A Marriage To Remember

By winry_elrick

643K 7.1K 509

[ON-GOING/EDITING] Nagpakasal sina Francis at Queenie hindi dahil mahal nila ang isa't-isa, kundi dahil sa is... More

All Rights Reserved
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 30

11.6K 273 13
By winry_elrick

ALAS siyete ng gabi ang start ng High School Reunion ni Queenie pero alas singko pa lang ay gumagayak na siya. Hindi niya gustong ma-late lalo na at magko-commute lang siya papunta sa venue. Nang matapos ay lumabas na siya ng kaniyang silid. Nagulat siya ng makasabay niya sa paglabas ang bihis na bihis ding si Francis.

"Oh, aalis ka na rin ba para sa dinner meeting mo?" tanong niya rito.

"Oo, at ikaw? Bakit bihis na bihis ka, saan ka pupunta?"

"Sa Magic Garden Resto, doon magaganap ang High School Reunion namin." Tumingin siya sa suot na relo. "Malapit na palang mag-six. Kailangan ko ng umalis. Pasabay naman ako hanggang labas. Doon na lang ako mag-aabang ng taxi."

"Okay," pagpayag nito.

---

"Ang sabi ko sa labasan lang, saan mo ako dadalhin?" nagtatakang tanong ni Queenie sapagkat hindi pa rin tumitigil sa pagmamaneho si Francis.

"Sa Magic Garden Resto," sagot nito.

"Ah, sa doon din ba ang dinner meeting mo? Ikaw naman, bakit hindi mo agad sinabi." Nakahinga siya ng maluwag at napangiti dahil naka-ligtas siya sa pagko-commute. Pagdating ay sabay silang pumasok sa loob. Tinahak niya agad ang daan papunta sa silid kung saan magaganap ang reunion nila, malapit na siya nang mapahinto sa paglalakad. Hinarap niya si Francis na kanina pa siya sinusundan. "Francis, puwede mo na 'kong iwan dito. Pumunta ka na sa dinner meeting mo at baka ma-late ka pa."

Humlukipkip ito. "May reunion pala kayo, bakit hindi mo man lang ako niyayang sumama?"

"Eh, 'di ba may dinner meeting ka? Paano ka makakasama?"

"Puwede namang mag-cancel ng meeting, ah. In fact, 'yon ang ginawa ko para masamahan kita dito."

Ilang segundo muna siyang natigilan bago muling magsalita. "Anong ibig mong sabihin? Kinansela mo ang dinner meeting mo ngayong gabi?"

Hindi na ito nakasagot dahil biglang lumabas sina Elsa at Julius na kagagaling lang sa loob.

"Mabuti naman at nandito na kayo," si Elsa na excited na bumeso kay Queenie. Si Julius naman ay masayang nakipagkamay kay Francis. "Ikaw talaga, friend. Hindi mo pala sinabi kay Francis ang tungkol sa reunion natin. Kung hindi pa namin siya nakausap, hindi pa niya malalaman. Alam mo bang hindi madali ang mag-cancel ng meeting lalo't naka-schedule na 'yon ng kinabukasan. But Francis managed to do that para lang makasama siya rito ngayong gabi."

"Totoo ba 'yan?" tanong niya kay Francis. Hindi niya akalain na gagawin nito ang mag-cancel ng business meeting para lang samahan siyang mag-attend sa class reunion nila.

"Oo. Kung nagsabi ka lang, papayag naman ako, eh." Nag-pout ito na parang nagtatampo. "Siguro kaya hindi mo ako niyayang sumama ay dahil ayaw mo akong ipakilala sa mga dati mong classmates, ikinahihiya mo ba ako?"

"Ano ka ba, hindi totoo 'yan! Yayayain naman talaga kita, eh. Kaya lang ang sabi mo ay may dinner meeting ka, kaya... So, talagang nag-cancel ka ng meeting para lang masamahan ako, naku salamat." Nayakap niya tuloy ito sa sobrang tuwa.

Pagpasok nilang apat sa loob ay binati sila ng mga kaklase. Proud na ipinakilala nina Queenie at Elsa ang kani-kanilang mga partners sa mga classmates nila. Ilang saglit pa ay may isang pares ang lumapit at sumali sa kuwentuhan nila.

"Can we join you guys?" sabi ng magandang babae na nakakapit sa braso ng kasama nitong guwapong lalaki.

"Andrea and Roland?" Sa paningin ni Queenie ay walang ipinagbago ang dalawang classmates niyang ito. Si Roland Ferrer na kilala bilang campus heartthrob ay saksakan pa rin ng guwapo. Si Andrea Espino naman na sikat din sa school nila noon dahil madalas itong sumali at manalo sa mga beauty pageant ay hindi man lang mapaghalataang nasa late thirties na. Kung titingnan ay parang nasa bente anyos lang ito. Samantalang siya, nevermind.

"So, kayo na pala sina Mr. and Mrs. Ferrer. Kung sa bagay, high school days pa lang ay love team na kayo 'di ba?" sabi ni Elsa.

"Tama ka diyan. I'm glad na sa akin lang talaga tumingin si Roland kahit na maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. 'Yung iba pa nga diyan, nag-iiwan pa ng love letter sa upuan niya," ang sabi naman ni Andrea.

"Parang may kilala ako na nagsulat ng love letter at iniwan iyon sa upuan ni Roland dati. 'Di ba Queenie?" patama ni Elsa kay Queenie. Dahil nasapul sa patamang iyon ay muntik na tuloy niyang maibuga ang iniinom na wine. Minsan ay may pagka-traydor talaga itong best friend niya.

"Never akong nakakita ng love letter sa upuan ko dati," paglilinaw naman ni Roland.

"Talagang wala kang makikita dahil pinunit ko 'yon agad at itinapon sa basurahan," kuwento pa ni Andrea.

"Grabe ka naman, pinaghirapan ko pa namang isulat 'yon," ang violent reaction ni Queenie dahilan para mabuko ng lahat ang ginawa niya noon.

"So, ikaw pala ang nag-iwan ng love letter sa upuan niya dati?" tanong ni Francis habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa kaniya.

"Oh, someone's jealous," tila pang-aasar ni Andrea. "By the way Francis, nakatanggap ka din ba ng love letter from Queenie?"

"Well —" Hindi na ito nakasagot dahil may biglang dumating.

"Hey, whats up!" malakas na bati ng isa pang guwapong lalaki habang papalapit sa kanila. Ito ay walang iba kundi si Brent Matias, isa rin nilang classmates.

"Brent, kumusta!" Hindi maitago ni Queenie ang tuwa nang makita ang hindi lang niya basta dating kaklase kundi kababatang si Brent. Mahigpit na yakap ang isinalubong niya rito.

"Okay naman, ito guwapo pa rin. Ikaw Queenie, kumusta na?"

"Okay naman. Mag-isa ka lang ba? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?"

"Girlfriend nga wala ako, asawa pa kaya."

---

HINDI maunawan ni Francis kung bakit bigla na lang siyang nainis sa pagdating ni Brent. No, nagsimula pala ang inis niya no'ng malaman ang kuwento tungkol sa pagbibigay ni Queenie ng love letter kay Roland. Naalala niya ang sinabi ni Andrea.

"Oh, someone's jealous." Ito nga ba ang tamang term na dapat itawag sa nararamdaman niya?

Pasado alas siyete na pero hindi pa rin nagsisimula ang program kaya naman ipinagpatuloy na muna nila ang masayang kuwentuhan.

Pansamantalang humiwalay ang mga guys sa mga girls para mapagbigyan ang ang mga ito na makapag-girl talk. Tumungo sina Francis, Julius, Roland at Brent sa isang sulok at doon nagkuwentuhan habang umiinom.

"So, how long have you known my wife?" bungad na tanong ni Francis kay Brent.

"Since childhood. Magkapitbahay kami noon sa Sta. Cruz. Classmates kami simula kinder hanggang high school. And we went to a same university no'ng college. Naghiwalay lang kami ng landas no'ng mag-asawa siya. I mean, no'ng pakasalan niya ang una niyang asawa."

"Ah," ang tanging nasabi niya.

"Mabait si Queenie. May pagka-nagger nga lang siya lalo na kapag may nakita siyang mali. Bubungangaan at bubungangaan ka talaga niya. Naalala ko pa dati na lagi niya akong sinisermunan kapag nag-aabsent ako sa school. Daig pa niya nanay ko kung manermon ang sakit sa tainga ng bunganga niya."

"Sinabi mo pa, pare," natatawa siyang sumang-ayon. "Ganyan din siya sa'kin."

"Oh 'di ba tama ako. Pero kahit gano'n si Queenie, ay mabait 'yon at responsableng asawa at ina. G*go lang talaga 'yong una niyang asawa na niloko siya at ipinagpalit sa iba." Tiningnan siya ng maigi ni Brent. "Mukhang bata ka pa, sana hindi dumating ang araw na gagaya ka sa dating asawa ni Queenie na maghahanap ng mas bata at mas magandang babae na ipapalit sa kaniya." Binalingan nito si Julius. "Ikaw din, sana hindi mo lokohin si Elsa."

"Don't worry, I won't do that. Sa totoo lang, maraming bagay na pinagkakasunduan kami ni Elsa. I think that's the reason kung bakit nag-click kami despite our age difference.  Isa pa, tiyak na lagot ako kay Queenie kapag ginawa ko 'yon.  Isusumpa raw niya ako kapag pinaiyak ko ang kaibigan niya," paglalahad ni Julius na ikinatawa nilang apat.

"Queenie has always been so protective of her best friend. Noon pa man ganyan na siya. Friendly siya sa lahat kaya marami siyang kaibigan, look," ani Roland sabay turo kay Queenie na masayang dinudumog ng mga kaklase nila.

Napangiti ng matamis si Francis. Masaya siyang makilala ang mga dating classmates ni Queenie at makarinig ng iba't ibang kuwento tungkol dito na hindi pa niya alam noon. Gumaan ang loob niya nang sabihin ng mga ito kung gaano kabuting tao ang asawa niya.

---

Natapos ang reunion na iyon nang may ngiti sa labi ang bawat dumalo. Bago sumakay ng kani-kanilang mga sasakyan ay nagpaalam muna sila sa isa't isa.

"We should hang out again next time. Pumunta kayo sa bahay kung free kayo. Let's have some barbeque," paanyaya sa kanila ni Andrea.

"Puwede bang sumama ang mga single?" banat ni Brent.

"Kung okay lang sa'yo na mainggit sa aming mga couple, you're very welcome," ani Andrea saka tumawa.

"You have our contact numbers, just give us a text kung kailan puwedeng sumugod sa bahay niyo," wika ni Elsa.

"Damihan niyo ang ihahanda niyong barbeque, pareho naming favorite ni Elsa 'yan," sabi naman ni Julius habang nakaakbay sa girlfriend.

"Sure, no problem." Inangat ni Roland ang kamay para kamayan si Julius, pagkatapos ay si Francis. "Nice meeting you two again."

"Nice to meet you too, Roland, Andrea and you... Brent," ang kaninang nakangiting mukha ni Francis ay sumimangot nang makita si Brent sa tabi ni Queenie at nakapatong pa ang isang kamay sa balikat nito.

"Queenie, ikumusta mo ako kay Trisha. Pasensya na kamo at hindi ko siya nadadalaw. Kapag nakaluwag-luwag sa schedule papasyalan ko siya," sabi nito.

"Makakarating, kapag dumalaw ka, bayaran mo ang mga utang mo sa inaanak mo, ha."

Tumawa ito. "Yes, boss."

Gumapang na naman ang inis sa sistema ni Francis o baka naman...

"Oh, someone's jealous," pag-echo uli ng boses ni Andrea sa utak niya.

---

"Close talaga kayo ni Brent, ano?" tanong ni Francis habang abala sa pagmamaneho. Nasa biyahe na sila pauwi.

"Oo naman, before I met my girl best friend Elsa ay si Brent muna ang naging kaibigan ko. Magkapitbahay kami dati sa Sta. Cruz. Pilyo 'yon at madalas mag-absent sa school, pero tingnan mo naman ngayon, isa na siyang doktor. I'm so proud of him."

"Anong nagustuhan mo sa kaniya?"

"Kay Brent?"

"No, kay Roland." Sinulyapan niya ang katabing si Queenie. "May gusto ka sa kaniya 'di ba? Kaya mo nga siya binigyan ng love letter, eh. What did you like about him, tell me."

"Alam mo, para kang nang-aasar, eh. Hindi nga niya nabasa ang love letter na 'yon kasi pinunit pala ni Andrea. Well, kung tinatanong mo ako kung anong nagustuhan ko kay Roland, kahit guwapo at sikat siya sa campus noon, ay hindi siya mayabang. Napaka-down to earth niya at maganda ang pakikitungo niya sa lahat ng mga tao. Nakilala mo siya kanina, you can tell naman 'di ba na mabait siya," todo ngiti nitong pagpapaliwanag.

"Sa akin, anong nagustuhan mo sa akin?" sunod niyang tanong.

"Ha?"

"What did you like about me?"

Pansamatantala itong natulala bago napansin ang kasalubong nilang sasakyan. "Oh, my gosh Francis!"

Mabuti na lang at naka-iwas siya agad, kung hindi ay baka nabangga na sila. Paghinto ay bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo.

"Francis, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Queenie. Hindi naman agad nakasagot si Francis dahil sa isang malabong alaalang biglang sumagi sa kaniyang isipan. "Francis, sumagot ka naman. Okay ka lang ba?"

"Yeah, I'm fine," pagsagot niya. "Sumakit lang ang ulo ko at may hazy scene na parang nag-play sa utak ko. "Gabi. I'm driving a car with someone. Babae na mahaba ang buhok, hindi ko maaininag ang mukha niya, 'tapos may sasakyan na bumangga sa amin."

"Oh my gosh, baka ang naaalala mo ay 'yong eksena na naaksidente kayo ni Sofie. That girl na mahaba ang buhok is definitely Sofie. Siguro bigla mo siyang naalala dahil muntikan na rin tayong mabangga. Think more, Francis baka makaalala ka na," tila excited na sinabi ito.

Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang mag-isip, subalit walang nangyari.

"Okay lang 'yan. Huwag mo nang pilitin kung ayaw. Magpalit tayo, ako na ang magda-drive," offer nito kaya nagpalit sila ng puwesto at ito na ang nagpatuloy na mag-drive.

Pagdating ng bahay ay dumiretso na sila agad sa second floor kung saan naroon ang magkahiwalay nilang mga kuwarto.

"Salamat ulit sa pagsama sa'kin, Francis, ah. Good night," sabi nito at tumalikod na para buksan ang pinto ng sariling silid.

"Queenie," halos pabulong na tinawag niya ang asawa na agad namang lumingon sa kaniya.

"Bakit?"

"Will you... sleep with me?"

Continue Reading

You'll Also Like

309K 8.8K 35
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
265K 4.6K 23
Dice and Madisson
1.8M 70.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
700K 25K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...