RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 14

3.5K 107 41
By calebnchloe

                Sinundan ng tingin ni Xian ang kinawayan at tinawag ni Kiara mula sa mga bisita. Lalo at interesado syang makita ang mukha nang kinahuhumalingan ng anak. Iisa sa may-ari ng boses na nagpagulo ng utak nya isang gabi.

 BOOM!

Ano ang feeling na parang sumabog ang bomba sa mukha nya. Kahit yata mahirap na malaman kung ano pa ang feeling nun dahil malamang di na makakapagsalita kung literal na nangyari yun sa isang tao. But figuratively, naghalo-halo at nagkagulo na ang reaksyon nya... ang emosyon nya.

Shet...si Kim nga! 

'Habang may panahon pa, takbo na!' parang nang-aasar na singit ng utak nya.

'O anong takbo? Akala ko ba handa ka na, kaya nga gusto mong ipahanap,kaya nga kayo umuwi ng Pinas di ba?...Kaya mo yan! Ano ba nman yung mablack-eye-an ka o maligo ka ng sampal at mura ng walang banlawan?' hirit ng lohikong utak nya.

Lahat ng yan, laking pasalamat ni Xian na hindi mababakas sa kalmado nyang mukha. Napakagaling nyang magtago  ng tunay na saloobin. Pero hindi nya nman magawang alisin at mawala ang paningin sa asawa.

Hindi naging hadlang ang pagbabago ng estado sa buhay o ang paglipas ng taon kay Kim para mapingasan ang ganda na meron ito kahit pa noon. Kahit ang pinong mga kilos dahil lumaki ito noon sa rangya. Sa simpleng beige chiffon sleeveless blouse na suot nito at nakahalf ponytail na buhok, labas na labas pa din ang ganda nito. HIndi rin nakaligtas kay Xian ang basang pisngi nito ang pangingintab ng mata dahil sa pag-iyak. 

Gusto nyang batukan ang sarili. Ngayon nya nakikita ang lala ng mga ginawa nya. Ang tindi ng pangungulila sa mukha ni Kim ay sapat nang indikasyon ng sobrang sakit ng pagkakahiwalay  at pagkasabik sa anak nila. 

                Natapos ang seremonyas sa stage at nagbigay na ng hudyat na umpisa na ng kainan. Si Kim, nanatiling nakatingin at di naalis ang mata sa batang ngayon ay nagmamadaling lalapit  sa kanya. Parang iisa ang damdamin nila ni Mei-mei.

Pagkasabik!

"Tita Kim!" tawag nito sabay yakap sa bewang nya.

Magkaperehong higpit ng yakap ang ibinigay ni Kim sa bata. Di na nman napigilan ni Kim ang pagluluha ulit ng mata. Na napansin tuloy nang humiwalay sa yakap ang bata.

"Tita Kim , bakit ka po umiiyak?"

"Eh kse nga na-miss kita," Dahilan nya. "Masama yata ang effect nang isang bwan nating di pagkikita..." mabilis na pinalis ang basang mata at nilangkapan ng ngiti ang boses. "...Happy Birthday! Ang ganda-ganda mo nman sa bihis mo . Bagay na bagay sa'yo ang maging princess!"

"Talaga po , Tita Kim? Eh kase gusto ko talagang maging princess katulad nung lagi mong kinukwento..pero ayaw ko maging forgetful!"

Natawa si Kim. "Oo naman! Princess ka din pero malayo ka dun sa Prinsesang makakalimutin."

"Sayang , wala si Lolo-Papa para nakita nya party ko!"

"Hayaan mo ikukwento ko na lang sa kanya kung gaano ka kaganda at ka-espesyal ang birthday party mo...pag nagkita ulit kayo , kwentuhan mo din sya .I'm sure matutuwa yun!"

Sigurado si Kim sa mga sinabi nya sa anak. Dahil di nya patatapusin ang araw na ito na hindi nakakausap ang magaling nitong tatay para makipag-usap tungkol sa karapatan nya dito! Tama na ang limang taong paghihirap at pangungulila nya. Ngayong araw na ito ang regalo sa kanya ng tadhana na mahanap ang matagal na inilayo sa kanya. 

Saka lang nya napansin si Xian na nakatayo sa likod ng anak nila. Nakikinig habang matamang nakatingin sa kanilang mag-ina. 

"Daddy! Sya po si Tita Kim  yung lagi ko nakwekwento sayo . Sya nag-aalaga sa akin nung andun ako kina Raine!" excited at walang kamalay-malay ang bata sa tahimik na pagtutunggali ng mga mata nina Kim at Xian.

"Hello!" 

Pinigilan ni Kim ang umismid sa pagbati ng estranged husband sa kanya sa napaka-casual na tono. Cool na cool . Mientras sa kabog ng dibdib nya ng magtama ang mata nila. Nabwibwisit sya sa pakiramdam nya na nanlalamig sya . Hindi na dapat ganun ang reaksyon nya sa lalaking 'to. Matapos ang ginawa sa kanya. Kulang pa nga dapat na bugbugin nya ito at ipahiya sa mga bisita nito. Pero itong sutil nyang puso, mukhang traydor!

Sa sobra yatang pagka-relax at akala mo walang bahid kasalanan ang ex-husband sa kanya, ini-extend pa  nito ang kamay. 

'Ah ganun ah! Cge lang, gusto mo maglaro tayo...' takbo ng isip ni Kim habang nagpipigil ng galit. 'Mamaya humanda ka!'

"Hi!" balik sagot ni Kim sabay abot ng kamay ni Xian. Playing along as if they were strangers who had just met.Kabaligtaran sa sigla ng bati ang pilit na ngiti sa mukha nya. For a show!

Bakit ba kailangan nyang ipakitang ganun sya kaapektado samantalang ang tukmol na 'to ni wala man lang bakas na may kasalanan na malaki sa kanya!

Kung sadyang malakas lang ba ang aircon ng venue kaya di nakaligtas sa pakiramdam nya ang kaparehong lamig ng palad nya ang palad ni Xian.... Malamang pareho silang pasmado!

"Mabuti at nakarating kayo...nina Clarence. Hi Bronsy,right?!" saka lang nabati ni Xian ang katabi ni Kim na sobrang tahimik sa pakikiramdam . 

"Oo naman ...sobrang pinagpapasalamat ko nga na nakarating kami...Meron pala akong MAKIKILALA sa party!" sinadya talagaang diinan ni Kim ang salitang yun.

HIndi agad nakasagot o walang maisagot si Xian sa pasaring ni Kim nang putulin ng batang may birthday.

"Tita Kimmy, lika kain na tayo....Dad pwede ba sa tabi ako nina Tita Kim kakain?" lambing ng bata nang humarap sa ama. Ni walang nahahalatang tensyon mula sa dalawang kaharap.

"Yeah sure , princess! Just let me know kung meron kang kailangan ..." pero ang mga mata ay tutok na tutok sa mukha ni Kim .

Ganun din nman si Kim. Hindi bumibitaw sa pakikipagtunggalian . Mahirap na mahipan sila ng hangin dalawa. Si Bronsy ay nanatiling nakamasid lang na para itong 'scorer' kung sino ang unang kukurap. Ang susuko.

"Ahm,Kim nice to meet you...  and Bronsy nice to see you again. Enjoy the party and let me know if you'll be needing anything. "

"Later, Mr. Lim-Uy!" tiim ang bagang na sagot ni Kim.

Mukhang na-gets nman ni Xian ang totoong ibig sabihin ni Kim dahil tumango ito bago tuluyang nag-excuse para harapin ang ibang mga bisita.

"Tita Kim, come on. Let's eat na po!" tagtag ng bata sa pagkakahawak nito sa kamay ni Kim. Saka lang sya natauhan ulit.

Bago nagpahila , pumantay muna ng upo si Kim sa bata. " Happy Birthday ulit ha Kiara?...Can I get a kiss and a hug?" pigil ni Kim sa luha.

