Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 41

5.6K 94 7
By PollyNomial

KABANATA 41 — Panatag

Ibang klaseng saya ang naramdaman ko nang magising ako dahil sa sinag ng araw. Napatingin ako sa nakabukas na balcony ng kwarto ni Vincent. Nililipad ang kurtina nun at nasisilaw ako sa tuwing lumalagpas ang sinag ng araw sa mga kurtina. Nakita ko ang anino ni Vincent at napangiti agad ako.

Umupo ako ng kama at kinuha ang unan para yakapin. Malamig ngayon dahil sa hangin. Siguro ay dahil na rin sa wala akong soot na kahit ano. Tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko.

Habang yakap ang sarili ay pinagmasdan ko ang panlalaking dating ng kwarto ni Vincent. Gaya sa labas, nang makita ko ito kagabi, puro puti at itim lang ang mga kulay rito. May mga frame na nakasabit sa pader. Iba’t ibang pose ni Vincent ang naroon at lahat ng ito’y hindi nakatingin sa camera. Ngayon ko lang napansin ito dahil kagabi ay madilim na at wala na akong panahon para mapagmasdan ang kwarto niya.

Pagtingin ko ulit sa balcony ay napansin ko ang paggalaw ng isang anino. Papasok ito ng kwarto hanggang sa makita ko ang nakangiting si Vincent habang may hawak na baso ng kape.

“Good morning.” Nakangiting sambit niya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko. May soot na siyang gray sando ngayon at puting pajama.

Nakangiti kong sinalubong ang mukha niyang papalapit sa akin. Marahan niya akong hinalikan sa labi.

Lumayo siya nang nakapikit at saka dumilat. “Coffee?” alok niya sa kapeng hawak niya. Bahagya akong umiling.

Suminghap ako at mas lalong niyakap ang unan.

“Malamig? Wala kang damit dito, pano 'yan?” ngumisi siya at tiningnan ang kabuuan ko na natatakpan lang ng kumot at unan.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at sa mga tingin niya. Kung makatingin siya kasi ay akala mo kitang kita na ang hubad kong katawan. May naglalarong ngisi sa kanyang labi at hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng kislap sa mga mata niya.

Nang makita ang reaksyon ko ay mahina siyang tumawa. “Just kidding.” May tinuro siya sa likod ko. “Nagpabili na ako ng damit. Kumpleto na 'yan.”

Nakita ko ang isang pink at malaking paper bag na nakapatong sa side table.

Wala sa sariling nagbalik ako sa mga araw namin sa Villa Mikaella. Binilhan niya rin ako ng damit noon at siya ang nasunod sa mga isosoot ko. Tiningnan kong muli ang paper bag at ngumiwi sa naiisip na laman noon.

“U-uh, Vincent…” tumigil siya sa pag-inom ng kape at bumaling sa akin. “Papasok ako ng Fortune Fashions, a. B-baka naman…” pinag-isipan ko muna kung itutuloy ko ang sasabihin.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Hm?” tanong pa niya.

“Daster ba ulit 'yan—” hindi pa ako natatapos ay malakas na siyang humalaklak. Nag-init nanaman ang pisngi ko habang namumula na siya sa kakatawa.

“Of course not, Mika!” hindi makapaniwalang sambit niya. Umiling pa siya nang natatawa pa rin. “Ako lang ang pwedeng makakita sa’yo 'pag daster ang soot mo. You have no idea how beautiful you are with that on you. Ayokong makita ng iba 'yon.” Malambing na sabi niya pero tinatawanan niya pa rin ako.

Nairita na ako. “Vincent naman, e!” kunot-noong sabi ko.

Tumayo siya at humarap sa akin. Tumigil na siya sa pagtawa at nakangiti nalang siya ngayon.

“Sige na. Magbihis ka na. Marami ka pang tatapusin sa FF 'di ba?” pagkasabi niya noon ay tumango ako at naghanap ng orasan para makita ang oras.

Isang wall clock ang nakasabit sa wall ng pintuan ang nagsasabing 7am na ng umaga.

“Sa labas lang ako. Magbibihis na rin ako.”

Matapos sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto at naiwan na ako sa loob. Napatigil ako sa akmang pagtayo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa ibabang parte ng katawan ko.

Natulala ako at naalala ang mga nangyari sa amin ni Vincent kagabi. Hindi ko akalaing gagawin na namin 'yon. Ni wala iyon sa isip ko nung nasa party kami. Ngunit tila nakilala ng katawan ko ang bagay na iyon nang nasa kotse na kami at magsimula siyang halikan ako sa mga sensitibong bahagi ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kung titingnan, ako ang nagyaya sa kanya na gawin iyon.

Nahihiya ako sa sarili ko at sa kanya. Mabuti at hindi namin iyon napag-usapan kanina kundi ay wala akong maisasagot na maayos sa kanya.

Napapangiti ako sa tuwing maaalala kung paano namin tawagin ni Vincent ang pangalan ng isa’t isa. Kung paano kami umungol at sumigaw sa ginagawa. Parang kinukuryente ako sa bawat dikit ng katawan niya sa akin kagabi. Nakakapang-init at nakakapaso. Parang sumugod kaming dalawa sa matinding apoy.

Hindi ko na mawari kung ano pang dapat kong maramdaman. Ang sakit sa ibaba ko o ang saya rito sa puso ko. Ilang beses naming pinaulit-ulit iyon ni Vincent. Mabuti nalang at marunong din kaming mapagod.

Pinilig ko ang ulo. Bawat detalye ay naalala ko at tumataas ang balahibo ko sa tuwing maiisip ang pakiramdam ng iisa kaming dalawa.

Nagpasya akong isantabi nalang muna ang magandang alaalang iyon. Sa ngayon, kailangan kong mag-asikaso para sa trabaho ko. Pumasok ako ng banyo at agad na humalimuyak ang pinaghalong panlalaking shower gel at pabango sa loob. Amoy ito ni Vincent. Ito ang amoy niya na noon pa man ay kilala ko na.

Wala akong choice kundi gamitin nalang din ang shower gel niya. Okay lang naman sa akin 'yon kahit na mag-amoy lalaki ako. Natutuwa ako dahil sa unang pagkakataon, mag-aamoy Vincent ako. Malamang, mamaya kapag wala na siya, maaamoy ko pa rin siya dahil ginamit ko ito.

Lumabas ako ng kwarto nang bihis na at naayos na ang sarili. Isang sleeveless top at maong pants ang damit na binili sa akin ni Vincent. Mukhang may taste rin naman siya sa damit ngunit nagtataka ako dahil parating mahahaba ang mga pinapasoot niya sa akin. Mahilig pa naman ako sa shorts lang o kahit anong presko sa katawan.

Hinanap ko si Vincent nang hindi ko siya makita sa living room. Nadatnan ko siya sa dining area na nakaupo na habang inaayos ang nakaayos nang plato sa harap ng kanya. Iyon ata ang para sa akin. Napangiti ako sa nakikita.

“Wow, breakfast?” napatingin siya sa akin at agad siyang ngumiti.

“Uh-huh. I cooked this for you.” Ngisi siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko upang ilapit ako sa upuan na nasa harap niya. Umupo ako roon at sumunod naman siya.

Sabay kaming kumain at hindi maipagkakait na magaling magluto si Vincent. Kahit na simpleng prito lang naman ang ginawa niya sa itlog at bacon na nakahain ay masarap pa rin. Ako kasi ay hindi masyadong magaling pagdating dito. Minsan, nasusunog lang. Kaya nga madalas na salad lang ako dahil simple lang naman gawin 'yon at hindi na kailangang iluto.

“Masarap?” tumango ako sa tanong niya. Ngiting ngiti siya habang sumusubo ng kanya.

“Thank you.” Napatingin ulit siya sa akin. “Vincent…” tumaas ang dalawang kilay niya.

Ngumiti ako at humilig sa kanya. “I love you.” Pagbanggit ko noon ay kasabay nang pag-awang ng bibig niya. Napapansin kong 'yan parati ang reaksyon niya sa tuwing sasabihin kong mahal ko siya. Kundi ngingiti ay nagugulat siya.

Pinaramdam ko sa pamamagitan ng titig ang sinseridad sa sinabi ko. Ito ang unang pagkakataon na ako ang naunang nagsabi nito sa kanya. Parati kasi na siya ang nauuna at susunod lang ako.

Pinanood ko siya nang tumayo siya at lumapit sa gilid ko. Lumuhod siya at halos pantay na ang mukha naming dalawa.

“Mahal na mahal din kita, Mika.” Hinaplos niya ang pisngi ko at marahang hinalikan iyon. Ngumisi siya nang tingnan niya akong muli. “Hindi pa rin ako makapaniwala, alam mo ba 'yon? Damn, I’m still scared, Mika. Hindi ko alam kung kailan ako mapapanatag at makakasigurado na akin ka na talaga. Na hindi na tayo malalayo ulit sa isa’t isa. Na hindi mo na ako iiwan. But whenever I hear those three words from you, parang nawawala ang mahaba at makapal na tinik sa puso ko.” ngumisi siya ngunit kumislap ang mga mata niya dahil sa namumuong luha.

Maging ako ay naluluha na rin. Hindi ko akalain na ganito ang epekto ko kay Vincent. Na dahil sa akin, takot na tako siya. Ito ba ang dinulot ng paglayo ko sa kanya noon? Puwes, hindi na 'yon mauulit dahil hinding hindi ko na makakaya ulit na malayo sa kanya. Parehas kaming nasaktan, parehas naging miserable, at hindi ko na makakaya kung mangyayari ulit iyon sa aming dalawa.

Nanginig ang labi ko lalo na nang pumatak ang isang luha ni Vincent. Nanghina ako nang makita ko ang sakit sa mga  mata niya.

“I-I’m sorry, Vincent. Araw araw, ipapaalala ko sa’yo kung gaano kita kamahal para hindi ka na matakot. Araw araw rin akong hihingi sa’yo ng tawad dahil sa kasalanan ko. Pangako, Vincent, iyong iyo lang ako.” Umiling ako at pinalis ko ang luha niya. Nakapikit siya habang ginagawa ko 'yon. “I will never leave again. I promise.” Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi niya at hinalikan siya.

Tumango siya at nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti na siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Nang nasa kotse na kami ay magaan na ulit ang pakiramdam ko. Mabigat na para sa akin ang usapan namin ni Vincent kanina. Basta tungkol sa relasyon naming dalawa, sobrang naapektuhan ako. Siguro ay ganun na kawagas ang pagmamahal ko sa kanya at kahit anong tungkol sa amin ay iba na ang epekto sa akin.

Nasa gilid ko siya at pinapakiramdaman ko siya. Mukha namang hindi na iyon iniisip ni Vincent. Parehas na atang lumuwag ang pakiramdam namin dahil sa ginawa kong pangako sa kanya. I promise to fulfill that promise. Wala akong gagawin upang malayo ulit ako sa kanya. Leaving him will be impossible now. Dahil mas umusbong at mas matayog na ang pagmamahal ko sa kanya. Mahirap nang sirain 'yon ng kahit sino, maging siya o ako.

Nalipat ang atensyon ko sa cellphone ko na nag-vibrate. Kinuha ko 'yon mula sa bulsa ko at nanggaling ang text message kay Zac. Napatingin muna ako kay Vincent na nagda-drive lang bago ko binasa ang message.

Zac:

Ella, are we on later?

Kumunot pa muna ang noo ko sa sinabi ni Zac. Saka ko lang naalala na magkikita nga pala kami ngayon dahil Saturday at 'yon ang sinabi ko sa kanya.

Agad akong nag-reply sa text niya.

Ako:

I forgot. But yeah, tuloy tayo.

Zac:

I’ll fetch you?

Pagkabasa ko ng sumunod na text ni Zac ay nagsalita na si Vincent para magtanong.

“Sinong ka-text mo?” tanong niya sa akin. Kinagat ko ang labi. Nagseselos si Vincent kay Zac. Kailangan kong masigurado na hindi ito magiging dahilan ng takot nanaman niya.

“Si Zac.” Napansin ko agad ang pagkunot ng kanyang noo. Sinundan ko ang sinabi. “You wanna come with us? Magba-bonding kaming magkakaibigan. Pwede ba?” Kinagat kong muli ang labi lalo na nang hindi agad sumagot si Vincent.

“May trabaho ako, e. Papa needs me.” Seryosong sabi niya nang hindi lumilingon manlang sa akin. “You can go. Hindi mo naman kailangan magpaalam—”

“Vincent.” Hinuli ko ang kamay niyang nakahawak sa gear. Ngumuso ako at pumungay ang mga mata. “I know what you feel about Zac. Kaibigan ko lang siya, okay?” pagkasabi ko nun ay tumaas ang gilid ng labi niya. ‘

Naguluhan ako sa kanya lalo nang umiling siya. “Yeah. I know, alright. I’m jealous but I trust you, Mika.” Tumigil ang sasakyan at saka ko lang napansin na nasa FF building na kami.

Hinawakan niya ang pisngi ko at binaling ulit sa kanya ang mukha ko. Natanggal na niya ang seatbelt niya kaya nakahilig na siya sa akin ngayon.

“You love me, right?”

“Oo naman.” Agad na pagsang-ayon ko.

“Then there’s nothing to worry anymore. I love you, too, Mika.” Ngumisi siya at saka kinurot ang pisngi ko. Ngumiwi ako sa ginawa niya. “Didiretso ka ba agad sa usapan ninyo?”

Tiningnan ko ang hawak kong cellphone. “Si Zac na ata ang susundo sa akin?” sa unang pagkakataon, hindi siya ngumiwi, kumunot ang noo o nagalit. Ngumisi lang siya.

“Okay. Just call me when you get home. Tawagan mo na rin ako kapag kasama mo na sila.” Sabi niya matapos ay hinalikan ako sa labi. Lumayo siya sa akin at lumabas na para puntahan ako sa pagbuksan ng pinto.

Nagtataka ako sa kilos niya. Pa-cool siya ngayon at mukhang hindi naman siya nagseselos kahit na sinabi niya na nagseselos siya. Bakit ganun? Parang na-disappoint pa ako kahit na pinayagan niya akong makipagkita sa best friend kong si Zac?

Pagbukas ng pinto ay lumabas ako roon at nagpaalaman na kami sa isa’t isa. Isang halik pa sa labi at ngumisi na siya at nagpaalam.

“Call me, okay? Bye, Mika. I love you.” Pagkasabi nun ay umikot na ulit siya at sumakay na sa driver’s seat. Ako naman ay pinanood nalang ang sasakyan niya hanggang sa umandar iyon at mawala na sa paningin ko.

Maghapon ako sa FF na puro pagtatapos lang ng mga gown ang ginawa ko. Lahat ng details nang bawat bridal gown ay sinigurado kong maayos at pulido ang pagkakagawa. May ilang changes din ako ginawa sa iba. Ganito talaga ako minsan kapag nakita ko na ang final gowns. Minsan, may mga pagbabago akong ina-apply lalo na 'pag sa tingin ko ay hindi ko 'yon nagustuhan. May ilang designer’s din akong nakita rito sa FF. Pasalamat nga ako at wala ni anino ni Auntie Kristin. Matapos kasi ng nangyari kagabi, nahihiya pa akong harapin siya.

Patapos na ako nang magrinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Isang text message na galing ulit kay Zac ang natanggap ko.

Zac:

I’m with Nerissa. Papunta na kami para sunduin ka.

Aniya at napatingin ako sa wrist watch para malaman ang oras. Alas sinko na pala at halos pitong oras din ako dito sa FF. Kasama na ang pagtigil ko kanina para mag-lunch.

Ako:

Okay. I’ll wait for you.

Sagot ko sa kanya. Naalala ko ang kanina at napanguso nanaman ako. Noong isang araw ay pinipilit ni Vincent na kahit sa malayo ay gusto niya akong makita kapag kasama ko na sila Zac. Pagmamasdan nalang daw niya ako para mabantayan ang mga kilos ko. Pero bakit ngayon nagbago ang isip niya? Dahil ba 'to sa sinabi kong 'wag na siyang matakot? Panatag na nga ba siya ngayon?

Hindi ko talaga maintindihan minsan ang sarili ko. Mas gusto ko na hindi pumapayag si Vincent sa mga pinipilit kong gusto ko. Mas gusto ko na siya ang masusunod. Mas gusto ko kahit wala akong sinabi sa mga bagay tulad nito. In short, mas gusto kong nagseselos siya. Unfair man pero mas gusto ko ata 'yong takot siya. Napapatunayan ko kasi na mahal niya talaga ako.

Imbes na tawagan ay tinext ko nalang si Vincent.

Ako:

Zac’s going to fetch me. Kami lang daw ang magba-bond dahil hindi makakasama sila Nerissa.

Ngumisi ako pero nagdalawang isip ako sa gagawin kong pagsisinungaling. Kakagatin niya kaya ang sasabihin kong ito? Bahala na. Pinindot ko ang send.

Napangiti agad ako sa pag-ilaw ng phone ko. Wala pa atang ten seconds ay may reply na siya. Nakikinita ko na ang reply niya kahit hindi ko pa nabubuksan ang message.

Ngunit laglag ang panga ko nang mabasa ang reply niya.

Vincent:

Okay. Take care. I love you, Mika.

'Yon lang? Hindi manlang siya mag-aalala muna? Hindi manlang magtatanong kung bakit kaming dalawa lang? Papayag pa rin siya? Hindi ko na alam kung ano pang dapat isagot kaya hindi na ako nag-reply. Mukhang napanatag na nga siya at hindi na takot. Pero bakit ganun? Ako ay hindi mapanatag ngayon at natatakot sa biglang pagbabago ni Vincent?

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 319 74
an epistolary His poems are now full of love. His proses are now dedicated to someone. But can she write something like these too? Levriaste, the han...
1.6K 190 25
EXPENSIVE SERIES #1: The demure and good girl, Haven transferred to a new school and became a new member of a student elite group. Where she found o...
73.1K 1.7K 34
Two people, both rich and stubborn and in denial that they are meant for each other. Until when will they run out of excuses to not be together?
1.8K 128 38
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is o...