Into Your Soul

By shinkumi

109K 4.3K 578

The world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si A... More

Into Your Soul
Capitulum 1
Capitulum 2
Capitulum 3
Capitulum 4
Capitulum 5
Capitulum 6
Capitulum 7
Capitulum 8
Capitulum 9
Capitulum 10
Capitulum 11
Capitulum 12
Capitulum 13
Capitulum 14
Capitulum 15
Capitulum 16
Capitulum 17
Capitulum 18
Capitulum 19
Capitulum 21
Capitulum 22
Capitulum 23
Capitulum 24
Capitulum 25
Capitulum 26

Capitulum 20

1.4K 78 23
By shinkumi

Capitulum 20

You Can't

Naiwan kaming apat sa loob ng condo ni Ian nang lumisan na si Sean. Nakatulala ang mag-asawang De Castro samantalang si Ian naman ay panay ang luha.

"I'm sorry, Kuya. Ipakulong mo ako o kahit ano, tatanggapin ko, mapatawad mo lang ako." Lumuhod siya sa harapan ng mag-asawang De Castro.

Naluluhang tumingin sa kanya si Mr. De Castro. Iniiling niya ang kanyang ulo. "Hindi iyon ang gusto ni Sean. Oo, galit na galit ako sa nagawa mo pero hindi ko rin kayang gawin 'yon sa kapatid ko." Binigyan niya ng maliit na ngiti si Ian. "Kasalanan ko rin na hindi kita kinausap. Hindi ko naisip kung ano'ng nararamdaman mo. Alam kong pakiramdam mo na hindi ka belong sa pamilya dahil anak ka sa labas ni Dad pero wala akong ginawa para maiparamdam sa 'yo na pamilya ang turing namin sa 'yo."

"Pero Kuya, kahit ano'ng gawin kong kasalanan sa 'yo, nagagawa mo pa ring ngumiti sa 'kin. Kahit kailan ay hindi ka nagtanim ng galit sa 'kin o gumawa man lang ng bagay para makaganti. Tapos ito lamang ang ibibigay ko sa 'yo, puro pasakit."

Tumayo si Mr. De Castro at ginulo-gulo ang buhok ni Ian na kasalukuyang nakaluhod pa rin. May ngiti sa kanyang labi na puno ng pagmamahal. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang mga mata ng isang mapagmahal na "Kuya".

"Tumayo ka na, Ian." ani Mrs. De Castro na ngayon na lamang ulit nagsalita simula nang umalis si Sean. May maliit na ngiti sa kanyang labi. "Dahil sa kagustuhan ni Sean, patatawarin ka namin sa nagawa mo at bilang kapalit, sana ay 'wag ka nang mamuhay na puno ng inggit. Hindi mo kailangang makuha ang kung ano'ng meron si Sedric. Ang kailangan mong gawin ay hanapin ang mga gusto mong gawin na walang tinatapakang tao. Maging masaya ka Ian. Alam naming iyon din ang gusto ni Sean para sa 'yo."

Tumayo si Ian at niyakap ang mag-asawa. Muli siyang napaiyak.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood sila. Nakakataba ng puso na nagawa ko silang tulungan.

Humahanga rin ako sa mag-asawang De Castro. Napakabuti nilang tao. Minsan na lang ang mga taong katulad nila na handa kang patawarin kahit ano pa ang kasalanan mo. Sana mas humaba pa ang kanilang buhay para mas madami pa silang matulungan at mapakitaan kung gaano sila kabuti.

"Ms. Alaizabel?"

Ngumiti ako kay Mrs. De Castro. "Po?"

"Ikaw ang tumulong sa anak ko?"

"Opo."

Lumapit siya sa 'kin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Maraming maraming salamat. Kundi dahil sa 'yo hindi namin siya makikita sa huling pagkakataon. Maraming salamat."

Hinagod ko ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. Humihikbi siya at mukhang iiyak na naman. "Misyon ko po ang tulungan ang mga kaluluwang kailangan ng tulong ko."

Bahagya siyang humiwalay sa 'kin. "Ano'ng maaari naming maibigay o maitulong man lang sa 'yo bilang kapalit ng pagtulong mo sa 'min?"

Umiling ako. "'Wag na po kayong mag-abala. Ok na po sa 'kin 'yung nakatulong ako sa inyo."

"Maraming salamat talaga, Ms. Alaizabel." ani Mr. De Castro.

Ngumiti ako sa kanya.

"I'm sorry, Alaizabel, dahil nagawa kitang pagbantaan kanina lang."

"Wala na po 'yun." sagot ko kay Ian. "Ang mahalaga, nasa magandang lugar na si Sean."

Naiwan ang tatlo sa apartment ni Ian samantalang ako naman ay nagpaalam na sa kanila. Nang matapos ang lahat ay ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Kailangan ko nang magpahinga.

Kagagaling lang nitong katawan ko sa coma kaya naman kailangan ko pang bawiin ang lakas na nawala sa 'kin. Kailangan ko ring pangalagaan ang katawan ko dahil sa oras na bumigay ito, hindi na makakabalik pa ang kaluluwa ko.

Dumeretso kaagad ako sa bahay. Hindi ko naabutan si Papa. Siguro ay nasa trabaho pa siya.

Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga. Pitong kaluluwa pa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ano naman kayang klaseng kaluluwa ang sunod kong tutulungan? Sana matulungan ko siya nang walang napapahamak.

Alaizabel?

"Hmm?"

Ang lambing at ang lamig ng boses ni Chase sa aking isipan.

I'm sorry.

"For what?"

I told you to give up one soul to save another. I shouldn't have given up right away.

Iniiling ko ang aking ulo kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"You don't have to apologize. Hindi ko rin naman alam na gagana 'yung ginawa ko."

I still feel bad.

I sighed. "It's not your fault, Chase. Sinabi mo lang ang alam mong makakatulong sa 'kin at nagpapasalamat ako dahil nandyan ka para bantayan ako sa bawat misyon ko."

I want to see you.

"Can't you?"

Napabangon ako nang biglang lumamig ang temperatura ng aking kwarto. Paglingon ko sa aking gilid ay nakatayo na doon si Chase. Tanging ilaw na nanggagaling sa buwan ang nagiging ilaw sa aking kwarto.

"Good job, Ali." He smiled. He looked tired but there was still a look of adoration in his eyes.

I feel like I'll melt in his gaze. Bukod sa lumamig dito sa kwarto, ang titig niya'y isa sa mga rason kung bakit ako kinikilabutan ngayon.

Umupo siya sa 'king tabi at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakahara sa 'king mukha.

"Chase?"

"Hmm?" Idinikit niya ang kanyang noo sa 'king noo at pumikit.

Halos maduling na ako sa pagtingin sa mga mata niyang nakapikit. "May problema ba?"

Simula nang simulan ko ang misyon, pansin ko na ang pagkabalisa niya. Ayaw naman niyang sabihin sa 'kin kung anong problema niya sa tuwing tinatanong ko siya. Sana nama'y sabihin na niya ngayon. Ayokong nakikita siyang namomroblema nang ganito. Alam ko ang pakiramdam na kinikimkim lang ang lahat.

"Please tell me what's wrong. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggat 'di mo sinasabi sa 'kin."

Hindi siya sumagot. Inimulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa 'kin.

Mabilis na kumabog ang aking dibdib. Ang daming sinasabi ng kanyang mga mata ngunit hindi ko mawari kung ano 'yon. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawang sabihin.

"Alaizabel," His deep voice reverberated through my system and it made me shiver. "Can I kiss you?"

"You don't have to ask." I whispered.

With that, he slowly put his lips on mine. It was a gentle and tender kiss that sent different emotions inside me. Kumpara sa unang beses niya akong hinalikan, ibang-iba ang dating nito. Noon, ang tanging naramdaman ko ay kaba at pagtataka. Pagtataka dahil napakabilis ng pangyayari. Hindi pa namin gaanong kilala ang isa't-isa noon kaya naman nalilito pa ako. Ngunit ngayon ay sigurado na ako.

Mahal ko na si Chase...

Humiwalay siya nang bahagya sa 'kin.

"You can't..."

"H-huh?"

He looked hurt and confused. Hindi ko maintindihan. Kanina lang ay pakiramdam ko'y puno ng pagmamahal ang halik niya ngunit ngayong nakikita ko na ang kanyang mukha ay para bang pinagsisisihan niyang ginawa niya iyon.

"I'm sorry. You can't love me."

"Chase–"

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Nawala na lang siyang parang bula sa 'king harapan.

Naiwan akong nakatunganga kung saan siya nakapwesto kanina lang. Pakiramdam ko'y pinipiga ang aking puso na parang basang damit. Gusto ko mang maiyak pero walang luhang lumalabas sa 'king mga mata.

Hindi ko siya maintindihan. Nabasa niya ba ang naisip ko? Siguro nga. Dahil transparent ang kaluluwa. Dahil isa siyang Spiritus Raptor, kahit na nasa loob na ng katawan ko ang aking kaluluwa, nakikita niya pa rin ito.

Pero bakit? Ano'ng karapatan niyang sabihin sa 'kin na hindi ko siya pwedeng mahalin? Hindi niya ako dapat dinidiktahan. Hindi niya pwedeng sabihin sa 'kin kung pwede o hindi pwede. Ito ang nararamdaman ko para sa kanya at wala siyang magagawa kung ito ang tingin ko sa kanya. Ako nga ay walang nagawa para pigilan ito tapos siya sasabihin niyang hindi pwede?

Para saan pa ang halik na ibinigay niya? Ginagamit niya lang ba ako? Pinaglalaruan?

Kinuha ko ang aking unan, niyakap at pabagsak na humiga sa 'king kama.

Kung ayaw niyang mahalin ko siya, hindi na niya dapat ipinaramdam sa 'kin na ganon din ang nararamdaman niya para sa 'kin. Dapat hindi na niya ako hinalikan na para bang napakalalim ng feelings niya para sa 'kin.

Itinakip ko ang aking braso sa 'king mga mata.

Naramdaman ko ang mainit na luha na dumausdos pababa sa aking pisngi.

Sabi ko noon hinding-hindi ako iiyak dahil lang sa isang lalake pero bwisit lang, ano ito? Para akong sira-ulo na nag-aaksaya ng luha.

Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mukha. Walang mapapala ang pag-iyak ko dahil sa kanya. Madami akong bagay na dapat intindihin. Kahit na masakit, kailangan kong magpatuloy. May pitong kaluluwa pa akong dapat tulungan.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sana paggising ko bukas wala na ang sakit na nararamdaman ko pero sino'ng niloko ko?

Sarili ko...

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto. Nakalimutan kong itaklob ang kurtina dito kaya naman pumasok ang ilaw na nanggagaling sa sinag ng araw.

Hindi muna ako kaagad bumangon. Tumitig lamang ako sa kisame. Sariwang-sariwa pa rin sa 'king isipan ang sinabi sa 'kin ni Chase kagabi.

"Did he reject you?"

"What the–"

Napabangon ako bigla. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Kyrie na nakasandal sa amba ng aking pintuan habang nakahalukipkip. Ang una kong napansin ay ang blonde niyang buhok na dati ay itim. Hindi ko maitatangging mas lalo siyang gumwapo sa bago niyang hairstyle.

"Bakit ka nandito nang ganitong kaaga, Kyrie?" pag-iiba ko ng usapan.

He sighed. "I want to congratulate you for saving two souls at a time. Hindi mo man misyon ang isa, hindi ka pa rin sumuko para mailigtas sina Ian at Sean."

Ngumiti ako sa kanya. I also felt relieved that he looked like he dropped his first question earlier.

"Thank you." Umalis na ako mula sa pagkakaupo sa kama. "Buti hindi nagtaka si Papa na nandito ka na?" Kinuha ko ang nakasampay na tuwalya sa upuan.

"Wala na siya dito pagkadating ko." Tumayo na siya nang maayos. "Are you going to take a shower? I'll just wait for you in the living room."

Tumango lamang ako sa kanya at nagderetso na ako sa banyo. Kung si Chase ang nandito, mas pipiliin niyang maghintay dito sa kwarto. At sigurado rin akong basta na lang siya susulpot, hindi 'yung dadaan talaga siya sa pinto.

Binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ako ng malamig na tubig para matauhan ako. Hindi ko dapat sila ipinagkukumpara! Ano ba itong mga naiisip ko?

Habang naliligo ako ay nakarinig ako ng sunod-sunod na beep. Kaagad kong pinatay ang shower at nagtaklob ng tuwalya. Lumapit ako sa pinto at napagtantong ang device ang natunog. Ibig sabihin malapit lang dito ang soul na kailangan kong tulungan?

Mabilis akong nagbihis. Hindi ko na pinansin pa ang basa kong buhok. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang tracker na nakapatong sa bedside table.

"Your next soul." ani Kyrie pagkapasok niya sa kwarto.

"I have to go."

Tinapik niya ang ulo ko. "You have to comb your hair first." He chuckled.

Pakiramdam ko'y nag-init ang pisngi ko. Hindi pa nga pala ako nakakapagsuklay.

Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumabas na ako ng bahay para hanapin ang kaluluwang kailangan kong tulungan. Nakasunod lang sa 'kin si Kyrie na walang imik. Mukhang nandito na naman siya para mag-obserba.

Biglang humina ang pagtunog ng device.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Kyrie?"

"It means the soul is far from where you are now."

Kung kanina'y mahina lang ang tunog, ngayo'y nawala na.

"And that means it's gone now."

I sighed. "Sa tingin mo dito lang sa lugar namin ang kaluluwang 'yon?"

"Probably." Ipinamulsa niya ang kanyang mga kamay. "Hindi 'yon basta dadaan dito kung walang koneksyon sa kanya ang lugar na 'to."

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. "Kung ganoon, hindi muna ako aalis dito sa bahay. Hihintayin ko na lang na magbeep na muli ang device."

"Yeah, and before that you need to eat breakfast first."

Ah. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng almusal. Sa sobrang pagmamadali ko kanina, kahit pagtutoothbrush ay hindi ko na nagawa. Napangiwi ako. Sana lang ay hindi ako bad breath. Nakakahiya naman kay Kyrie na kanina ko pa kinakausap.

Bumalik na kami sa loob ng bahay. Nagluto ako ng apat na pirasong hotdog at dalawang sunny side up. Pinagtakal ko na rin ng pagkain si Kyrie. Nagtimpla na rin ako ng juice. Nakakahiya naman kung ako lang ang kakain.

"Kain na tayo!" nakangiting sabi ko sa kanya.

Magkatapatan ang upuan naming dalawa. Napanguso na lang ako nang tinitigan niya lang ako.

"Ayaw mo bang kumain?"

"No...just..." Umiling siya. "Thank you for the food."

Tiningnan ko siya nang nagtataka pero hindi ko na siya tinanong pa. Nagsimula na rin kasi siyang kumain kaya sinabayan ko na siya.

"Say, Kyrie, will I be able to see Sean in Regnum Animae?"

He smiled. "Yes."

Mas lumawak ang aking ngiti. Iniisip ko pa lang na makikita kong muli si Sean ay masyado na akong naeexcite. "Pero maalala naman niya ako, 'di ba?"

"Oo naman." Inilapag niya ang hawak niyag kutsara't tinidor. "Depende na lang kung pinili niyang maalala ang mga nangyari sa kanya dito o mas pinili niyang kalimutan na lang ito. Bago kasi mapunta ang isang kaluluwa sa Regnum Animae, may mga Spiritus Raptor na magtatanong sa kanila kung gusto ba nilang panatilihin ang alaala nila nung buhay pa sila o kalimutan na lang. Ang mga Spiritus Raptor din na 'yon ang nagbubura ng alaala nila kung gusto nila."

Oh, wow. Ngayon ko lang ito nalaman. Mabuti naman na mabigyan ng choice ang mga kaluluwa. Kung ako ang papipiliin, gugustuhin kong mapanatili ang aking memorya para kahit nasa mundo na ako ng kaluluwa, makita ko man ang mga mahal ko sa buhay sa mundong 'yon, makikilala ko pa rin sila.

"Kyrie, hindi ba't ang mga Praefectus ay mga souls na katulad ko lang din? Na maaaring comatose lang dito sa mundo ng mga tao?"

Humalumbaba siya sa lamesa. "I don't really know." He sighed. "Kung buhay man ako sa mundong ito, ano pa'ng silbi ng pagbalik ko sa katawan ko? Wala akong maalala noong mga panahong nabubuhay ako."

Napakunot ang noo ko. "Hindi kaya ay pinili mong kalimutan ang mga alaala mo dito?"

"Probably."

"Pero naisip mo bang bumalik sa katawang tao mo kung sakali?"

Umiling siya. "Parang ayoko. I'm happy where I am right now. I'm happy to be a Praefectus. I don't want to leave that world again."

