Chapter 17

128K 2.9K 435
                                    

SA PAGITAN ng malakas at namamalat na niyang tinig at tawa ni Alfon ay hindi nila namalayan ang mabilis na pagdating ni Firewind.

Mula sa ibabaw ng malaking stallion ay dinakma ni Marco ang kuwelyo sa likod ni Alfon at hinila papalayo kay Emerald.

"Hayup ka, papatayin kita!" Nakaladkad ni Firewind si Alfon na hindi binitiwan ni Marco.

Si Emerald ay tuluyang nagsiksik sa tabi.

Hindi na nakabawi si Alfon.

Pagkababa ni Marco mula sa kabayo ay hindi na tinigilan ng mga nagngangalit na suntok ang amain. Malaki at higit na bata si Marco at galit na galit. Wala nang malay si Alfon ay hindi pa nito tinitigilan.

"Tama na! Tama na!" sigaw ni Emerald.

Noon lamang tila natauhan si Marco pagkarinig sa tinig niya.

Nilingon nito ang dalagang nakasiksik pa rin sa sulok ng malaking bato. Patakbo nitong nilapitan si Emerald at mahigpit na niyakap.

Pagod, galit at relief ang sama-samang nadama ni Marco. Humihingal na ibinuwal ang sarili sa damo kasama si Emerald.

Walang tanging maririnig sa sumunod na mga sandali kundi ang paghingal nito at mga hikbi ng dalaga na nakasubsob sa dibdib ni Marco. Ang mga bisig nito'y tila bakal na nakapulupot sa katawan ni Emerald.

"M-Marco, you're... holding me so tight... I can't breath."

I'm sorry... I'm sorry!" humihingal pa ring sinabi ni Marco. "Kung may nangyari sa iyo ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. I love you so much that was scared to death. Ang buong akala ko'y hindi na kita aabutan."

Biglang nag-angat ng ulo ang dalaga sa narinig. Tumingin dito. "D-did you say... you love me?"

"So very much na ang isiping baka mahuli ako ng dating ay halos ikabaliw ko. I thought I'd lost you forever, darling..."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan?" may bahagyang akusasyon sa tinig niya.

"Everytime we made love, ipinaaalam ko sa iyo and in so many countless ways." Hinagkan nito ang buhok niya.

"Kailan pa?"

"Since the first time I saw you."

"Bakit pinaniwala mo akong paghihiganti ang motibo mo?"

"Sa tuwing pinag-uusapan ang tungkpl sa pamilya natin ay hindi ko maiwasang hindi mapoot at magalit pero hindi niyon nahadlangan ang pag- ibig ko sa iyo. At ginamit kong tuntungan ang alitan para mapunta ka rito."

"Right into your bed," matabang niyang sagot. Sa unang pagkakataon mula nang dumating ito ay ngumiti si Marco. "Well, you make me crazy. I'm sorry, darling. Wala akong maisip na paraan para abutin ka. Mula nang makita kita'y hindi na ako makapag-isip nang matino. Hindi naman ako maaaring magpunta sa Villa Kristine. Hindi dahil natatakot ako kay Leon o kay Nathaniel but my pride would not allow me that. Maliban pa sa paano ko sasabihin kay Leon na kaya ako naroon dahil iniibig ko ang apo niya ng ganoon na lang."

"I love you, too, Marco..." bulong niya na dinampian ng halik ang pawis sa dibdib ng binata.

"I know... nararamdaman ko. At hindi ako marunong manligaw, Emerald. Wala akong niligawang babae. I don't want to sound conceited but the women I knew did the chasing. So I chased and wooed you my way." Ginagap ang palad niya't dinala sa sariling mga labi. "Bakit ka umalis? Ba't gusto mo akong iwan?"

Gustong matunaw ng puso ni Emerald sa agony na nakita niya sa mga mata ni Marco. She smiled softly.

"Saka ko na sasagutin iyan. Nag-e-enjoy akong makinig sa deklarasyon mo ng pagmamahal sa akin."

Hinagkan ng binata ang buhok niya. "Kanina ay kasalukuyan naming pinag-uusapan ng Mama kung paano mamamanhikan kay Leon. Hindi ko masabi sa kanyang araw-araw ay iyon ang gumugulo sa isip ko. Kanina ay siya ang nagpasimula ng usapan and even had the wrong impression tungkol sa motibo ko sa iyo."

Tinitigan siya ni Marco. "Pakakasal ka ba sa akin sa kabila ng alitan ng ating pamilya, Emerald?"

"Kung nagpo-propose ka na, then, yes... yes!"

"Kahit hindi ako makapangalahati man lang sa yaman ni Leon?"

"I know you won't but... I love you still."

"Puwede ka pa ring magsulat kapag kasal na tayo pero dito ka maninirahan sa farm?"

"Anywhere in the world as long as we're together."

"Thank you, darling. Pupunta tayo kay Leon pagkatapos ng gulong ito." Sinulyapan ang wala pa ring malay na si Alfon.

"Sa city jail na siya magigising." Muling tumigas ang mukha nito sa amain. Hinubad ang polo at isinuot kay Emerald.

"Marco...'' Tiningnan siya ng binata. "S-si... Alfon ang ama ni Bernard."

Natigagal si Marco. "Ano'ng sinabi mo?" Paputol-putol na inulit ng dalaga ang lahat ng mga sinabi ni Alfon sa kanya.

Bago pa man niya natapos ang pagkukuwento ay muling dinaklot ni Marco ang amain at inundayan ng sunod-sunod na suntok kahit wala itong malay. "Hayup! Hayup!"

Mabilis na niyakap ni Emerald si Marco. "Parang awa mo na Marco, mapapatay mo siya!" Ubod-lakas niyang hinila ang kasintahan. Pareho silang muling bumagsak sa damo.

Humihingal na pinagsusuntok ni Marco ang lupa hanggang sa mapagod. Sinapo nito ng mga kamay ang ulo.

"Maitutuwid pa ba ang mga pagkakamali? Maibabalik pa ba ang mga buhay na nawala? Patay na si Romano. Patay na ang kaawa-awa kong kapatid. At si Leon ay tataglayin sa hukay ang ginawang paninikis sa anak!"

Niyakap ni Emerald si Marco at dinala sa dibdib. Alam niyang umiiyak ito. Para sa lahat... at higit para kay Alicia.

"Narito pa tayo, Marco, buhay. Maitutuwid natin ang lahat," bulong niya rito.

Kung gaano katagal silang nanatili sa ganoong ayos ay walang nakakaalam. Nang tumayo si Marco kasama siya ay mahinahon na ito. Hinawakan nito ang mukha niya.

"Patawarin mo ako... ang mga de Silva... ang Tiyo Alfon..."

"I love you and that is all that matters." Tumango ang binata at dinala siya sa dibdib nito. Pagkatapos ay inakbayan siya at niyuko ang tali ni Firewind. Hila-hila ang stallion na lumabas sila ng gubat tungo sa bagong araw.

••• WAKAS •••

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Where stories live. Discover now