"Tita Kim, how did you know my real name?" natutuwang sita nito .

'Eh siempre...anak kita ako ang nanay mo. Sa akin galing ang pangalan mo!' gusto sanang isagot ni Kim pero di na muna nya naiboses. Baka mabigla ang bata. Marami itong hindi alam at malabong maintindihan kung basta-basta sya magpapakilala dito. Isa syang estranghero pa rin dito bilang nanay nito. Kaiba sa nakilala lang nito na 'tita Kim'.

"Eh siempre, nabasa ko ...ayun nga oh!" turo nya sa cake na di kalayuan na may pangalan nito.

At kung bakit halos tumayo ang balahibo nya sa batok na parang may mga matang nakatutok sa kanya , saka nagtama ang mata nila ni Xian.

Did she actually saw remorse from his eyes? Ewan. Siguro.

Iniwas na nya ang tingin. Dahil baka sa kaiisip at kai-interpret nang mga daan ng emosyon sa mukha nito ay mahulog na nman  sya. Alam na alam nya ang ending nyan....

Semplang!

                  Kanina pa di hinihiwalayan ng tingin ni Kim ang anak. Lalo ng matapos nyang asikasuhin ito sa pagkain ay nakigulo na ito sa mga activities. Sya nga pala, wala na si Thess dahil nagpaalam na daw ito three days ago at dumating na ang hinhintay nitong work permit, ayon din si pinsan nitong si Bebeth nang makatabi nya kanina. Na kinatuwa ni Kim. Dahil ngayong alam na nyang anak nya si Mei-mei, baka mapatulan nya na ang babae sa mga maling style nito ng pagtrato sa anak!

Di na rin nya pinigilan ang sariling kumuha ng mga pictures ni Kiara  mula sa cellphone nya lalo at kitang-kita nya ang saya ng mukha nito. Ang mga halakhak na parang music sa tenga nya. 

Kaya kita nya nang may magandang babae na mahaba ang buhok na kadarating lang at bumati dito na nakapagpatili sa anak. Mga limang dipa mula sa kinatatayuan nya. Nakatalikod sa kanya ang babae kaya di nya makita ang mukha . Basta ang nakita lang nya ay ang tuwang-tuwa at nasorpresang itsura ng anak. Tinawag nitong 'Tita Nica' ang babae. Pati ang mukha ni Xian na nakasunod pala sa babae ay sobrang saya. Yung klase ng ngiti nito na matagal na nyang di nakita mula dito. Siguro nga special ang bisita sa mag-ama.

Parang kinurot ang puso nya. Nagseselos sya. Alam nyang mali dahil di nman nya kilala ang babaeng yun pero bakit ba pakiramdam nya na malalim na ang samahan nito ng kanyang mag-ama. Saka nya naalala na yun ang taong minsang nai-bida sa kanya ng bata na para na nitong nanay. Baka ito din ang 'girlfriend' na sinasabi noon nina Bebeth. 

Tumalikod sya at nagpaalam kay Bronsy na hahanapin ang washroom. Nasa mata ng kaibigan na hindi nya ito mapaglalakuan ng mga nangyayari sa kanya ngayon. Ng mga nararamdaman nya. 

"Okay ka ba?" malalim ang intindi ni Kim sa tanong na iyon at wala syang pwedeng isagot.Kahit pa malayo angnaging sagot nya o walang konek sa tanong nito.

"Kaya naman...nakaya ko nga ng limang taon eh" may lamlam sa mga mata nya at saka tinungo na ang pupuntahan.

 Inayos ni Kim ang sarili. Pilit pinasaya ang kalooban habang titig na titig sa sariling reflection sa salamin.

Ano ba ang pinagsisintir nya? Ito ang matagal nyang pinangarap di ba , ang makita ang anak . Bakit ba kailangan nyang palungkutin ang napakasayang araw na ito. Tapos na ang paghahanap nya. Makakasama na nya ito. Eh ano kung may pumuno sa kawalan nya sa buhay ng anak o mag-ama nya? Sya pa rin ang totoong nanay at hindi kayang baguhin yun ng limang taon. Hindi lang sila magkakilala pa ng tuluyan pero pinapangako nman nya sa sariling babawiin nya ang panahong nawala. 