Tumango-tango ako bilang pagtugon sa kanyang sinabi. Kung sabagay, why would you want to live in reality? Kapag nasa Regnum Animae ka, para kang nasa isang dream world. Wala kang poproblemahin. Mamumuhay ka nang payapa.

"Alaizabel."

Napatingin ako kay Kyrie na seryoso ang tingin sa 'kin.

"Hmm?"

"Are you ok? Did Chase do something to you?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Do you see my soul? Are you reading my mind?"

He shook his head. "I never wanted to read someone's mind. I can shut it down." I saw concern in his eyes. "I can feel it, Alaizabel. You're sad."

You're sad

Dalawang salita. Dalawang salita lang ang naging dahilan kung paano ko napagtanto na kahit ano pa'ng gawin kong pag-iwas ay hindi ko 'yon magagawa. Kahit ano'ng gawin ko para hindi isipin ang sinabi ni Chase kagabi ay hindi ko maiiwasan.

"I'm fine, Kyrie." mahinang usal ko.

"You know," he started. "You can tell me anything. Alam kong hindi ako mukhang 'yung tipong magaling mag-advice at magcomfort pero sinusubukan ko. I want to help. I don't want to see you sad."

Napangiti ako. "Salamat, Kyrie." Bumuntong-hininga ako bago nagpatuloy. "Hindi ko kasi maintindihan si Chase, e. Nalaman niyang mahal ko siya pero sabi niya hindi ko raw siya pwedeng mahalin. Ano'ng karapatan niya para diktahan ako?"

"I'm not in the position to say anything but knowing Chase, he'll keep running as long as he can." Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "You better talk to him soon. He'll be the only one who can answer your questions."

Napanguso ako. "Hindi mo ba pwedeng sagutin na lamang ang mga tanong ko para sa kanya?"

He chuckled. "No, I can't do that. It's Chase's job to do that."

Tumayo siya at lumipat sa 'king tabi. Tinapik-tapik niya ang aking ulo.

Siguro kung mabibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng isang kuya, katulad ni Kyrie ang gusto ko. 'Yung paraan niya nang pagtapik sa ulo ko ay nakakapagpagaan ng loob ko. Sa simpleng bagay na 'yon, nagawa niya akong pakalmahin. 'Yung bigat sa dibdib ko, parang nabawasan.

"You remind me of my little sister." He smiled.

"Eh?"

"Not my real sister but I treat her one." He stopped patting my head. Hindi niya inalis ang kanyang kamay sa 'king ulo, nanatili lang itong nakapatong. "I met her in Regnum Animae. She's a 13-year-old kid."

"She must be very pretty then." I smirked playfully.

Tumawa siya. "Yeah, she really is." Biglang sumeryoso ang hitsura niya. "But I don't think I'll like my sister the way I like you."

Biglang kumabog nang mabilis ang aking dibdib.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

He smiled again. Damn, that smile! Minsan lang ngumiti si Kyrie pero kapag ginawa niya talaga namang maghuhuramentado ang puso mo!

"Don't think about it too much." Inalis niya ang kanyang kamay na nakapatong sa 'king ulo.

Ilang saglit lang ay mabilis na naalis ang kamay ni Kyrie sa 'king ulo. Hindi ko na namalayan ang mga sunod na nangyari. Nakita ko na lang si Kyrie na nakaupo sa sahig habang sapo ang kanyang namumulang pisngi.

Kaagad akong napatingin sa gumawa nito sa kanya.

"Chase?! Ano'ng ginagawa mo?!" Dinaluhan ko si Kyrie na nakaupo pa rin sa sahig. "Ok ka lang ba?"

"I'm fine." aniya habang tinitingnan nang masama si Chase. "What the fuck is your problem?"

Hindi sumagot si Chase. Bagkus ay hinawakan niya ang aking braso at itinayo.

"Ano ba, Chase?!"

Biglang nag-iba ang paligid. Napansin kong nasa Regnum Animae na kami. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Ano ba'ng problema mo, Chase?!" sigaw ko sa kanya.

"You said you love me? But what was that?" sigaw din niya pabalik.

Napaawang ang aking bibig. "You said I can't love you." Naguguluhang sabi ko sa kanya.

"But I didn't tell you to stop."

Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 1.5K 63
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
11.1M 502K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION