Taking his Innocence

By Sexyama

99.7K 1.2K 18

Kayleigh De Vera is used to getting whatever and whomever she wants. The premier naughty girl in town, she's... More

Intro
THI 1
THI 2
THI 3
THI 4
THI 5
THI 6
THI 7
THI 8
THI 9
THI 10
THI 11
THI 12
THI 13
THI 14
THI15
THI 16
THI17
THI 18
THI 19
THI 20

Epilogue

4.7K 96 5
By Sexyama

Epilogue

Three Months Later...

"Beb, gusto ko ng buko. Pero dapat iyong malasipon ang laman ha. Kapag hindi malasipon wag mo na akong bigyan" Kausap ko sa kabilang linya ang asawa ko. Yes Were Married pero sa civil lang muna. Gusto ko kasi namin na kapag lumabas si Baby ay dala na nito ang apelyido ni Trace.

Pagbalik kasi namin galing ng exam doon ko nalaman na buntis ako. Ayon sa OB na tumingin sa akin, Six weeks na daw akong pregnant.

"Congrats Misis, Your Six weeks Pregnant" nandito ako ngayon sa Clinic at nag pa check up. Palagi kasing sumasakit ang ulo ko at para akong naduduwal. Kapag naman sa umaga nagigising nalang ako na may hinahanap na pagkain, which is I find it very unusuall.

At sa hinuha ko ay nabuo ito noong may nangyari sa amin ni Trace nang magkita kami matapos magkaroon ng Misunderstanding Issue.

Hindi pa alam ni Trace na buntis ako, Umuwi kasi sya sa bahay ng lola nya sa Mother's Side. Bukas ko nalang ibabalita sa kanya, sakto at Anniversarry namin.

Hawak ang copy ng sonography, nakangiti ko itong hinalikan at tumingin sa langit bago nagpasalamat sa Dyos. Sabi nga nila Blessing daw ang Baby.

"Iyon lang ba ang gusto mo?" sagot nito. Sa ngayon ay nag Tatrabaho sya sa isang bangko. Mabilis itong natanggap dahil sa maganda nitong Grades.

"Ahhhm. Parang gusto ko ng buko shake." Dugtong ko pa. Dito na din kami tumira ni Trace sa bahay. Bukod kasi sa matanda na, wala ding kasama si Nanay kapag may pasok ang bunso kong kapatid.

"Sige, malapit na din naman na akong mag out. Dadaan nalang ako sa palengke mamaya para doon bumili. Kumain kaba ng meryenda?" tanong nito. Naririnig ko ang ingay ng keyboard. Mukang nag titipa ito habang kausap ako.

"Opo, not too salty. Not too oily and not too cold" pinaikot ko pa ang mga mata kahit hindi naman nito nakikita. Magmula ng malaman ni Trace na buntis ako, mas naging malambing ito sa akin. Kung dati ay malambing sya, domoble pa ngayon. Monitor nito ang mga kinakain ko, ayaw nya kasi na kakain ako ng maalat, mamantika at malamig. Mahihirapan daw akong manganak at para din naman sa kalusagan ni Baby ang kanyang ginagawa. Which is hindi naman ako nakipagtalo pa sa bagay na iyon dahil alam ko namang tama sya.

"Good. Sige na Beb, tatapusin ko lang itong ginagawa ko uuwi na ko." Paalam nito.

"Sige ingat ka pag uwi ha. Yung bilin ko sayo" paalala ko dito. We bid goodbye's and I love you's before we ended our call.

Matapos makipag usap sa kanya ay bumaba ako para maghanda sa pagluto. Inabutan kong maingay ang kusina, tila yata may mga bisita kami?

Hustong nasa dulong baitang na ako ng hagdan ng lumabas si Jayson galing sa kusina.

"Kaya naman pala ang ingay ng kusina, may mga bwesita pala kami" nakangiti kong biro dito.

"Oy si Buntis andito na" sigaw naman nya. Kaya ang ibang bwesita ko este bisita pala ay nagsilabas din galing sa kusina.

May mga bitbit itong pinggan at base sa pagkakamual ng muka ni Arj ay may kinakain ang mga ito. Lumapit ako sa kanila at isa isa silang niyakap.

"Anong meron at nandito kayo at nangugulo sa kusina?" tanong ko sa kanila. May mga pizza at ice cream pala silang dala.

Kukuha sana ako ng isang slice ng pizza nang tapikin ni Jayden ang kamay ko. Nakasimangot ko naman itong tiningan. Sya kasi ang naging bantay ni Trace sa akin. " Damot, para isa lang eh"

"Nah uh. Baka awayin ako ni Trace."

"Eh bakit kasi ganyang pagkain ang dinala nyo? Alam nyo naman bawal sa akin? Nananadya kayo ?" saring ko. Mas lalo naman akong naiinis ng tumawa pa ang mga ito.

"Oh heto ang sayo" inilapag ni Carlyn ang isang mangkok na puno ng ubas at ilang gayat ng prutas. Kumuha naman ako at kinain ito. Pinaghila din ako ni Jayson ng upuan at naupo ako.

"Nga pala anong meron at nandito nga kayo?"tanong kong muli sa kanila.

"Post Celebration" sagot I Arj. Kumuha ito ng isang pirasong ubas at isinawsaw sa ice cream.

Urgggg natatakam ako sa kanyang ginawa!

"Huh? Post Celebration? para saan?"

"Post Celebration ng pagkakapasa natin sa Civil Service, post Cellebration kasi may baby na kayo ni Trace at Post Celebration kasi.... May mga work na kami!" masayang sigaw ni Carlyn. Lumundag pa ito at bakas na bakas sa kanyang muka ang kasiyahan.

A month after namin mag exam lumabas ang result. Halos maglupasay kaming mga babae ng makita ang pangalan namin sa listahan ng mga nakapasa.

"Ahhh, oh asan ang mga kasama ko?" nang mapansing wala sila Nanay at ang bunso kong kapatid ay tinanong ko sila.

"Nagpaalam na pupunta daw ng palengke, nagpasama kay Nieca" si Jayden ang sumagot. Na pa ahhh nalang ako .

At dahil halos kompleto kami, asahan nang maingay ang buong bahay. Hindi din mawawala ang mga biruan at asaran.

Nasa sala kami at nanunuod ng movie nang makaramdam ako ng antok. Tutok na tutok ang mga ito sa pinapanuod, pero ako sadyang hinihila na ng nang antok. Sumandal ako sa Arm rest ng sofa, ipinikit ko ang mga mata at ilang saglit pa ay tuluyan na akong ginupo ng antok.

Mahimbing ang tulog ko, pero parang nagising ang diwa ko nang may maamoy ako; Pabango ni Trace. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at kaagad itong hinanap.

"Gising kana pala" napalingon ako sa bukana ng kusina at nakita sya. Nakapambahay na ito at may suot ng apron.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako bago inalalayang bumangon.

"Alas sieta na po" sagot nito.

"Sorry hindi na ako nakapag luto"

"Ok lang yun Beb."

"Nasaan ang mga ugok?" tanong ko sa kanya ng makitang wala akong kasama dito sa sala.

"nasa Likod bahay, Naglalaro . Hindi ka nila ginising kasi bukod sa tulog ka, mahamog na. Lika, doon tayo sa kusina. Nakapagluto na ako at dala ko din iyong request mo" para naman akong natakam nang sabihin nitong dala nya ang nirequest kong buko.

Kaagad akong tumayo at naglakad papuntang kusina. "Dahan dahan naman!" Hindi ko ito pinakinggan at basta nalang pumunta sa Ref para hanapin ang buko.

"Mamaya na kaya yang buko? Sa dessert mo nalang kainin yan Beb. Hindi kapa kumakain ng rice eh" aniya. Hinila pa ko nito at pinaupo. Nakanguso ko naman itong tinignan.

"Don't throw me that kind of look, I wont buy it"

"Ehhh. Kahit tikim lang sige na please" para akong bata ng nagmamaka awa sakanya.

"Nah uh... teka. Suotin mo ito." Inabot nito sa akin ang isang jacket na may hood.

"Aanhin ko ito?"

"Isusuot mo po. Samahan natin sila doon sa labas. Doon tayo kakain. Tatawagin ko lang si Nieca para magpatulong sa pagdala ng mga pagkain" lumabas ito ng kusina at kasama na nitong bumalik si Nieca.

Nauna na akong lumabas at pumunta sa likod bahay. Doon naabutan ko silang masayang nagtatawanan at naglalaro ng unggoy unggoyan.

"Ohhhh talo ka nanaman hahaha" malakas na sigaw ni Jayson at nilagyan ng lipstick sa mukha si Jayden.

Lumapit ako sa kanila at binati ako ng mga ito ng makita. Halos bumulanghit naman ako ng tawa ng makita ang kanilang mga itsura; si Arj na may mga guhit ng lipstick sa noo, pingi at baba. Para namang ginawang clown si Carlyn dahil may lipstick ang kanyang ilong. Samantalang si Jayden naman ay nag ala Betty La fea boy version. Lagpas lagpas ang lipstick nito sa labi.

"Ehh? Bakit ikaw lang Jayson ang walang lipstick sa muka?" tanong ko. Sakanila kasing apat, bukod tanging sya lang ang walang lipstick sa mukha.

"Wala eh, magaling kasi akong maglaro Leigh" pagmamalaki pa nito.

"Ang sabihin mo magaling ka lang talagang mandaya tsk" nakabusangot na singit naman ni Jayden.

Maya maya pa ay dumating na din ang aming pagkain, Isa isa nilang kinuha ang mga dala ni Nieca at Trace bago inilipat sa lamesa.

Naghilamus muna sila at naghugas ng kamay bago sama sama kaming kumain. Naging maingay ang aming hapunan. Hindi din mawawala ang minsang asaran na halos lahat ng pambabara ay kay Jayson galing. Kapag ako naman ang kanyang binabara may pang counter attack kaaagad ko.

Pasado alas nueve na nag sila ay magpaalam. Kahit pa weekend bukas ay nagsabi na ang mga ito na uuwi na. Hindi na kasi kami katulad ng dati na kahit walang pasok, tuloy ang walwal. Ngayon, may kanya kanya na kaming buhay na kinakaharap. Sila ang kanilang trabaho at ako ang aking pamilya.

---

12 Years Later..

Madaming nagbago, Pero ang pagkakaibigan namin ay hindi.

Si Jayson sa ngayon ay na promote as Junior Supervisor sa isang private company, si Jayden ay team Leader sa isang kilalang Call Center. Habang sila Arj at Carlyn naman ay nasa Magazine industry. Parehas silang Senior Graphic analyst.

At kami Ni Trace?,may dalawa kaming anak na sina Leighn Andrei at si Leighcy Ann Garcia. Makukulit ang bata pero masaya ito dahil may sarili akong pamilya.

"Whaaaa Mama Papa si Ate oh" narinig kong sumigaw si Leighcy at nagsumbong ito. Marahil pinag titripan naman ito ng kanyang ate.

"Tama na iyan baka magkasakitan pa kayo" pangaral naman sa kanila ni Trace.

12 Years has passed and yet he looked so handsome. 12 Years na kaming kasal at loob ng 12 years na iyon, ginawa nito ang lahat para maramdaman namin kung gaano kami nito kamahal.Hindi sya nagkulang bagkus sumobra pa. Oo nga at kahit noong kami palang ay mahal na ako nito. Pero iba pa din pala lalo na kapag kasal na kayo.

"Ano nanaman bang ginawa mo Leighn Andrei sa kapatid mo?" tanong ko dito. Matanda ng isang taon si Leighn Andrei kay Leighcy Ann. Ang bilis ba? Wag na po kayo magtaka.

"Ma, It wasn't my fault. Im just trying to show her some weird things But I know in the future, will be using it" ibinababa ko ang hawak na libro at tinignan ito.

"And? Ano naman this time ang pinakita mo sa kapatid mo?" usisa ko. Sa edad na 12 Years old madami na itong mga bagay na alam. Last time isang vibrator ang pinakita nito sa kapatid na hindi ko alam kung saan nito nakuha. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang hindi inosente ang anak ko sa mga ganoong bagay o pagbabawalan ito.

"Tenen!" nakangiti nitong ipinakita sa amin ang kanyang wallet. Regalo ko sa kanya ito noong nag birthday sya.

Mula sa kanyang wallet ay may kinuha ito. It was sealed with a blue and silver color.

Napa face palm nalang ako ng makita kung ano ito at halos mamula naman ang mukha ni Trace. Hindi sa hiya kundi sa galit.

"Leighn Andrei! Were did you get that?" maatoridad na tanong ni Trace. Hindi naman natinag ang panganay namin.

"Hmmm. Sabi kasi ni Ninong Jayson pampaswerte daw po ito eh. So I sneak some of this sa wallet nya." Katwiran pa nito habang iwinawagayway ang hawak.

Mabilis kong hinablot sa kanya ang wallet at kinuha ang mga nakaipit na condom. Yes it was a condom. At ang siste hindi lang isa kungdi tatlong piraso ang naka ipit.

Eto na ba ang minime ko? Napaka biba, mahilig mag explore ng mga bagay kaya hindi nakakapagtaka na ang dami na nitong alam. Kahit mga bagay na hindi pa angkop sa kanila edad. At si Leighcy naman ang minimi ni Trace; tahimik at inosente sa mga bagay. mAdalas itong asarin ng kapatid dahil nga madalas itong magtanong.

"Umakyat na kayo at mag half bath. Gabi na may mga pasok pa kayo bukas" utos ko sa kanila. Tumayo naman ang mga ito at naglakad papunta sa kanilang kwarto.

Tumabi sa akin si Trace at inakbayan ako. May ngiti sa mga labi naming pinagmasdan ang mga anak namin habang umaakyat ng hagdan. 
" Mukang sayo nagmana ang panganay natin Beb." Anito.

Inihilig ko ang ulo sa kanyang balikat. At ipinulupot ang braso sa kanyang bewang. " Hayaan mo na Beb. Mas mainam nang may alam sila sa mga ganoong bagay para alam nila pag dumating ang panahon. Wag ka ding mag alala kasi hindi literal na SEX ED ang gagawin ko sa kanila. Ituturo ko ang Dont's ng SEX ok na po?" tanong ko sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakasandal at tinignan kung ano ang reaction nya.

"Ikaw nang bahala sa bagay na iyan Beb. Pero don't take it far ok?"

"oo naman. I love you Beb"

"I love you so much Beb"

Getting closer, we closed our eyes. Ramdam na namin ang mainit na hininga ng bawat isa ng biglang sumigaw ang dalawa naming anak.

"Get a room Ma! Pa!"

"Come down here" sigaw sa kanila ni Trace. Mabilis namang bumaba ang mga ito at niyakap kami.

---

Maried life  is also your comfort zone. May iilang hindi nag wowork, may iilang successful. Pero nasa inyong mag asawa nalang din kung paano niyo ihahandle ang mga problema. Kung matatag ang pundasyon nyo, walang dapat ikatakot. Pero kung hindi, better to make it strong.

This is Kayleigh De Vera Garcia, 31 years old. Happily Married with my best friend slash handsome Husband. With two kids. Is now officially signing off.



♥♥♥

Thank You for reading My second book :)

Please support my third one kung nabasa nyo po ang Fated to each Other, sequel po ang third story ko. Wala pang tittle pero story ni Jhoyce.

See yah ;)

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 216K 30
LYCA fucked up Alford's reputation, and Alford did the same to her life. It's too late when she realised that she messed with...
14.1M 272K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
314K 7.2K 34
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) You're my ecstasy fire and gasoline.
6.5M 148K 38
To Mayor Wilson Eliseo dela Fuente, it wasn't a huge surprise that it was his turn to get dragged to the sacrificial altar for the sake of his family...