Kristine Series 1: The Devil'...

By MarthaCecilia_PHR

1.4M 35.2K 3.2K

Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter Six
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 3

88K 2.1K 327
By MarthaCecilia_PHR

PAGKATAPOS siyang yakapin nang mahigpit ni Margarita ay si Leon Fortalejo naman ang yumakap sa dalaga.

"Kumusta ka na, apo? Bakit hindi mo isinama ang bunso mong kapatid?"

"May pasok pa po sa eskuwela si Jewel, Lolo. Marahil sa bakasyon ay darating siya."

Nakita niyang kumislap ang mga mata ng matandang Fortalejo. Kung tama ang hinala niya'y nasa sisenta'y dos ang edad nito.

At gusto niyang mamangha sa resemblance nito sa kanyang ama. He was so like and yet so unlike her own Daddy.

Aristokratiko at matigas na anyo na kahit ang kislap ng mga mata sa pagkakita sa kanya ay hindi man lamang nagpalambot sa mukha ni Leon Fortalejo.

Binalingan ng matanda si Margarita. "Magpahingi ka ng maiinom sa mga muchacha, Margarita," utos nito na agad namang sinunod ng anak, tumayo ang babae at iniwan sila.

Tumalikod ang matanda at humakbang patungo sa bungad ng malaking hagdan.

Napahugot ng hininga si Emerald. Sa sine lamang niya nakikita ang ganoong grand staircase.

Tumingala ang matanda sa malaking larawang nakasabit sa dingding. Noon lamang niya napansin ang life-size portrait doon.

Te pareces mucho a mi Esmeralda, nieta," marahang wika nito na nakatingala sa portrait.

Biglang tila film clip na gumuhit sa isip ni Emerald ang kapirasong kaalaman niya sa Spanish. 'Kamukhang-kamukha ka ng aking Esmeralda, apo.' Iyon ang sinabi nito at nangiti siya.

Tumingala rin siya sa painting habang unti-unting humakbang papalapit sa kinaroroonan ng matanda.

Greetings, Kristine Esmeralda Fortalejo, pangalan mo ang tinaglay ng buong asyendang ito! bulong ng dalaga.

Hindi niya maikakailang malaki ang pagkakahawig nila ng kanyang Lola Esmeralda. Kung hindi sa sinaunang damit na suot nito ay iisipin niyang siya ang nakaguhit doon.

Isang ingay ang nagpalingon sa maglolo sa malaking pinto. Mula roon ay pumasok ang isang lalaking sa tantiya niya'y dalawampu't limang taong gulang. Nakapaloob sa boots ang mga laylayan ng pantalong maong. Naka-polo shirt ng puti na nakapaloob din sa pantalon na ang dibdib ay bukas ang halos lahat ng butones. Nakarolyo ang manggas ng polo hanggang siko ng lalaki. May hawak na latigo sa kanang kamay.

"Nathaniel, dumating ka na pala! Halika at nang makilala mo ang pinsan mo," si Leon.

Matangkad at makisig, pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nang titigan si Emerald.

"So, finally, dumating ang pinakahihintay na bisita!" bungad nito na humakbang papalapit at inilahad ang mga kamay.

"Lumapit si Emerald at niyakap ang binatang anak ni Margarita.

"Ikaw lang ba?" dugtong na tanong nito nang kumawala ang dalaga.

"Marahil sa bakasyon ay narito ang kapatid ko, Nathaniel." Ngumiti siya rito.

Pumasok ang katulong na dala ang tray ng buko juice kasunod si Margarita. Agad na lumapit sa ina si Nathaniel at hinagkan ito sa pisngi.

"Alam kong pagod ka sa mahabang biyahe, nieta. Magpahinga ka na muna sa silid mo sa itaas. Samahan mo ang pamangkin mo, Margarita "

Nasa unang baitang na ng hagdan ang dalawang babae nang muling magsalita si Leon.

"Ano nga pala ang sinakyan mo, hija, at ang sabi mo kanina'y nakisakay ka lang sa kangga ng isa sa mga tauhan?" pahabol nito na nagsasa- lubong ang mga kilay.

Ipinaliwanag ng dalaga na nasiraan siya at kung saan. Napahinto sa pagdampot ng juice si Nathaniel at tumingin sa kanya.

"Sa lupain ng mga de Silva?" si Leon na lumingon kay Nathaniel. "Ang kotse mo, hija? At sino ang naghatid sa iyo sa bungad ng asyenda?"

"Sinabi niyang Marco ang kanyang pangalan. Marco de Silva," sagot ng dalaga. Nakita niyang pareho ang panggigilalas ng dalawang lalaki.

Si Nathaniel ay nagsalubong ang mga kilay at nag-igting ang mga bagang. Si Leon ay pag-aalala. Si Margarita, naramdaman niya ang inilalabas na tensiyon.

"Wala siyang ginawa sa iyo?" marahas na tanong ni Nathaniel.

"Ano ang gagawin niya sa akin?"

Muling nagkatinginan ang maglolo."Sige na, hija, pumanhik ka na at magpahinga. Ipatatawag kita sa hapunan"

Bakit ba sa sandaling iyon ay tila gusto niyang isiping biglang tumanda ng maraming taon ang anyo ni Leon Fortalejo?

"Halika na, Emerald," hinawakan ni Margarita ang braso niya.

Walang kibong sumunod ang dalaga.

Isang pinto ang binuksan ni Margarita at natambad sa kanya ang isang malaki at maaliwalas na silid.

Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya.

"Some house! Para akong nasa loob ng isang period movie. Ang buong villa, pati na ang silid na ito ay tila mga ginagamit sa shooting noong panahon ng Kastila. Ang mga gamit ay collectors item at pang-museum." Nagkibit siya ng mga balikat. "Wala akong masamang ibig sabihin, Tiya. I like the house, really. It is like coming home at last. Curious lang ako kung bakit nanatiling ganito ang ayos ng buong bahay"

"Walang nais alisin ang Papa sa mga gamit sa bahay na ito, Emerald. At wala ring nais baguhin. Kung gusto ng Papa ng modernong bahay ay may condominium siya sa Maynila."

Tumaas ang kilay ni Emerald sa narinig. Hindi iyon nabanggit ng kanyang ina.

"Ito ang dating silid ni Romano. Ang tanging modernong nadagdag ay ang mga banyo. Gustuhin man ng Papa na lagyan ng tig-iisang banyo ang mga silid ay hindi magagawa nang hindi masisira ang structure ng buong bahay. Kaya sa anim na silid dito sa itaas ay mayroon lang tatlong toilet and bath. Nasa tig-isang sulok ng pasilyo."

Tumayo siya at lumabas ng veranda, tinanaw ang malawak na lupain ni Leon Fortalejo. Mga nagtatayugang puno ng niyog at matatandang mga punong-kahoy.

Walang bakod ang Villa Kristine subalit naggagandahang mga halaman ang nakapaligid dito.

"Ano ang pinagkakakitaan ng asyenda, Tiya?" Nilingon niya si Margarita na inaalis ang kubrekamang ginansilyo.

"Walang establisimyento sa bayan na hindi pag- aari ng Papa, Emerald. Well, halos lahat. Pag-aari niya ang five-star beach resort dito. At ang produkto ng lupa ay limestone."

"Limestone? A-ang ginagamit sa paggawa ng semiento?"

"Exactly. More than ten years ago ay natuklasang marami nito sa silangang bahagi ng lupain. At may pabrika ng semiento ang mga Fortalejo sa Maynila."

"Oh!" Ganoon kayaman si Leon Fortalejo?

Walang kibong inilatag niya ang katawan sa higaan.

And his father gave up all these wealth for love!

Gusto niyang maiyak. She might start a novel about his parents someday.

"Sino si Marco de Silva, Tiya? Bakit nararamdaman kong parehong may tensiyon sa magkabilang panig?" Naalala niya ang biglang pagpreno ng lalaki noong sabihin niyang Fortalejo ang pangalan niya. At ang reaksiyon ng lolo niya at ni Nathaniel.

"Kung alam mo ang kuwento ng buhay at pag- ibig ng mga magulang mo, si Marco de Silva ang nakababatang kapatid ni Alicia de Silva at ang anak ng yumaong si Ernesto," sagot nito habang inilalagay sa closet ang mga damit niya. Tinitigan si Emerald. "At hindi kami makapaniwalang nakarating ka rito nang walang masamang nangyari sa iyo."

Bigla ang tensiyon sa mukha ni Margarita. "Matagal na ang alitang iyan ng pamilya, Emerald. Dalawampu't tatlong taon na. Kung may nangyari sa iyo ay nagpasimula ka ng malaking digmaan sa bayang ito."

"Oh, please, ipaliwanag ninyo sa akin. Naikuwento na sa akin ng Mommy ang Simula pero hindi niya sinabing hanggang ngayo'y patuloy ang alitang ito.

"Tauhan sa tauhan ang kalimitang nagpapang-abot, hija. Sa maraming pagkakataon ay nagtatagpo sina Nathaniel at Alfon, ang tiyuhin ni Marco. At marahil, kung hindi sila sa bayan nagpapanagpo ay makakapatay si Nathaniel."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Namamagitan ang ibang mga taong parehong hindi mapahindian ang dalawang pamilyang ito. Marahas at di-makatwiran si Alfon. Mapusok at matapang si Nathaniel, palibhasa'y bata. Minsan nang nagpanagpo sina Marco at Nathaniel subalit hindi pinatulan ni Marco ang anak ko. Nanaig ang katwiran kay Marco na hindi nito dapat mantsahan ang pangalan nang dahil lang doon "

"Bakit ganoon, Tiya? Kung talagang ganoon na lang ang galit nila sa mga Fortalejo, bakit nagparaan si Marco?"

"Magagalit ang Papa kapag narinig niyang sinabi ko ito, Emerald. But Marco is a fine man. Isa siyang abogado. At balitang isa sa mga araw na ito ay hahawakan niya ang posisyon ni Judge Adriano sa kabisera sa sandaling magretiro ito."

"A lawyer!"

"A brilliant criminal lawyer sa murang edad. He topped the bar exams three years ago. May mga kaso siyang hinawakan sa Maynila na marahil kung mahilig kang sumubaybay sa mga ganitong uri ng bagay ay narinig mong naipanalo niya "

Umiling ang dalaga. Hindi siya particular sa mga ganoong uri ng balita. Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy si Margarita.

"Si Marco lang ang may malamig na ulo sa kabilang pamilya. Maliban, siyempre, sa anak ni Alicia na nahahati sa dalawang pamilya ang damdamin. Noong panahong nasa Maynila si Marco ay malimit na nagpapang-abot ang mga tauhan natin at ang ilang tao ng pamilya de Silva. Si Alton lagi ang pasimuno."

"Sino ang Alfon na ito?"

"Tiyuhin ni Marco. Pinsang makalawa ni Julia, ang ina nito. Nagpapasalamat ako na mula nang dumating dito si Marco ay nabawasan, kung hindi man tuluyang naalis, ang maraming sagupaan ng mga tauhan."

"Pero, Tiya, this is insane! Namatay ang ama ni Marco at Alicia dahil sa pagtatanggol ng lolo sa sarili. Surely, makikita iyon ni Marco, abogado siya. At si Alicia, hindi kami naniniwalang ang Daddy ang ama ng batang ipinanganak niya. Bakit hindi buksan ng mga tao rito ang isip nila?"

Malungkot na naupo na rin sa gilid ng kama si Margarita.

"Kilala sa buong bayan na ito si Alicia, hija, kung paanong kilala ang pamilya natin. Mabait at tahimik na bata. Magkakasing-edad kami noon at magkababata. At hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang pagtinging iniuukol ni Alicia kay Romano dalagita pa man ito. Bahay-paaralan-bahay ang rutina naming lahat. Hanggang sa magdalaga ay walang tinanggap na manliligaw si Alicia. Nakatuon kay Romano ang buong pag-iisip at panahon niya."

