakiramdam ni Janine ay may namumuong bagyo sa buong pagkatao niya. Her moans echoed inside his mouth. Nararamdaman niya ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Wala siyang natatandaang tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito pero naroon at dinadama ng mga daliri niya ang pinong balahibo nito sa dibdib.

Nararamdaman niya ang braso ng binata sa likod niya as he cupped her buttocks at bahagya siyang itinaas mula sa lupa. Jake still kissing her, consumming her. Nasa mga labi ng binata ang buong pag-iisip niya uncaring if she was only wearing his polo shirt.

Under the rough faded jeans, she could feel his hard thighs against her soft flesh. He could feel his big and calloused hand na dumadama sa garter ng bikini briefs niya sa likod but she was mindless. Mahulog man marahil ang bunga ng niyog sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin kikilos si Janine.

Then Jake moved away slowly that she even thought she moaned a little in protest. She opened her eyes nang maramdaman ang dapyo ng malamig na hanging pang-umaga sa katawan niya. Nanunuksong mga mata at nakangiting mga labi ang nabungaran niya.

"Heto ang mga salarin na sumalakay sa garter ng briefs mo," wika nito na inabot ang kamay ni Janine at inilagay sa palad niya ang dalawang malalaking hantik na napisa na ng binata.

"Oh!" Pinanlakihan siya ng mga mata at iwinaksi ang mga hantik. She was horrified. Inasam na bumuka ang lupa at lamunin siya sa matinding kahihiyan. O, di kaya ay himatayin na lang siya.

Hindi pa siya nakaka-recover when Jake placed a finger under her chin and raised her face. "Kung naka-penetrate ang mga salaring iyon sa loob ng...ng briefs mo, I don't think I would be able to find them..." nilinga nito ang paligid at saka bumalik ang kumikislap na mga mata sa kanya. "... here on time. I lied nang sabihin kong walang magdadaang tao rito," he said in a teasing tone.

Si Janine ay may pakiramdam na kasimpula na siya ng red beets. Wala siyang maapuhap na sasabihin maliban sa naisip niyang magkatornado sana at liparin siya sa kung saang bahagi ng lupa malayo lang sa harap ng lalaking ito. O, di kaya ay lumindol at bumuka ang lupa at matumba ang mga puno ng niyog at matabunan siya.

Umiwas siya ng tingin at humakbang patungo sa pinagbagsakan ng jogging pants niya. Tumikhim at sa prim and proper voice ay nagsalita without looking at him.

"Please leave. Isusuot ko uli ang mga damit ko at iiwanan ko rito ang polo shirt mo."

"You'll never find your way nang walang direksiyon," ani Jake sa pagitan ng amusement at determinasyon.

Bigla ang baling niya rito na nakabawi sandali sa pagkapahiya. Nangibabaw ang inis pagkarinig sa salitang "direksiyon."

"Well, thanks a lot!"

Ngumisi si Jake at agad na umiwas ng tingin si Janine. Ano ang mayroon sa ngiti ng lalaking ito at tila matutunaw kahit ang Arctic region.

"I'll lead you right this time, lady."

-size:ڈ<

Continue Reading

You'll Also Like

19K 471 18
Danieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kany...
789K 17.3K 19
Minsan Dito Sa Puso Ko by Martha Cecilia Published by PHR
94.6K 2.5K 20
Lovefinder book 13 Unedited First draft.
661K 13.2K 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang lingg...