THIRTEENTH

3.7K 204 47
                                    

Before you start reading this chapter, gusto ko lang mag thank you dahil naka 200k reads na ang The Protector ko. Thank you, guys! Sana suportahan niyo pa ang iba kong stories pati ang future stories ko.

Gusto ko kayong yakapin lahat! Mahal ko kayo! Thank you ulit!!!! *superduperultramega mahigpit hug*

PUNISHMENT

Future wife. Ha, lol!

Hindi naman mashadong matagal yung usapan namin ni Griffin sa skype. May shooting na kasi siya at inaantok ako. Mamaya daw pag-uwi ko, magvvideo call kami.

"Oh, tara na," Sabi ko kay Zeya. Pagtingin ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko. "Zeya, anong nangyari sayo?! Bat ka umiiyak?!"

Tumulo yung luha niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Spri..."

"Ha?!" Sabi ko. Bigla bigla lang siyang umiyak. "huy!"

"Trinity..." She sniffed. Inangat niya ang kanyang tingin at tumingin sakin. "tangina, Trinity. Yung Spring Day, di ko kinaya."

"Anong Spring Day?!"

"Bogoshipda, Trinity!" Umiyak pa siya na parang bata. "hayop talaga! Bat kailangan ganon tong kantang to! Nakakapunyeta! Ang sakit sakit sa puso ko!"

"Ano bang...." Dun ko lang napagtanto yung sinasabi niya. Agad ko siyang binatukan at pinitik sa noo. "napakawalanghiya mo! Akala ko kung ano na! BTS nanaman!"

"Mahal na mahal ko talaga ang Bangtan." Ngumuso siya bago pinunasan ang mga luha niya.

"Bang bangin ko yang pagmumukha mo eh," Umirap ako bago siya hinila palabas sa unit namin. "halika na nga, malelate na tayo eh."

"Huy, Trinity. Magrealtalk nga muna tayo bago tayo umalis." Sabi niya, seryoso din ang kanyang boses.

Hinarap ko siya. "Oh, sige, go."

Ano nanaman kaya ang irrealtalk niya sakin?

"Promise mo sakin," Sabi niya. "kapag yumaman ka, dalhin mo ako sa Korea! Hanapin natin ang Bangtan!"

Umirap ako. I groaned loudly before pinching her arm. "Nakakairita ka na!"

Tumawa siya bago ako hinila palabas sa unit namin. Nilock ko muna ang pinto bago tuluyang lumabas. Pagkalabas namin sa building ay nasa labas na rin si Kuya Cardo.

"Hello po, Miss Trinity at Miss Zeya." Sabi niya bago binuksan yung pinto ng van.

"Ay, sino to?" Bulong niya sakin.

"Bodyguard slash driver ni Griffin. Ihahatid tayo sa bar." Sabi ko naman.

"Ay, ang taray! Iba talaga basta girlfriend ng artista!" Tumawa siya bago sumakay sa van.

Napailing ako. "Hindi naman ako girlfriend." Bulong ko.

*****

After one week....

"Huy, nakauwi na raw sina Griffin kahapon." Sabi sakin ni Zeya habang nagtitimpla siya ng juice.

"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko habang piniprito ang manok.

Alam kong nakauwi na yun dahil minessage niya ako sa skype. Hindi pa siya nagmemessage sakin ngayon, baka nagpapahinga pa.

"Sinabi sa news," Sabi niya. "pero sure akong alam mo na, skype buddies kayo, diba?" Tiningnan niya ako at tinaas baba ang kilay niya.

Pabiro ko siyang hinampas. "Tumahimik ka."

"Ang landi niyo," Sabi niya. "gabi gabi ko kayong naririnig nag-uusap! Puro kalandian ang lumalabas sa bibig ni Torres, mumsh!"

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon