Days passed and Lucho and I never got to talk about that incident with Denver; it was as if it never happened. And days passed and I didn't hear from Denver again; he didn't text or call and I couldn't bring myself to send something to him, I was too scared.
"B, you okay? You seem out of your mind these past few days?" tanong ni Piper habang sabay-sabay kaming naghahapunan kaya naman napatingin sina Warren, Riley, at Lucho sa akin. Andito kami ngayon sa dorm at sabay-sabay na naghahapunan.
"Braylee's out of her mind since forever," biro ni Riley dahilan para magtawanan ang lahat, maliban kay Lucho na tiningnan lang ako at nagpatuloy lang na kumain.
"Mas malala kaya si Warren!" giit ko sabay pabirong turo sa kanya gamit ang tinidor ko.
"Mmmm!!!" impit na sigaw ni Riley saka tumango-tango habang nakaturo rin ang tinidor kay Warren. Hindi siya makapagsalita kasi ngumunguya pa siya kaya naman mabilis niyang nilunok ang pagkain niya. "Gago 'tong si Warren! Kanina sa classroom, tawagin ba naman akong multong bakla sa harapan ng lahat kanina!"
Nagtawanan ang lahat maliban lamang sa amin ni Riley.
"Everyone knows you're gay, Boyfie. There's no need to hide the obvious. Just run free my boyfie," paalala ko sabay pisil sa mataas niyang ilong.
Humalakhak si Riley at bigla akong inakbayan. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. Napangiti ako sa excitement sa kung anong ibubulong niya sa akin. Ano kayang sikreto ang sasabihin niya?
"Tawagin mo ulit akong boyfie at isa-isa kong bubunutin ang lahat ng ngipin mo gamit ang sarili kong kamay." bulong niya kaya natawa na lamang ako. I suddenly remembered Denver and how he encouraged me to diss those who diss me.
"Hoy! Anong pinagbubulungan niyo diyan?" sita sa amin ni Warren.
"Share!" sigaw ni Piper.
"Kagaguhan na naman yan for sure," natatawang sambit naman ni Lucho.
Umakbay din ako kay Riley at ako naman ang bumulong sa kanya. "Mukha kang mabahong utot," I whispered then giggled.
Riley slowly turned to look at me. His eyes are wide open and his jaw was left hanging. His lips trembled to a whimper. "W-who corrupted my big ugly baby?"
I laughed, low-key hoping that I didn't really insult him.
"Stop looking so irresistible, you might end up being my first kiss," I joked then winked at him, driving Riley into utter madness but making my other friends laugh.
"Ilayo niyo ako sa babaeng 'to! Hindi na siya si Braylee! Ilayo niyo 'to!" Riley stood up from his seat, and overreacted as usual. Well, I know he's only kidding around too. Riley may not be vocal but I can feel his love for us.
"Ano bang sinabi sayo?" Usisa ng natatawang si Lucho.
"S-sabi niya," may paiyak-iyak pa si Riley. "S-sabi niya mukha raw akong," Riley continued to fake-cry, covering his mouth still whimpering. "Omg, this is too much to handle! Hug me wawie!" Akmang yayakapin ni Riley si Warren pero mabilis na nag-angat si Warren ng kanyang nakakuyom na kamao.
"Ako nalang i-hug mo, Boyfie!" biro ko kay Riley sabay taas ng dalawa kong kamay.
"Isa ka nalang! Isa ka nalang!" pagbabanta ulit ni Riley sabay duro sa akin dahilan para mas lalo pa kaming magtawanan. Si Piper, hayun at mukhang iiyak na sa kakatawa.
Nang makalma na ang lahat, napansin kong napapatingin sa akin si Warren na para bang may gusto siyang sabihin. Natawa ako at ako nalang mismo ang nagtanong sa kanya. "Ano?" I laughed.
"Saan ka magpa-pasko?" tanong ni Warren kaya agad naglaho ang ngiti sa mukha ko. Heto na naman tayo sa problema ko.
"I- I don't know," I tried to smile it off.
"Hindi ba uuwi ang parents mo?" tanong naman ni Lucho.
Umiling-iling ako at patuloy na ngumiti. "Their still busy with some stuff plus di pa kaya ni Kuya na mag-byahe," tipid kong sagot.
"Hindi pa ba magaling ang kuya mo?" tanong ni Riley. Sa sobrang dami kong tinatago sa kanila, nakalimutan ko na tuloy kung anong kasinungalingan ang sinabi ko tungkol sa pamilya ko.
"He's getting better," pagmamalaki ko. Sana. Sana nga totoo. Sana nga gumagaling na si Kuya. Sana nga magkaroon ng milagro at may makatuklas ng lunas sa ALS.
"Bray, kung gusto mo sumama ka sa akin ngayong holiday!" Warren says, enthusiastic than usual. "Gusto kang makilala ng lolo at lola ko eh. I mean, kung okay lang sa'yo syempre," dagdag pa ni Warren.
"Ugh! Gagapangin ka lang ni Warren oy!" sigaw ni Riley at nagulat ako nang sa isang iglap ay bigla na lamang pinalo ni Warren si Riley ng kutsara sa ulo. Tumunog pa ito nang malakas kaya nagtawanan kaming lahat.
"Aray!" iyak ni Riley kaya mas lalo pang natawa si Lucho na halos gumulong na sa kama ko.
"What does that mean?" tumatawa man hindi ko naiwasang magtaka. Pero parang ang weird naman kung gagapang si Warren papunta sa akin. I mean, that doesn't make sense. That's just weird.
"Ang ibig--" bago pa man matapos ni Riley ang sinasabi, mabilis na tinakpan ni Warren ang bibig ni Riley. Lalo kaming nagtawanan kasi parang halos sakalin na ni Warren si Riley. Si Riley naman, panay ang pagpupumiglas.
"Yaoi! Yaoi! Yaoi!" Lucho suddenly began shouting kaya agad na binitawan ni Warren si Riley at bumalik sa kinauupuan saka muling pinagbantaan si Riley gamit ang nakakuyom na kamao.
Napatingin ako kay Piper pero bago ko paman siya matanong kung ano ang Yaoi, umiling-iling si Piper na para bang sinasabi sa akin na wag nalang akong magtanong.
"B, sa bahay tayo mag-celebrate ng holidays!" Pagyayaya ni Piper. Her eyes seemed to sparkle, she looked really excited. "My Mom and Dad would be thrilled to finally meet you!" aniya pa.
"No! Your families are freaks! Bray, sa bahay tayo ng grandparents ko! Walang ibang bata doon kaya for sure kagigiliwan ka dun!" Pagyayaya naman ni Riley.
"Kagigiliwan?" Humagalpak si Lucho kakatawa. "Wag ka doon Braylee! Baka pasayawin ka lang lagi ng spaghetti at baby shark doon!"
"Eh kung dalhin kaya kita para non-stop kang sumayaw doon ng Ceelin jingle?! Tamang-tama! May yellow hat doon ang kapitbahay naming construction worker!" Biro ni Riley kaya otomatik at sabay-sabay kaming nag C-pose gamit ang mga kamay namin.
"Neknek mo! Magsia-siargao kami ng pamilya ko oy!" pagyayabang ni Lucho.
"Wow juday!" biro ni Piper.
"Bray, okay na yun ha? Tawagan ko na sina Lolo at Lola mamaya?" tanong ulit ni Warren kaya agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"No! She's coming with me!" giit ni Piper. "Bray sa akin ka sasama diba?" tanong naman ni Piper.
Suminghal si Riley. "Sa akin sasama yang si Braylee oy! Pambato ko yan sa parlor games!" sabi nama niya.
The three of them looked at me, eager for an answer. I'm really really flattered that they want me to spend the holidays with their families but i'm once again torn. I'm put into the position to choose again.
"I-I'm going to stay at my grandpa's," pagsisinungaling ko para wala akong ma-disappoint sa kanila. Mas gugustuhin ko pang mag-isa nalang ako kesa mamili o makasakit ng iba. Kakayanin ko naman sigurong mag-isa ngayong holiday dito sa dorm.
****
Matapos kumain, sabay kaming bumaba ni Warren sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan namin. Panay ang biruan at kwentuhan namin habang hinuhugasan ang mga ito hanggang sa bigla na lamang nalaglag ni Warren ang baso na hawak niya. Hindi ko alam anong nangyari pero parang mahigpit naman ang hawak niya rito gamit ang kanan niyang kamay ah?
"Shit!" napamura si Warren at dali-dali niya itong pinulot gamit ang kaliwang kamay.
"Warren wag!" I tried to warn Warren but it was already too late. Ang matalim mismo na bubog ang hinawakan niya kaya nasugatan tuloy siya.
Hinigit ko ang braso ni Warren at sapilitan ko siyang pinaupo sa mesa. Dali-dali kong kinuha ang first aid kit na nasa ibabaw lang ng ref at ako na mismo ang gumamot sa hiwa niya sa kamay.
Umupo ako sa tapat niya at hinawakan ang kamay niya. I leaned closer to him so that I could look at it better. "You can't hurt your hand, basketball player ka pa naman," sabi ko habang dahan-dahang dinadampian ng bulak ang sugat niya.
"Hindi naman masakit," pagmamalaki ni Warren habang tumatawa kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya at nginiwian siya.
He looked down on me, looking into my eyes he smiled. Here goes that weird awkward feeling again. Minsan talaga pakiramdam ko may gusto sa akin si Warren. Naku wag naman sana kasi pakiramdam ko pa naman noon may gusto si Piper sa kanya.
Ipagpapatuloy ko sana ang panggagamot sa kamay ni Warren pero bigla kong napansin ang kanang kamay niya na para bang nanginginig at naka-posisyon parin gaya ng sa bago niya nabitawan ang baso. Anong problema niya?
"Pasmado ba ang kamay mo?" tanong ko pero tumawa si Warren.
"Wala 'to," aniya at agad na tinago ang kamay sa likuran niya.
"Nga pala Bray, may gagawin ka ba bukas?" tanong ni Warren kaya agad nakunot ang noo ko.
Lord, hindi naman sa assuming ako pero sana naman hindi 'to date. It would be awkward. Really really really awkward.
"B-bakit?" tumingala ako sa kanya.
"Kailangan namin ng character witness para ma-clear out kami sa university basketball committee. Alam mo na, yung tungkol sa suntukan?" sabi pa ni Warren kaya agad akong tumango-tango.
"Of course, anything for you guys." Nakahinga ako nang maluwag.
END OF CHAPTER 27!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3