Chapter 5

73K 1.9K 153
                                    

"I'M GLAD you enjoyed the samples," nakangiting tukso ni Marco habang hinahaplos ng thumbfinger ang mga labi niya.

Samples? Lord, if those kisses were samples...ano na ang real thing?

Walang salitang namutawi sa mga labi niya. Para siyang nahihipnotismong nakatitig lamang sa binata. Dinampian siya nito ng halik sa ilong at saka binitiwan.

I'll fix this car now," nakangiti pa ring sinabi nito at hinarap ang sasakyan.

May kung ilang minutong nakayuko ang binata sa makina ng kotse at makalipas ang mahigit sampung minuto ay nag-unat ng katawan at tumingin sa kanya.

"It's done. Subukan mong i-start."

Noon lamang siya kumilos sa kinatatayuan niya at pumasok sa loob ng kotse. Tatlong ikot ng ignition ay nag-start ito.

Isinara ni Marco ang hood at umikot sa puwesto niya. Yumuko.

"Marunong ka bang sumakay ng kabayo?" tanong nito.

"The ones in Baguio and Tagaytay. Maliban doon ay hindi na," aniya na hindi sinasalubong ang tingin nito.

"Puwede na iyon. Hihintayin kita sa bukana ng Asyenda Kristine bukas ng alas-otso ng umaga."

"S-saan tayo pupunta?"

"Ang akala ko ba'y gusto mong makilala si Bernard?"

"Oh!" nalilitong sagot niya. Ano ba ang nangyari at dahil lamang sa halik na iyon ay tila nawala siya sa lupa at nasa outer space? "Kailangan bang bukas na iyon?"

Nagkibit ng mga balikat si Marco. "Nasa sa iyo 'yon kung kailan mo gusto."

Bakit ba kailangang patagalin ang pagtatagpo nila ng pamangkin ni Marco? Mas madali ay mas mainam.

"Tomorrow's fine. But make it an hour later. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila." Tiyak na dadaan siya sa butas ng karayom.

Pabalik na sana si Marco sa kinaroroonan ng kabayo nang may maalala siya, Tinawag niya ito.

"Changed your mind?"

"Hindi. Babayaran ko lang ang fan belt. Magkano?"

"Sige na. Idagdag mo sa utang ng mga Fortalejo sa mga de Silva," nakangiting sabi nito at tuloy-tuloy na sumampa sa kabayo.

Hinintay muna ng dalagang mawala sa paningin niya ang lalaki bago nagawang magmaniobra pabalik at pauwi sa asyenda.

KINABUKASAN ng umaga ay halos maglabasan ang mga ugat sa noo ni Leon Fortalejo sa sinabi niya.

"Ese demonio hombre, Emerald! May binabalak siya kaya gusto ka niyang papuntahin sa kanila!"

"Have you gone crazy? Pupunta ka sa enemy territory? Pagpapatiwakal ang iniisip mong gawin, Emerald," si Nathaniel na palakad-lakad sa malaking sala.

Kahapon, paglabas niya sa bukana ay naroon pa rin at naghihintay si Nathaniel. At sa pagpasok naman ng Hacienda Kristine ay ang lolo niya, na may kasamang ilang tauhan, ang naghihintay.

Marahil, kung nahuli pa siya ng ilang minuto sa paglabas ay papasukin ng mga ito ang farm ng mga de Silva.

Pagkairita at amusement ang nadarama niya. Parang mga bandido sa pelikula ang tingin niya sa mga ito kahapon. Kasabay niyon ay nakadama rin siya ng warmth sa pag-aalala nina Leon at Nathaniel sa kanya.

"Lolo, Nathaniel, hindi si Marco ang may gustong magtungo ako sa kanila kundi ako."

"Ikaw? Madre Mia! Ano ang gusto mong mangyari, Emerald?" bulalas hi Leon na umiling. "No puwede! Hindi ako papayag!"

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon