Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 25

255K 4.2K 85
By Aver_Cris

Kinabukasan...

“Sandali.” humawak ako sa braso ni Ken at pinagmasdan muna ang bahay nina Dave. It's been months since the last time I saw this house. Walang pagbabago ang itsura, the same old house pa rin. “Marami raw bang tao sa loob?”

Ngayong araw na agad na 'to dadalhin si Dave sa kanilang bahay para sa libing. 'Di pa ako handa sa oras na 'to. Dati, pupunta ako sa bahay nila to see him and had some fun or cuddle with him but now, it changed.

'Di ko akalain na pupunta ako rito para sa kanyang libing na.

“Hindi ko alam. Bakit?”

“Wala lang.”

Hindi ako comfortable bigla sa maraming tao. Lalo pa't naibalita kahapon sa T.V ang aksidenteng nangyari. Nando'n ako't walang ibang ginawa kung 'di ang umiyak. I just pity for myself and for Callum. Speaking of...

Napatingin ako sa basket na dala ni Ken, mga paboritong prutas 'yon ni Callum. Nakibalita ako kagabi pag gising ko kayna Tita and they said that Callum was not in the mood to eat his food kaya naisip ko na pag sa prutas, makakain siya kahit papa'no.

Nag-doorbell na siya, hinihintay na may magbukas ng gate para sa amin.

“Ma'am Ali...” bati sa'kin ni Welma pagbukas niya ng gate. Siya ang katulong na madalas kong makausap dati no'ng kami pa ni Dave. “Sir.. pasok po kayo.” sumulyap siya kay Ken at nilakihan ang bukas ng gate.

”Nasa'n sina Tita? Si Callum?”

“Si Ma'am Mirasol po ay nasa sala kasama ang kamag-anak. Si Callum po ay nasa kwarto niya, nagkukulong po ro'n at wala na ang sigla.” gumuhit sa mukha ni Welma ang pag-aalala para kay Callum. “Dati, ang sigla-sigla niya, matakaw kumain at madaldal. Ngayon po eh nag-iba na siya.”

“Hayaan na muna natin siguro ang bata.”

Sa kanilang lahat, ang pinakanasaktan sa nangyari ay si Callum. Kahit sabihin na hindi niya kasalanan, pinipilit niyang 'di 'yon paniwalaan.

Dumiretso kami papasok sa bahay nina Dave. When Tita Mirasol saw us, she greeted and give us a hug. Namamaga ang mga mata nito at halatang 'di nakatulog nang maayos.

Ang kamag-anak na nandito ay binati rin kami at masasabi kong ang ilan sa kanila ay alam kung sino ako sa buhay ni Dave.

“Parating na raw po ba ang katawan ni Dave?” I asked, still worried to this family.

“Yes. Hali kayo, maupo kayo.” may dalawa pang sofa ang bakante at do'n kami naupo. “Anong gusto niyo? Coffee? Juice? Water?” sunod-sunod na pagtatanong ni Tita pero umiling kami ni Ken.

“Wala po.” bahagya akong ngumiti. “Gusto ko lang pong puntahan si Callum.”

“He's in his room, Ali. Wala sa mood ang anak kong 'yon at 'di na alam ang gagawin. Kagabi, dito siya sa sofa natulog. Nakatambay kasi kami rito. Nakatulog nga siya pero saglitan lang dahil binangungot. He screamed on the top of his lungs and called his brother's name. Ginising namin siya at 'di na nakatulog pa kasama namin.”

Matatagalan pa bago ma-recover ang batang 'yon sa pagkawala ng kanyang Kuya.

“Nagdala kami ngayon ng prutas para sa kanya. Sana magustuhan niya.”

“Sana nga.” tipid na ngumiti si Tita sa akin.

“Wala pa rito si Mendoza, Ma'am Mirasol?” Ken asked. Naalala ko bigla ang fiance ni Dave na si Doktora Mendoza.

Bukod pala sa pamilya ni Dave, may naiwan pa siyang isang tao na akala ko'y makakasama na niya sa pagtanda.

Umiling si Tita, “Wala pa siya pero alam na niya ang nangyari. Baka mamaya ay nandito na rin 'yon.”

Tumango si Ken at 'di na umimik pa. Nanatili kaming nakaupo rito at nakikinig sa usapan ng kamag-anak ni Dave. Halos lahat ay nabigla sa nangyaring pagkamatay niya. I can feel that some of them blame all the pain to the dog and to Callum, pero 'di nila sinasabi.

Pansin ko 'yon sa mga tingin nila, they blame it all to Callum but afraid to say anything about him.

Nang dumating na ang katawan ni Dave na nasa kabaong ay dinala 'to sa favorite spot niya. Do'n malapit sa billiard section nila. Maluwag do'n at tamang-tama lang para pagdarausan ng ganitong event. Mahilig si Dave sa bilyaran kaya 'di na ako nagtaka pa. Kapag stress ang lalaki, do'n na agad ang kanyang diretso. Tahimik na nagsipasunod ang kamag-anak do'n habang kami ni Ken ay nanatili rito sa sala.

“Puntahan ko kaya si Callum?”

“Mauna na muna ako ro'n?”

“Kung okay lang.”

Tumango siya at tumayo. “Sige, mauna na ako ro'n. Puntahan mo na sa kwarto ang bata at sumunod agad kayo sa akin.”

“Okay.” tumayo na rin ako at naglakad na paakyat sa kwarto ni Callum. Si Ken naman ay naglakad na papunta ro'n.

Naalala ko pa ang kwarto ng bata at sana 'di magbago 'yon. Baka mamaya, sa ibang kwarto na siya naroroon.

I knocked the door four times when I found Callum's room, nasa gitna ito naka-pwesto.

“Callum?”

No one answered. I called him again.

“Callum? It's me, Ali.”

Again, no one answered. I touched the door knob at pinihit, naka-lock ang pinto. I heaved a sigh at kumatok muli, sana tulog lamang ang bata.

“Callum!?” medyo nilakasan ko na ang aking boses. “Hey, Callum! It's me, your Ate Ali.”

May narinig akong paglagabog sa loob ng kwarto at kasabay niyon ang pagbukas ng pinto. Niluwa ng pinto si Callum na gulo-gulo ang buhok at mugto ang mga mata kakaiyak.

“Callum...”

Yumakap 'to sa akin at umiyak muli. “I miss my Kuya, Ate Ali..”

“Nasa baba na ang katawan niya. Halika na.” kahit naaawa man ay wala akong magagawa.

“Ayoko.” matigas nitong wika.

“Bakit?”

“Kapag nakita ko lamang siya ro'n, sisisihin ko po sarili ko ulit. I know it's my fault but Mom and Dad didn't say anything to me. They always told me that it's not my fault po, na aksidente lamang po 'yon.”

Dapat ang isang walong taong gulang na kagaya niya ay hindi pa naranasan ang ganito.

Nilayo ko si Callum sa akin at pinunasan ang kanyang mukha.

“Listen to me,” inangat ko ang kanyang mukha sa akin. Sumisinghot pa siya pero okay lang. “lahat naman tayo ay mamamatay, okay? May maaga nga lang, may matagal. You know what I mean, right? You need to accept that Dave is dead already. We need to accept that. You need to see your brother's body and talk to him in his burial. Masakit, oo. Pero may memories naman siyang iniwan. You can live with him again because of the memories, Callum.”

Tumango ang bata sa sinabi ko, parang naiintindihan lahat ng sinabi ko. Sana...

“I need to become strong!” bigla siyang nag-pose. “I need to live my life for the fullest! 'Yan lagi ang sabi ni Kuya sa akin. I need to protect my parents at all cost!”

“Tama.” and I smiled.

“Let's go na po ro'n, Ate Ali.” he held my hand at nagpatiuna na sa paglalakad, nakangiti lamang akong sumunod sa kanya.

He sang a song that Dave's probably like while we're walking downstairs. Masaya ako na at least naintindihan niya ang sinabi ko kanina.

Nang matanaw na namin ang kamag-anak ni Callum ay naningkit pa ang aking mukha nang makita kung gaano kalapit sa isa't-isa si Ken at Doktora Mendoza. Tumakbo na ang bata sa kanyang mga magulang habang ako'y nanatili sa kinatatayuan ko, hindi gusto ang nakikita.

'Di sila nakatingin sa gawi ko kaya mas lalo akong nilamon ng selos ng makita pa ang pagyakap ni Doktora Mendoza kay Sir Ken.

May karapatan na akong magselos ngayon, 'di ba? Dahil sa akin na siya! Pero bakit pag nakikita ko silang dalawa, parang ako ang kontrabida?

Na aware lang ako no'ng nalaman ko na may namagitan na kahit papaano sa dalawa. Imagine, ex-fiance ng magaling ang magandang Doktora na 'yon. What a small world, eh.

Ngayong wala na si Dave, single na ang Doktorang 'yon ulit. Malaya na siyang gawin ang gusto niya pero 'di ko hahayaan na makuha niya ang... boyfriend ko na soon to be husband, kung walang sagabal.

Nag-usap pa ang dalawa at tila 'di na ako naalala pa ni Ken. He even smiled to her too, kaya mas lalo akong nagselos.

Sumama ang timpla ng mood ko't mukha. Tumalikod na ako sa dalawa at umupo sa isa sa mga upuan na naroroon kung saan malayo sa dalawang 'yon.

May lumapit na lalaki sa akin na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang, isa sa mga kamag-anak ni Dave. Simple ang itsura at maappeal, 'yon ang napansin ko. Kanina pa 'to tingin nang tingin sa akin pero 'di ko pinapansin. May boyfriend na ako, 'di ko ugaling manlandi.

“Hi.” he had also a chinky eyes. I gulped, cute pala 'to kapag nakangiti. “Busy ata asawa mo sa iba.” sabay sulyap sa gawi ng magaling.

Sumulyap din ako ro'n and this time, wala na si Doktora sa kanyang tabi. Madilim ang mukhang nakatingin na sa gawi ko si Ken. Inirapan ko lamang 'to, nagseselos pa ako, eh!

“Oo, busy 'yan kanina.” I suddenly taste a bittersweet on my mouth. Binasa ko ang ibabang labi.

“Gano'n ba. Ba't mo hinahayaan? Kung ako ikaw, lalapit na ako ro'n at—”

“At babasagin 'yang pagmumukha mo.”

Naramdaman kong may kamay na humawak sa aking kaliwang balikat. I froze at dahan-dahan tinignan ang taong humawak sa balikat ko. Nang makitang si Ken 'yon na sobrang dilim lalo ng mukha at anumang oras ay handang pumatay na, kinabahan ako bigla.

“Pare,” tila naasiwa 'to sa pagtawag ng pare sa lalaking katabi ko. “humanap ka ng ibang malalandi mo. H'wag ang babaeng 'to. She's taken and I don't share what's mine, got it? Now, lumayo ka rito bago ko pa sapakin 'yang pagmumukha mo.”

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa balikat ko, “H'wag kang gumawa nang gulo!” marahan kong wika. We are at Dave's burial for pete's sake!

“Hindi ako gagawa ng gulo, don't worry.” anito. “Remember, I don't fight with fists. Real men don't fight like that.”

Pero handa na siyang gumawa ng gulo anytime! 'Yon ang nakikita ko sa itsura niya ngayon.

“Ang lakas ng loob mo na takutin ako eh kanina naman ay nakikipaglandian ka sa iba.” that guy smirked. “Hindi naman ata fair 'yon, pare. If you don't want to share what yours, don't share yourself too with others. Ang mga babae, kapag nagselos... malupit silang gumanti. Tandaan mo 'yan.”

Tumayo na 'yon at iniwan kami rito.

“Hindi ako nakikipaglandian.” Ken sighed. “I just do a little comfort to Mendoza.” umupo siya sa tabi ko at mahigpit na hinawakan ang aking kanang kamay.

“Pero ngumiti ka pa at nag-enjoy sa pinag-uusapan niyo.”

“You saw that?”

“Of course!” may mata ako, magaling na lalaki!

Napakamot siya sa kanyang ulo sabay hawak sa kanyang batok. “Well, uh, we're actually talking about you.”

“Ano?”

“Ikaw ang topic namin kanina kaya ngumiti sa kanya at nag-enjoy sa pinag-uusapan namin. Sinong hindi, 'di ba? Kung ang taong mahal mo ang topic ninyong dalawa.” nahihiya siyang tumingin sa akin. “Hindi ako nakikipaglandian, I swear, 'di ko 'yon gawain. Kung nakikipag-usap man ako sa babae, it's either about my business or agendas or.. probably it's about you.”

'Di ako umimik, nakatingin lamang sa kanya, lumilipad na naman ang isip.

“Ibang usapan na rin ang tungkol sa'yo. I meant it, love. I don't share what's mine. What is mine, mine alone. Mark that.” biglang umasim ang kanyang mukha at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Hindi ko talaga gusto ang may lumalapit sa'yo. Buntis ka na nga, may nagtatangka pang iba. They can't see that I'm not like them? I can't do that shit! Damn it! If I do that shit, parang sinasabi ko sa sarili ko na 'di na kita mahal. Damn it, pag lumandi ako sa iba, parang sinasabi niya na wala na akong pake sa'yo. Ayaw ko ngang masaktan ka tapos gano'n ang sasabihin ng lalaking 'yon sa akin? Fuck that guy!"

Inis na inis siya sa lalaki.

“I'm into you.” he breathed and looked at me. “I'm sorry if I am like this. Ayaw ko lang na pinagsasalitaan ako ng gano'n at pinagmumukha sa akin na nanglalandi ako ng iba kahit 'di naman. Kung 'yon ang tingin mo nga sa akin kanina, naiintindihan ko. We're humans, we're tend to think something bad to a person when we saw them laughing and had a little chitchat to a person they had a connection before.” and sighed, “Pangako, last ko nang kakausapin si Mendoza. Ikaw na lang at ikaw na lang.”

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 53.3K 53
Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and...
2.7M 63.1K 55
"Dr. Achilles Alarcon, inaaresto kita!" Galit na salubong ni SPO3 Antonia Dimaculangan. "Arrest me? On what grounds?" Kunot noong tanong ng manggagam...
173K 1K 3
Anong Gagawin mo kung alukin ka ng best friend mo na anakan ka niya. Papayag ka ba? Eh kung sabihin niya magbubuntis ka sa pamamagitan ng.... Artific...