BOOK 1: Hired Boyfriend [Kath...

By Debbiee

744K 10.9K 797

[BOOK 1 COMPLETED. NO SOFT COPIES] CARMELLA was a certified NBSB. But one day, a guy came into her school an... More

Hired BOYFRIEND...
Characters
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
ANNOUNCEMENT

Seventeen

17.3K 272 8
By Debbiee

Dalawang araw na simula ng nangyari iyon

Dalawang araw na din akong umiiyak

Dalawang araw na akong tinatanong ni mama kung bakit daw ako ganito

Dalawang araw na akong walang gana

Ayoko ng ganito >__<. Nasaktan ako at sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi nalang nangyari itong lahat. Kahit na wala akong gana ay pumapasok parin ako sa paaralan at kina Britney ko lang sinabi ang tungkol doon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kay Mica.

Nagtatanong siya syempre pero ang tatay ko ang naging dahilan ko.

“Girl sige na punta na tayo!!” Britney

“Kayo nalang ang pumunta, sabihin niyo lang na masama ang makiramdam ko” matamlay kong sabi

Nandito sina Britney sa bahay, sa kwarto ko kasama niya si Paolo na kanina pa ako pinipilit na pumunta ng party ni Mica.

Oo ngayon yung party na sinasabi niya, ipapakilala na niya samin yung naiwan niyang pag-ibig dito

“Lagi ka nalang ganyan CC!” si Paolo na nag-aalala na rin, gusto niya nga din sanang suntukin si Black pero pinigilan ko

“Hindi ko lang matanggap na niloko niya lang pala ako” tumulo na naman ang mga luha ko

“Sshh tahan na CC, may karma naman dyna sa tabi-tabi kaya wag ka ng umiyak!” sabay punas ng luha ko si Britney

“Sabihin na nilang OA ako pero masakit eh!” hindi ko naman napigilang umiyak

“Sssh tahan na girl” niyakap ako ni Britney at hinimas himas naman ni Paolo ang likod ko

“Napakatanga ko talaga!! TT___TT” panay ang agos ng mga luha ko

After that day ay nagtangkang makipag-usap si Black pero ayoko. Ayoko ng siyang makita pa.

“Girl wag mong saktan ang sarili mo, nasaktan ka na ni Black kaya wag mo ng dagdagan! Now it’s time to move-on, and you need to fight! Wag kang magpapatalo sa kanya, baka nagyon tinatawanan ka niya ksi umiiyak ka!”

“Naiinis ako sa sarili ko!!!” TT___TT

“CC you need to fight in this mistake, hindi ka dapat magpatalo sa kanya. Show him that you’re a strong girl at hindi lang siya ang makakatalo sayo CC!!” napaiyak ako sa sinabi Paolo

Tama sila, hindi dapat ako magpatalo! TAMA NA ANG KAKAIYAK CC!! You’re a brave girl and no one can make you weak!

Nagpunas ako ng luha sabay yakap sa kanila

“Oh sige, pupunta tayo sa party ni Mica guys!!”

“Talaga girl?”

“Oo naman noh!! Kaya ko ‘to!!”

Niyakap ko ulit sila at nagpasalamat. Dahil sa kanila ay gumaan ang pakiramdam ko. Sila ang laging kasama ko sa lahat.

Dahil maaga pa ay nagpahinga muna ako, umuwi muna sila Paolo. Babalik sila mamayang hapon, gabi pa naman ang party ni Mica kaya may time pa.

Kaya ngayon kakain muna ako ng MARAMI. Inaamin ko na GUTOM na talaga ako kaso wala akong ganang kumain.

Buti naman may mga ulam pa sa ref, nandoon kasi si mama sa kapitbahay kaya ako lang ang tao dito sa bahay. Ewan ko kung nasaan ang kapatid ko.

Di bale na nga kakain nalang ako. Ininit ko muna ang ulam, adobong manok, sinigang na baboy na favorite ko, apritada at apple juice ang partner. Busog na talaga ako nito ^___^

Kain

Kain

Kain

Kain

Kain

“Ate?” napahinto ako sa pagsubo at lumingon sa likod. Nilunok ko muna ang kinakain ko.

“Bakit?” lumapit sakin si MJ

“Grabe naman yang kinakain mo ate!” sabi niya habang nakatingin sa pagkain ko

“Bakit? Masama ba, gusto mo?” tumango siya

Kaya sinubuan ko siya habang nakakamay lang ako. Malinis naman at masarap kayang kumain ng nakakamay ^___^. Tumabi si MJ sakin at sinaluhan akong kumain.

Namiss ko talaga ang ganito. Kasalo ang kapatid ko sa pagkain.

“Ate bakit ka nga pala hindi kumain nung nakaraang araw?” tanong ni MJ sabay inom ng juice

“Ah hehe may problema lang MJ and don’t mind that hindi mo din maintindihan!”

“Ate kapatid mo’ko and I’m here to listen!” mayabang na sabi ni MJ

“Hays naku, ang bata mo pa!” sabay pisil ko sa pisngi niya

Nag-pout siya, ang cute talaga! >3<. Ang tanga ko talaga >__< iyak ako ng iyak at hindi ko inisip na may mga taong nag-aalala sakin

Pagkatapos naming kumain, naghugas ako ng pinagkainan at niyaya akong maglaro ni MJ ng video games.

“AHAHA talo ka na MJ!!” sabi ko sa kanya

“Neh!! Tatalunin kita ate!!” ganti naman niya

Tawanan lang kami ng tawanan ni MJ. Kahit papano nakakalimutan ko ang problema ko.

--

“So pare kumusta?” tanong ni Zeth sakin

Nasa condo niya kami. Sila naglalaro ng billiard ako naman nandito lang nanonood sa malaki nilang flat screen TV

“Ang alin?” matamlay kong tanong

“Yung alam mo na yung—yung about” hindi niya masabi kaya tiningnan ko siya ng masama

“Pare yung about Carmella daw!!” sabi ni Grey sabay akbay kay Zeth

Tumutok nalang ulit ako sa TV dahil ayaw kong sagutin sila. Simula nung nangyari iyon, lagi nila akong kunukulit.

Sinubukan kong kausapin si Carmella pero ayaw niya. Siguro nga nasaktan ko talaga siya.

“So pare pumayag ka na bang pumunta sa party niya?” umabi sakin si Troy sabay bigay ng coke in can

Tumango lang ako sabay inom ng coke.

“So pare how about Carmella?” Bob

“Hindi ko alam, ayaw na niya sakin kaya I won’t force her anymore” walang emosyon kong sagot

Black if I were you aalamin ko ang nararamdaman ko!” sabi ni Grey sabay akbay sakin

Uminom nalang ako ng coke. Sa ngayon ayaw kong marinig ang tungkol kay Carmella.

Ang iintindihin ko ngayon ay makikita ko na siya.

Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit parang may bahagi sakin na hindi ako dapat pumunta sa party niya.

Sa party na ipapakilala na niya ako sa lahat ng mga kaibigan.

Pero gusto kong malaman kung kailan pa siya narito, at kung dito naba sila titira.

--

*ding*dong*

“Wait lang!!” sigaw ko habang papuntang gate para buksan ito

Alam kong sina Britney at Paolo ito. Papunta na kasi sila galing sa mall dahil kinuha nila ang aming mga damit para mamaya.

Pagbukas ko

O________O

Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

**********************************************************************************************************

Author’s Note

~Thanks for reading!

~Thanks for the votes!

~Thanks for the comments!

~Thanks for adding to your library!

~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!

I LOVE YOU ALL ^_________^

Continue Reading

You'll Also Like

403 82 21
Dito ay malaya kong naipakikita't naipababatid ang nag-aalab kong puso na nag-uumapaw sa pag-ibig. Hayaan mong dalhin kita sa isang mundong pag-ibig...
6.9K 457 18
In which a girl named Sana always receives letters from her obsessed secret admirer but her heart already belongs to someone else- but fate always ha...
11.2K 652 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.5K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...