"Oh!" Hindi sisirain ng kaalamang ito ang pagtitiwala niya sa yumaong ama. Something must be wrong somewhere.

"Si Alton ang tagahatid at sundo ng dalaga sa paaralan sa kabisera. At marami ang magsasabing kung mayroon mang kinahumalingan si Alicia ay tanging si Romano, Walang ibang lalaki sa buhay nito." Sandaling huminga nang maialim si Margarita bago nagpatuloy.

"Sa kaibuturan ng puso ko, Emerald, hindi gagawin ng Daddy mo iyon. Ni hindi niya pinag-ukulan ng pansin si Alicia maliban sa pagtinging- kapatid."

"Ganoon naman pala, bakit hinayaan ng pamilyang ito na taglay ng Daddy ang dungis sa pangalan niya hanggang kamatayan?"

"Lahat ng sirkumstansiya ay nagtuturong si Romano ang ama ng batang dinadala ni Alicia noon. At ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mapatawad ng Papa ang Daddy mo ay dahil ang kaisa-isa sanang magpapatuloy ng pangalan ng mga Fortalejo ay nasa mga de Silva ngayon at pangalan ng mga ito ang taglay. Mahigpit ang paniniwala ng Papa na anak ni Romano ang batang iyon na, hindi niya maabot ng tanaw. Maraming pagkukulang ang Papa, Emerald, pero gusto niyang ang dugo ay dugo at dapat na mapabilang sa asyendang ito."

"A-ang batang iyon, Tiya, ilang taon na siya ngayon?"

"Isang taon tiyak ang tanda ni Bernard sa iyo." Ginawa bang talaga ng Daddy niya ang bagay na iyon?

Ang Daddy ba niyang talaga ang puno't dulo ng mga alitang ito? Magkakabahid ba ang paniniwala niya sa ama?

"At ang kaisa-isang taong makapagpapatunay kung may kasalanan nga ang Daddy ay dalawampu't tatlong taon na ring namamatay."

"I'm really very sorry, Emerald," may simpatya sa tinig ni Margarita, hinawakan ang braso niya. "Gusto kong sabihing sana ay hindi ka na lang nagpunta rito... sana'y nanatili ka na lang sa Maynila, sa tahimik ninyong mundong mag-iina. Pero isa kang Fortalejo. Somehow, mangingibabaw ang dugong iyon. Alam namin ng Papa na kahit hindi ka pahintulutan ng mga magulang mong makita ang iyong pinagmulan ay nakatitiyak kaming darating ka, kayo ng kapatid mo"

Naisip niya, habang buhay si Leon Fortalejo ay hindi aapak ng Asyenda Kristine ang kanyang Mommy.

"Alam mo bang naiinggit ako kay Romano, ha, Emerald?"

Nagtaas ng kilay ang dalaga. Nagtatanong ang mga mata.

"Nakatakas siya mula sa manipulasyon ng Papa. He married the woman of his choice, the woman he loved..."

Noong nabubuhay pa ang Daddy niya ay naikuwento nitong si Leon ang pumili ng mapapangasawa nito, naawa siya sa tiyahin.

"But don't get me wrong, hija. Naging napakabuting asawa sa akin ang Papa ni Nathaniel. Pero minsan man ay hindi ko maiwasang mangarap na kung sana, ang asawa ko ay talagang iniibig ko, marahil ay wala na akong mahihiling pa."

"Well, we can't have the best of both worlds. Nasaan nga po pala ang Papa ni Nathaniel?"

"Nasa opisina sa kabisera si Josef. Siya ang namamahala roon. Sa kabisera lahat ginagawa ang transactions dito sa asyenda, hija. Naku, hindi na kita pinagpahinga. May isang oras at kalahati pa para sa hapunan, ipapatawag na lang kita kay Emang."

Talagang pagod ang dalaga. Pumikit siya upangmakapagpahinga kahit sandali. Subalit dala ng matinding pagod ay tuluyan nasiyang nahimbing.

Continue Reading

You'll Also Like

99.7K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
376K 8.4K 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang...
1.4M 33K 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio...
435K 6.2K 24
Dice and Madisson