Chapter 15

68.6K 1.7K 26
                                    

NANGITI si Marco nang makitang wala na si Emerald sa kama. May nadama siyang init sa dibdib. Halos nalalanghap pa niya ang amoy ng dalaga. Lemon and sunshine. At kaninang natutulog ito'y pinagmamasdan niya. Natitiyak niyang hindi niya gustong magising sa umagang wala ang dalaga sa kanyang tabi.

Muli siyang ngumiti nang maalala ang pangyayari kagabi hanggang sa mag-umaga.

Pinagod ba niya itong talaga at ngayon lamang nagising?

Her soft moans and sighs.... the way she whispered his name... the way she travelled her hands all over his body... Oh, everything about her made him crazy!

Mabilis siyang bumaba upang samahan itong kumain. Subalit walang tao sa dining room. Palabas siya nang makasalubong si Bernard.

"Nakita mo si Emerald?"

Tinitigan lamang siya ni Bernard at nagtuloy sa ref, kumuha ng canned beer. Binuksan at uminom.

"Kasing-bilis man ng hangin si Firewind ay hindi mo na aabutan si Emerald," wika nito pagkatapos ibaba sa mesa ang lata ng beer. "Sampung minuto na ang dumaan."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Kilalang-kilala ni Bernard ang tonong iyon.

Hindi nagtataas ng boses si Marco kapag gustong sumabog ang dibdib sa galit at kahit paano ay bahagya itong nag-alangan.

"Inihatid siya ng Tiyo Alfon sa—" Bago pa natapos ni Bernard ang sinasabi ay bumalya na ang screen door.

Inilabas ni Marco sa kuwadra si Firewind at mabilis ding sumampa sa likod.

"Ang pinakamabilis mong takbo, Firewind!" hiyaw nito na tila naiintindihan naman ng kabayo dahil halos tumaas mula sa likod nito si Marco sa pagtakbo.

Hindi niya marahil aabutan ang dalawa kung ganoon na katagal ang mga itong nakalayo pero aabutan niya ang mga itong papasok sa asyenda.

Pansamantala ay gusto niyang malaman kung nasaan na ang mga ito. Ang burol ang tinakbo nila ni Firewind. Mula roon ay tanaw ang ibaba. Ang sangang-daan at ang papasok pareho sa asyenda at sa farm niya.

Sa mataas na bahaging ito ng lupa niya natanawan ang mga tauhan ni Leon noong nagtangka ang mga itong kunin ang kotse ni Emerald, Dito rin niya natanaw nang ihatid ni Nathaniel ang dalaga.

At dapat ay matanaw niya ang mga ito. Sa bukana lamang ng asyenda maihahatid ni Alfon si Emerald at makikita niya iyon.

Subalit ni anino ng mga ito ay wala.

Halos magdikit ang mga kilay niya.

Kung nasa loob na ng asyenda si Emerald ay susugod siya roon at magkagulo na kung magkagulo. Kukunin niya pabalik ang dalaga.

Pero imposible iyon. Si Firewind lamang ang kayang tumakbo nang ganoon kabilis kahit pa sabihing sampung minuto ang inilayo ng mga ito.

Nilinga niya ang buong ibaba. At sa daang patungo sa pinakamagubat na bahagi ng lupa ay natanawan niya ang kabayo ni Alfon na walang sakay.

Bakit naroon ang mga ito? Walang daan doon patungo sa asyenda at patungo sa ilog iyon!

Mabilis niyang tinapik ang stallion. "Hiyaaa, Firewind! Papatay ako ng tao kapag nagkataon!"

Kung may makakakita sa anyo niya nang mga sandaling iyon ay ni hindi magtatangkang lumapit man lamang.

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon