School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 17 "Be part of us"

65K 3.7K 835
By Penguin20

"Ano? tatanggapin mo ba yung inaalok sa'yo ni Darkshadow, Dani?" Tanong sa akin ni Sophia habang nandito kaming dalawa sa cafeteria. Parehas naming vacant kung kaya't nagkita kaming dalawa.

"Lelang niya," sagot ko at sumubo nung vanilla Ice cream na binili namin kanina. "Hindi matatapatan ng pera ang item na iyon. Nagagalit pa siya sa'kin nung una dahil tinulungan ko yung NPC na si Eba tapos ngayon ay bibilhin niya ang gloves na nakuha ko."

Nanggigil talaga ako kay Darkshadow na iyan. He's ordering me na ibigay ko raw sa kanya ang stellar gloves na nakuha ko kapalit ng 50,000 pesos na pera sa game. Ako ang naghirap doon, sa aking ideya na tulungan si Eba kung kaya't hindi ko basta-basta ipamimigay iyon.

"Sayang 'yon, hindi ka basta-basta makakaipon ng 50k sa laro," sabi ni Sophia.

"Pero mas hinding-hindi ka makakakuha agad ng mga rare items." Dugtong ko at napatango-tango siya na parang nakuha niya ang nais kong ipunto.

Napatigil kami sa pag-uusap nung biglang dumating si Jacw at umupo sa tabi ko. "What's up, girls?" He said to us. Hindi niya dapat malaman na parehas kaming naglalaro ni Sophia ng School War Online.

"Mauna na 'ko. I have a class to attend to bye Dani!" Sabi ni Sophia at naglakad na palayo.

Tumingin ako kay Jace at puno nang pagtataka ang kanyang mukha. "May galit ba sa akin iyon at umalis?" Tanong niya at umiling ako. "Pero teka nga, Dani! Kailan pa kayo naging close ni Sophia?! I mean, she's the face of our school at anak siya nung school owner. Ikaw ha, big time na ang mga kaibigan mo."

"Siraulo, malamang magkakilala kami dahil parehas kaming naglaban sa miss Intrams. Ngayon nga lang kami naging close." Paliwanag ko.

"Speaking of miss Intrams, gusto ng mga kaklase natin ikaw na lang ang lumaban ulit sa pagea--"

"Hindi na ako pwede, ako ang cabdidate last year. At hindi rin ako payag." Ayoko ng sumasali sa mga pageant-pageant na iyan dahil sa tingin ko ay hindi naman ako pang-ganoon. Ayokong-ayoko rin na naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha kaya hindi na ako sasali ulit.

"Maiba tayo bestfriend, ayaw mo ba talagang maglaro ng School War Online? Makakahabol ka pa sa level," muntik pa akong mabilaukan sa chips na kinakain ko at mabilis akong inabutan ng tubig ni Jace. "Ano, okay ka lang?"

I drink a plenty of water bago sumagot sa kanya. "Oo, okay lang ako. 'Diba nasabi ko na sa'yo na studies lang ang focus ko ngayon at isa pa, may contest akong sasalihan so I should do my best lalo na't malapit na iyon. Hindi ko na kailanhan ng distraction." I lied, kailangan kong makaisip ng ibang topic na aming pag-uusapan. "Kumusta ang birthday ni tita?"

Mabuti at kumagat si Jace at iyon ang naging usapan namin dalawa.

Matapos ang mga klase ko ay tumungo na ako sa may library para mag-practice. Medyo nalulungkot na nga ako dahil pakiramdam ko ay nagkakaroon na ng distant sa pagitan naming dalawa ng aking bestfriend. Pero 'di bale, sa oras na matapos itong contest ay babawi talaga ako sa kanya.

Pagkapasok ko sa library ay nadatnan ko si Erica ko sa iisang sulok at nagbabasa ng Calculus II na libro. "Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

Inilapag ko ang aking gamit at umupo sa kanyang tabi, nagbuklat na rin ako ng libro upang simulan ang pagbabasa. "Hindi kararating ko lang din,"

"Nasaan yung mokong, wala na naman?" Tanong ko sa kanya.

"Actually tinanong ko na 'yan sa mga kaklase niya kung bakit parating wala si Raydin this past few days. Big time naman pala ang lolo mo," pagsisimulang magkwento ni Erica, naintriga ako sa kanyang sasabihin kung kaya't saglit kong binaba ang libro kong binabasa.

"Anak pala siya nung may-ari ng Stargame co. Ltd." Sabi ni Erica sa akin.

"Totoo ba?!" Gulat kong tanong at hindi mawala-wala ang pagkamangha ko.

As a computer science student, pamilyar ako sa mga gaming company and Stargame co. Ltd. Is one of the famous gaming company here at the Philippines. Marami sa amin ang nangangarap na makapasok sa kumpanyang iyon.

The bell rang at tiningnan ako nung librarian. "Dani, ikaw na naman ang maingay."

"Sorry po."

"Yes and he's usually not around the school dahil tine-train siya na siya para mag-take over sa business nila. Sa totoo nga lang ay hindi na kailangan mag-aral ni Raydin dahil ang yaman na nila at ang talino niya pa." Kwento sa akin ni Ericka.

Akalain mo nga naman, big time pala yung bwisit na lalaki na iyon. Actually mayabang ang tibgin ko kay Raydin pero parang nag-iba ngayon dahil ni-minsan ay hindi niya pinagyabang ang tungkol sa pagiging anak niya nang may-ari ng Stargame Co.Ltd.

Hindi na kami nagkwentuhan ni Erica at nag-focus kami sa pagre-review.

Napatigil kami nung bumukas ang pinto ng library at pumasok ang isang lalaki. Napukaw niya ang atensyon nang lahat ng naririto. He's wearing a black tux at nakaayos ang kanyang buhok. May hawak rin siyang isang brief case na kala mo'y galing sa isang meeting-- si Raydin.

Hindi ko inaasahan na papasok siya ngayon.

"What?" Kunot noo niyang tanong sa akin. "Na-miss mo ba ako kasi wala kang makokopyahan?"

Nawala ang pagkamangha ko at mabilis akong napasimalmal. "Ay ang kapal talaga ng mukha."

He loosen his nectie at kumuha ng libro at nagsimulang mag-review. Mukhang sobrang stress o puyat niya dahil sa laki ng kanyang eyebags. May pimples din siya sa kanyang kaliwang pisngi.

"Libro ang binabasa, Dani, hindi ang mukha ko. Stop inspecting me na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan." Sabj niya kung kaya't bumalik ang pokus ko sa libro.

"Wala kasing pinagkaiba ang mukha mo sa libro e, parehas makapal." Mapang-asar akong ngumiti pero ako lang ang naaasar dahil hindi ko magawang mapainis itong si Raydin.

Alas-singko nang hapon nung matapos kaming mag-practice and I bid a good bye to Erica. Kay Raydin? Hayaan na lang siya, wala akong pakialam sa buong existence niya.

Naglalakad ako papunta sa school gate nung may gumulong na bola sa paanan ko. Napukaw ng bola ang atensyon ko at dahan-dahan itong pinulot.

"Sorry miss," a manly voice speaks. Napatingin ako sa kanya at nagsimulang kumabog ang aking dibdib. The way he smile, the way he brush his hair, sobra talagang perpekto ng lalaking ito-- si Mateo. "Pwedeng makuha yung bola?" Tanong niya.

Hindi pa rin mawala ang titig ko sa mukha niya. "Miss..." He waved his hand on my eyes kung kaya't nabalik ako sa katinuan.

"H-ha? Eto na," sabay ko ng bola at pailing-iling na tinanggap ito ni Mateo habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Salamat," tumakbo na siya paalis pero bumalik din at tiningnan ang mukha ko. "Wait, nagkita na ba tayo?" Kunot noo niyang tanong.

"A-ako rin ang nag-abot nung bola sa'yo last time." Sagot ko, sa sahig lang ako nakatingin dahil hindi ko magawang magkaroon ng eye contact sa kanya.

"Ahhh kaya pala. Oh well, nice meeting you. See you around," tumakbo na siya palayo dahil nagsimula na siyang tawagin ng kanyang mga ka-team.

Ako? Nawala lahat ng inis ko kay Raydin dahil sa nangyari. Oh freaking gosh! Kinausap ako ni Mateo, is it real? It's just... Ugh! Ang sarap sa pakiramdam!

***

Palundag-lundag akong umuwi sa bahay at hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. "Napapaano ka bang bata ka? Para kang siraulo riyan." Sabi ni mama nung makita ako.

"Wala lang 'ma!" Sagot ko.

