THIRTY SECOND

3.1K 105 14
                                    

PREGNANT

Knock down kaming tatlo nang makarating na kamo sa condo namin dito sa Manila. Wala na kaming energy magpalit ng damit at natulog na agad.

Charot, except sakin. I'm a mother now, so before I can really rest, I need to take care of my child first. Pinainom ko muna ng gatas si Tania bago ako natulog.

Kinabukasan ay napagdesisyonan namin ni Zeya na bumili ng kakailanganin ni Tania since konte lang ang dala namin galing New Jersey. Puno na kasi yung mga bag at boxes namin.

"Nga pala, tumawag sakin si Raven kanina. Libre niya raw tayo ng dinner mamaya." Sabi ni Zeya habang nagsusuklay ako. Karga karga niya naman ang Prinsesa namin.

"Naks naman talaga. Hindi kaya busy yon?" I asked.

"Tinanong ko siya pero sabi niya choks lang. Nagawa niya pa tayong isingit sa schedule niya," Sabi ni Zeya bago lumapit sakin. "bilisan mo nga, punyemas. Gutom na ako."

Umirap ako bago pinatong yung suklay sa desk. Tumayo na ako at kinuha si Tania mula sa kanya. Kinuha ko na yung baby bag at lumabas na kami sa kwarto ko.

"Dadalhin pa ba natin ang stroller ni Tania?" I asked.

"Shempre, mas convenient kapag may stroller tayong dala." Sabi niya bago kinuha yung stroller at tinulak yun palabas sa unit namin.

"Wow, convenient. Big word!" Tumawa ako.

*****

"Ssh, baby. Are you hungry?" Malambing kong sabi kay Tania.

Kanina pa siyang umiiyak dito sa restaurant na kakainan namin ni Zeya. Nakapag-order na kami at hinihintay nalang namin ang pagkain namin.

"Gutom na ata yan, Madersh." Sabi ni Zeya.

"Shucks, kailangan ko tong padedehin," Sabi ko bago tiningnan ang paligid. Jusko, ang daming tao! "Zey, pakikuha nung lampin ni Tania sa baby bag, please."

Tatakpan ko nalang ng lampin ang dibdib ko habang dumedede sakin si Tania. No choice, ayaw ko namang gutumin ang anak ko tsaka sobrang ingay niya na eh.

"Eto," Sabi niya sabay abot sa lampin. "sigurado ka bang..." Nginuso niya ang dibdib ko.

I sighed. "Kailangan eh."

Buti nalang at nasa corner kami kaya hindi mashado ako mapapansin pero whatever! Kahit mapansin ako, wala na akong pake. This is normal, being a Mother is normal.

"Griffin na Griffin talaga yung mukha kahit umiiyak, oh." Natatawang sabi ni Zeya.

Tiningnan ko si Tania habang inaayos yung lampin na gagamitin kong pantakip. Ngumiti ako. "Griffin na Griffin." Sabi ko.

"Iniimagine ko na kung anong mangyayari kapag nakita na sila. I want to see his reaction." Sabi ni Zeya.

Binaba ko na yung upper right ng suot ko pati ang bra ko. Buti nalang at nakasleeveless ako kaya mas madali. Tinakpan ko na si Tania habang dumedede siya.

"Ako rin," Sabi ko bago tumingin kay Zeya. "pero kinakabahan ako. Will he accept her? Natatakot ako sa sasabihin niya."

"Oo naman, damang dama ko na ang good vibes sa messages niya. I'm sure he wants to see his child." Zeya smiled.

I wish. Hindi kasi halata na tanggap niya ang anak namin, presko pa rin sa utak ko yung mga sinabi niya nung gabing umalis ako. Masakit pa rin.

"Pero kapag hindi niya tanggap," I sighed. "babalik na ako sa New Jersey."

"Tayo. Shunga, kasama kaya ako." Tumawa si Zeya.

"Baka kasi gusto mo pang magpaiwan dito," Ngumiti ako. "baka dito mo talaga sa Pilipinas makikilala si 'the one.'" Pang-aasar ko.

Beastly | #KNNotoriousWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon