The Princess and the Puto (Fa...

By renzesguerra

315K 5.7K 746

Ynnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogan... More

Teaser
Prologue
Chapter 1: Meet the Princess
Chapter 2: The Prophecy
Chapter 3: Mr. Arrogant
Chapter 4: Hello, Eastfield University
Chapter 5: First Day, Second Encounter
Chapter 6: Epic Fail First Day
Chapter 7: Do's and Don't's
Chapter 8: So Fake
Chapter 9: Her Final Decision
Chapter 10: Not-So-Fun Wednesday
Chapter 11: Upcoming Events
Chapter 12: Why So Mean?
Chapter 13: Unrightable Wrong
Chapter 14: The Blame
Chapter 15: Outreach Program
Chapter 16: Cat and Dog
Chapter 17: In Your Dreams (Part1)
Chapter 18: In Your Dreams (Part 2)
Chapter 19: What's On Your Mind
Chapter 20: The Cutest Smile On Earth
Chapter 21: Mr. Killer Smile
Chapter 22: Brush Brush Brush
Chapter 23: Be My Date
Chapter 24: That Feeling
Chapter 25: Add As A Friend?
Chapter 26: The Preparation
Chapter 27: Passenger Seat
Chapter 28: Acquaintance Party
Chapter 29: Run Away With Me
Chapter 30: Who's That Girl?
TEASER FOR THE UPCOMING CHAPTERS
Chapter 31: Embarassing Moment
Chapter 32: Just Give Me A Reason
Chapter 33: The Legal Business
Chapter 34: The Perfect Bite
Chapter 36: The Bad News
Chapter 37: The Turning Point
Chapter 38: First Day, Second Semester
Chapter 39: The Birth-date
Chapter 40: The Fault In Our Car
Chapter 41: Fast-track
Chapter 42: Happy 17th Birthday, Princess
Chapter 43: The Charm Bracelet and the Emerald Necklace
Chapter 44: The Overwhelming Changes
Chapter 45: My Valentine
Chapter 46: The First Move
Chapter 47: The Scheme
Chapter 48: The Test
Chapter 49: The Unexpected Singers
Chapter 50: The Realization

Chapter 35: Goodbye, Eastfield University?

4.4K 96 6
By renzesguerra

Dedicated to noelcarl for being such an avid reader of my stories! Thank you for constantly voting/liking and commenting on every chapter of this story! Thank you so much! ;)

 

 

CHAPTER 35

 

THIRD PERSON’s POV

 

Matapos magpunta sa restroom nila Ynnah, Mint at Harvey ay dumeretso na sila sa cafeteria. Ramdam na ramdam naman ni Ynnah ang kaba sa kanyang dibdib. Iniisip niya na sana ay kahit isa man lamang ay may bumili ng puto niya.

“Oh friend, you look tensed. Why?” pansin ni Mint sa kanya.

“A-ako? H-hindi ah,” pagtanggi ni Ynnah. “B-bakit naman ako mate-tense? Ikaw talaga.”

“Sabagay,” ibinalewala na lang ito ni Mint.

Pagpasok nila sa cafeteria ay agad na naglakad si Ynnah papunta sa counter. Nadatnan niya itong wala nang pila. Laking pagtataka naman nila Mint at Harvey sa ginawa ng kanilang kaibigan. Agad nila itong sinundan.

Tiningnan ni Ynnah ang mga pagkaing nakadisplay sa counter. Wala ang mga puto niya roon. Tiningnan pa niya ang display freezer na pinaglalagyan ng mga cakes. Wala rin siyang nakitang mga puto doon. Napaisip naman siya kung nasaan na ang mga iyon.

“Miss, nasan na ‘yung tinda niyong puto?” kinakabahang tanong ni Ynnah sa babaeng in-charge sa counter.

“Sold out na po,” sagot naman nito.

Halos malaglag naman ang panga ni Ynnah sa narinig.

“Ha?” di makapaniwalang sabi pa ni Ynnah.

“Sold out na po. Kanina pa po naubos,” pagkaklaro pa ng tao sa counter.

Napabuntong-hininga naman ng malalim si Ynnah. Hindi niya alam kung paano magrereact sa pagkaubos ng kanyang puto. Nakaramdam siya ng sobrang tuwa sa nalaman. Hindi niya akalain na magiging mabenta ito sa unang araw pa lang.

Samantala, napansin naman nila Rox at Denise na nakaupo sa kanilang pink table si Ynnah na nasa unahan ng counter at kinakausap ang tao dito.

“Look, Alexa. Nasa counter si puto girl,” sabi ni Rox kay Alexa.

Napatingin naman si Alexa sa kinaroroonan ni Ynnah.

Samantala sa counter…

“Uy, friend. Bakit bigla-bigla ka na lang pumunta dito? Hindi mo na kami nahintay. Excited much?” tanong ni Harvey kay Ynnah nang makarating sila ni Mint sa counter.

Bigla namang napayakap si Ynnah kay Harvey. Nagulat naman ang kaibigan sa ginawa nito.

“F-friend, I c-can’t breathe,” bulong ni Harvey dito.

Agad namang kumalas si Ynnah sa pagkakayakap niya dito sabay sabing, “Sorry.”

“Why did you hug me ba?” tanong ni Harvey.

“At bakit siya lang?” nagtatampo na sabi naman ni Mint.

“Sorry guys, natuwa lang ako,” sagot ni Ynnah sa dalawa.

“For what?” takang tanong ng dalawa sa kanya.

“Mamaya ko na ikukwento,” sagot ni Ynnah. “Tara na, kumain na kayo.”

“At ikaw?” tanong ni Harvey.

“Busog pa ko,” alibi ni Ynnah pero ang totoo ay wala siyang dalang pera kundi ang pamasahe lang niya.

“Sus! Treat na kita!” sabi naman ni Harvey.

“Wag na,” tanggi pa ni Ynnah.

“Tumigil ka!” insist ni Harvey dito.

Samantala, sa pink table kung nasaan sila Alexa, Rox at Denise…

“Bakit sila nagyayakapan?” pansin ni Rox nang makitang biglang niyakap ni Ynnah si Harvey.

“I don’t have any idea,” sagot ni Denise.

“Kelan ka ba nagkaroon? Tss,” pambabara ni Alexa kay Denise. Umirap pa ito.

“Ano kayang magiging reaksyon ni puto girl kapag nalaman niya na may puto na itinitinda na rin dito?” sabi ni Rox.

“Correction, fresh and delightful puto. Not like the one she’s selling—filthy and ugh!” sabi ni Alexa while rolling her eyes. “Hindi ko man natikman ngayon ‘yung puto dito sa cafeteria, matitikman ko din ‘yun one of these days. At ipapamukha ko sa puto girl na ‘yan kung ano ang pinagkaiba ng putong masarap sa putong pangmahirap.”

“Ahahaha!” tawanan nilang tatlo.

“By the way, I have a not so good news for you, Alexa,” sabi ni Rox.

“And what is that?” takang tanong ni Alexa dito.

“Last Monday after dismissal, I saw Argel and puto girl talking to each other at the parking area,” paglalahad ni Rox. “They were very serious and then, bigla silang naghabulan. Tuwang-tuwa pa nga si puto girl eh.”

“How cute of them naman,” biglang sabi ni Denise.

Napatingin naman ng masama si Alexa at Rox dito.

“Sorry,” nasabi na lang ni Denise at tumahimik na ito.

“Narinig mo ba ang pinag-uusapan nila?” tanong ni Alexa kay Rox.

“No,” sagot ni Rox. “All I see was that, biglang dumating nun si Kiros and then sumama sa kanya si puto girl at naiwan si Argel. Nakita ko pa na sumakay si puto girl sa motorcycle ni Kiros palabas ng campus.”

“She’s a horrible whore,” nasabi ni Alexa sabay tinigin sa table kung saan nakaupo na ngayon sila Ynnah. “Nilalandi na nga niya si Argel, nilalandi pa niya si Kiros. Talagang alam ng puto girl na ‘yun kung paano at sino ang dapat landiin. Ang lakas loob niya.”

“How can we stop her?” tanong ni Denise.

“We really need to get rid of her here in Eastfield,” sagot ni Alexa. “Permanently.”

**********

Pagdating ng Huwebes, nagdeliver na ulit si Ynnah sa cafeteria ng kanyang puto. This time, dalawang kahon na ang dinala niya. Patago siyang nagdedeliver ng puto sa cafeteria upang manatiling sikreto na sa kanya nanggagaling ang puto na ibinebenta sa Eastfield.

Tuwang-tuwa naman si Merla nang malaman na naging mabenta ang ginagawang puto nilang mag-ina. Sa unang araw pa lamang ng pagtitinda ng puto sa Eastfield ay kumita na sila ng 1,625 pesos. Bawas na dun ang porsyento ni Mrs. Edna na kumita ng 875 pesos. Ngayong Thursday ang ikalawang araw.

Pagdating naman ngayong Biyernes ay maagang pumasok si Ynnah sa Eastfield upang magdeliver ulit ng puto. Kagaya ng nangyari nung Miyerkules, naging mabenta din ang puto kahapon (Huwebes) at kumita agad siya ng 3,250 pesos. Natutuwa naman si Ynnah sa nagiging magandang takbo ng kanilang negosyo.

Pagkatapos ng kanilang PE ay nagtungo muna si Ynnah upang magpalit ng damit para sa susunod nilang subject na NSTP. Pagkatapos niyang magpalit ay pumunta na siya sa kanilang room. Nadatnan naman niya si Alexa na sarap na sarap na nakain ng puto—ng puto na gawa niya.

“Hi, puto girl. Narinig mo na ba ang mabuting balita?” simula ng pang-aasar ni Alexa kay Ynnah habang nanguya-nguya pa ito.

Hindi naman sumagot si Ynnah dito at hinintay ang sasabihin nito.

“Good news, may puto na sa Eastfield!” tuwang-tuwang sabi ni Alexa kay Ynnah. “Yun nga lang, hindi madumi at nakakadiri tulad ng binebenta mo.”

Nagtawanan naman ang mga kaklase nilang nakarinig sa sinabi ni Alexa.

“Masarap ba, Alexa?” nakangiting tanong ni Ynnah dito.

“Oo naman. Tikman mo,” pantatakam na sagot ni Alexa sa kanya. “Wag na pala, baka kasi mag-suicide ka kapag nalaman mong mas masarap ito kesa sa binebenta mo. Hahaha!”

At nagtawanan na naman ang mga kaklase nila.

Napailing na lamang si Ynnah at pasimpleng napangiti. Naisip niya kasi na kung alam lang ni Alexa na ang putong kinakain nito ngayon ay ang puto ni Ynnah na nilalait-lait niya, mapapahiya lang ito.

“This is so delicious!” narinig pa niyang komento ni Alexa sa kanyang puto.

Pag-upo ni Ynnah sa kanyang upuan, napag-usapan nilang magkakaibigan ang tungkol sa putong ibinebenta niya. Alam na kasi nila Mint at Harvey ang tungkol dito dahil naikwento na niya sa mga ito ang kanyang sikreto—na sa kanya galing ang putong ibinebenta sa Eastfield.

“Hay naku, friend. Ang sarap isampal sa mukha ni Alexa ang katotohanang sa iyo galing ang putong sinasamba niya ngayon,” naiinis na sabi ni Harvey.

Natawa lang si Ynnah sa sinabi ng kaibigan.

“Friend, natikman na namin ‘yung puto mo. Ang sarap pala,” mahinang sabi ni Mint. Yung tipong silang tatlo lang ang nakakarinig.

Natuwa naman si Ynnah nang malamang nagustuhan ng kanyang mga kaibigan ang kanyang puto.

“Pwede ba kaming umorder sa’yo?” tanong ni Harvey sa kanya.

“Oo naman,” nakangiting tugon niya dito. “Bibigyan ko pa kayo ng malaking discount.”

“Talaga?” natutuwang sabi ni Mint. “Okay, pa-order ako ng one box!”

“Me too! Make it two boxes!” sabi naman ni Harvey. “Dadalhin ko sa family dinner namin this coming week.”

**********

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan. Naging mabenta ang puto ni Ynnah sa buong Eastfield University. Ang iba ay umoorder pa talaga ng ilang mga kahon ng puto kay Mrs. Edna na ipapaabot naman kay Ynnah. Kahit papano’y naging maganda ang takbo at pasok ng pera kala Merla at Ynnah. Naging sapat na ang kanilang pera sa araw-araw at nakakapagtabi pa si Merla ng pera para kay Ynnah.

Hanggang sa dumating ang October kung saan malapit nang matapos ang first semester at malapit nang magsimula ang semestral break. Lahat ay busy para sa nalalapit na final exam. Nang biglang dumating ang di inaasahan kay Ynnah.

“Alexa, alam ko na kung paano natin mapapaalis si puto girl dito sa Eastfield,” nae-excite na sabi ni Rox kay Alexa pagdating na pagdating nito. Kasalukuyan silang nakatambay sa rooftop ng CBA building.

“How?” tanong ni Alexa. “Siguraduhin mo lang na sa susunod na semester hindi ko na makikita ang babaeng iyon dito.”

“Of course,” sagot ni Rox. “I heard na after ng finals, Eastfield will submit the grades of all scholars to their respective scholarship foundation that will determine if they will still be financed and enrolled here or not. And unfortunately, puto girl is one of them.”

“And what are you suggesting?” naiintrigang tanong ni Alexa dito.

“Why don’t we falsify her grades before ito mapunta sa scholarship foundation na nagpapa-aral sa kanya?” sagot ni Rox.

“But how are we gonna do that?” tanong ni Denise. “I don’t’ think ganun lang kadali gawin ‘yun.”

“Hmmm… I think we should let us first know kung ano ang scholarship foundation na nagpapaaral sa kanya,” sabi ni Alexa.

Nang araw ding iyon, nagtungo sila Alexa, Rox at Denise sa campus registrar upang malaman kung anong scholarship foundation ang nagpapa-aral kay Ynnah.

“We’re here to know the scholarship foundation that sponsoring Fernandina Catacutan,” tanong ni Alexa sa campus registrar.

“Why do you need to know, Ms. Aldama?” tanong ng campus registrar dito.

“You don’t have to know my reasons. Just give the information that I need, okay?” mataray na sagot ni Alexa dito.

“Okay, excuse me,” sabi ng campus registrar at hinanap na nito ang file ni Ynnah.

“Sa wakas, mawawala na rin sa Eastfield si puto girl. Cheers to that,” masayang sabi ni Alexa sa dalawa niyang kaibigan.

Maya-maya pa, dumating na ang campus registrar dala-dala ang folder na naglalaman ng mga impormasyon ni Ynnah.

“Ms. Aldama, based on Ms. Fernandina Catacutan’s records, she belongs to the scholarship foundation of your family,” sabi ng campus registrar.

“What?!” bulalas ni Alexa sa narinig.

“The Aldama Scholarship Foundation.”

“Oh my god. No way.”

ITUTULOY…

 

 

Mr. Author’s Note: Hala! Nalintikan na! Ngayong nalaman na ang totoo ni Alexa, goodbye Eastfield na ba para sa ating prinsesa? Susunod na ang kabanatang magbabago sa takbo ng istorya! The turning point is about to happen sa CHAPTER 37: THE TURNING POINT! WALA NANG MAGPAPAAPI! LALABAN NA SIYA! Makikilala niyo na ang bolder, stronger at fiercer puto girl! Abangan si FERNANDINA CATACUTAN VERSION 2.0 dito lamang sa The Princess and the Putow!

Continue Reading

You'll Also Like

61.7M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.8M 224K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
245K 18.5K 29
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
79.8K 2.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...