FOURTH

4.8K 202 11
                                    

HOME AND NEWS

Nasa kotse niya na kami, nagtataka lang ako dahil mag-isa siyang pumunta rito. Hindi ba usually may mga kasama ang mga artista kapag may pupuntahan sila? Hindi naman siguro lahat. Tsaka mukhang hindi strict ang manager niya, ah.

Nakabihis na ako ng white shirt at black tight jeans. Hindi ko pa suot yung shirt ng bar namin dahil baka madumihan o ano. Mamaya na pagdating ko dun.

Napansin kong pasulyap sulyap sa legs ko si Sir Griffin. Bigla naman akong naconscious. May problema ba sa jeans ko?

"May problema po ba?" Tanong ko sa kanya para matigil siya sa kakatingin sa legs ko.

Tsk, manyakis!

"Do you really have to wear that?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"What do you mean, Sir?" I asked.

"Tight jeans," He coldly said. "klaro ba ang pwet mo sa pantalon na yan?"

"P-Po?" What the hell? Anong klaseng tanong yan!

"Do you have extra jeans? Yung di tight?" Tanong niya bago niliko ang kotse.

Umiling ako. "Wala po."

He groaned. May pinindot siya sa screen ng kotse niya. GPS pala, tinype niya ang MOA at ipinakita naman ang daan papunta dun kay Sir Griffin.

Ano nanamang gagawin namin sa MOA?

****

"Sir Griffin, hindi mo ako kailangang bilhan ng je--.."

Natigil ako sa pananalita nang ilagay niya ang kanyang index finger sa aking mga labi.

"Stop talking, Miss Mendez. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin." Umirap siya bago binigay sakin yung paperbag na naglalaman ng isang itim na jeans mula dito sa H&M.

Nahihiya akong tanggapin yun dahil binili niya ito sa isang sosyal na store. Matatanggap ko pa kung sa ukay ukay niya lang ako binilhan. O kahit di niya na ako bilhan!

"T-Thank you, Sir."

"Don't you ever wear tight jeans when you're working at the bar, understood? Kapag nakita kitang nagsusuot ng tight jeans sa bar, I will undress you." Mariin niyang sabi habang naglalakad kami palabas sa H&M.

"Po? Eh pano kung madumi na yung pantalon na to? Parang tatlo lang ata ang jeans ko na di tight eh. Halos lahat kasi ng jeans ko, tight..." Mahina kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad at naglahad ng kamay. "Give me your phone."

"Bakit po?"

"Just give me your damn phone, Miss Mendez." Inis niyang sabi kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng aking bulsa.

Walang password yung cellphone ko kaya nabuksan niya ito kaagad. Buti nalang at disenteng picture na ni Song Joong Ki ang wallpaper ko. Dati kasi ay picture niya na nakatopless. Baka isipin na manyakis ako, diba?

"Ano pong ginagawa niyo?" I asked.

Sakto namang ibinalik niya na sakin yung cellphone ko. "Nilagay ko na ang number ko diyan, call or text me if you ran out of jeans. I'll buy you some. Hindi kita mabibilhan ngayon dahil kailangan ko nang umalis, may interview pa pala ako." He groaned like a kid before getting his phone.

"Interview para sa?" Curious kong tanong.

"New project." Tipid niyang sabi habang nagtatype sa phone niya.

"Ay," Sabi ko. "um, Sir Griffin, di mo na ako kailangang bilhan ng jeans. Ako nalang ang bibili, diyan sa ukay ukay. Mura lang dun eh."

Agad siyang tumingin sakin at tinago ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "Didn't you hear me when I said 'I'll do what I want to do' a while ago?"

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon