Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 27

244K 4.3K 142
By Aver_Cris

Nag-ikot pa kami ng kaunti sa Uptown Mall bago umuwi. Kumain lang kami sa McDo, as usual nakatingin na naman ang mga babae kay Ken. Wala namang bago, sanay na akong tignan siya kaya hinayaan ko na lamang ang mga 'yon.

Pag-uwi ay nagtungo muli ako sa kwarto at naghubad ng damit. Sabay pa kami ni Ken na naghubad sa silid, tila naging maloko pa nga ako, inasar ko siya for having a nice butt.

“Nice butt.” pinalo ko ang kanyang pwet, nakasuot naman siya ng brief kaya 'di asiwa.

“The fuck? Hey!”

“Naiinggit ako sa pwet mo, malaman kaysa akin!” natatawa kong wika. Sumimangot siya, mukhang pagsusupladuhan ako ngayon.

“Malaman din naman pwet mo, ah! 'Yong iyo ang hampasin mo.” at nagsuplado na nga.

Nagulat ako ng hampasin niya ang aking pwet bigla. Naka-bra at panty lamang ako ngayon. “Del Valle! Mas mabigat ang kamay mo kaysa akin!” ramdam ko ang sakit ng hampas niya sa pwet ko. “Ang sakit, ah!”

“Sorry.” he simply answered.

“Paganti!”

“Huh? H'wag na!”

Mabilis siyang lumayo sa akin at do'n sa sala nagbihis. Napatawa naman muli ako, para kasi kaming mga bata. Nagbihis na ako madali para magtungo na rin sa sala. I wore a pants and sando. Wala na namang suot na damit ang magaling, naka-boxer na lamang siya at nasa gilid niya ang sweat pants na madalas niyang suotin.

“Ba't nakaboxer ka lang?” umupo na ako sa tabi niya at binuksan ang T.V.

“Gusto ko lang.”

“Ah.” 'yan na lamang ang sinabi ko at tinuon ang atensyon sa T.V.

Ang aking katabi ay busy sa pagtipa sa kanyang cellphone. Sinusulyapan ko siya at nakikitang pabago-bago ang kanyang ekspresyon. Gusto ko sana tignan kung sino ang ka-text niya pero baka masabihan akong chismosa.

Maya-maya ay nilagay na niya kanyang cellphone sa glass table at nagpuntang kwarto, may kukunin ata.

Nagvibrate ang phone at umilaw. Napasulyap ako sa screen no'n, kumunot ang noo. Lucy...

Si Lucy ang ka-text niya?

Nawala na ang ilaw sa screen ng phone ni Ken at sakto naman ang pagdating niya, may hawak siyang brown envelope at binuksan 'yon, nakalagay do'n ang ultrasound ng anak namin!

“Anong gagawin mo dyan?”

“Pipiktyuran.” kinuha na niya ang kanyang cellphone at piniktyuran nga iyon.

“Bakit?”

“I need to send these pictures to Lucy para 'di na ako guluhin pa.”

“Ginugulo ka?”

Tumango siya sa tanong ko, kinuha ko ang kanyang phone at tinawagan agad si Lucy.

“Anong gagawin mo?”

“Calling her, of course.” stating the obvious.

“Hey, love. Baka—” hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang sagutin na ni Lucy ang tawag, ni-loudspeaker ko pa 'yon.

“Hi, Ken.” wika nito sa malanding boses.

Nagkatinginan kami ni Ken at sinamaan ko siya ng tingin. He just shrugged his shoulders. “Nakapag-isip ka na ba? I can satisfy you to your needs, you know. Oh, ano? Nasabi mo na ba sa 'di mo naman asawa na panget na siya at mataba?”

“Ikaw ang panget.” wika ko. “You can satisfy him with his needs? Ulol! Baka mamaya, ilang rounds pa lang kayo eh suko ka na! At anong 'di asawa? Asawa niya ako, so back off! Maghanap ka ng iba mong malalandi dahil 'di ako papayag na landiin mo ang asawa ko! We have our baby, and a ring! Patunay na asawa niya ako! Ulol ka! Malandi!” sabay patay sa tawag.

Inis kong binigay kay Ken ang kanyang cellphone. “Ilayo mo agad 'yan sa akin dahil sisirain ko 'yan.”

Nakakawalan ng gana! Kailan kaya mawawala ang mga babaeng 'yon sa landas namin? Nakakainis!

'Di niya rin ba alam ang girl code? Babae siya, kapwa ko babae! Dapat sa mga babae, nagtutulungan hindi 'yong manlalandi ng iba!

Hindi umimik si Ken at nilapag lamang ang cellphone sa glass table.

After a minutes of silence, he spoke. “Love...”

“What?” salubong ang dalawang kilay na nanonood ako ng movie sa T.V. Hindi siya umimik kaya tinignan ko siya. “Del Valle, bakit?”

“You're furious, I'm scared.” umarko pataas ang gilid ng kanyang labi habang nakaharap siya sa'kin. “You amazed me too.”

“Eh, nakakainis!”

“Naramdaman mo rin ang naramdaman ko noon, ano? Now, we're quits again.”

Nagawa pa niyang tumawa habang wala akong sa mood ngayon, mas lumapit siya sa akin at bigla akong niyapos.

“I did not know that you can be so furious like that, love. Sobrang hot mo kapag nagagalit ka at nagseselos.” lumayo siya ng onti at pinisil ang aking ilong. “You're really my mate, you know. We turned into a monster when we're drunk in jealousy.”

“Di naman kasi ako papayag na landiin ka at makuha. At ikaw, h'wag kang magpalandi. I hate a cheater.” mahina kong sabi pero alam kong rinig niya 'yon, sa lapit ba naman sa akin.

“Okay, we're same. I don't share what's mine.” he caressed my hair. Napatingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti, nawala na ang pagkabadtrip ko.

“Kapag may lumandi sa'yo, sabihin mo lang sa akin.”

“Aawayin mo?”

“Oo naman!” tumaas ang isang kilay ko. “Anong gusto mo, kaibiganin ko pa?”

“Ah, hindi naman.”

“Akala ko, eh.”

“Takot ko na lang sa'yo.” he grinned. Kusa kong sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat at yumapos din, ang mga mata'y nasa T.V muli.

“Ang bilis lumipas ng buwan. Mamaya, 'di natin namalayan... manganganak ka na pala.”

“Kaya nga.”

“'Yong plano mo na nasabi mo sa akin noon, talagang uuwi ka ng La Union kasama ako?”

“Yup.” may sumilay na pilyang ngiti sa aking mukha. “Natatakot kang harapin ang mga magulang ko't mga kapatid?”

“Hindi,” sinulyapan niya ako. “may kapatid ka pala?”

Hindi ko pa ba 'yon nabanggit sa kanya? Oh, well.

“Yup! Dalawang barako.” sabay ngisi.

Ngumisi rin siya. “Madali ko lang sila maging close panigurado.”

“Hoy, Del Valle, iba mga Kuya ko. 'Di sila basta-basta nakikipagclose sa kung kanino-nino lang.”

“'Di naman ako kung sino lang, I'm a Del Valle.” proud niyang wika. “Makita mo, pag nandoon na tayo. Magiging close ko agad sila.”

“Well then... let's see.” and I smirked.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa matapos ang pinapanood naming movie.

I yawned. “Tutulog muna ako.” lumayo na ako sa kanya at tumayo. “Ikaw?”

“Tatabihan ka.”

Tumayo na siya at pinatay ang T.V. Sabay namin tinungo ang kwarto, dahan-dahan akong sumampa sa kama habang siya ay umikot pa para makasampa rin.

Pagkahiga ay dumampot ako ng unan at 'yon ang niyakap.

“Hindi mo ako yayakapin?”

“Hindi.” at pumikit na ako.

“Sige, ako na lang ang yayakap sa'yo.” naramdaman ko ang kanyang braso na yumakap sa aking baywang. “Wait, may dapat pala akong gawin.” umupo siya at hinawakan ang aking tiyan kaya napamulat ako ng mga mata.

Yumuko siya ro'n to give my tummy a lot of kisses. Natawa ako at pinabayaan siya sa kanyang ginagawa kahit nakakakiliti.

“Hey, Kalix. I'm your Dad.”

Biglang sumipa ang bata sa tiyan ko at amaze na tumingin sa akin si Ken. “Sumipa siya, love!” anito.

“Yup.” medyo malakas ang pagsipa ni Kalix kaya napaaray ako ng lihim, kinausap pa niya ang anak namin bago humiga muli.

“I can't wait to be a father, love.”

“I can't wait naman to be a mother.”

Inalis niya ang unan sa tabi ko. “Hoy—”

He cut me off. “Ako ang yakapin mo. Masarap na, malambot pa.” sabay halakhak.

Napailing na lamang ako pero sa huli niyakap ko rin siya, sabay na kaming pumikit na dalawa at unti-unti na akong nilamon ng dilim.

Three days later...

“Aalis na ako, love.”

“Ingat ka, ah.”

He nodded his head and gave me a peck of kiss in my lips. “See you later.”

“Yess, Del Valle.” sabay ngiti.

Lumabas na siya ng condo at umalis na. Sinarado ko na ang pinto at umupo sa sofa, I guess I'll spend my time watching a television today.

Nang magsawa sa kapapanood ng T.V ay naglinis naman ako ng kaunti at naglaba. Automatic naman ang washing machine ni Ken kaya 'di na ako nahirapan pa. Malaki na nga ang aking tiyan pero nakakagalaw pa naman ako ng kaunti. I just want to ease my boredom.

Dumating ang tanghali at nagluto na ako nang makakain ko. Good thing at may binili siyang grocery kahapon. Pag-uwi niya galing trabaho ay marami na siyang bitbit na mga pagkain, inutusan niya raw ang isa niyang employee na maggrocery sa pinakamalapit na Mart sa kumpanya niya.

Nang matapos na ako ay kinuha ko muna ang phone para magpatugtog, saktong may text message galing sa kanya.

From: Del Valle

I'll be home at seven, love. I love you and can't wait to see you again.

Napangiti ako sa nabasang text. Hihintayin ko na lamang siya mamaya at sabay na kaming kakain dito. 'Di na ako nagreply pa sa kanya, I turned on the speaker and connected it to my phone.

Ang pinatugtog ko ay 'yong kanta ni Ed Sheeran na ‘Thinking Out Loud’ bago magtungo sa kusina at kumain mag-isa pero nakakaramdam na agad ako ng kaba sa 'di malaman na dahilan, pinagkibit-balikat ko na lamang 'yon.

I'll spend the rest of my time in front of my cellphone while playing another music. Nagbabasa pa rin ako ng ‘Hold me Close’ dahil 'di ko pa 'yon magawang matapos.

Nagdaan na ang gabi pero wala pa ring Ken na nadating. Panay ang tingin ko sa wall clock dahil inabot na ako ng anong oras dito sa sala kakahintay sa kanya. Nagtext pa siya kanina sa akin na alas siete siya uuwi pero mag-aalas dose na eh wala pa siya.

“Nasa'n ka na ba?” pagbubulong ko sa hangin.

'Di na ako mapakali ngayon. Dapat eh tulog na ako ngayon pero dahil nag-aalala ako at naghihintay sa kanya, inabot na ako ng madaling araw dito.

Panay ang tingin ko rin sa cellphone kung may text na siya pero wala pa rin, tinadtad ko na siya ng text messages pero wala namang reply!

Nasa'n na kaya ang magaling?

Naramdaman kong nagvibrate ang aking phone, nakita ko sa screen ang pangalan ni Ken. Pinindot ko ang message at binasa ng tahimik ang text.

From: Boss Ken

Check out my message to you on our conversation in Messenger.

Sinunod ko naman siya. Nag-online ako at nakitang may chat nga siya sa akin. Pag open ng chat namin ay puro pics and videos ang aking nakita, nangunot ang noo ko at isa-isa tinignan nang maayos ang mga pictures.

It was Ken.. he's with someone. Kapwa nakangiti ang dalawa habang may hawak na wine at nakaupo sa hita ng magaling ang babae. Familiar ang babae, parang nakita ko 'yon noon. Nanlamig ako sa aking nakita at nilukob ng galit.

Binasa ko naman ang message.

I'm with Deborah tonight, love. I am enjoying her company, alright. Pagbibigyan ko lang siya ngayong gabi.

”Gago ka!”

Hinagis ko ang aking cellphone sa sahig at umiyak. Maayos naman kami kanina, ah? Ba't gano'n? Nitong mga nakaraang araw naman, walang naging problema. We're okay to each other naman so... bakit?

Deborah?

Ah, isa sa malanding babae na nakilala ko. I'm done with Doktora Mendoza and Lucy and now, may Deborah pa pala.

“Dapat 'di ka nagpaalam pa sa akin, eh. Gago ka.” umiyak ako nang umiyak na rito. “Tinext mo pa ako na alas siete ka uuwi 'yon pala ay hindi.” umasa ako ro'n!

Kaya pala 'di ako mapakali kanina pa, kaya pala kinabahan na ako kaninang umaga pa lamang. Ganito pala ang mangyayari.

“Nasa'n na ang sinasabi mong matino ka?” panay bato ako ng tanong pero wala naman si Ken sa aking harap.

He's with someone instead of me. He is enjoying her company instead of me.

Those words he kept saying to me before are bullshits! Full of bullshits! Kasinungalingan!

Kahit ayaw kong maniwala sa nakita, 'di maitatanggi na nasasaktan ako ngayon. Matino siya, oo. Pero... that chat, siyang-siya 'yon. Sa picture, halatang 'di edit.

Kaya bakit, Ken? Sabi mo, 'di mo ako sasaktan. Anong ginawa mo ngayon?

Continue Reading

You'll Also Like

43.7K 2.2K 31
Unconventional. A silent tornado. A warrior. A lover. A man of his own honor. Airey Andromida. He is in between flawed and perfection. A man who woul...
55.7K 1K 56
Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan...
512K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...