'Eh hindi nman yata si Mei-mei ang issue, yung tatay ni Mei-mei!' sabad ng utak nya.

'Ayun Kim, umayos ka nga! Matagal  na kayong wala so dapat naka-move on ka na. Galit ka 'Day tandaan mo yan!'

Oo galit sya . Yun ang dapat nyang pakatandaan. Si Mei-mei lang. Ang anak lang nya,tapos!

Kaya nagulat pa sya ng paglabas nya ng washroom ay makita nya si Xian na nakapamulsang nakatayo at mukhang may hinihintay.

Sya!?

"Kim , can we talk?!"

Tumango lang si Kim bilang pagpayag. Sa gulat nya ng maramdamang inakay sya ng asawa sa siko ay napapitlag sya. Para syang na-static sa lakas ng invisible na kuryenteng naramdaman nya sa simpleng pagdantay lang nito sa balat nya. Ganun katindi, walang kakupaskupas...shoot!

Papunta sa isang nakasarang pinto na may 'conference room' na nakalagay. Nauna syang pumasok kasunod si Xian. Nakaka ilang ang katahimakan sa pagitan nila lalo nang maisara ang pinto sa likod nito.  Nabawasan ang ingay sa labas. Malakas na kabog ng dibdib na lang ni Kim ang naririnig nya. Kung bakit ba sya ang kabado eh sya nga ang nadehado ni Xian!

"Umpisahan mo nang magpaliwanag ng mga gusto mong sabihin. Siguruhin mo lang na maiintindihan ko ang mga dahilan mo, dahil halos limang taon yun! Limang taon mo tinago ang anak ko! " nakakabahala ang kakalmahan pero puno ng emosyon ang bawat bagsak ng salita ni Kim.

                   Hindi sapat na sabihing sobrang kabado si Xian sa pakikipag-usap sa asawa. Mas gusto nyang katakutan ang mga binigigay nitong tingin sa kanya na parang wala syang kakwenta-kwentang tao . Tama nga naman, ano ba ang ie-expect nya...salubungin sya ng yakap at halik? Ngayon pang nakita ng sariling mata nya ang kasabikan nito pagkakita sa anak nila. Mahirap burahin sa isip kung gaano ang tuwang nakita nya rito, paano pa ang lungkot at pangungulila nito noon?

Isang malalim na buntunghininga muna ang pinakawalan ni Xian bago magpaliwanag kay Kim. Hinahanda nya, na hindi sapat ang simpleng 'sorry' lang. Dahil hindi nman nun mababago ang limang taon at lalong di nman babalik ang mga nakaraan na . Ang mga na-missed nito sa anak nila dahil sa kagagawan nya. Kung sakali, mas gusto nyang makaranas ng sampal mula dito! 

"Kim, I'm sorry!" Yun ang unang lumabas sa bibig nya. HInintay nya ang lagapak ng palad nito alinman sa dalawang pisngi nya . Pero wala.

"May dahilan kung bakit biglaan ang pag-alis namin pabalik ng states. Kailangan ako ni Mom, sinugod sa ospital si Dad. Alam kong ang kasalanan ko, di ko man lang pinaalam sa'yo ang pag-alis nmin ni Kiara..." 

Nakatingin lang si Kim kay Xian. Di nya alam kung ano ang sasabihin nya sa paghingi ng 'sorry' nito sa kanya. Limang taon! Limang taon ng lungkot, pangungulila at panghihinayang nya sa bawat araw na lumilipas na wala sya sa tabi ng anak, normal bang sa isang 'sorry' lang ng lalaking ito, kaya nyang magpatawad at kalimutan ang lahat ng kamiserablehan nya? Ang galit na hinanda nya?Medyo tanga pero yun ang nararamdaman nya. Madaling natunaw nito ang inipon at pinaghandaan nyang sumbat at mura sana sa muling paghaharap nila. Hindi nya makuhang hindi maniwala lalo na at nasa mata nito ang sinseridad. 

"Kahit naman magalit ako at paliguan kita ng isang baldeng kumukulong lugaw, di nman kayang ibalik nun ang mga nasayang na taon! Sayang ang panahon kung pupunuin ko pa ng galit ang binigay na pagkakataong magkita ulit kami ng anak ko. Mas importate si Kiara kesa sa kung anong naging hugot mo noon para gawin ang mga ginawa mo... tapos na eh!..."

Gulat! Dahil walang pisikal na kaparusahan na ginawa sa kanya si Kim.Pero tagos hanggang konsensya nya. Mas malala pa ang epekto!

Nakaramdam ng pahiya sa sarili si Xian. Hindi ito ang inihanda nya na gagawin ni Kim. Mas mahirap pa nga sa mga inakala nya dahil malakas makakonsensya. Lumabas lang na hindi deserving ang asawa sa mga nangyari. Na sana katulad nito, ganun din sya noon para di nangyari ang ganito. Nagkulang lang sya sa pagkilala dito dahil hindi nya binigyan ang sariling kilalanin ito...ang patawarin sa mga maling nagawa nito noon. Kung pwede nga lang ibalik ang panahon...

"Isa lang ang hihilingin ko...gusto kong ikaw ang magpakilala sa akin kay Kiara!" may pinalidad sa boses ni Kim." Gusto ko ngayon...hindi bukas o sa makalawa..ngayon!"

Tango nang pagpayag lang ang binigay ni Xian. 

Napakaliit na bagay ang hinihingi ni Kim kumpara sa laki ng nagawa nyang kasalanan dito. Kung naibang tao yan, baka nga sampal at mura kulang pa para lang mabawasana ng mga ginawa nya.

Katok sa pinto at ang matinis na boses ng bata ang sumunod na narinig nila.

"Daddy!?,Daddy!? Are you there?"

"I'm here anak!"

Si Kiara ang bumulaga sa pinto.Lalo pa lumaki ang ngiti nito nang makita kung sino ang kausap ng ama.

"Tita Kimmy, you're also here! " patakbong lapit ng bata.

Makahulugan na nagkatinginan sina Kim at Xian. Tahimik na nag-usap ang mata sa kung anong dapat mangyari.

"Hey, birthday girl! May surprise sayo si Dad!" kandong ni Xian sa bata.

"Talaga po, what is it ,dad?!" kinikilig pa ang bata sa excitement.

"Naalala mo bago tayo umuwi dito sa Philippines, sabi ko sa'yo that you'll soon to meet your Mom?"

"Yes,Dad!" lalong lumaki ang mata nito sa tuwa. Gustong maiyak ni Kim sa kasabikan ng anak sa ina. Masarap sa pakiramdam na pareho ng nararamdaman nilang kasabikan sa isa't-isa.

"And as promised... she's here!" Sabay tingin kay Kim.

"Andito po sya,talaga!? Yehey, I want to meet my Mommy!" 

"Kiara, sya ang mommy mo...Mommy Kim!"

Parang nagslow mo ang lahat sa pagitan ni Kim at ni Kiara. Parang ilang segundong tumigil ang tibok ng puso ni Kim  sa ginawang paglingon ng bata sa gawi nya. Halos mabingi sya sa lakas ng kabog ng dibdib nya nang sa wakas matuon sa kanya ang tingin nito. Di nya alam ang mararamdaman dahil baka magbago ang kasabikan ng bata ngayong nalaman nito na sya ang nanay nito. Naiiyak sya sa pinaghalo-halong emosyon. Tuwa,takot kung ano-ano pa! 

"I-ikaw ang mommy ko?" nakakabahala ang tono ni Kiara. Walang ngiti.

Napaluhod si Kim para maging ka-level ang taas nila ng anak. Umiiyak na sya habang nakangiti . Hinawakan nya ang mukha ng anak.

"Anak, ako nga ang Mommy ! Kaya pala nung una pa lang tayo magkita iba na ang pakiramdam ko sayo. Kaya pala magaan ang loob ko!" Matamang nakikinig lang ang bata. Parang matanda itong nakikinig sa sinasabi nya.

May ilang segundo ang katahimikan. Bago nagkaporma ang ngiti sa mga labi nito. "Mom!" mahigpit ang yakap nito kay Kim."I knew it! Kamukha mo yung picture na keep ni Dad!!"

May lito sa mata ni Kim na tumingin kay Xian pero saglit lang yun dahil niyakap sya ng anak. Yung mahigpit . Nakapaloob dun ang tuwa na nagkita na sila. Malaking pasalamat nya, bata pa ang anak para magtanong o sadyang di lang talaga lumaking hindi nagtanim ng mga tanong kung bakit wala sya sa tabi nito habang lumalaki!

Hindi nman mpigilan ni Xian na ilabas ang cellphone at kunan na naman ang kanyang mag-ina sa 'reunion' ng dalawa. Parang noon lang na baby pa ang anak bago nya ito dinala sa States. Ang pagkakaiba, malaki na ang batang noon kalong lang ni Kim sa ospital. Pero hindi kahit kailan nagbago ang paraan ng pagtingin nito kay Kiara. Andun pa rin at hindi nabago ng lumipas na panahon ang kakaibang saya at pagmamahal nito. Yan nga yata ang pagmamahal ng mga ina, hindi mauubos lalong di makakalimot!

Sa kabila ng pag-iyak habang mahigpit na yakap ang anak , di pa rin nakalimutan ni Kim na mag'thank you' nang masalubong ang mata ng nakangiti at naluluhang  Xian.

Mas masarap namnamin ang 'kakumpletuhan' kung wala kang galit. Mas makabuluhan.

                              Hawak kamay ang mag-ina ng lumabas ng kwarto habang nakasunod lang sa likod si Xian. Excited si Kiara na ipakilala ang ina sa mga bisita at kalaro. 

Kaya nagkagulatan pa sila ng babaeng pinakilala nito. "Tita Nica! " tawag nito sa nakatalikod na babae.Ang babaeng kadarating lang bago sya nag-washroom.

Nang humarap ito, nakilala nya agad kung sino ito. Di yata, ang 'Tita Nica' nito at si Monique na bestfriend nya ay iisa! 

"Kim?!"

"Monique?!"

"Tita Nics. you knew my mom?" gulat na may tuwa ang boses ni Kiara.

"O-of course, princess!" di pa rin makapaniwala si Monique. "Kimberly!" naluluha na ang mata nito habang di naalis ang mata sa kaibigang matagal na di nakita.

Si Kim, ganun din halos ang nararamdaman. Pagkasabik! Na-miss nya ang kaibigang matagal na di nakita .Para itong kapatid na nawala at natagpuan.  Sa kaso nya, sya kse  ang nagkusang pumutol ng communication nila mula nang mangyari ang nangyari noon! Sa hiya siguro sa mga ginawa nya at nangyari sa buhay nila ! Guilty sya sa ginawa. Kaya di nya alam ang gagawin o iaakto ngayong nakita ulit ito. 

Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Monique. May konting tampong biro ito ng bumitiw kay Kim at mahagip ng mata nito si Xian. "Andaya mo! Akala ko ba ako ang may surprise,bakit ako yata ang hindi handa at nasurprise?!"

Ngingiti-ngiti lang ang sagot ni Xian. Pero nasa mata ang saya. Hindi kase nito kayang sagutin ang akusasyon ni Monique dahil kahit sya rin, di pa makapaniwala na nasa harap nya ang asawa, si Kim!Na sa hinaba-haba ng panahon, sa birthday lang pala ng anak mabubuo lahat!

Tapos na ang party. Lahat pagod, marami rin ang mga tanong lalo na kay Clarence . Pero balak ni Kim na kausapin ang kapatid pag-uwi. Tyak na matutuwa din ang Papa nya sa balitang dala nya. Pero kahit yata pagod ang utak at katawan nya sa dami ng nangyari para sa isang araw, hindi pa rin makuhang tumapak sa lupa ang mga paa nya dahil sa sayang nararamdaman nya. Parang sa isang iglap, napunan ang kulang  at tanong sa buhay nya. Gumaan ang bigat ng dibdib nya na dala nya sa loob ng limang taon . Dahil cguro di nya pinatambay ng matagal ang galit. Sa halip hinayaan nyang umunawa. Walang sasarap sa pakiramdam na alam mong masaya ka sa mga pagkakatong binigyan ka ng ikalawang chance. Chance na maging ina ulit . Chance na maging masaya. Kahit hindi yung klase ng saya na di perpekto dahil mahal ka ng mga taong mahal mo. Sapat lang na, ang mga taong nasa buhay nya  ay kasama na nya kahit pa ibat-iba ang level ng pagmamahal. Basta ang importante anjan ang anak nya. Di na sila magkakahiwalay!

Si Monique, halos kakahiwalay lang nila nang magpaalam ang kaibigan na pipikit na daw ang mata nito sa pagod dahil sa jetlag. Kung di lang ito pagod, mukhang kaya nitong ikwento ang ilang taong pagkakahiwalay nila sa isang buong gabi. Natutuwa syang hindi ito nagbago kahit sya ang may pagkukulang bilang kaibigan.

"Ihahatid na namin kayo!" offer ni Xian nang masigurong maayos na ang lahat.

"Ay cge!" mabilis na sagot ni Bronsy na agad namang huminto ng masiko ni Kim sa tyan. 

Hindi nakakaligtas kay Kim ang pangungulit nito at panunukso mula pa kanina. Mukhang nakahanap ng bala si bakla para may bagong ipambuska sa kanya. Mamaya talaga masesermunan nya ito!

"Hindi na, salamat na lang magta-taxi na lang kami pauwi!" Di humihiwalay si Kiara kay Kim mula ng malaman nito kung sino sya dito. Binubuntingting nito at ni Clarence ang mga loot bags na nakuha.

"Mommy, bakit di ka na lang sa bahay namin ni Dad umuwi?!" inosente ang tanong nito na nakrinig pala ang pagtanggi nya.

Nagkatinginan si Kim at Xian. 

"Ahm, ano kase anak, kse si Lolo-Papa walang kasama sa bahay . Kailangang alagaan ni Mommy. Pero , wag kang mag-alala kakausapin ko ang Daddy mo na , baka pwede kang mag-stay sa bahay paminsan-minsan para magkasama tayo..." maingat na paliwanag ni Kim.

"Ok,Mom.Cge po! Pero gusto ko ihatid ka nmin ni Dad,please Mom?!" paglalambing nito. "Saka I want to see Lolo-Papa para makita nya ang dress ko!"

"O-ok , cge kung yan ang gusto mo!" pagbibigay ni Kim sa anak.  Napakaliit ng hinihingi nito para di pagbigyan. 

"Yey!"

                                    Inabutan nina Kim ang ama na inaalalayang kumain ni Glenda sa kusina. Nagpasalamat sya sa babae at sya na ang kumuha ng ginagawa nito.Mabilis nman na tinawag ito palayo ni Bronsy kaya naiwan silang mag-anak sa kusina. Si Clarence ay tahimik at nakikiramdam na naupo sa isang upuan sa la mesa. Malaki na talaga ang kapatid nya, marunong nang umunawa! Alam nito kung kailan ang tamang panahon para masagot ang mga tanong.

"Lolo-Papa!" patiling salubong ni Kiara sa lolo nito. "I missed you!" 

Napakalambing na bata kaya nman di nakaligtas kay Kim ang maliit na paggalaw ng labi ng Papa nya sa narinig at pati sa pagyakap dito ng anak.Ngiti! Kahit ang Papa nya mula pa noon nakaramdam na agad ng lukso ng dugo!

"Pa, may ipapakilala ako sa'yo. Alam kong matutuwa ka sa sasabihin ko. Nakita ko na sya!" malumanay na sabi ni Kim sa ama pigil ang pagkabasag ng boses. "Pa, ...si Kiara!"

 Nakita ni Kim ang pagtutubig ng mata ng ama ng magpalipat -lipat ang mata nito sa batang nakayakap dito bago nito napansin ang nakatayong si Xian sa di kalayuan. 

"Pa, andito na sya! Nakilala mo rin ang apo mo!" bulong nya dito. Umungol ang matanda. Tanda nang pagsang-ayon.

                                      Hindi makapaniwala si Xian sa nakikitang kalagayan ng byenan. Malayo sa dating itsura nito. Nakaramdam sya ng awa dito pati sa asawa. Hindi na ito iba sa kanya at lalong wala itong pinakitang masama kahit pa nang magkalabuan na sila ni Kim noon. 

Naikot din nya ng tingin ang bahay ng asawa. Bagamat masikip at luma,malinis naman at maayos. Pero alam nyang sa kalagayan ng byenan , mas mabuti kung sa maayos  at maluwag na tirahan nakatira ang mga ito.Nakaramdam sya ng matinding kagustuhang tulungan ito. Alam nyang may magagawa sya para dito.

Na-touched sya sa nakikitang tuwa nito kay Kiara kahit pa hirap na hirap ito mula sa pagkakaupo sa wheelchair. Nang magtama ang mata nila, nakaramdam sya ng hiya dahil walang galit sa mukha ng matanda. Mana nga dito si Kim. 

Sayang! Huli na para buksan nya ang mga  mata sa mga magandang katangian ng asawa. Masyado kse syang makasarili noon na tanggapin ang lahat. Dahil nasaktan sya. Ni hindi man lang nya inisip na hindi naman lahat tungkol sa kanya at sa nararamdaman nya. 

"Pag-usapan natin ang magiging set-up natin kay Kiara..." Naiwan silang dalawa ni Xian sa la mesa dahil inalok nya ito ng kape nang bumalik ito at nakiusap sa kanyang makausap ang Papa nya sa kwarto. Kanina pa nakaalis si Bronsy.Tamang pagkakataon para sa seryosong usapan.

Na-ayos na nya ang ama para magpahinga . Si Clarence at Kiara nman ay nasa sala . Maraming ibinibida si Clarence sa pamangkin. Feel na feel nito ang tawag ni Kiara ditong 'Tito Clarence'.

"Yeah. Good thing you mentioned it." sagot nito nang maibaba ang tasang ininuman. Ngumiti ito. He smiled the way she remembered it.Yung ngiting lumabas ang mga guhit sa gilid ng mata nito. Ngayon napagtuunan ng pansin ni Kim na, ang karagdagang taon sa edad nito ay di nakabawas sa kagwapuhan ng asawa.  Bias aside, mas nagkaroon ng kakaibang appeal ito. 

Natigilan si Kim! Biglang nag-ilaw ang 'warning' signs sa utak nya. Dahil yan na nman sya, parang gamo-gamo na naakit sa ilaw. Gusto nyang paalalahanan ang sarili na ito rin ang liwanag na minsan na pumaso sa kanya, nakasunog ng pakpak nya. Bahagya nang gumaling ang pinsalang ginawa nito kaya dapat di na sya maakit man lang.

Naipilig ng kaunti ni Kim ang ulo sa kagustuhang makapag-isip ng matino. Ng reasonable at lohikal. Pinakahuling gusto nyang mangyari ay yung may mahalata si Xian sa kanya ng mga nangyayaring epekto nito sa katauhan at sa katinuan nya. That he could still affect her. Isang munting clue lang ang maibigay nya, malamang para na nman itong isang magiting na madirigma na hindi titigil hanggat hindi na makagulapay sa paglaban  ang katunggali.

That is how it had been back then, at sa palagay ni Kim...mukhang sa epektong nagagawa ng simpleng ngiti nito , mukhang yun pa din ang suma ng lahat...mahuhulog...mapapaso ulit sya dito!

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
21.6K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
9.2K 554 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...