Beastly | #KNNotoriousWC

By midnightbIue

154K 5.9K 1.2K

All she ever wanted was her own 'happily ever after.' Former: The Beast's Child #KNNotoriousWC Highest rankin... More

BEASTLY
FIRST
SECOND
THIRD
FOURTH
FIFTH
SIXTH
SEVENTH
EIGHTH
NINTH
TENTH
ELEVENTH
TWELFTH
THIRTEENTH
FOURTEENTH
FIFTEENTH
SIXTEENTH
SEVENTEENTH
EIGHTEENTH
NINETEENTH
TWENTIETH
TWENTY FIRST
TWENTY SECOND
TWENTY THIRD
TWENTY FOURTH
TWENTY FIFTH
TWENTY SIXTH
TWENTY SEVENTH
TWENTY EIGHTH
TWENTY NINTH
THIRTIETH
THIRTY FIRST
THIRTY SECOND
THIRTY THIRD
EPILOGUE

THIRTY FOURTH

4.3K 117 12
By midnightbIue

PAMILYA TORRES AT PADILLA

"No, not like that," Natatawa kong sabi kay Griffin habang tinuturuan ko siyang magsuot ng diaper kay Tania. "idikit mo ito rito." I said while assisting him.

"This shit is harder than I thought." Sabi niya sabay irap.

Nandito kaming tatlo sa condo ni Griffin, nung nagkabalikan na kami ay dito na niya kami pinatira sa condo niya. Though, kailangan ko pang bumalik sa New Jersey para kunin ang mga gamit ko since titira na ako permanently dito sa Pilipinas kasama ang mag-ama ko. Hindi naman pumayag si Señorito Griffin na hindi ako aalis kasama siya. Clingy, eh.

Pinalo ko ng mahina ang bibig niya. "Bunganga mo," Sabi ko. "dapat matuto kang magsuot ng diaper sa anak mo, noh. Madali lang to kapag nasanay ka na."

"I deserve a reward after this." He wiggled his eyebrows at me.

I raised an eyebrow. "Ano namang reward ang gusto mo?"

"You," He grinned. "I want a kiss, a hug then a kiss again. And another kiss. A hug again."

I laughed. "You're so clingy," I said. "sige, ibibigay ko ang reward mo kapag nagawa mo ito ng maayos. Again." Sabi ko bago hinubad ang diaper kay Tania at pinaulit ito kay Griffin.

Parang naiinis na samin si Tania dahil kanina pa namin siyang pinapasuot tas hubad ng diaper. Ang sama sama na ng tingin niya samin. Hala, Griffin mode nanaman.

"Ang sungit talaga ng batang to, kagabi pa ako sinusungitan, eh." Griffin laughed.

Nang matapos siya sa pagsusuot ng diaper kay Tania ay napataas siya ng dalawang kamay sa saya bago tumingin sakin.

"I did it, baby!" He smiled. "now, give me my reward."

Lalapit na sana siya sakin para halikan ako pero tinulak ko ang mukha niya, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Patulugin mo muna si Tania." I grinned.

"Fine," He rolled his eyes. "maraming kiss, ah?"

"Oo na." Sabi ko sabay irap, tumawa naman siya bago hinalik halikan si Tania.

*****

"Ay madersh, namumutla ka." Natatawang sabi ni Zeya.

Nandito pa rin kami sa condo ni Griffin, or should I say, condo namin. Nagpapatulong akong magpaayos kay Zeya since magdidinner kami nina Griffin kasama ang pamilya nila. Ngayon niya ako ipapakilala ng opisyal sa Pamilya Torres at Padilla.

Kilala na ako ng pamilya niya since kwinento naman ako ni Griffin sa kanila pero ngayon lang nila ako makikita.

Kinakabahan ako, oo. Mas kinakabahan pa ako rito kesa nung manganganak na ako. Natatakot ako na baka hindi nila ako magugustuhan dahil baka mas bet nila yung kalevel ni Chiel or si Chiel mismo.

"Kinakabahan talaga ako, Zey. Baka--.."

"Trinity, wag mo ngang iisipin na hindi ka nila magugustuhan. Hindi mo ba narinig si Griffin kanina? They like you! I'm pretty sure na sinabi ni Griffin sa kanila na isa kang mabuting babae at nahulog sayo si Griffin dahil sa iyong magandang personality. And sure akong kapag nakilala ka pa nila ng husto, ma iinlove sila sayo." She smiled widely while talking.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at niyakap siya ng mahigpit. What would I do without Zeya Arellano?

"I love you, Zey. Thank you kasi nandiyan ka palagi para suportahan ako." I kissed her cheek.

"Of course! Para na kaya kitang kapatid." She giggled.

Nagbiruan pa kaming dalawa para malighten up ang mood ko at para mawala ang kaba ko. Nagpaalam na para umalis si Zeya dahil may lakad din siya. Hindi ko alam kung san siya pupunta.

Chineck ko muna yung sarili ko sa salamin na kasing tangkad ko. Maganda na ang buhok at palamuti ko sa mukha since si Zeya ang nag-ayos sakin.

I'm not really good in styling my hair and doing my makeup since wala akong experience, si Zeya lang dahil tinuruan siya ng Mama niya noon. Wala na akong Mama na nagturo saking magmakeup dahil hindi ko naman siya naabutan.

My mother died minutes after I was born at namatay ang tatay ko dahil sa isang ligaw na bala. Kapitbahay ko lang sina Zeya noon kaya sila nalang ang umampon sakin since hindi macontact ng hospital ang iba kong kamag-anak.

Sobrang nagpapasalamat ako kina Zeya at sa pamilya niya dahil pinalaki nila ako at binusog ng pagmamahal. Never nilang pinaramdam sakin na hindi nila ako kadugo.

Natigil ang pagdadrama ko sa isip ko nang may kumatok sa pinto. Kinuha ko na yung purse ko bago naglakad papunta sa pinto at binuksan yun.

Bumungad sakin ang ayos na ayos na si Griffin Torres. Ngumiti naman siya sakin nang makita niya ako.

"Wow, you look amazing, my fiancée." He smirked.

I smiled. Kinikilig ako nung tinawag niya akong fiancée.

"You look so good, my fiancé," Banat ko pa kaya ngumisi siya lalo. "where's Tania?"

"Nasa couch, nakatulog. Let's go?" He offered his arm, nakangiti ko namang nilagay ang kamay ko dun.

Naglakad kami papunta sa sala para kunin si Tania. Dahan dahan ko naman siyang kinarga bago naglakad papunta sa pinto. Nilingon ko si Griffin dahil napansin kong wala siya sa tabi ko. Natawa ako nang makitang kinarga niya na ang baby bag.

*****

"Eto na ba si Trinity? Why, she's prettier in person!" Nakangiting sabi ni Tita Chloe sakin bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi. "welcome and make yourself at home, iha."

Lumapit sakin si Tito Gelo at niyakap ako. "Nako, sabi ko na nga ba't magkakatuluyan kayo. Alam kong na love at first sayo ang anak ko nung nasa bar tayo, pabebe lang talaga siya." Pagbibiro ni Tito Gelo kaya napairap si Griffin.

Karga karga ni Griffin ang tulog na tulog na si Tania kaya niyayakap ako ng kanyang pamilya ngayon. Wala naman akong reklamo because I love hugs.

"Thank you po, Tita Chloe and Tito Gelo." I smiled.

"Tita? No, call us Mama and Papa. Yan din kasi ang tawag samin ni Griffin." Tita Chloe, I mean, Mama smiled at me.

"Where is Lola Kath and Lolo Daniel?" Tanong ni Griffin sa mga magulang niya.

"Papunta pa, sumabay na sila kina Kuya Tyler." Mama Chloe said before kissing Tania.

"Walang trabaho si Tito Tyler? Eh si Kuya Andrew?" Tanong naman ni Griffin.

"Meron pero siya na yung boss kaya pwede siyang di magtrabaho. Nasa Barcelona pa si Kuya Andrew mo," Sabi naman ni Papa Gelo. "pwede ko bang makarga ang apo ko?" Tanong naman sakin ni Papa Gelo.

Ngumiti ako bago tumango. "Oo naman po."

"Pa, later! Ako muna!" Sabi ni Griffin bago nilayo si Tania kay Papa Gelo.

Binatukan ni Papa Gelo si Griffin. "Hampasin kaya kita diyan! Ang damot mo! Ako nanaman!"

"Ayoko nga! Anak ko to!" Inis na sabi ni Griffin sa kanyang ama.

"Apo ko yan!" Banat ni Papa Gelo.

"Mas level up ako!" Sigaw ni Gelo.

"Mas matanda ako sayo kaya sundin mo ako! Pahiram kay Tania!" Naiinis na sabi ni Papa Gelo.

Natigil silang dalawa nang umiyak na si Tania. Natawa kaming dalawa ni Mama Chloe.

Lumapit ako kay Griffin at kinuha si Tania mula sa kanya at pinatahan.

"Griffin, ang damot mo tsaka alam mo namang ayaw ni Tania sa maingay eh. Sigaw ka nang sigaw." Umirap ako sa kanya.

"Ay, hindi nagmana sayo to, Chloe. Scream Queen ka eh." Pang-aasar ni Papa Gelo kay Mama Chloe kaya hinampas niya ito.

"Tara, sa dining table na tayo magkwentuhan. Dun na rin natin hintayin sina Kuya." Sabi ni Mama Chloe bago hinawakan ang likod ko at ginabayan ako papunta sa kusina.

****

Pagkaupo namin sa mga upuan dito sa malaking dining table ay saktong nakarating na yung iba pang pamilya ni Griffin.

Karga karga na ni Papa Gelo si Tania habang nakaupo siya sa upuan. Nagtalo nanaman si Griffin at Papa Gelo pero pinagbigyan din naman ni Griffin.

Nahiya akong lumapit sa pamilya ni Griffin pero mabuti nalang at mabait sila at winelcome talaga nila ako.

I feel so loved. Napakaswerte ko.

"Kelan niyo gustong magpakasal, iha?" Nakangiting tanong sakin ni Lola Kath.

"Anong theme ang gusto niyo?" Tanong naman ni Tita Genevieve.

"Gusto ko bongga ang kasal nila!" Excited na sabi ni Mama Chloe.

Sina Lolo Daniel, Tito Tyler, Papa Gelo at Griffin ay may sariling mundo. Minsan pinag-uusapan nila ang kani-kanilang mga trabaho pero ngayon ay nilalaro na nila si Tania na karga karga na ni Tito Tyler.

Nasa right side ng lamesa kaming mga babae habang nasa left naman ang mga lalaki. Nasa gitna kaming dalawa ni Griffin dahil ayaw niyang hiwalay kami.

"A-Ano po..." Shucks, hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Nahihiya kasi ako.

"Guys, calm down. You're scaring her, mahiyain ang mapapangasawa ko, okay?" Sabi ni Griffin bago hinawakan ang kamay ko. Nagkatinginan naman kami at nginitian ko siya.

"Hindi ko inexpect na may ganitong side pala si Griffin. Ang tigas kasi ng batang to eh." Natatawang sabi ni Lola Kath.

"Ako rin, Mommy. Kahit anak ko yan, ngayon ko lang nadiscover ang ganitong side niya." Ngumiti si Mama Chloe.

Nakita kong namula si Griffin kaya natawa ako. "Mahiyain ka rin pala." Pang-aasar ko sa kanya kaya umirap siya.

"San ba nagmana ng kasungitan ang batang to?" Tanong ni Tita Genevieve habang may mapang-asar na ngiti sa labi niya.

"Bat niyo ko tinatarget ngayon?" Pagsusungit ni Griffin.

Natawa si Mama Chloe bago tumingin kay Griffin. "Naglalambing lang kami sayo, anak. Ikakasal ka na eh, big boy ka na talaga," Ngumuso si Mama Chloe habang naglalamabing kay Griffin. Natawa naman ako sa cringe face ni Griffin. Bastos talaga. "pagpasensiyahan mo na ako at ang pamilya namin, Trinity. Baby boy kasi talaga namin tong si Griffin."

"Ayos lang po, Mama Chloe. Nagpapababy din sakin to minsan." Sabi ko sabay ngisi kay Griffin.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Hindi kaya. Kung ako nagpapababy, ikaw nagpapabebe." Humalakhak siya. Nahawa naman sina Lola Kath, Ate Genevieve at Mama Chloe sa tawa ni Griffin.

Umirap ako bago tumawa. "Whatever, Griffin."

Nagsimula na rin kaming kumain, hindi natahimik ang lamesa kahit kumakain kami lalo na ang mga babae. Hindi ako na out of place dahil palagi nila akong sinasali sa usapan nila. I love this family.

Nakaupo sa kandungan ko si Tania habang pinapakain ko siya. Minsan naman ay sinusubuan siya ni Griffin.

"Nako, Trinity iha, alam mo bang nakita kong nagbabasa ng libro pati article sa internet itong si Griffin tungkol sa pagiging ama?" Natatawang sabi ni Mama Chloe.

"Talaga po?" Nakangiti kong tanong kay Mama Chloe bago tiningnan si Griffin. May halong pang-aasar ang ngiti ko sa kanya.

"Stop it, Trinity." He rolled his eyes at me. I laughed at him.

"Yup, kaya binigay ko sa kanya yung baby book ko. Palagi naming binabasa yun ni Gelo nung buntis pa ako kay Griffin." Sabi ni Mama Chloe bago kumain.

"Nga pala, Tyler anak, nasan na ba si Andrew?" Tanong naman ni Lola Kath kay Tito Tyler.

"Nasa Barcelona pa, Ma. Next week pa uwi nun dito." Sabi naman ni Tito Tyler bago kinausap ang asawa niyang si Tita Genevieve.

"Drake, I told you to wear the polo shirt I gave you yesterday." Mahinang sabi ni Tita Genevieve pero narinig ko pa rin since malapit lang kami.

"Do you expect me to wear a pink shirt with my Dad around? Jullien, alam mo namang mapang-asar ang tatay kong yan." Umirap si Tito Tyler.

Ngayon alam ko na kung san nagmana si Griffin, kay Tito Tyler.

"Mabuti nalang at babae ang anak ni Griffin at Trinity, puro lalaki kasi kina Vieve at Chloe eh." Natatawang sambit ni Lola Kath.

"Ayaw mo niyan, Kath? Kakalat pa ang lahi natin." Ngumiti naman si Lolo Daniel.

"Kaya, Griffin, dapat magkaroon kayo ng lalaking anak ni Trinity." Ngumisi si Papa Gelo.

Ngumisi rin si Griffin, tumingin siya sakin at tinaas baba ang kilay niya. "Of course, hindi kami titigil hanggang sa magkaroon kami ng lalaki."

Naubo naman ako sa sinabi ni Griffin, nakita kong natawa si Mama Chloe at Tita Genevieve.

"Hoy, kung makapagsalita kayo parang ang dali daling magbuntis, ah." Sabi naman ni Lola Kathryn.

Yes, Lola Kath. How accurate!

"Oo nga." Mahina kong sabi kay Griffin bago siya hinampas sa braso kaya natawa siya.

"Give me Tania. Ako na munang magpapakain para makakain ka ng maayos." Malambing na sabi sakin ni Griffin bago kinuha si Tania mula sa kandungan ko at pinaupo ito sa kandungan niya.

"Pano ka? Are you done eating?" I asked.

"Yes, babe. Eat." Utos niya bago pinakain si Tania.

*****

The next day, nasa mall kaming tatlo nina Griffin at Tania. Bored kasi kami sa condo kaya naisipan naming magmall at bumili ng mga damit.

Shempre, nakadisguise nanaman si Griffin. Sikat na artista si Griffin at baka pagkaguluhan siya ng mga tao dito sa mall.

"Babe, dun muna ako sa kabilang aisle." Paalam ko. Nasa men's area kasi kami at nasa kabila yung women's.

"No." Sabi niya bago hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko habang karga niya si Tania sa kabilang braso.

I groaned. "Ang arte mo, hindi naman ako aalis eh."

"Yeah, right. You left me before already. New Jersey pa more." Umirap siya.

Imbes na mainis ako ay natawa ako sa inasal niya. "Noon yun, hindi na kita iiwan ngayon."

Tumitig na muna siya sakin ng ilang minuto bago bumuntong hininga. "Fine, bilisan mo."

I kissed his cheek and Tania's before leaving. Sabi ko sa kanya na dalhin ang stroller para hindi siya mahirapan pero ayaw niya dahil mas gusto niyang kargahin ang bata.

Pagdating ko sa women's area ay may babaeng tumitingin dun ng mga damit. Nagkatinginan kaming dalawa kaya ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin naman siya balik. Nakita ko namang may earpiece siyang suot, baka businesswoman to.

Sabay naming hinawakan yung itim na dress kaya nagkatinginan ulit kami.

"Ay, sige. Sayo nalang." I smiled.

"No, it's fine. Titingnan ko lang yung disenyo sa likuran." She said.

Magsasalita pa sana ako nang may babaeng dumating at nilapitan ang babaeng kausap ko.

"Da! Nandito ka lang pala," Ngumiti yung isa. "may nabili akong damit sa kabilang store. Magugustuhan kaya to ni Jasen?"

"Hay, nako. Kahit mag Filipiniana ka, magugustuhan pa rin yan ni Jase." Tumawa si 'Da.'

Napatitig ako saglit dun sa babaeng kadadating lang. Maganda silang dalawa, actually pero agaw pansin ang mga mata nung babaeng kadadating lang. Asul kasi ang kulay ng kanyang mga mata, kasing asul ng dagat.

Kinuha ko na yung damit at tiningnan nito. Baka isipin pa nilang nakikinig ako sa usapan nila.

"Hi," Nabigla ako nang kausapin ako nung kausap ni 'Da.' "that dress is cute at mukhang bagay sayo."

I smiled at her. "Thank you."

"I'm Jenesis Knight, by the way. This is my sister-in-law, Dakota Lacson." Pagpapakilala niya bago inabot sakin ang kamay niya para makipagshake hands, yun din ang ginawa ni Dakota.

Tinanggap ko ang mga kamay nila at nakipagshake hands. "Nice to meet you, I'm Trinity Mendez."

"Soon to Mrs. Torres," Nagulat ako nang biglang sumulpot si Griffin mula sa likuran ko at hinawakan ang kamay ko. "hello, Ates, long time no see."

Ates?

"Oh, Griffin! Ikaw pala yan," Nakangiting sabi ni Jenesis. Nakipagbeso sina Dakota at Jenesis, or should I say Ate Dakota and Ate Jenesis. "I didn't know you're getting married already. Ito naman si Tita Chloe at Tito Gelo, walang sinabi."

"Magkakilala pala kayo?" I asked.

"Yes, our families are quite close. Lalo na sina Tito Tyler at Tito Chris." Sabi naman ni Griffin.

"Good choice, Griffin. Marunong ka talagang pumili." Ngumiti si Ate Dakota.

"Of course," He grinned. "I want you to meet my beautiful daughter, Gravitania." Nakangiting sabi ni Griffin habang nakatingin kay Tania.

"Hello, baby! Omg, Griffin, kamukhang kamukha mo!" Natatawang sabi ni Ate Jenesis.

"Namiss ko tuloy ang mga anak ko." Sabi naman ni Ate Dakota bago ngumuso.

"Nasan po ba ang kambal?" Tanong naman ni Griffin. "sina Pierre at Zimiena?" 

"Naiwan sa bahay ang kambal pati si Caden, tinatamad kasing umalis eh." Umirap si Ate Dakota.

"Sina Pierre at Zimiena naman ay nasa toy kingdom kasama si Jase. Bagong laruan nanaman kasi ang gusto." Sabi naman ni Ate Jenesis.

"Kelan lang po kayo nakauwi galing Alaska?" Tanong ni Griffin.

Wow, galing Alaska pala sina Ate Jenesis? Sosyal!

"Two days ago, babalik din kami bukas," She said before looking at Ate Dakota. "kayo, Da? Kelan kayo uuwi ni Caden sa Davao?"

"Mamayang gabi, kating kati na kasi umuwi si Caden, eh. Tsaka may trabaho pa siya." Sabi ni Ate Dakota.

"Sayang, gusto ko pa namang makita ang kambal." Sabi naman ni Griffin.

Ako rin! Gusto kong makakita ng kambal na bata, eh.

"Magpapadala nalang kami ng picture or sa kasal niyo na." Nakangiting sabi ni Ate Dakota.

"Sige, mauna na kami. Marami pa kaming pupuntahan," Paalam ni
Ate Jenesis. Bumeso siya saming dalawa ni Griffin at hinawakan si Tania. Ate Dakota did the same. "mag-iingat kayong tatlo. Stay in love."

Ngumiti kaming dalawa ni Griffin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang halikan niya ang kamay ko.

________

YAAAASS NAPAKACHAROT AT UNEXPECTED BA NG CAMEO NINA DAKOTA AT JENESIS? HIHI MISS KO NA KASI SILA, LALONG LALO NA SINA CADEN AT JASEN :((((

Epilogue na yung next chapter! Omg, handa na ba kayong tapusin ang kwentong to? :(

Continue Reading

You'll Also Like

6K 780 85
Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigilan ang isang bata sa kaniyang paglalaro...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
44.6K 1.9K 30
When people are telling you to leave, will you stay? Erika ListaƱa was happy being her gay best friend's pretend girlfriend. She intended to keep it...
708K 21.7K 31
Perfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pa...