Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 29

261K 4.6K 131
By Aver_Cris

'Di ko namalayan na nakatulog muli ako. Nagising ako dahil sa gutom na nararamdaman. Bumangon na ako, walang hila-hilamos na nagtungo sa kusina para kumain. Walang Ken akong nakita sa buong condo unit kaya pinagkibit-balilat ko na lamang 'yon.

Gusto ko siyang i-text para itanong kung nasaan siya pero pinigilan ko ang aking sarili.

Matamlay akong naupo sa upuan, pasandok na sana ako ng kanin ng may nakita akong maliit na papel na nakasipit sa lalagyan ng ulam na niluto ni Ken.

Kinuha ko 'yon at tahimik na binasa ang sulat.

Nasa park lang ako malapit sa condominium, kung sakaling hinahanap mo nga ako. Nagpapahangin lang ako rito. Eat the food I cooked earlier, okay? Para sa'yo lahat ng 'yan. I know you're mad at me but I make it up with you. Sa ngayon, palalamigin ko muna ang ulo mo. Always remember that I love you.

Nilapag ko muli ang papel na iyon sa mesa at nagsimula nang kumain.

Dati, sanay akong mag-isang kumakain pero ngayon ay hindi na. Nasanay na ako na may kasabay, I feel so lonely here at the kitchen. Parang gusto ko siyang itext ngayon at pauwiin dito, pasabayin sa akin na kumain.

Pero tama na muna sa pagiging marupok. Kahit ngayon lang.

Habang kumakain ay nag-isip-isip ako kung ano ang dapat kong gawin.

Sa totoo lang, 'di lamang din ako sa kanya may galit. May galit din ako kay Lucy at Deborah, ang dalawang 'yon na malalandi! Alam nilang taken na si Sir Ken, gusto pang galawin! Pwede silang makasuhan ng rape if they really framed up him.

After eating my food, nagtungo akong banyo para mag-ayos. Tinawagan ko si Hailey pagkatapos, I really need an advice from her.

Nakadalawang ring lang bago niya sagutin ang tawag. "
“Hello?”

“Are you busy today?”

“Hindi naman, bakit?”

“I need an advice.”

“For what?”

I cleared my throat before telling her my problem. Tahimik lamang siyang nakikinig sa kabilang linya habang nagkukwento ako ng mga nangyari kagabi at hanggang ngayon ay kinuwento ko na rin sa kanya.

She curses a little when she heard my story.

“Nagsama pala ang dalawang higad.” ramdam ko sa kanyang boses ang panunuya. “If they put a drug on Ken, pwedeng makasuhan ng rape ang dalawa but knowing him... 'di 'yon magsasampa ng kaso instead mas malala ang kanyang gagawin, baka kumikilos na siya kaya umalis. Do'n lang sa park tumambay habang kumikilos na. You know, he had a lot of connection. Isang tawag lang sa mga kakilala niya, tumba na agad ang kalaban.”

“What should I do? Should I believe him?”

“If he was telling the truth talaga, paniwalaan mo. Makikita mo naman sa kilos at sa mga mata, eh. If he was really pursuing you to believe him, sundin mo ang puso. If he was not, then... sundin na ang isip.”

Matagal bago ako makasagot.

I heaved a sigh while thinking what I really need to do, to save this relationship we had.

I don't want to end our relationship because I love him. I want to believe him because I love him pero ayaw kong magpakarupok agad.

Maybe Hailey is right.

If he kept pursuing me to believe him, paniniwalaan ko na. Makikita ko naman 'yon sa mga kilos at mga mata niya, eh. Tama, 'di ba?

“Ali,” she breathed on the other line. “magpalipas ka ng ilang araw. Subukan mo. Kapag 'di sumuko si Ken sa pagpapakita sa'yo na mahal ka niyang talaga at lagi kang kinukulit na paniwalaan siya, sundin mo ang puso pero gamitin din ang utak. Gamitin mo parehas, gano'n! Ang utak sa pagdedesisyon kung tama ang gagawin mo. Ang puso naman sa pag sang-ayon sa desisyon na gagawin mo. Kapag mabigat sa kalooban, h'wag. Kasi masasaktan mo siya, masasaktan mo rin ang sarili mo. Do'n tayo sa nagpapagaan ng kalooban natin.”

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Kilala ko naman na 'yan si Ken, matino talaga 'yan. Sa tagal nating nagtatrabaho sa kanya, wala pa tayong nabalitaan na nagka-issue na siya sa iba. Malinis ang kanyang pangalan sa atin at sa trabaho niya kaya masasabi kong matino talaga siya. Ang babae ang lumalapit at nagkakagusto sa kanya kaya 'di na ako nagtaka pa sa kinuwento mo na may dalawang higad siyang nakasama kagabi. Sa mundo kasing 'to, 'di mawawalan ng pagkagusto ang isang tao. Mapabagay o mapatao man 'yan. Pag alam ng tao na hindi niya makukuha ang gusto niya, gagawa 'yan ng paraan para makuha ito.”

Napatango ako, “Base sa mga nasabi niya sa akin noon, matino nga siya.” sabay napalabi. “Pero nasasaktan pa rin ako, ah? Pwede naman niyang tanggihan 'yong dalawang 'yon. Pwede naman siyang 'di sumama, eh.”

”Baka sinabihan na mag-uusap lamang sila for business? Kilala natin si Ken, pag business ang pag-uusapan 'di 'yon na atras.”

Hindi muna ako umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“I still didn't know his point of view kaya wala ako sa lugar na husgahan siya. 'Yong sinabi ko kanina, gano'n ang gawin mo.”

“Sige.” napangiti na ako at tumango kahit alam kong 'di niya nakikita 'yon. “Salamat.”

“Ano ba,” bigla siyang tumawa. “para sa'n pa't naging magkaibigan tayong dalawa?”

“Thank you for the advice, Hailey. I'll keep that in mind.”

“No prob! If you still have a problem, call me agad! I'm one call away.”

“Sure, thank you!”

Nakangiti kong pinatay na ang tawag.

Susundin ko ang sinabi niya kanina. Utak para sa desisyon, puso para sa pag sang-ayon.

Isang oras at kalahati na ang lumipas pero wala pa rin si Ken. Nasa sala ako't nakatingin lamang sa cellphone, 'di talaga alam kung tatawagin siya ngayon o hindi.

Naglalaban ang puso at isip ko kung tatawagan ko na siya at pauuwiin dito.

“Pauuwiin ko lamang.” bulong ko sa sarili, “O di kaya'y itanong ko kung anong oras siya uuwi rito.”

I pursed my lips and was about to grab the phone when I heard a knock on the door. Napahinto ako at tinignan ang pinto, naninigurado kung dito 'yong may kumakatok.

*knock* *knock*

Napatayo ako at malawak na ngiti ang nakapaskil ngayon sa'king mukha. He's here!

Huminto ako sa tapat ng pinto at inayos ang sarili, I make my face emotionless kasi 'yon ang dapat. Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit, pag bukas ng pinto ay ibang tao ang aking nakita.

An old woman, may kolerete sa mukha at nakasuot ng mamahaling damit at alahas,  awala ang ngiti sa mukha nito nang makita ako.

“Who are you?” she asked but I didn't answer her question.

Akala ko si Ken ang kumatok, ibang tao pala! I feel a little disappointment.

“Who are you, Hija?” she asked again.

I cleared my throat and answer her question na. “I'm Ali po.”

Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa aking tiyan pagkatapos ay sa mukha ko ulit.

“Where's my son?”

Son?

Napasinghap ako at nataranta, this woman is Ken's mother! Nilakhan ko ang pag awang sa pinto at pinapasok ang matanda.

“Ang nabasa ko po sa sulat ay nasa park siya, malapit po rito.”

Pumasok ang matanda at nanatiling nakatingin sa akin. “Park?”

Tumango ako at nahiya sa sarili. Hindi ko alam na uuwi ang Nanay niya! Wala naman sinasabi si Ken!

“Are you his girlfriend?”

Tumango muli ako at napalabi. “Yes po, Ma'am. Ah, maupo po kayo rito. Anong gusto po ninyo? Juice? Malamig po na tubig?”

Inalalayan ko siya papuntang sofa at naupo ro'n. Tumingala 'to sa akin at ngumiti. “H'wag na. Seat in front of me, marami akong itatanong sa'yo ngayon.”

Naupo nga ako gaya ng gusto niya.

“I was about to surprise him pero ako ang na.. surprise.” paninumula niya. “I didn't know that he had a girlfriend or apo! Ang batang 'yon talaga masyadong malihim sa amin.” ngumiti siya nang malawak at ramdam ko naman na mabait siya. “I'm Ken's mother, Dayanara is my name. And you said to me earlier that you are Ali, right?”

I nodded my head, nanatiling tikom ang labi.

“Don't be shy at me! Mabait ako at 'di kayang kumain ng tao!” napatawa siya kaya napangiti na ako.

“You're beautiful, I like your eyes.”

“Thank you po.”

“Kailan pa kayo naging mag-on ni Ken?”

“Ah, nitong mga nakaraang araw lang po.” pagsasabi ko ng totoo. “Marami po kasi ang nangyari Ma'am kaya gano'n. Mahabang kwento pero I can make it short po if you want to hear our story.”

“I see...” sumandal siya sa sofa at tumitig sa akin. “Mamaya mo ako kwentuhan, okay? Magtatagal naman ako rito.”

“Sige po.”

Magtatagal? Jusko, paano ako magiging cold kay Ken nito?

“Don't call me Ma'am, okay? Call me Mommy Ara.”

“Mommy?”

Tumango siya, nanatiling nakangiti. Napangiti rin ako at napakagaan na ang aking loob sa kanya, halata nga sa kanyang mukha na masayahin siyang tao.

“Yes! I want you to call me Mommy Ara since your Ken's girlfriend. Magtatagal naman kayo ni Ken for sure at baka mauwi pa sa kasal.”

Tumango ako at 'di alam ang sasabihin na pero ramdam ko na pag nagkamali ako ng desisyon, 'di mauuwi sa kasal ang kwento naming dalawa.

“Ilang taon ka na nga pala, Hija?”

“Thirty po.”

“How's your parents? They know about something between you and my son?”

Umiling ako, “Hindi po ako magsisinungaling. Hindi pa po alam ng mga magulang ko ang tungkol sa aming dalawa. Balak kong i-surprise sila kapag nanganak na po ako, ipapakilala ko po si baby Kalix at Ken sa kanila.”

“I see... so you currently lived here na?”

“Opo.”

“You can ask me some questions too if you want.”

Nahihiya akong umiling. “H'wag na po. 'Di na po kailangan.”

“Why?”

“Sa itsura po ninyo alam kong mabait at masayahin kayo. Siguro nasa edad fifty pataas na po kayo pero since palangiti po kayong tao, bumabata po ang itsura niyo. Ang ganda niyo po, Mommy Ara.”

Katotohanan lahat ng sinabi ko sa kanya.

Napatawa siya sa sinabi ko. “I like you na!”

Napamaang akong nakatingin sa kanya. “Po?”

“Pasado ka na sa akin! Kwentuhan mo na ako tungkol sa inyong dalawa ni Ken.”

Tumango ako, napasubo sa sinabi ko. Idi-details ko ba ang pagkukwento ko sa kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 695 20
DJC Series #1: Ylaina Alexandrea Austria She was raised by a snatcher. Kahit anong bagay ay kaya niyang makuha gamit ang mga itinuro sa kaniya ng kan...
58.9K 3.4K 61
Maagang namulat si Nyke sa mga biro ng tadhana. Iniwan siya ng kanyang tiyahin sa isang ampunan kungsaan niya nakilala ang lalaking unang nagpapabi...
68.8K 3.7K 31
Kailan ba naging kasalanan ang umibig? "Bless me father for I have sinned. I fell in love..." Ang sunod na sinabi ng babaeng nangongompisal ay saglit...
512K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...