You're Still The One (A SharD...

By imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." More

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 23

4.2K 109 26
By imnotkorina

After a few exchange of texts with Donny, she decided to call her mother. Nagri-ring iyon ngunit hindi naman nito sinasagot. Dahil sa desperasyon na malaman kung nasaan ito, tinawagan niya na ang kanyang tiyo.

"Your mother is in Las Vegas right now, Liberty. Iyon ang huling pagkakaalam ko. Is there any problem, hija? I can send Tanya to assist you." Tanya is her tito George's secretary.

"No need, tito. Everything's fine here. I just really wanna talk to mom. Her phone's ringing but she's not picking up."

Humalakhak ang kanyang tiyo pagkasabi niya no'n. "We both know your mother, Lily. Nagpapakasaya lang iyon doon. Anyway, I'm sure you still don't know this. She broke up with your Tito Damian."

Nagilalas siya roon, "What?! How did that happen?"

"Apparently, your Tito Damian proposed to her during their trip. Ayaw ng mommy mo kaya nakipaghiwalay," kaswal na imporma sa kanya ng kanyang tiyo. "Sigurado ako'ng pagbalik ng iyong mommy dito ay ibang lalaki na naman ang bitbit no'n. Soledad never grows up."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Gusto mang depensahan ang ina ay higit niya ito'ng kilala.

"Mabuti na lang at mukhang iba ka sa iyong mommy, Liberty," anang kanyang tiyo.

"Nagkausap kami ni Arturo at nabanggit niya sa'king maganda ang takbo ng relasyon ninyong dalawa? That's good, Liberty. The Dazas were a good friend of our family. Malaking pangalan din sila sa larangan ng pagne-negosyo kaya mas lalo iyong makakabuti. Ngayon nga ay nagbabalak muli kaming magsosyo ng ama ni Arturo sa isang malaking proyekto. If you marry Arturo in the future, just think of all the benefits it will bring us, Lily."

"M-Marry Arturo, Tito?"

Narinig niyang muli ang tawa nito sa kabilang linya. "Oh, don't worry, hija. Hindi pa naman ngayon. You're still too young. I'm sure Arturo's willing to wait until you're of age and ready."

Gusto sana niyang itama iyon. Una sa lahat, wala silang relasyon ni Turs. Not the kind of relationship that her tito is talking about. Ngunit naalala niya ang katangahang nagawa niya nang huling tawag nito sa kanya. Hindi niya naipaliwanag iyon ng maayos kay Turs.

"I need to go now, Liberty. Call me again if you need anything. Send my regards to your father." Napatay na ng kanyang tiyo ang tawag bago pa man niya mabuka ang labi upang magsalita.

Ang numero naman ni Turs ang sinubukan niyang kontakin. Dapat ay maitama na niya iyon sa lalong madaling panahon. Ngunit maging cellphone nito ay hindi niya matawagan. Nag-desisyon na lang siyang tawagan ito bukas at matulog na ngayon. Naalala niya ang 'date' nila ni Donny at hindi puwedeng may eye bags siya no'n.

Payapa at malalim ang naging tulog niya. Kinabukasan, napansin niya sa repleksiyon sa salamin ang pagiging maaliwalas ng kanyang balat at mukha. Kontento ang kanyang ngiti pagkalabas ng silid upang makakain na sa kusina.

Hindi niya naabutan ang kanyang ama. Alas-nuwebe na rin kasi at maaga ang trabaho nito sa bukid at kamalig. Ngunit halos lumuwa sa kanyang bibig ang puso nang si Donny ang mabungaran niya roon.

"Oh, Liberty, nariyan ka na pala. Nauna na ang iyong amang kumain kanina. Napasarap ba ang tulog mo, hija?" si Nana na naglalapag ng tinapay sa mesa.

"Y-Yes, nana..."

Palihim na ngumisi si Donny. Dumampot ito ng pandesal mula sa basket na nilapag ni Nana at tumingin sa kanya, "Kumain ka na."

She nodded her head. Sinisikap pigilan ang mangiti. Naroon si nana at ayaw niyang may mahalata ito sa kanila ni Donny. "G-Good morning, Donny."

"Morning..." malambing nitong bati.

"Himala at mukhang magkasundo kayong dalawa ngayon. Magmula yata noong dumating si Liberty dito, eh, nagkaka-initan kayong dalawa."

"I-It's not a serious quarrel, nana. B-Biruan lang naman po..." aniya habang naglalakad palapit sa upuan ni Donny. Tumayo ito para hilahin ang upuan sa tabi. Itinabi niya ang buhok sa likuran ng tenga at napangiti.

"Nagkaka-initan pa rin naman po..." nanunukso nitong bulong sa kanyang tenga.

Pasimple niyang hinampas ang braso nito nang maringgan ng malisya iyon. Literal naman ang pagkaka-intindi ni Nana dahilan para dire-diretso ito'ng maglitanya ng pangaral sa kanila ni Donny.

"Hindi na kayo mga bata kaya dapat ay hindi na kayo nag-aaway," paulit-ulit nitong sinabi.

Nang tumalikod si Nana at harapin ang nilulutong pagkain ay ninakawan siya ng halik ni Donny. She grinned before looking at Nana's direction again. Nang makitang nakatalikod pa rin ito sa kanila ay siya naman ang tumingkayad para abutin ang labi ni Donny.

Nag-panic siya nang hulihin ng braso nito ang kanyang bewang at ibuka ang kanyang labi ng dila upang mas palalimin ang halik. Nang bitawan nito ay dumadagundong ng husto ang kanyang puso. Sinulyapan niya si Nana Conchita ngunit nananatili ito'ng nakatalikod. Walang alam sa ginagawa nila ni Donny.

"Mamaya ha? Mahal ko..." he whispered on her ear. Sa background ay ang boses ni Nana Conchita na patuloy sa mga paalala nito.

Tumango siya at binigyan ito ng matamis na ngiti bago tuluyang naupo sa silya. Tumabi na rin ito sa kanya at parehas silang tahimik na kumain ng agahan. Ang mga kamay nila ay magkasalikop sa ilalim ng mesa.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Donny. Hindi na sila makapagnakaw pa muli ng halik sa isa't-isa nang dumalo na rin si Nana Conchita sa mesa at dumating pa si Aileen. Nakita niya lang ang pagtipa nito ng mensahe sa cellphone at siyang pag-vibrate din ng cellphone sa kanyang bulsa bago tuluyang makalabas ng bahay.

"Ang ganda talaga ng asawa ko sa umaga :)"

Napangisi siya. Inilapag niya ang kanyang pinagkainan sa lababo bago nagsimulang mag-type ng reply. "Be careful while driving, please. I'm missing you already."

Hindi naman matagal ang pinaghintay niya para sa tugon nito.

"Miss na rin kita kaagad, mahal ko. Hindi mo ako na-kiss :("

Mababaliw na yata talaga siya sa umaapaw na kilig na nararamdaman niya! Damn you, Donato Antonio! Why are you killing me softly like this?!

"I'll kiss you later, babe, for as many as you want ;)"

"Princess :("

Hindi na mawala-wala pa ang ngiti niya sa labi. "I love you..."

"I love you too..."

Pagkatapos mananghalian ay nagsimula na siyang mag-ayos. Matagal siyang nagbabad sa banyo. Hindi na nakakapagtaka kung paglabas niya roon ay humahalimuyak na siya sa bango. Pinatuyo niya ang buhok gamit ang dryer. She combed it to perfection and just let it down.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos niya ay nag-text si Donny na nakauwi na at magsisimula na ring maghanda. Mas binilisan niya ang kanyang mga kilos. Ayaw na matagal pang maghintay ito mamaya.

Hindi niya sigurado kung saan siya dadalhin ni Donny kaya naman pumili siya ng maganda ngunit simpleng damit. An old rose off-shoulder top with floral prints and plain white skirt. Manipis lang ang make-up na nilagay niya sa mukha. Sapat lang para mas buhayin ang napaka-puti niyang balat.

Saktong pagkatapos niya nang mag-text si Donny sa kanya na nasa baba na ito at naghihintay. Ilang beses niya pang sinipat ang sarili sa salamin upang masigurong walang kapintasan ang kanyang itsura bago tuluyang lumabas.

Kinakabahan siya habang humahakbang pababa sa hagdanan, hindi niya alam kung bakit. Nakatayo sa baba si Donny. Ang likod nito ang tanging kaharap niya ngunit tila may bago siyang napapansin dito.

He's wearing a clean pair of shoes and jeans. Imbis na ang kadalasang t-shirt o sleeveless shirt na paborito nito, naka-suot ito ng kulay puting polo. Nang marahil ay maramdaman ang kanyang presensiya ay unti-unti ito'ng pumihit para harapin siya.

Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita niya ang pagkamangha roon. Ngunit hindi siya roon pinaka-apektado. Donny's hair was styled neatly. He cleaned up pretty good. Kung itatabi ito sa mga lalaking modelo, walang makapagsasabing iba ito.

Pumintig ng husto ang puso niya kahit pakiramdam niya ay wala nang ibibilis pa iyon. He's dangerously so good-looking. Donny could easily put the most handsome actors and models to shame with no effort.

Malambing ang ngiting sumilay sa maganda nitong mga labi. Sumisilip ang chain ng gintong cross necklace nito dahil bukas ang unang butones ng suot. Damn.

Mabuti na nga sigurong dito na lang si Donny. Baka kapag naroon ito sa Maynila, mas dumami pa ang maging karibal niya. Not that she'll let those girls near him! Sa kanya lang si Donny 'no.

Mabilis siyang lumapit dito at yumakap. Agad niyang nalanghap ang preskong panlalaking pabango nito at ang natural na halimuyak na natatagpuan niya lang kay Donny.

"Girlfriend ko ba talaga 'to? Sa'kin ka ba talaga? Ang ganda-ganda mo talaga, Liberty," masuyo nitong bulong sa kanyang tenga pagkatapos humalik sa kanyang pisngi.

Inilayo niya ang sarili upang mas mapagmasdan ito. Malapad na ngumiti sa kanya si Donny. Natutulala siya dahil hindi makapaniwala sa kaguwapuhan nito. She's not being biased here just because he's her boyfriend!

"Bakit ganyan ka maka-tingin sa'kin?" tanong ni Donny na natatawang napapakunot-noo.

Ngumuso siya, "Will there be a lot of girls sa pupuntahan natin?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Donny ngunit hindi mawala ang ngiti sa labi. "Bakit mo natanong?"

Hindi siya kaagad nagsalita. Natanto niya kung gaano kababaw ang pinag-aalala niya. Baka kapag sinabi niya kay Donny na dahil ayaw niyang may ibang babaeng titingin dito ay baka sabihin nitong napaka-immature niya.

"Let's go," yaya niya rito.

Mataman siyang pinagmasdan ni Donny. Nang hilahin niya ito sa braso ay agad ito'ng nagpatangay. May tricycle na palang naghihintay sa kanila sa labas ng bahay. Malayo nga naman ang patungo sa pinaka-gate ng hacienda kung lalakarin nila iyon para makasakay.

"You're so handsome today," she complimented him once they're both inside the tricycle though she's still worried about him being looked at by other girls.

Nagsimula nang umandar ang tricycle. Maingay ang tunog ng makina nito at sumasabog ang kanyang buhok dahil sa hanging sumasalubong.

Ngumisi ito. "Salamat. Bagong bili ko ang polo na 'to kahapon para may maisuot ako'ng maayos ngayon. Gusto ko kasi hindi ka mapahiya kapag kasama mo ako."

"Bakit naman ako mapapahiya? Y-You look good. Really, really good, actually," mahina ang kanyang pagkakasabi sa huli. "Kaya sana huwag ka nang masyadong magpa-guwapo. Ayaw kong may pagselosan."

Tinititigan lamang siya ni Donny na tila naaaliw sa lahat ng naririnig sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi bago nag-iwas ng tingin. Dapat na niyang itikom ang bibig niya o kung ano-ano pang masabi niya rito! Really, she's trying so hard to be mature here pero ang hirap!

Naramdaman niya ang labi nito sa kanyang tenga. Nagsimula ito'ng bumulong. "Bakit ka naman magse-selos? Sa'yo lang naman ako nagpapa-guwapo," narinig niya ang tawa nito roon. "Selosa ka pala."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Naka-angat lang ang gilid ng labi nito habang ang isang palad ay nakapahinga sa kanyang tuhod at tinitikom ang kanyang mga binti. "Ang cute mo, Lily."

Inikutan niya ito ng mga mata. Ngunit hindi niya rin napigilan ang pag-ngiti nang patakan na nito ng halik sa baba ng kanyang tenga.

Huminto ang tricycle sa terminal ng jeep at sumakay pa sila muli roon. Mukhang medyo malayo sa hacienda ang pupuntahan nila ni Donny ngunit hindi niya iyon alintana dahil kasama naman niya ito.

Nalibang na rin naman siya sa pagmamasid sa mga tanawing dinadaanan ng jeep na sinasakyan nila. Wala sa sarili niyang nilalaro ang palad ni Donny mula sa braso nitong nakabalot sa kanyang tiyan. Sinasandalan niya ang balikat nito habang nakatanaw sa labas ngunit dama niya ang mukha ni Donny na nilulubog sa kanyang buhok.

Pumara si Donny sa harapan ng isang Filipino restaurant. Gawa sa kawayan ang haligi ng restaurant na iyon at bukas na bukas. Mala–piyesta dahil sa mga banderitas na nakasabit. Tumutugtog pa ng folk songs sa background at ang mga crew ay naka-suot ng tradisyonal na mga damit.

Iginiya siya si Donny patungo sa mesa na nasa pinaka-sulok. Matatanaw doon ang lawang katabi pala ng restaurant na ito. Naupo si Donny sa kanyang tabi at agad na umakbay ang isang braso sa kanyang bewang.

"This place is so nice, Donny!" natutuwa niyang sinabi rito. It's not like those expensive restaurants she usually goes to but the ambiance is so nice and cozy.

"Nagustuhan mo?" naka-ngiti nitong tanong sa kanya.

Agaran siyang tumango.

"Nadaanan ko lang ang kainang 'to no'ng nag-deliver ako. Naisip ko na no'n na dalhin ka rito kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakataon," naka-ngisi nitong sinabi.

Mas malapad ang naging ngiti niya nang marinig ang sinabi nito. And all this time she thought that she never even crosses his mind! Tapos madi-diskubre niya ang lahat ng ito? Lalo lang talaga siyang pinapasaya nito!

Lumapit ang waiter upang ibigay ang menu at kunin ang kanilang order. Nauna si Donny na ibigay ang order nito. Nahirapan siyang mamili dahil halos lahat ay masarap kaya nagpatulong siya kay Donny. Nag-order din ito ng pinaka-malaking serving ng halo-halo bilang dessert.

"Let's take a picture!" request niya nang mapag-isa na silang muli.

Nilabas niya ang kanyang phone at dinala sa camera nito. Kumuha siya ng ilang larawan nila ni Donny. Kahit pa mukhang hindi ito sanay at kumportableng mag-picture, he still looked so good on the pictures.

Napa-ngiti siya nang gawing wallpaper ang isa sa mga litratong kinunan niya. Ngiting-ngiti siya roon habang si Donny ay naka-pikit na humahalik sa kanyang tenga. Iyon na ang paborito niyang picture nilang dalawa.

"Do you have a Facebook account?" she asked him nang bigla na lang iyon dumaan sa kanyang isip.

"Hmm? Meron. Pero hindi ko naman iyon nagagamit."

Mabilis siyang nag-download ng Facebook. In-uninstall kasi niya iyon nang dumating dito. Nag-log in siya kaagad nang matapos. Hindi na siya nabigla pa sa sumasabog na notifications. Nilagpasan niya iyon at s-in-earch kaagad ang pangalan ni Donny.

Natagpuan niya ang account nito. Natawa siya nang makita na si Bangis ang profile picture nito. Totoo rin ang sinabi ni Donny. Halatang hindi iyon nagagamit dahil ni isang personal na post ay wala ito. Only tagged pictures. Her smile faltered when she noticed that the tagged posts were all from Ysabel's accounts.

"Date pagkatapos ng nakaka-stress na exam week! #Love" caption iyon ng picture nito na naka-uniporme pa. At kahit likod lamang ang nakikita niya ay kilala niya kung sino ang lalaking kasama nito.

Binalingan niya si Donny. Napatikhim ito. Nasisiguro niyang nakita rin nito ang post na iyon.

"You went on a date with Ysabel?" she asked nicely.

"H-Hindi 'yan date, Liberty. Kumain lang kami pagkatapos ko siyang sunduin. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang nilagay ni Ysabel."

She nodded, "You're picking up Ysabel after school."

"P-Pinapakiusapan lang ako ng tatay niya, Lily. Inaabot na kasi ng gabi ang klase ni Ysabel," depensa nito. "Huwag mo na lang tignan 'yan. Wala lang 'yan, Lily. Maniwala ka sa'kin."

Hinarap niyang muli ang phone para tignan ang wall nito. Dinig niya ang frustration ni Donny sa bawat singhap nito sa kanyang tabi. Ilang pictures at sweet posts pa kasi ni Ysabel ang nakita't nabasa niya sa wall nito.

"Huwag kang magselos, please. Wala lang 'yan, Lily," alo nito sa kanyang tabi kahit wala naman siyang sinasabi.

"I'm not jealous," she told him casually.

Ngunit may kaunting tabang siyang nararamdaman. Mabuti pa si Ysabel malayang nakakapag-post ng ganoon. Kahit naman kasi malaman na ng lahat ang relasyon nila ni Donny, paniguradong kung magpo-post din siya ng larawan nito ay pagpipistahan ito ng mga taong interesado sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Alam niya kung gaano iyon kahirap at nakakasakal. Paparazzi follow her wherever she goes. Reporters dig her life to find a juicy scoop they could expose. Ayaw niyang maranasan din iyon ni Donny dahil lang boyfriend niya na ito. Kaya siguro kahit gaano pa siya ka-proud na maging girlfriend nito, pipiliin niyang gawing pribado na lang iyon.

"Tsk...tama na nga 'yan, Liberty. Itago mo na ang cellphone na 'yan," saway ni Donny sa kanya.

Hindi na rin naman siya nito binigyan ng mapagpipilian dahil binawi na ni Donny ang kanyang cellphone sa kamay at nilapag iyon sa mesa.

She turned her face to him. Donny's face was serious as he stared back. Nagtungo ang palad niya sa hita nito at kaswal na nanatili iyon doon. "You really didn't think of courting Ysabel? Not even once? Before"

Suminghap ito, "Magkaibigan lang kami, Lily."

Nanulis ang kanyang labi sa sagot nito. Bumaba ang tingin ni Donny doon at hindi nagdalawang-isip patakan iyon ng halik.

"You never fell for her? I mean, she's really pretty, Donny. Sabi mo rin you want somebody who can cook. She can cook."

Napangiti ito sa sinabi niya. "Hindi, Lily. Sinabi ko lang iyon. Marunong naman ako'ng magluto. Ako na lang magluluto para sa'yo."

Kinilig siya roon ngunit hindi pa rin talaga niya maiwasang magtaka. "Bakit nga hindi mo naisip ligawan noon si Ysabel kahit na lagi naman kayong magkasama?"

"Tsk..." nagbuga ito ng hangin. Tingin niya'y kaunti nalang at maiinis na ito sa kakulitan niya. "May iba ako'ng gusto."

Nahigit niya ang hininga dahil sa pagkabigla. May ibang gusto si Donny kaya hindi nito niligawan si Ysabel noon? Sino naman kaya iyon?

Inalis ni Donny ang pagkaka-akbay sa kanya upang ipatong ang dalawang siko sa mesa. Umaangat ang gilid ng labi na para bang may naiisip na nakakatawa.

"W-Who?" kinapitan niya ang braso nito.

"Darating na ang pagkain, Lily. Umayos ka na."

Ngunit hindi niya pinansin iyon. "Sino nga? It can't be me! We just met pa lang. Sino ba, Donny?"

"Bakit kasi gusto mo pang alamin?"

"I'm just curious! Bakit ayaw mong sabihin? Do you still see each other? Do you still talk with her? Or maybe!" tinuro niya ito. "You still like her?"

Umiling si Donny at pumangalumbaba. "Hindi ko na gusto."

Kahit ganoon ay nanatili siyang nagdadamdam sa tabi nito. Gusto niya talagang malaman kung sino ang babaeng tinutukoy nito kahit na hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya sa impormasyon.

Marahil napansin ang kanyang biglaang pagtahimik kaya nilingon siya ni Donny. Naabutan nito ang masungit niyang ekspresyon at sa halip na aluin siya ay humalakhak pa ito.

Pinisil nito ang kanyang ilong at bago pa siya makapag-reklamo ay nadampian na ng halik ang kanyang labi. "Ang selosa talaga."

"Sino nga kasi?"

"Kung ako sa'yo 'di ko na iisipin pa iyon. Walang rason para ikainis mo iyon. Kung alam mo lang..."

Paano niya malalaman kung hindi naman nito sinasabi?! Ang gulo nito!

Dumating na ang pagkain nila kaya na-distract na rin siya. The food didn't disappoint. Masarap din iyon kaya kahit paano nawala ang inis niya.

Busog na busog sila pagkagaling doon kaya nagpasya silang maglakad-lakad na muna ni Donny para magpababa ng pagkain. Nagkataon pang may piyesta pala doon kaya naaliw siya sa makukulay na disenyo ng mga bahay at iba pang atraksiyon.

Kapwa nila hindi namalayan ni Donny ang oras. Kahel na ang langit nang magpasya silang umuwi. Habang nakasandal sa balikat ni Donny at binabalot ng matikas na braso nito ay naka-ngiti niyang pinagmamasdan ang pamilyang naka-upo sa harapan nilang dalawa. Mukhang galing din ang mga ito sa pamamasyal.

Again, she couldn't help but think of her future with Donny. Siguradong ganito rin silang dalawa balang-araw. Humigpit ang kapit niya sa kamay nito. Naramdaman niya ang mas paghapit naman nito sa kanya upang mas lalo pang dumikit sa katawan nito.

Kontento na siya sa ganito. Umaapaw na ang saya sa puso niya basta kasama niya si Donny. This is really something that money couldn't give anyone. Dahil nasa kanya naman ang lahat sa Maynila pero hindi niya naranasan ang ganitong uri ng saya.

Huminto ang jeep sa harapan ng gate ng hacienda. Mula roon ay nagkasundo sila ni Donny na lakarin na lamang ang pauwi sa bahay. May mga nakabukas naman na poste ng ilaw. Mas gusto na rin niya iyon dahil ayaw pa naman niyang mahiwalay kaagad dito.

"Hindi ka pa ba pagod, Liberty? Pasensiya ka na. Wala pa ako'ng kotse kaya lakad at commute muna tayo," ani Donny habang magkahawak-kamay silang naglalakad. Hindi na niya inaalala pa kung sino'ng makakakita sa kanila.

"I don't mind walking. Ayos lang 'to para matunaw kaagad kinain natin. I ate a lot pa naman kanina."

"Wala naman sa'kin kung tumaba ka, eh."

Inismiran niya si Donny. "And then what? You'll go back to your mystery girl because you like someone with a sexier body? Hell, no."

Malakas ang naging tawa nito. "'Yan pala iniisip mo. Ang akala ko pa naman pagod ka na kaya ka tahimik."

"Bahala ka diyan. You already said that you love me! Wala nang bawian. I will not give you to her. Hindi kita pakakawalan."

Impit siyang napatili nang basta na lamang siyang hilahin ni Donny patungo sa katawan nito. Isang matamis na ngiti ang naglalaro sa mga labi nito. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na babawiin ko pa iyon? At bakit ko naman gugustuhing makawala sa'yo...ha? I'm yours, Liberty. Always yours..."

"I'm just making things clear to you, Mr. Pangilinan."

Ngumiti ito bago nito kinagat ang ibabang labi, "Like you need to do that. Alam ko kung kanino lang ako. Akin na nga 'yung halik ko, Liberty. 'Yung pangako mo..."

She smirked. Ngunit umangkla rin ang mga braso niya sa leeg ni Donny. Hindi naman siya gaanong nahirapan dahil ito na ang yumuko upang mas madali niyang maabot ang malambot nitong labi. Ibinigay niya rito ang halik gaya ng kanyang pangako.

Hindi niya na nabantayan pa ang oras. Basta ang alam niya ay manhid na ang kanyang mga labi at mas lalo pang dumilim ang langit nang magpatuloy sila sa paglalakad ni Donny pauwi.

"May bisita kayo?"

Naka-ngiti pa siya nang mag-angat ng tingin sa harapan para tignan ang tinutukoy ni Donny. Para siyang pinaliguan ng nagyeyelong tubig nang makilala ang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay ng kanyang ama.

Wala sa sarili siyang napabitaw sa kamay ni Donny. Lumapit siya sa sasakyan upang masiguro ang kanyang hinala kahit na sa malayo pa lang ay kilalang-kilala na niya iyon.

"Baby!"

Mabilis na nag-angat ang ulo niya sa double doors kung saan ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Her heart hammered inside its cage ngunit hindi iyon tulad ng pagtibok kapag kay Donny.

Ibinaba ni Turs ang kamay nitong may hawak na cellphone. Malapad ang ngiti nito nang sa iilang malalaking hakbang ay lapitan siya nito.

"I missed you, Lily! Kanina pa ako rito naghihintay!"

Hindi siya nakakilos nang yakapin nito ng mahigpit. "Y-Y-You're here..."

"Yes. Surprise!" maligaya nitong sinabi. "Are you not happy to see me?"

Bumaba ang yakap ni Turs sa kanyang bewang. Lumayo ito ng kaunti at sa pagkabigla niya ay bigla na lang siya nitong dinampian ng halik sa labi. Sa gulat ay basta na lamang siyang na-estatwa. Hindi niya ito kaagad naitulak palayo sa kanya para pigilan.

Inilayo ni Turs ang sarili nito sa kanya at naka-ngiting tinignan ang kanyang mukha. "Where have you been, baby? Ang tagal mong umuwi. Namasyal ka raw."

Tila nagising siya sa tanong nito at naalalang kasama pa nga pala niya si Donny. Nag-aalala siyang pumihit upang tignan ito. Ngunit ang tanging nakita niya ay ang likod nito habang naglalakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

354K 5.1K 32
READ AT YOUR OWN RISK! Angela needed money for her parents. Handa siyang gawin ang lahat para sa mga ito maging ang pagpayag sa kasunduang inalok sa...
108K 2.4K 73
Highest rating: #1 Hi guys~ must read this for your spiritual life. Must know the Word of God. :) This is really important, and must treasure. :) And...
220K 13.2K 9
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
16.8K 1.4K 79
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❛Philia❜ (/ˈfɪliə/) ➤ Philia love accounts for the type of love that you feel for parents, siblings, family members, and cl...