SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

966 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - 사랑해
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 5 - APART

24 1 7
By KimSeungHae


Steph's Point of View

Mataas na sikat ng araw ang gumising sa akin, kinabukasan. Medyo inaantok pa ako kaya bahagya lang ng mga mata ko ang naididilat ko.

Bumangon ako mula sa higaan at ng makabangon ako ay naramdaman ko kaagad ang kaunting pananakit sa buong katawan ko. Di ko alam kung san galing 'to pero feeling ko talaga dahil 'to sa pag a-astral projection ko kagabi.

Tiningnan ko ang double-deck ng dalawang bruha at hindi nakakapagtakang wala na sila roon. Weekend, kaya wala kaming pasok pero infairness dahil mas maaga silang nagising lalo na si Angel na parang mantika kung matulog.

At nakakapanibago din talaga at inayos nila ung mga kama nila bago gawin ang mga gusto nila.

Lumabas ako ng kwarto ng dahan dahan dahil nga nanghihina parin talaga ang buong katawan ko.

"Sinangag?" Sambit ko ng bumangad sa akin ang napakabangong amoy ng ginigisang bawang.

"Oh, girl. Gising ka na pala." Tanong ni Jerra sa akin. 

Pero teka tama ba tong nakikita ko? Si Jerra? Nagluluto?

"Anong klaseng espirito ang sumanib sayo at nagluluto ka ngayon?" Pang-aasar kong tanong sa kanya.

"Grabe, sanib agad? Hindi ba pwedeng nagpapaka-wife material lang ako." Bwelta niya.

"WHAT? Anong pinagsasabi mong wife material eme dyan?" Sambit ko sa kanya.

"Of course as the one and only beautiful wife of Min Yoongi, kailangan ko itong gawin para sa future namin." Usal nito na medyo kinikilig.

"Ang taas naman ng pangarap." Sabi naman ni Angel na nagkakape sa lamesa.

"Manahimik ka dyan, Angel. Pinakelaman ba kita sa mga fantasies mo kay Jimin? Ano sagot! Sumagot ka!" Wika ni Jerra ngunit natawa na lang si Angel sa kanya na siya namang sinuklian nito ng pag-irap.

"Oh luto na. Kain na." Padabog na usal ni Jerra habang isa-isang nilalapag ang mga niluto niya sa lamesa.

Nakita ko ang mukha ni Angel at mukhang natatakam na rin ito sa mga nakahain sa lamesa.

"Mukhang masarap 'yan ah." Puri ko sa mga niluto niya.

"Well, masarap din ang nagluto." Pabiro niyang tugon.

"Manahimik ka na muna dyan, girl. Baka maduwal ako ng di oras." Asar naman ni Angel sa kanya habang ngumunguya.

"Oh? Bakit walang noodles. Sayang mukhang masarap pa naman yung kinakain mong noodles kagabi." Wika ko at nakita kong naweirduhan siya sa sinabi ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan, hindi naman tayo nagluto ng noodles kagabi." Depensa agad ni Jerra.

"Kaya nga e. Ang daya mo. Mag-isa mo lang kinain yung niluto mong noodles kagabi habang nanonood ng k-drama." Usal ko pa at nakita kong medyo nawindang siya.

"Steph, may lagnat ka ba? Hala baka kung ano na 'yan." Pang-aasar niya sa akin.

"Oh come on, Jerra. Alam kong alam mo ang sinasabi ko." Panunukso ko sa kanya.

"Hindi ko talaga sinasabi mo, girl." Pagtatanggol niya pa sa sarili pero halatang tensed na siya.

"Ah so gusto mo talaga i-detalye ko lahat ng ginawa mo kagabi?" Wika ko ngunit hindi siya umimik at tinaasan lang ako ng kilay.

"Bumangon ka kagabi. And then tinutukan mo pa kaming dalawa ni Angel ng flashlight. Tapos nagluto ka ng noodles and after that kumuha ka ng juice sa ref. Tapos umupo ka sa sofa, binuksan mo ang TV at inilipat mo 'yon sa KBS tapos While you were sleeping ang pinanood mo. And tumigil ka nung nasa episode 27 ka na." Salaysay ko sa kanya.

"Hoy! Hanggang episode 26 lang 'yon." Bwelta niya naman sa'kin.

"So, nanood ka nga?" Tanong naman ni Angel sa kanya and after 0.2 seconds ay narealize niyang siya na rin ang bumuking sa sarili niya.

Tama nga naman ang kasabihang..

Nahuhuli ang isda, sa sarili nitong bibig. 

Hindi nakapagsalita ng ilang minuto si Jerra dahil sa hiya. 

"Nauntog ka pa nga non sa kama nung bumangon ka mula sa higaan mo eh." Sambit ko na medyo ikinatawa ni Angel.

"Okay fine! Sige na, ginawa ko na 'yon." Pag-amin niya.

"See?" Wika ko.

"Eh paano mo nalaman 'yon, Steph? Kung tulog ka? So ibigsabihin gising ka rin that time?" Tanong naman ni Angel.

"Astral projection." Simpleng sagot ko na lang.

"R-Really? Nagawa mo?" Tanong muli ni Angel na sinuklian ko ng pagtango.

"Weh? Baka naman, gising ka lang noon at minanmanan mo lang talaga ako." Sabat naman ni Jerra.

"Kayong bahala, if you won't believe me." Sambit ko na lang.

Matapos nun ay nag almusal na nga kaming tatlo. Medyo marami rami ang nilutong sinangag ni Jerra na hindi ko maitanging masarap para sa isang first time na nagluto.

Natagalan kami ng bahagya sa kakakain. Ngunit maya-maya ay natapos din. Bilang ang kasunduan naming tatlo ay kung sinong mahuling kumain ay siyang maghuhugas. Kaya naman hinugasan ni Jerra lahat ng mga pinagkainan namin dahil siya ang nahuli.

Pabebe kasi kung kumain eh. Parang isang butil ng kanin bawat minuto. Jusko!

Matapos naming kumain ay umupo kaming dalawa ni Angel sa sofa at nanood ng TV.
Habang si Jerra ay naghuhugas ng plato sa kusina.

Maya-maya ay natapos din ito at umupo rin sa sofa kasama namin. Nagcecellphone lang silang dalawa hanggang sa mailipat ko ang channel na ang palabas ay isang movie. At kakasimula palamang nito.

Maliit ang nakasulat na title sa gilid ng screen kaya lumapit ako para basahin.

'Crazy Little Thing called Love'

Nang mabasa ko ito ay agad kong tinapik ang dalawang bruhang nagdudutdot ng cellphone para tanungin kung alam ba nila ito.

At saktong alam naman ito ni Angel pero si Jerra bilang taong kweba ay wala na namang kumuang-muang.

Kaya si Angel nalang ang nag inform sa kanya kung ano yun at sinabing isa si Mario Maurer sa mga cast nun.

Buti nalang at kilala naman ni Jerra si Mario at nahilig na itong manuod. Finally!

Kahit napanunod ko na ito ay the same kilig parin ang binibigay saken ng palabas nato. Nakakainis bakit naman kasi ang pogi ni Mario. Ehe!

At matapos nga kaming bigyan ng kung ano anong emosyon ng pelikula ni Mario ay back to nganga ulit kami.

Naisip kong maaga pa naman kaya gusto kong mamasyal sa mall.

"Guys." Tawag ko sa kanila.

"Oh?" Sagot ni Angel habang nagfefacebook.

"Gala tayo." Sambit ko.

"Go. Saan ba?" Sagot nito sa akin.

"Sa malapit na mall sa university naten, yung may mga dumadaan na mga koreanong pogi." Sagot ko habang nakangiti.

"Ay sige go. Ano, Jerra? Sama ka?" Tanong ni Angel kay Jerra.

"Ha ano? Sige go lang." Sabi ni Jerra.

"Anong 'go lang'? Ano bang sinabi ko?" Tanong ni Angel.

"Ha? Eh ano.. Ehh, ano ba sinabi mo?"

"Tamo! Lutang ka na naman dyan e. Sino na naman ba yan ha?" Tanong muli ni Angel sa kanya.

"Syi Yoongi! Ehe!" Maarteng sagot nito.

Nakita ko namang na-cringe si Angel sa sinabi nI Jerra at natawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Ilang segundo lang ang lumipas at nabigla ako ng pitikin ni Angel sa ilong si Jerra at saka tumakbo.

"Aray!" Sigaw ni Jerra habang hinihilot ang ilong.

"Tara na ligo na tayo." Usal naman ni Angel sabay punta sa kwarto para kumuha ng towel and then lumabas din siya agad at tumungo ng banyo.

Isa-isa na nga kaming naligo at kalaunan ay natapos din naman.

After nun ay siyang nagbihis na nga kami at matapos naming magbihis tatlo ay kumuha kami ng Grab para masakyan.

3 minutes pa bago dumating yung Grab pero bumaba na kami bago pa ito dumating dahil maglalakad pa kami palabas ng highway.

Nang nasa tabi na kami ng highway ay sakto namang dumating ang grab at isinakay kami. Mabilis lang ang biyahe dahil malapit lang naman ang mall na yun.

Nung pababa na kami ng grab ay sinabi ni Angel na siya na daw ang magbabayad nito kaya hinayaan ko na lang siya at bumaba na kaming dalawa ni Jerra.

Sumunod din naman agad si Angel matapos nun kaya pumasok na kami sa mall dahil sobrang tinititigan talaga kami ng araw. It's 12 noon. Maaliwalas ang kalangitan, wala ring kaulap-ulap at sobrang init.

Nang nasa loob na kami ng mall  ay ginutom na naman si Jerra at dahil dito ay napadaan kami ng saglit sa isang fast food chain.

Hinayaan naming maka order ng pagkain si Jerra. Inalok niya kami kung may oorderin kami ni Angel pero tumanggi kami dahil busog pa naman kami sa mga kinain namin kanina.

Matapos niyang maka-order ng pagkain ay tinake out nalang namin ito para mailubos namin ang oras sa pamamasyal. Nilibot namin ang buong mall at kung saan-saang dako kami dinala ng mga paa namin.

Umupo muna kami sa bench ng park na malapit sa mall.

"Oh ano na?" Sambit ni Angel.

"Saglit lang naman girl, nagpapahinga pa kami oh!" Sabi naman ni Jerra.

"Oo nga talaga to oh. Kauupo lang naten eh." Dagdag ko.

"Oo na sige na." Sambit nito pabalik.

"Guys." Pagtawag ni Jerra na nag paiba ng usapan.

"Oh?" Usal ko.

"May facemasks pa ba tayo? Parang wala na akong nakita sa drawer ah?" Tanong niya.

"Meron pa ata." Sambit ni Angel.

"Kahit?" Sabi ko.

"Anong kahit?" Tanong ni Angel na halatang hindi na-gets.

"Kahit.. Isa na lang yung nandon?"

"Oh! Atleast meron pa rin." Sabat nito.

"Ano yun? Paghahatian natin ung iisang facemask? Ay nako ha." Puna ko.

"Eh kung bumili nalang kaya tayo ano? Kaysa naglilitanya kayong dalawa dyan." Singit ni Jerra.

"Ayan nanaman siya, bigla-biglang sumulpot! Nakakagulat ka ,girl. Tara na nga bili nalang tayo. Tas uwi na pagkatapos. Let's Go!" Sabi ko.

At tumayo na nga kaming tatlo sa bench pagkatapos nun. Pumunta kami sa Etude House para mamili ng mga magagandang at bagong facemasks.

Matapos nun ay tulad ng napagdesisyunan kanina ay uuwi na kami matapos bumili ng facemask. Nagpabook na si Angel ng Grab habang naglalakad kami papalalabas ng mall.

Ilang minuto ang makalipas at dumating na nga ang Grab. Sumakay na kami at maya maya'y dahil sa pagod sa sobrang paggala ay di namin namalayang nasa tapat na kami ng university entrance.

At for the first time ay si Jerra ang nagbayad ng Grab na sinakyan namin which is very rare for her to do.

Umakyat na kami papunta sa dorm. Nang makarating ay umupo muna kami sa sofa at nanuod lang saglit ng TV dahil hindi pa naman ganun kalalim ang gabi.

"Girl!" Sabi ni Angel habang nakatingin saken.

"Ano?"

"Turuan mo ko.."

"Nang alin?"

"Nung ano?" Wika ni Angel na parang may pinapahiwatig na kung ano.

"Yung ginagawa mo."

"Yung ano nga?" Gigil kong sambit.

"That astral projection something na ginagawa mo." Sagot ni Angel.

"Huh? Eh diba ikaw pa nga ang sobrang nag-aalala sa akin kahapon dahil sabi niyo baka kung anong mangyari sa'kin." Turan ko naman sa kanya kaya medyo nag-isip ito.

"Well.. Wala namang nangyari sayo. So it means safe ang bagay na 'yan. Kaya teach me how to do it na. And feeling ko rin talaga kailangan kong matuklasan ang bagay na 'yan." Wika nito sa'kin.

Ewan ko ba kung bakit napaka-curious ni Angel. SInce highschool ganyan na talaga siya. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman ang isang bagay.

"Seryoso ka talaga?" Tanong ko pa muli sa kanya at sinagot niya lang ako ng pagtango. Kitang-kita ko sa mukha niyang determined siyang matuto.

"Okay, fine." Sabi ko at nakita kong napangiti siya nang marinig 'yon.

"Nice! Eh ikaw Jerra, sasam--" Hindi na natuloy ni Angel ang sasabihin niya ng makitang tulog na pala ang gusto niyang kausapin. Napatawa na lang kaming dalawa dahil naka-nganga siya habang tulog.

"Tingnan mo to oh. Nang-gigigil din ako dito eh. Tinulugan tayo." Sambit ni Angel.

"Hindi niya tuloy magagamit ung mga biniling mask. Kaloka." Dagdag ko.

Matapos non ay napagpasyahan na nga naming maghanda para matulog.. or should I say para mag-astral.

Since ayaw gumising ni Jerra sa sofa kahit anong pilit naming gisingin siya ay wala na kaming choice kundi ang pagtulungan siyang buhatin papunta sa double deck nila ni Angel. 

Nakakaloka ang bigat ng bruhang 'to dahil halos katumbas na siya ng bigat ng isa't kalahating sako ng bigas.

Nang mailipat na namin siya sa higaan ay naghilamos na kami ni Angel at ginawa ang mga skin care routines namin. Matapos nun ay nag apply na kami ng facemasks sa mga pagmumukha namin. Humiga na kami ni Angel sa mga kinauukalang kama namin.

"Oh girl, ano na?" Usal ni Angel habang nakahiga.

"Anong ano na?"

"The astral projection thing na 'yon. Ano pa ba?" Singhal nito.

"Oh.. Okay sige, let's start." Sambit ko.

Matapos nun ay ipinaliwanag ko lahat ng dapat niyang gawin para makapag astral at syempre kasama narin dun kung ano yung HINDI dapat.

"Ready?" Sabi ko.

"Certainly! Truly! Absolutely yes!" Sambit naman nito.

Matapos nun ay ipinikit na namin ang aming mga mata. At ilang sandali lang ang lumipas at iniluwa na ng physical body ko ang astral spirit ko. At nakita ko ang katawan ko na nakahiga at ng lumingon ako sa gilid ay nakita ko naman ang katawan ni Angel.

Hinintay ko ang pag-project ng astral spirit niya mula sa katawan  ngunit parang walang nangyayari. 

Tulog na ata? Suko ka na agad, girl?

Hanggang sa maya-maya'y may nakita na akong parang shadow na lumalabas sa katawan niya pero unlike sa typical shadow na black ay kulay puti ito.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang shadow na inilalabas ng katawan niya ay nagsisimulang magkaroon ng form. Parang nagiging hugis ng katawan niya ang puting aura na bumabalot sa katawan niya.

"Baklaaa!" Nagulat ako nang biglang may nagsalitang malahangin sa paligid.

Mas lalo akong nagulat nang nagmumula pala ito sa puting aura. Mas lumilinaw na ang form na hinuhulma ng aura na iyon.

"Baklaaa!" Muling mahangin na tinig na narinig ko ngunut sa pagkakataong ito ay nakita kung may parang bibig ang aura na nasa may bandang ulo.

Teka ito na ba ang astral body ni "ANGEL"?

Angel's P.O.V.

Blurred.. Blurred lang ang nakikita ko pero alam kong si Steph ang nasa harapan ko.
Nakita kong tila nakalutang si Steph sa ere kaya sa palagay ko ay na-eject niya na ang Astral Spirit niya mula sa pisikal niya anyo.

Kainis naman kasi! Why this isn't working?

"Baklaaa!" Malumanay kung sigaw muli.

Ewan ko kung bakit pero hindi ko kayang malakasan ang sigaw ko sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko siya kayang sigawan na tipong ikabibingi niya na.

"Angel? Angel! Ikaw nga." Sambit ni Steph na may halong galak.

"Girl! Tulungan mo ko hindi ako makaalis sa katawan ko. I think I'm stuck!" Sagot ko naman.

"Okay girl, listen to me."

"S-Sige."

"Okay, so imaginin mo lang na humihiwalay ang astral body mo sa katawan mo, isipin mo lumulutang ka lang at wala kang kama na hinihigaan ngayon. Go. Kaya mo yan!" Pagpapalakas ni Steph sa loob ko.

Ginawa ko lahat ang sinabi sa akin ni Steph. 

Ginawa ko lang ang lahat ng mga ito hanggang sa unti unting umangat ang Astral Body ko mula sa katawan ko. Unti-unti naring lumilinaw ang paningin ko at nakikita ko naring mabuti si Steph.

"Ayan na! Malapit ka ng makaalis kaya mo yan." Pang eencourage pa muli ni Steph sa akin na para bang nanganganak ako.

Ramdam ko na sa mga oras na ito na unti unti na akong lumulutang. Ito na ba talaga? Magagawa ko na ba talagang makapag- astral projection?

"Woah. Oh God! Parang nagagawa ko na siya. Eto na, eto na talag-- Oh wait. Wait! WAIT! NOOO!"

"Huh!" Malalim na buntong hinga ko matapos kong mahatak pabalik sa pisikal kong katawan.

Dali dali kong ginising si Steph pero dahil nga nasa astral state siya ay kung saan saan ako tumitingin habang tinatawag siya. Hanggang sa maya maya'y nagising na nga rin siya.

"Tsk! Kasi naman ih! Wag ka masyadong ma-excite. It could effect the inner peace in your mind. Saka mo na lang ilabas ang tuwa mo kapag nagawa mo na." Singhal niya sa'kin.

"Alright. FIne." Matamlay kong sabi.

"Okay, one more time. Again. DONT! BE! TOO! MUCH! EXCITED! Understand?" Sabi ni Steph with emphasis sa ilang words.

Para siyang triggered na dance instructor na nagtuturo sa akin ngayon. Haha!

"Fine. Hihiga na ako." Sambit kong muli.

Humiga na nga kaming dalawa ni Steph sa mga kama namin. And as usual ay mas nauna siyang muli kaysa sa'kin.

At maya maya ay nagsimula na naman ang nangyari kani-kanina lang.

"Okay.. Ayan na. Malapit ka ng makalabas sa katawan mo. Clear your mind. Kaunti na lang at magagawa mo na." Pagpapaalala niya sa akin.

"Okay.. noted." Sambit kong malumanay habang unti unti na akong nakakaalis mula sa katawan ko.

At di kalaunan ay tuluyan na ngang humiwalay ang astral body ko mula sa aking pisikal na anyo. And finally, I did it!

"Finally you made it! You can release it all.. with me! Okay. One. Two. Three! Ahh--" Pigil na tili ni Steph dahil sa pagtakip ko ng kamay sa bunganga niya.

"Pwe! Ano ba yan? Bakit mo tinakpan bibig ko?" Tanong niya.

"Eh baka kasi marinig tayo ni Jerra." Sagot ko naman.

"Girl. She can't here us. Because we're already in our astral forms. Hindi nga tayo nakikita ng mga taong nasa physical form eh. Maririnig pa kaya?" Paliwanag ni Steph sa akin.

"Oh well..  Ahhhhhhhh--" Putol na pagtili ko dahil tinakpan naman ni Steph ang bunganga ko.

"Tsk! Ano ba?" Singhal ko sa kanya.

"It's not because of that. Masyado ka kasing nangunguna.Dapat sabay tayo.." Usal ni Steph na siyang ikinangiti ko.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Magkasabay na tili naming dalawa ni Steph.

Nagyakapan kaming dalawa at tumalon-talon habang paikot-ikot para kaming mga baliw na hindi mo maintindihan. Samantalang si Jerra naman ay walang kamalay-malay sa mga pinag-gagagawa namin at patuloy pa rin sa paghilik.

Matapos naming mailabas ang lahat ng tuwa namin, ay inaya ako ni Steph na lumipad. Since according to him, isa daw 'yon sa mga nagagawa ng isang tao once na nasa astral state siya so sinubukan ko at namangha ako nang umangat ang mga paa ko mula sa sahig. 

Lumipad kami papaalis sa Dorm Building at iniwan namin ang hanggang ngayon ay humihilik paring  si Jerra.

Nilibot muna namin ni Steph ang buong campus ng unibersidad bago gumala na hindi naman sinabi ni Steph kung saan.

"Girl." Usal ko.

"Oh?" Sagot naman ni Steph

"San tayo pupunta?"

"Sa mga dorm ng lalaki, gusto mo? Maninilip lang tayo don." Pabirong sabi nito.

"Ang landi mo! But seriously, saan nga?" Tanong ko habang lumilipad kami na kasing taas ng isang 32 storey building na hindi ko man lang narealize na nakakalula.

Ewan ko rin eh pero parang nawala ang phobia ko sa heights nung lumilipad kami gamit ang mga astral body namen. Wala eh, we're enjoying it so much!

Sinundan ko lang si Steph kung saan siya pupunta. Hanggang sa nakita kong lumapag siya sa isang pamilyar na lugar.

"Anong ginagawa na'tin dito sa university garden?" Tanong ko sa kanya habang iginagala ang mata sa paligid.

Maliwanag naman ang buwan kaya kita ko pa rin ang buong garden kahit pa paano. 

"Let me show you something." Masayang wika ni Steph sa'kin.

Dinala niya ako sa gilid ng isang bulaklak at hindi ko alam kung anong ginagawa namin doon. Tumingin muna siya sa akin and then tinapik niya ang bulaklak. 

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mag-glow ang bulaklak.

"A-Ang galing. Paano mo 'yon nagawa?" Tanong ko sa kanya na puno ng pagkamangha.

"Try it yourself." Sambit niya.

Kaya naman ginawa ko rin ang ginawa niya, tinapik ko ang bulaklak at nag-glow din ito and after a few seconds mawawala din. Hindo ko alam pero nung mga oras na 'yon ay para akong bumalik sa pagkabata. Paikot-ikot lang ako sa buong garden habang tinatapik ang mga bulaklak.

"Sinong nandyan?" Sambit ng boses ng isang matandang lalaki sa paligid sa kalagitnaan ng paglilibot ko sa hardin.

"Andyan na naman siya." Nakita kong takot na wika ni Steph.

"S-Sino yun? Steph, sino yun?" Takot na tanong ko.

"Angel, tara na." Maikli niyang wika sa akin.

"Huh? Bakit? Anong meron?" Usal ko.

"Basta, tara na. Dali!" Sabi ni Steph na may bakas ng takot. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya.

Sabay kaming lumipad pa-itaas at lumayo mula roon. Nagpatuloy lang kami sa paglipad hanggang sa may makita kaming lugar na kumukutitap ang ilaw at doon kami lumapag.

"Teka? Ito yung mall na pinuntahan na'tin kanina lang diba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya makapagsalita dahil hinihingal siya sa nerbyos sa di ko malamang dahilan.

"Uy, Steph!" Tawag ko muli sa kanya.

"W-Wait." Hinihingal niya sabi.

Kaya naman hinintay ko munang tumila ang hingal niya bago ko muli siya tinanong.

"So, now. Can you tell me what exactly just happened?" Diretsahang tanong ko kaagad sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot.

"Yung matandang lalaking paparating na narinig mo kanina.. He can see us." Sagot niya.

"T-Talaga? Eh paanong nangyari 'yon? Di kaya multo or hindi rin siya nakikita katulad na'tin?" Tanong kong muli.

"Mahabang kwento pero hindi. Tao siya, it's just that nakakakita lang siya ng mga hindi nakikita ng normal na mata." Paliwanag sa akin ni Steph.

"Baka meron siyang third eye or something." Sambit ko.

"Siguro." Usal ni Steph.

"Eh bakit naman sobra ang takot mo sa kanya?" Tanong ko ulit.

"Last night, binalaan niya ako. Sinabi niyang wag na akong bumalik doon at delikado daw 'tong ginagawa ko. Di ko alam pero nasisindak ako sa kanya." Paliwanag muli ni Steph.

"Better siguro kung lumayo na tayo sa garden na 'yon para di na natin siya makita." Suhestyon ko at napatango na lang si Steph.

Nanatili muna kaming nakaupo don ng ilang saglit hanggang sa napagpasyahan naming doon na lang sa mall ipagpatuloy ang pagsasaya namin.

The FUN must go on.

At nang magkagayon ay nagsimula na nga kaming mamasyal sa loob ng  mall. Nagpaikot ikot sa mga hallway nito at nagpatagos-tagos kahit saang pader. Bumalik ang saya na naramdaman namin kanina. 

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa mapadpad sa isang tindahan ng mga malalaking LED TV. At saktong nakita naming dalawa ni Steph na isang Korea travel vlog ang kasalukuyan nilang piniplay sa isa sa mga TV na nakadisplay doon.

Ipinapakita dito ang mula sa pagboard ng vlogger sa eroplano papuntang South Korea hanggang sa paglapag ng plane nito sa Incheon Airport.

Nagpatuloy pa ng nagpatuloy ang vlog hanggang sa isang magkaparehong idea ang sabay na pumasok sa isipan naming dalawa ni Steph. Nagkatinginan kami dahil doon na parang magkakonekta ang mga isip namen.

"Girl, are you thinking what I'm thinking?" Tanong ko sa kanya.

"Absolutely." Sagot nito na halatang kuha niya ang ibig kong sabihin.

We are going to SOUTH KOREA!

Matapos nun ay napagpasyahan agad naming lumipad papalabas ng mall.

"But wait.  Asan ba ang papuntang airport? Alam mo ba, girl?" Tanong ko kay Steph.

"No. Pero teka uhm.. okay, alam ko na!" Usal nito habang nakitingin sa isang dumadaan na eroplano.

"What?" Tanong ko.

"Let's follow that airplane." Sambit ni Steph habang nakatingin pa rin sa eroplano na nasa alapaap

"Gaga ka ba? That's the most absurd idea that I've ever heard. Paano kung sa ibang bansa pala punta niyan, edi nagkaligaw-ligaw tayo?" Singhal ko kanya.

"Besides that meron ka pa bang idea?" Sabat nito pabalik sa akin.

"W-Wala." Nahihiya kong sagot.

"So let's get going then?" Usal niya sa akin.

Hindi na ako nakatanggi matapos nun at sinundan nga namin ang eroplanong iyon. Fortunately at natunton nga namin ang airport at dun nga papunta ang eroplano.

Tama si Steph.

Ilang kilometro lang ang layo nito mula sa mall kaya kakayanin ng Grab kung sakali. Pero since mga astral beings naman kami ay basic  na lang ang papunta doon kung babalik kami muli.

Pumasok na kaming dalawa ni Angel sa loob ng airport at dahil nga mga nasa astral state kami ay hindi na namin kinailangan ng kung ano ano para makapasok.

Agad kaming tumingin sa TV screen ng mga departing planes, at since international naman pala ang airport na ito ay hindi kami nagkamali ng punta.

Hinanap agad namin mula sa departure schedule ang mga eroplanong papunta sa Incheon, South Korea.

"GIRL!" Malakas na sigaw ni Steph.

"Ano yon? Ha? Ano?" Taranta ko namang sagot.

"Natapakan mo yung paa ko." Pabirong sabi nito.

"Hinayupak ka! Nakalutang tayo oh." Sagot ko.

Tinawanan niya na lang ako.

"GIRL!" Sigaw ko naman.

"Ano?" Kalmadong tanong ni Steph na naka poker face.

"Ang ganda ko." Pabirong usal ko.

"Ew." Sambit nito sa'kin at inirapan ko na lang siya.

"GIRL!" Sigaw muli ni Steph after ng ilang minuto.

"You can not fool me anymore." Usal ko.

"No, I'm serious. Look." Sambit niya.

At nang lumingon nga ako sa tinuturo niya ay nakita ko ang mga salitang..

Flight 2423 Incheon, South Korea - GATE 3 

Nagliwanag ang mata ko at halos lumundag ako sa tuwa nang makita ko yon. Hindi ko ma-express kung gaano ako kasaya ngayon. Napatingin lang ako kay Steph habang nakanganga dahil sa pagkabigla at sobrang excitement.

"So what are we waiting here? Tara na!" Excited na wika rin ni Steph.

Matapos nun ay tinunton namin ang kinaroroonan ng Gate 3 at doon ay naghintay.
At matapos ang tatlong minuto ay tuluyan na ngang nagtawag ng mga pasahero ang Gate 3 at nagsipila na ang lahat ng pasahero na karamihan ay mga koreanong pabalik na sa bansa nila.

Kaya naman gamit muli ang kakahayan ng mga astral body namin ay tumagos kami mula sa mahabang pila ng mga pasahero.

"Oh my God! This is it! Tara na bilis ayan na yung eropla--" Putol na sambit ko nang may biglang humatak sa kamay ko.

"Oh Steph? Bakit?" Tanong ko kung bakit niya hinatak ang kamay ko.

"Girl, anong oras na." Sambit nito.

"Anong sinasabi mo dyan? Girl, ayan na yung eroplano oh!" Sabat ko naman.

"Girl! Mag aala-una ng umaga na at ilang oras ang biyahe papuntang korea tapos idagdag mo pa yung pabalik. Baka akalain ni Jerra na kung ano nang nangyare sa'tin." Pangamba ni Steph.

"45 minutes lang ang papuntang korea. Tas kung pabalik edi bali mga isa't kalahating oras lang 'yon. Wala pang alas-tres ng umaga nandito na tayo. At tsaka isa pa sunday naman bukas." Paliwanag ko.

"Girl, 4 hours ang papunta don." Wika niya muli sa'kin.

"Okay lang yan. Let's go na kasi!" Pamimilit ko pa.

"Girl, ipagpaliban mo na'tin 'to. Siguro mga friday, next week. At para mayaya pa na'tin si Jerra na sumama sa'tin. Tsaka isa pa hindi natin siya nasabihan na gagawin natin 'to. Diba nga hindi nya alam. Baka mamaya kung sino sino pang tawagin nun." Sabat ni Steph muli.

"Tsk! Sayang kasi andyan na oh. Nanghihinayang ako." Malungkot kong sambit.

"It's okay. Mas masaya ang gagawin natin sa friday ng gabi dahil mas mahaba so mas fun ang gala naten to Korea. Tsaka diba nga isasama natin si Jerra. The more, the merrier!" Pagpapasaya ni Steph saken.

Wala na akong nagawa pa sa mga sinabi ni Steph at umalis na nga kami ng airport para bumalik sa dorm  namin. Medyo malayo layo ang nilipad naming dalawa ni Steph bago makarating sa entrance  ng unibersidad.

Nang nandoon na kami sa entrance ay napagpasyahan naming lakarin nalang ang hallway. May ilaw pa rin naman ang hallway kaya kita namin ang bawat hinahakban namin.

Nagchikahan na lang kami ni Steph habang naglalakad sa hallway papunta sa dorm namin.

Maya-maya'y sa di kalayuan ay may nakita kaming isang naglalakad na lalaki. Malabo ang imahe ng lalaki kaya hinintay namin itong makalapit.

Nagulat kami ng marealize namin kung sino ang lalaking naglalakad.

Park Ji Hyung

And since mga dakilang chismosa kami ay  sinundan lang namin ito kung saan siya pupunta at baka may matuklasan pa kaming dalawa about him. Who knows?

Where are you going ba kasi oppa? Hmp. Hmp. (Cringe!)

Ngunit tila wala na kaming matutuklasan sa kanya dahil mukhang pabalik na ito sa dorm niya kaya naman sinundan nalang namin siya.

Patuloy lang namin siyang binuntutan hanggang sa huminto ito sa isang pintuan at may dinukot sa bulsa. Nang nilabas niya ang kamay niya ay may susi na siyang hawak at sinusian niya ang pinto.

Susundan ko pa sana siya kaso pinigilan na naman ako ni Steph, bilang pambansang epal! Dahil nga daw 'ANONG ORAS NA' !

Kaya naisipan naming bumalik na nga sa dorm pero laking gulat namin ng nasa likod na pala namin pinto ng sarili naming dorm. At napagtanto naming katapat lang namin ang dorm ni Ji hyung.

Dahil nga anong oras na  daw ay minadali na naman ako ni Steph at dahil doon tumagos kami sa pinto ng dorm namin.

At nang makapasok ay pumunta na kaming dalawa sa kwarto at ihiniga na namin ang mga kanya-kanyang astral body  sa aming mga katawang pisikal.

Bago pa man tuluyang magsanib ang dalawang katawan ko ay di ko lubos maisip that he's just under our noses and we didn't even notice. We didn't notice that we're only one dorm apart.





Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.3K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
294K 8.8K 95
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
582K 8.9K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...