School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87.3K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"

65.5K 3.5K 1.5K
By Penguin20


"Dani, you're the best!" Malakas na sigaw ni Sophia nung magkita kami at mahigpit na yumakap sa akin. "Hindi ko inaakala na mapapasali mo sa BraveOrions si Darkshadow. At isa pa, sumali na rin kahapon si BlueQueen."

Walang nagawa si Darkshadow kun'di sumali sa family namin. Nakuha niya naman ang gusto niya, ibinigay ko sa kanya ang Stellar Gloves.

Bakit ko binigay iyon kahit rare item siya? Una, hindi naman siya nasusuot dahil isa lang siyang item. Pangalawa, hindi ko naman siya kailangan dahil wala naman akong paggagamitan. Pangatlo, napasunod ko si Darkshadow. Naisampal ko sa kanya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya ang batas. May mga pagkakataong mapapaikot ko siya sa aking palad.

"Wala 'yon, I just wanted to tease him. 'Di ko naman inaakala na gagawin niya talaga." Sabi ko kay Sophia.

"Pero Dani, sobrang thank you talaga! Ngayong nasa sa atin ang dalawa sa pinakamalakas na player ng Blue Waves University ay paniguradong makikilala na ang family natin. Dahil doon... May chance na maging competetive ang family natin at mapasama sa top family sa buong laro." Napapangiti na lang ako sa paliwanag ni Sophia dahil bakas talaga ang saya sa kanya.

"May kapalit 'yon, Sophia e," I looked at her.

Hinatak niya ang kamay ko. "Oo na! Sagot ko na ang lunch mo!"

There's a bond between me and Sophia na nabuo. Siguro, iba rin talaga ang friendship naming dalawa. Kahit pa sabihing sa online world iyon nabuo, we're still friends. Mas madalas ko na nga siyang kasama ke'sa sa bestfriend kong si Jace.

This past few days, maagang umuuwi si Jace dahil may mission daw silang tinatapos and he's preparing for the next school war. Wala pa ngang announcement pero naghahanda na sila.

Talagang pugad ng malalakas na manlalaro ang Red Ember University. They wanted to protect their title as the strongest school at SWO.

"Kailan ang Math competition mo, Dani? I will clear my schedule on that day." Sabi ni Sophia sa akin.

Takaw pansin pa rin talaga kapag kasama ko si Sophia dahil siya ang mukha ng aming school.

"Pare, yung princess ng CS at CON magkasama!"

"Two of school beauties are friends jeez! Para na akong maliit na patatas nito!"

"Nagpaplastikan lang yung dalawang iyan para makagawa ng ingay e."

Napapangiti na lamang kami ni Sophia kapag naririnig ang pag-uusap ng ibang tao. Kapag nakakarinig kami nang pamba-bash, we decided na huwag na lang itong patulan.

Hindi ko alam kung sino ang may pakana ng mga princess-princess na iyon pero nagsimula iyon ng i-publish sa school newspaper ang article about dito.

Nakalagay sa article na pumili sila ng pinakamagagandang babae sa kada-college and unluckily, isa ako sa napili ng kagaguhang iyon. They are calling me Princess of CS (College of Science) and they're calling Sophia as Princess of CON (College of Nursing.)

Ang baduy 'diba? Yes sobrang baduy. Kung ano-anong tsismis na lang ang ginagawa ng school publication namin.

"Next friday na nga e. Hindi naman ako kabado dahil tiwala naman ako na magbubunga ang ginagawa naming pagpa-practice." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Kumuha kami ng tray at doon nilagay ang biniling pagkain, umupo kami sa isang bakanteng table dito sa cafeteria. "Alam mo  Dani, ang talented mo. Unlike me, hirap ako sa pag-aaral."

"Ano ka ba, mahirap lang ang course mo. You have that pretty face na kagugustuhan ng lahat. 'Wag kang malungkot diyan." Pagpapalakas ko ng kanyang loob.

"Sana nga ay pangit na lang ako. People just only looked on my physical appearance, hindi nila kinikilala ang totoong ako," suddenly naging malungkot ang atmosphere.

"Ako. Kinikilala kita, Sophia. You're such an awesome person. You're not just pretty face dahil mabait ka rin. Kaya huwag na tayong magdramahan at kumain na tayo." Tumawa ako at napatawa ko na rin siya.

Akala ko dati ay sobrang perpekto ng buhay ni Sophia. Maganda, mayaman, mabait, matalino. Pero sa kabila nitong lahat, marami pa rin siyang insecurities at flaws na tinatago. Sobrang lack niya sa confidence at siguro iyon ang dahilan kung bakit siya naglalaro.

Matapos naming kumain ay umalis agad si Sophia dahil may klase pa siya. Ako naman ay maaga makakauwi ngayong araw dahil wala kaming practice. Laking tuwa ko nga nung hindi kami magpa-practice ngayon dahil hindi ko makikita ang pagmumukha ni Raydin.

Paglabas ko ng school ay naisipan kong kumain panandalian sa malapit na convenience store. I continously scan the chips para makabili. "Clover... Piattos... Nov--" hindi ko na naituloy ang aking sinasabi when I suddenly bumped into someone.

"Sorry." Sabay naming sabi. Nag-angat ako ng tingin para malaman kung sino iyon and tumingin din siya sa akin-- si Mateo. What a small world.

"We meet again," nakangiti niyang sabi. "It's the third time na nagkikita tayo but I am not properly introducing myself. I am Mate--"

"Mateo Gonzales." Kumunot ang noo niya na parang nagtataka kung paano ko siya nakilala, geez! Dani, bakit ka nadulas? "E-everyone knows you, varsity ka nang basketball team ng Northford."

Nalatango-tango naman siya. "Sa bagay, ikaw, anong pangalan mo?"

"Danica, but I prefer to be call Dani. Less girly." Sagot ko at napatawa naman siya.

"It's nice meeting you, Dani," kumuha siya ng dalawang clover sa lalagyan. "Mauna na ako, may gagawin pa ako. See you when I see you." Pagpapaalam niya.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, one of the greatest thing na mararamdaman ng isang fangirl ay makilala siya nang kanyang iniidolo. Ang saya sa pakiramdan. Umalis na si Mateo habang ako ay parang tanga na nakangiti sa convenience store.

Hindi ko favorite ang clover pero starting this day... Parati na akong bibili nito.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nag-online para ituloy ang aming misyon and this is the last day.

Pagka-online ko pa lang ay nandoon na sina Lucky at BlueQueen, they're patiently waiting sa iba naming kasama. Nakakaaliw pa rin pagmasdan na miyembro na ng BraveOrions si BlueQueen. She joined dahil na-enjoy niya raw ang company naminnat hindi dahil kay Darkshadow.

Sabi ni BlueQueen ay boss ang turing nilang dalawa ni Thatjerk kay Darkshadow. Si Darkshadow daw kasi ang tumutulong sa kanila magpa-level.

"Magaling din sa pagtataktika si Darkshadow. If he plan a specific thing, there's a high possibility that it will succeed." Pagmamayabang niya pa.

Makalipas ang ilang minuto ay nag-online na si Darkshadow, Katana, at Thatjerk kung kaya't napatigil na rin kami sa pagkukwentuhan.

"This is the last day of our mission, baka naman may pumalpak pa," sabi ni Darkshadow. "Basically, the final task for this day is to kill the mastermind nang gulong ito at kailangan din natin maubos ang mga bandido." Dugtong niya pa.

"Thatjerk, umalis ka na ngayon at  simulan mo ng magtanim ng mga bomba sa mga daan. Alam mo na naman kung saan maaaring dumaan ang mga bandido, doon ka magtanim." Utos niya.

"Roger!" Umalis na si Thatjerk.

"BlueQueen, Lucky, you will be the main defense in Northern part. Kayong dalawa na ang bahala sa mga bandidong nandoon.  Bantayan ninyo ang health bar ng isa't-isa dahil sa oras na may namatay na isa sa inyo, it will be a failed mission,"

"Okay!" Tumakbo na silang dalawa paalis.

"Kayong dalawa, kayong bahala sa easthern side. At ako na ang bahala na hanapin kung sino ang mastermind nang gulong ito." Utos ni Darkshadow.

"Bakit ba kailangan hanapin ang mastermind?" Tanong ko kay Darkshadow na ikinakunot ng kanyang noo. Tinunggo ni Katana ang balikat ko na para bang sinasabi na 'ano bang pinagsasabi mo?'

"Are you an idiot? How can we finish this mission if we will not kill the mastermind."

I grabbed my gun on my pocket at mabagal ko itong itinataas at tinututok sa isang tao. "So kailangan nating patayin ang mastermind?"

"Yes."

Hinila ko ang trigger ng baril at isang putok nang baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Marami ang mga nandito ang napasigaw sa gulat at sa bayolenteng aksyon na aking ginawa.

"What the fuck are you doing!? Kilala mo ba kung sino 'yang binaril mo?" Kinuwelyuhan ako ni Darkshadow at matalim na tinitigan. I just remain my cool dahil tama lang ang ginawa ko.

"If I am not mistaken, you said that we should eliminate the mastermind of this war.. Ginawa ko lang." Paliwanag ko habang tinititigan ang nakahandusay na katawan ni Fernando-- ang pinuno ng bayang ito. Siya yung kumausap at nakiusap sa amin na tulungan ang bayang ito.

Majesty successfully eliminated the mastermind!

Iyan ang message na lumabas kung kaya't napatigil si Darkshadow. "H-how did you know?"

"Nung tinulungan ko yung dalawang bata. Narinig kong pinag-uusapan nung dalawang bandido," I tapped his shoulder. "Alam mo, Darkshadow... Matalino ka, but I can outsmart you." I smirked on him.

Hindi naman sa nagyayabang ako pero gusto ko lang malaman ni Darkshadow na hindi siya ang boss sa grupong ito, I don't see myself following his order. Maybe, siya ang pinakamalakas na player and I respect him for that pero I have my ways. Hindi porke't mababa ang level ko ay hindi ko na kayang makipagsabayan sa kanila.

"Ano, tatayo ka na lang riyan? We need to eliminate those bandits para matapos na ang misyong ito." Sabi ko kay Darkshadow at naglakad na ako palabas ng evacuation center.

Ilang oras din kaming nakipagbakbakan bago namin sila tuluyang naubos. Natapos namin ang misyon and napayakap kami sa isa't-isa nina Lucky dahil sa wakas, maaga na rin kaming makakatulog. Lagi kaming nagpupuyat para lang sa misyong ito.

Mission complete!

Matapos ang misyon ay bumalik na kami sa school. Pinaghati-hatian namin ang mga items na nakuha namin at hindi masamang ideya na sumama ako sa kanila dahil ang dami kong items na nakuha na mahal kapag binenta.

Pinagtitinginan kami ng maraming estudyante pagkabalik sa school.

"BraveOrions? Is that a family?"

"BraveOrions? Unang group sa school o em gee! Gusto ko sumali!"

Naging kilala ang family namin dahil nandito si Darkshadow at BlueQueen. Tama nga si Katana, it will be a great opportunity para maparami agad ang member ng BraveOrions. Pero siyempre, sasalain mabuti ang mga makakapasok sa family na ito.

We wanted BraveOrions to be the top family here at Blue Waves University.

Pagdating namin sa hall ay tumingin ako sa announcement board para malaman ang mga latest issues sa laro. Ang tagal ko rin kasing nawala rito sa BWU kung kaya't feeling ko ay napag-iiwanan ako sa mga issues.

Sisilip pa lang ako sa announcement board ay malakas ako na tinulak ni Darkshadow kung kaya't napasubsob ako sa sahig. "Tabi, nakaharang ka." Sabi niya at siya ang tumingin sa Announcement Board.

Masama ko siyang tinitigan. Parang gago naman ang tao na 'to, ang laki-laki ng space at hindi naman siksikan pero tinulak ako.

Pinalampas ko na lang iyon at tumingin sa announcement board. Isang announcement ang pumukaw sa aking attention.

"Second School War... Soon!"

***---***---***---***

BraveOrions (Pronounce as "Brave O-ra-yons" not oryons.)

Gusto ko lang ipaalam na hindi ako makakapag-update bukas at sa wednesday dahil nasa bahay ako ng kaklase ko. Gagawa kaming projects so wala akong mata-type.

Continue Reading

You'll Also Like

870K 1.6K 1
『Complete | Under editing』 EDITING
3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
29.9K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
295K 20.9K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...