Sabay kaming kumain ni mama, hindi na namin hinintay si papa dahil mukhang nag-overtime ito sa kanyang trabaho.

Pagkatapos kumain ay tumingin ako sa orasan, malapit ng mag-alas otso. Umakyat ako ng kwarto at sinuot ang nerve gear sa aking ulo.

Nag-online ulit ako at pumasok sa mundo ng School War Online.

Pagka-online ko ay sina Katana, Lucky, BlueQueen pa lang ang nadadatnan ko na nag-uusap sa isang bench dito sa evacuation center.

Nandito pa rin kami sa Isolated Town at eto na ang pangalawang araw sa misyong ito.

"Welcome back, Majesty," Lucky said to me.

"Ang cool nang nakuha mong item kahapon ah! Ang dalas mong makakuha ng rare item!" Sabi sa akin ni BlueQueen. Medyo awkward pa rin talaga ang suot ni BlueQueen na sports bra lang sa pang-itaas.

The way she dressed is quite revealing but it makes her look bolder and cooler.

"Sinuwerte lang ako." Nakangiti kong sagot.

Mayamaya pa ay dumating na si Thatjerk at makalipas ang ilang segundo ay nag-online na rin si Darkshadow.

"Napag-isipan mo ba ang alok ko sa'yo?" Tanong sa akin ni Darkshadow. He's not looking at me dahil nakatingin siya sa magulo at sira-sirang mga gusali rito sa Isolated Town.

"Yes and my answer is no." I smiled on him. I saw he clenched his teeth pero anong magagawa niya? Ako ang nakakuha sa item na iyon, may karapatan ako doon.

Thatjerk: Are you serious? Mas mabuti kung pumayag ka na lang sa hiling ni Darkshadow dahil matagal na niya 'yang hinahanap para ma-strengthen niya yung sniper niya.

Naka-received ako ng private message mula kay Thatjerk pero buo ang desisyon ko.

Nakarinig kami ng pagsabog, ibig sabihin ay simula na naman ng gulo at barilan.

Bumuntong hininga si Darkshadow. "Everyone, position!" Malakas niyang sigaw.

Tumakbo na kami palabas ng evacuation center at sinimulan ang bakbakan. Puro pagsabog, putok ng baril, at apoy na unti-unting sumisiklab ang makikita sa buong paligid.

Ilang oras din kaming nakipaglaban sa mga bandido bago namin sila tuluyang napuksa lahat. It becomes easy for us dahil may team work kami, malaki rin ang pakinabang ni Thatjerk dahil maraming bandido ang napapatay sa bawat pagtatanim ng bomba na kanyang ginagawa.

Humihingal kaming nagkatinginan lahat at natapos na namin ang ikalawang araw.

"I will buy you the gloves... 100,000 pesos. Last offer." Sabi sa akin ni Darkshadow na ikinagulat ng lahat... Maging ako. I mean, 100,000?! Ang hirap mag-ipon ng pera rito sa laro at ibibigay niya talaga iyon para sa isang item.

Pinag-isipan ko itong mabuti, naisip ko, wala naman akong paggamitan no'n at mukhang kailangan na kailangan niya talaga ito. "Ibibigay ko sa'yo ang gloves, sa isang kundisyon." Nakangiti kong sabi.

Kumunot ang noo ni Darkshadow.

Saglit kong pinunas ang madumi kong kamay sa aking damit at inalok siya ng shakehand. "Be part of our family. Be part of BraveOrion and I will give you the Stellar Gloves... For free."

Actually mas maganda pang maging part si Darkshadow ng family namin. Honestly, hindi ko rin naman gustong makatanggal ng ganoong kalaking halaga galing sa isang tao. Gusto kong nacha-challenge ako sa paglalaro ko. Gusto kong pinaghihirapan ang mga bagay-bagay.

Tumingin sa akin si Darkshadow. His cold stare, para akong nilalamon nito. Mayamaya pa ay inabot na rin niya ang kanyang kamay.

Nung nagtama ang paningin naming dalawa ay nginitian ko ito.

"Welcome to the BraveOrions family... Darkshadow."

**---**---**

Ang lakas ninyo sa'kin, eto na nga ang update haha!

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 174K 69
Her name is Cindy Gonzales and this is her journey to Music Academy.
7.2M 432K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
99.3K 8K 71
"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briannova Carlos found themselves tangled up a...
184K 5.2K 34
A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.]