Friends With Benefits (Friend...

By MaceciliaVCruz

46.3K 621 67

More

Friends With Benefits (Friend Zone 2)
Chapter 1 Step One
Chapter 2 Sa Kubo ni Lolo
Chapter 3 Stolen Kisses
Chapter 4 The Kissing Game
Chapter 5 The Set-Up
Chapter 6 Disappointments
Chapter 7 Willing to Wait
Chapter 8 Feeling the Pressure
Chapter 9 Breaking Rules
Chapter 9 Revelations
Chapter 11 True Love
Chapter 12 I Do
Chapter 13 Mom Soon
Epilogue

Chapter 10 Sintahan 3. 0

1.9K 36 9
By MaceciliaVCruz

Chapter 10

"Wala akong tutol kung gusto mong pakasalan ulit si Leanne! But please huwag agad-agad"! sabi ni Mama Liza.

"Po"? nakakagulat kasi na ayaw pa niyang pakasalan ko si Leanne sa simbahan.

Kung tutuusin siya yung dapat na unang natutuwa!

"Kilala mo ang mga tao dito sa atin Wyngard! Magtataka ang mga tao dito kapag nagpakasal kayo na hindi nila nalaman na naging magkasintahan kayo ni Leanne"! si Mama naman yung sumagot! Sigurado akong napag-usapan na nung dalawang babae ang tungkol sa bagay na'yon.

"Aba'y bakit natin iisipin ang sasabihin ng mga tao sa paligid! Madali naman sigurong intindihin na nagkagustuhan ang mga bata"!

"Andun na kami ni Liza pero maano ba na maghintay muna tayo ng ilang panahon pa tutal kasal na naman sila"!

"Pero pangarap ko pong pakasalan si Leanne sa simbahan"! singit ko, bago pa magtalo ang mga ito!

Yun naman kasi talaga ang reason kung bakit ako umuwi ng Sta. Maria!

Para hingin ng pormal ang pahintulot nila sa kasal na pangarap ko kay Leanne!

Okey na kina Papa yung idea pero mukhang magkaka-problema ako kila Mama!

Ewan ko kung conservative lang talaga sila or pino-protektahan lang nila si Leanne!

Nakalimutan siguro nila na 33 yrs. old na si Leanne.

And she's capable to do things regardless sa sasabihin ng ibang tao.

"Yun din ang gusto naming mangyari pero not now!

"Why"? tanong ko.

"Ayaw naming masabihan ng kung ano-anu ang asawa mo!" Sa dami ng tsismosa dito sa atin sigurado akong madaming issue ang lalabas!Sasabihin nila na matan

"What do you want me to do"?tanong ko, in a way may katwiran naman kasi sila kaya okey na din naman ang sumunod.

Ayaw ko din naman na maparatangan si Leanne ng mga tsismosa naming kapitbahay!

That's the least thing na gusto kong mangyari sa asawa ko! Knowing the people around us dito sa Sta. Maria kukuwestiyunin pa nila kung kailan nagsimulang maging kami.

So dapat maging visible muna sa kanila na niligawan ko si Leanne.

Nakakatawa na kailangan kong ligawan si Leanne!

Gayong asawa ko na siya!

"Malapit na ang fiesta!Gusto naming maging prinsesa at prinsepe kayo sa komedya"! si Mama yung nagsalita.

"What"?

Ano ang naisipan ng dalawang ito at gusto pa kaming maging bida sa komedya?

"Lahat ng naging bida sa komedya! Nagkagustuhan at naging maging mag- asawa so wala ng sasabihin ang mga tao dito sa atin kapag naging kayo eventually"! mukhang pinag-isipan na nila ang dapat sabihin para makumbinsi ako.

"Hindi ba sila matanda na para sa komedya"? sa wakas nagsalita na ulit si Papa Jhun, hindi din siguro kumbinsido sa gusto nila Mama.

"No! this year ang mga pinili nilang mga prinsesa at prinsipe ay yung mas may edad na dalaga at binata pa!"

Yun naman pala!

Lumabas din ang totoo na ipinirisinta na nila kami para makasali sa komedya.

Well that's not a bad idea naman!

Natatandaan ko na madalas kaming manood ni Leanne ng komedya nung mga bata kami.

Kinikilig pa nga siya habang nagsisintahan ang mga bidang prinsesa at prinsepe.

**LEANNE's POV**

"How are you baby"? tanong ni Wyngard nang magpatawag ng break time yung committe ng komedya.

Sumisimple siya palagi kapag may time at walang nakatingin.

Nakakatawa na kailangan naming itago ang tunay naming status pansamantala dahil sa maaring sabihin ng iba.

Hindi ko ma- gets nung una ang logic kung bakit kailangan naming sumali pero eventually naintindihan ko din.

Ini-explained nila Mama Mildred at Mama yung reason why do we need to get involve on this.

At may point naman sila dun, Walang kahit sino sa Sta. Maria aside from our parents ang may alam na mag-asawa kami ni Wyngard. Kahit na mga kamag-anak namin walang alam.

Everytime na andito kami sa probinsiya ang akala nila bestfriends lang kami. So wala silang reaction kahit pa makita nilang sweet kami.

"I'm okey"! sabi ko pa habang pinupunasan ng panyo ang pawisang mukha ng asawa.

"If I know hindi ka nagrereklamo kasi childhood dream mo ang maging prinsesa" nang-iinis na sabi ni Wyngard.

And I guess ibinase niya ang sinabi niya sa panonood namin ng komedya nung mga bata kami.

Natatandaan kong napipilitan siyang samahan akong manood dahil nag-eenjoy akong panoodin ang mga nakakakilig na eksena ng bidang prinsesa at prinsipe.

"Hoy hindi ah!pumayag ako dahil kila Mama" sabi ko na lang.

"Oh well reason accepted"! nagtatawang sabi ni Wyngard, tsaka ako iniwan sa stage at nakipagkwentuhan sa ibang participants.

"Boyfriend mo"? tanong ni Lucy, isa sa mga participants ng komedya.

"Ha?" bigla hindi ko alam ang isasagot. Ayaw kong ideny si Wyngard pero iyon ang hinihingi ng pagkakataon.

"Hindi" mahina kong sabi.

"Single siya"? nakita kong natuwa siya ng malamang single si Wyngard.

Bigla tuloy akong nagsisisi na nag- deny ako!

"Actually taken na siya"! Kaya pala kung makapanamantala ang Lucy na ito sa mga eksena nila Wyngard eh wagas!

May gusto pala siya sa asawa ko!

"Sabi mo walang asawa!"? naguguluhang tanong ni Lucy

"He's single but totally reserved!" madiin kong sabi

"Hindi pa naman sila kasal kaya okey lang"!

Aba't may balak pa yatang agawin sa akin si Wyngard!

Gusto kong sabihin na akin lang ang ASAWA ko, pero hindi pwede!

After ng komedya! Ipagsisigawan ko nang akin si Wyngard De Silva.

"Sobrang mahal niya yung babaeng yun"! nasabi ko na lang

"Hindi ba siya nagseselos sa closeness niyo ni Atty."? tanong pa uli ni Lucy

"Wala naman siyang dapat ipagselos!" nangingiti kong sabi, at least may nakakapuna pala ng sweetness namin ni Wyngard.

Sasagot pa sana si Lucy pero nagsimula ng magtawag ang trainor .Nagsimula na ding tumogtog ang musiko.

Maya-maya pa nagsimula na ang ensayo heneral. Last night of practice na dahil bukas sa makalawa na ang simula ng komedya.

"Oh aking prinsesa nais kong iyong mabatid"! mahinang dikta ng trainor sa sasabihin ni Wyngard.

"Oh aking prinsesa nais kong iyong mabatid"! ulit niya sa sinabi ng trainor habang nakahawak sa aking pisngi.

"Na ikaw ay aking iniibig"! duksong ng trainor sa linya ni Wyngard

"Na ikaw ay aking iniibig"! ulit niya sa dikta ng trainor. Kahit na alam kong palabas lang yun! Kinikilig pa din ako.

Pakiramdam ko this time I'm the luckiest girl on earth!

Sa reaksyon ng mga tao sa paligid namin, lahat sila kinikilig!

Well at least effective ang aming pagganap.

"Oh prinsipe sa'yo ay pasensya! Pagkat itong puso koy hindi pa handang mahalin ka"! ulit ko sa dikta ng trainor sa linya ni Prinsesa Agatha.

Tumunog ang musiko hudyat na kailangan kong iwan si Wyngard sa stage. Sila naman ni Lucy ang may eksena.

"Susme Leanne! Nakakakilig kayo ni Wyngard"! salubong na sabi ni Aling Sabel, beterana na siya sa larangan ng komedya.

"Salamat po"! nasabi ko na lang.

"Mahal mo siya noh"? kapag dakay tanong niya.

"Po"?

"Nababasa ko sa mga kilos mo! At sa mata mo"! all smile na sabi ni Aling Sabel

"Naku hindi po!" deny ko ulit.

"At nagseselos ka kay Lucy"! nahalata niya siguro ang pagtitig ko sa eksena nung dalawa.

Nakakainis na lantarang naglalandi si Lucy sa asawa ko! And I hate the fact na wala akong magawa para doon.

My fault! Hindi ko nasabi na ako ang nagmamay-ari sa puso ni Wyngard.

"Hindi po"! sabi ko na lang tsaka iniwan na lang si Aling Sabel.

**WYNGARD's POV**

"Bakit hindi mo pa ligawan si Leanne! Ang balita ko'y wala pang asawa ang dalaga ni pareng Junior" sabi ni Amang Rene. Isa sa miyembro ng komite sa komedya. Tapos na ang ensayo hinihintay ko na lang si Leanne.

"Po"! nasabi ko na lang.

"Ay dyaskeng bata ka!Napakahina mo sa diskarte"! naiiling na sabi pa ni Amang Rene.

"Ano pong diskarte"? kunot ang noo kong tanong.

"Gusto mo siya"? tanong ulit ng matanda

"Opo"! amin ko agad

"Aba'y ligawan mo na agad! Sa komedya bawal mahina sa diskarte ang mga prinsipe"! nagtatawang sabi ni Amang Rene.

"Po"? hindi ko kasi na-gets yung ibig niyang sabihin.

"Gamitin mo ang entablado para maiparating sa kanya ang tunay na nilalaman ng puso mo"! sabi pa ni Amang Rene.

"Paano po"? natanong ko na lang.

"Gamitan mo nito ang bawat linyang sasabihin mo"! sabi niya habang nakaturo sa tapat ng puso ko.

"Sa palagay nyo po uubra"? tanong ko

"Aba'y oo naman! Walang mintis kapag puso ang ginamit mo"! naiiling na sabi pa ni Amang Rene.

Sasagot pa sana ako pero nakita ko nang palapit si Leanne.

Pero teka may kasama siya!

Bigla nakaramdam ako ng inis!

Bakit pa niya kinaka-usap ang lalaking yun?

"Bilisan mo kasi ang diskarte Prinsipe Minandro! Baka maunahan ka na ng ibang prinsipe kay prinsesa Agatha" tila nanunudyong sabi ni Amang Rene.

"Hey! Bakit ang tahimik mo"? tanong ni Leanne nung pauwi na kami.

"Bakit ka nakikipag-usap sa lalaking yun"? kunot ang noo kong tanong.

"He's just trying to be friendly! Wala lang yun"! depensa ni Leanne kaya lalo akong nainis.

"Damn! Leanne! Nagseselos ako pero wala akong magawa para maipagsigawan sa lahat na Asawa kita"! sabi ko out of frustration. Ang hirap naman kasi talagang pakiramdaman na hindi mo masabi sa ibang tao ang tunay na laman ng puso mo!

"Akala mo ba ikaw lang ang may ganyang pakiramdam? Everytime na nilalapitan ka ni Lucy gusto ko siyang sabunutan dahil sa sobrang selos"! amin niya.

"Konting tiis na lang baby ko"! sabi ko, tsaka ginagap ang kanyang kamay.

I don't care this time kung anong isipin ng mga tao.

And besides! Pwede na naman siguro kaming magpakatotoo sa mga feelings namin.

**LEANNE's POV**

SINTAHAN 3.0 Ang komedya po ay isang uri ng isang palabas na ang pagbigkas sa mga salita ay patula. Kwento ng pag-ibig ng prinsipe at prinsesa. Ito ay kadalasang ginaganap tuwing fiesta.

"Ako'y naririto sa aming hardin! Mahal na Prinsipe Minandro sana'y dumating! Ako'y nanabik na siya'y makapiling"! patula kong sabi ayon sa dikta ng trainor. Ang props namin ay animo hardin sa dami ng bulaklak.

Ang suot ko ay isang pink na gown! At may korona na animo isang prinsesa.

Ako si Prinsesa Agatha!

At si Wyngard naman as Prinsipe Minandro

Ang konsepto ng istorya! Tutol ang amang hari sa pagmamahalan nila Agatha at Minandro pero dahil mahal nila ang isa't isa. Hindi sila natitinag sa banta ni Haring Simeon na papatayin si Minandro!

"Mahal na prinsesa hanap ka ng iyong ama"! sabi ng isang karakter na kunwari'y aking alalay.

"Aking paki-usap sana'y panatilihing lihim!Na ako ay naririto sa hardin! Kapag nalaman ni ama si Minandro'y darating sigurado akong siya'y dadakipin"! patula ko ulit na sabi.

Sa eksena susunod ang alalay ko para pagtakpan ako sa mahal na hari.

Ang utos ng director ayon sa blocking. Uupo ako sa isang duyan habang naghihintay kay Minandro.

After 1 min. si Minandro ay darating.

"Oh aking prinsesa! Ikaw ay nasaan?" narinig kong sabi ni Wyngard sa halos patula ding tono.

Hindi ako iimik!

Basta hahayaan kong makita niya ako sa duyan. Deadma ako kunwari until maramdaman kong niyakap na niya ako, as instructed of our trainor and director!

Kinikilig naman ang lahat ng manonood.

"Ang akala ko'y hindi ka na darating"! patula ko pa ding sabi, habang yakap pa din ako ni Wyngard sa likuran.

"Saktan man nila ako! Hindi na ako papipigil! Kahit na ang buhay ko pa ang ang kanilang singilin"! sabi niya na patula din.

Ayon sa utos ng director namin, tatayo na ako sa duyan para humarap kay Wyngard.

"Oh prinsipe Minandro ika'y aking iniibig! Pero andami kong takot dito sa dibdib! Ang banta ni ama'y buhay mo'y kitilin! sabi ko habang hinahaplos ang pisngi ni Wyngard.

Nagsigawan ulit ang manonood! Siguro dahil nakikta nila ang authenticity sa mga kilos namin.

Sa eksenang ito, hindi magsasalita yung character ni Wyngard pero ilalapit na niya ang mukha niya sa akin at ilalapit ang labi niya sa labi ko.

Unliked sa iba pang bidang prinsipe at princesa, naghalikan kami sa harap ng madaming tao na ikinagulat naman nilang talaga. First time siguro sa history ng komedya na naghalikan ng ganito katagal ang mga bida.

Malakas na sigawan ang maririnig sa plaza! Pero wala sa ingay na yun ang konsentrasyon namin ni Wyngard. Patuloy kami sa paghahalikan hanggang sa ako ang nagdesisyon na tama na!

Ngayon ako biglang nakaramdam ng hiya sa mga tao sa paligid!

Baka kung ano na ang binibintang nila sa pagkatao ko!

Kung bakit naman kasi magpadala ako sa eksena!

Tila nakalimutan ko na si Prinsipe Menandro ang kaeksena ko at hindi si Wyngard na aking asawa.

Pero bago pa man malason ang utak ng mga nakasaksi, sinansala na lahat ni Wyngard ang maaaring isipin nila againts me.

"Sa harap nilang lahat isa lang ang hiling ko! Maari ko bang mahingi ang matamis mong Oo"!

Binabago niya yung script!

Kahit yung trainor namin nagtataka! Iba yung sinasabi ni Wyngard sa idinidikta niya.

"Anong ibig mong sabihin prinsipe"? naguguluhan kong tanong.

"Sa harap nilang lahat ay hinihiling ko! Na sana'y ako ay pakasalan mo"? all smile na tanong ng aking prinsipe.

Bigla tuloy akong nataranta.

Wala akong masabi!

Sa harap ko nakalahad ang isang singsing.

Nang bumaling ako sa mga manonood! Lahat sila naghihintay ng sagot.

"Ha"? namutawi lang sa bibig ko, dahilan para magtawanan ang lahat.

"Naghihintay sila ng sagot"! sabi ni Wyngard using a micropone kaya sobrang awkward yung moment.

Nagpo-proposed ba siya?

Totoo ba ang mga nangyayari?

"Prinsipe Wyngard maari bang liwanagin mo"? sabi ko na lang,

"I'm asking you to marry me again hindi bilang si Prinsipe Menandro kundi bilang si Wyngard De Silva"!

Aba teka nga! Seryoso nga yata siya.

"Ha"?

"Pakakasalan na ulit kita, payag ka ba"? tanong niya ulit. At halata sa hitsura ng mga tao ang pagkagulat. Nang bumaling ako ng tingin sa mga parents namin, larawan sila ng katuwaan sa nagaganap.

"Ha"? yun lang ulit ang lumabas sa bibig ko.

I'm speechless!

"Will you marry me again"? ulit niya sa tanong

"Seryoso ka"? tanong niya

"As serious nang una kitang iharap kay Judge"!

"Nakakahiya sa mga tao hindi ganito yung ini-expect nilang mapanood"! naiiling kong sabi.

Nakakahiya naman kasi talaga.

"Naka-usap ko na silang lahat bago ka pa dumating kanina! Sabi ko abangan nila ang isang rebelasyon and this is it!" sabi ni Wyngard,

"At okey sa kanila na ganito"? Nakakahiya kasi na nagpunta ang mga tao para sa isang komedya, pero wedding proposal pala ang mapapanood nila.

"Just say YES Leanne at magiging masaya silang lahat para sa atin" sabi pa ni Wyngard.

"Imbitado po kayong lahat"! nasabi ko na lang bilang pagsang-ayon pero inilahad ko na sa kanya ang kamay ko.

Nanginginig pa siyang nang isuot niya sa akin ang singsing.

"Kiss! Kiss! hirit nilang lahat

Nagkatawanan at nagkangitian lang kami Wyngard bago,ko naramdaman na inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.

"Tententen tenten teten"! kantyaw pa nilang lahat habang kinakanta ang wedding song na yun na ganun ang tono.

Eto na ang katuparan ng mga pangarap ko! Yung dumating yung araw na hindi na niya ako itatago!

Yung lantaran na masasabi kong asawa ko siya!

No script needed!

No alibis to make

Just love with the person I choose to Love,

Continue Reading

You'll Also Like

379K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...