BROKEN STRINGS (COMPLETED)

By SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... More

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #11: CHERRYPOP

389K 5.4K 876
By SweetKitkat

BS #11: CHERRYPOP

******

MELISSA QUIZON

Pag-alis ko sa ospital nila Eugene ay dumiretso na agad ako sa Eskwelahan ni Reid. Alas-kwatro na kasi at uwian na niya iyon. Naging mas aktibo ako sa paligid ko. Kinakabahan ako kapag may sumusunod na sasakyan sa tricycle na sinasakyan ko. Mas lalo akong kinakabahan kapag naiisip ko na si Wright ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Nagbayad ako kay manong bago bumaba ng tricycle niya. Pagkatapos ay naglakad na ako palapit sa may entrance gate. Bawal pumasok ang mga magulang doon kaya may nagbabantay na mga gwardiya. Maganda talaga ang napili kong eskwelahan sa anak ko, hindi ako nag-aalala pagdating sa seguridad. Binuksan ko ang payong ko dahil mainit pa rin ang panahon.

"Mommy!" Napatingin ako sa may gate. Kasabay ni Reid ang ilang mga estudyante na naglalabasan. Pumunta ito sa gwardiya at itinuro ako, agad naman siyang pinalabas. Lumuhod ako para magpantay kami. Tumakbo ito palapit sa akin habang hila-hila ang bag. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Parang gumaan ang pakiramdam ko nang mayakap ko ang anak ko. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong muli ang maliliit na bisig nito na nakapalupot sa aking leeg. Alam kong hindi siya sumasama sa mga taong hindi niya kilala pero naroon pa rin ang kaba sa aking dibdib.

"Hi, baby ko." Inilabas ko ang bimpo sa bag ko at saka pinunasan ang pawisang noo nito. "Kamusta?"

Pinakita nito sa akin ang braso na punong-puno ng star. Ginulo ko ang buhok nito. Matalino talaga ang anak ko.

"May family day daw po kami sa friday, Mommy." Masayang sabi nito. Kinuha niya ang bimpo sa kamay ko at ako naman ang pinunasan niya ng pawis sa noo. "Uh, Mommy, okay lang naman na tayong dalawa lang 'diba? Okay lang naman kahit wala akong Daddy basta lagi kitang kasama saka si Tito Eugene."

Tinitigan ko ito. Mali ba ang naging desisyon kong 'wag ipaalam sa kanya ang totoong ama niya? Hindi ko ba nabuo ang pagkatao niya? Mali ba ako kung gusto ko lang naman ay protektahan ang anak ko sa sakit na maaaring idulot sa kanya ng tatay niya. Alam ko, dadating ang panahon na hahanapin niya ang tunay na tatay niya pero hindi ko alam kung aan ako hahanap ng salita na hindi siya masasaktan dahil gusto siyang ipalaglag ng tatay niya.

"Reid.." Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti. "'Di ka ba naiinggit sa mga kaklase mo na may Daddy?"

Umiling ito. "Ayoko kung ang kapalit n'un ay lagi mong pag-iyak, 'My."

Niyakap ko siya ng mahigpit para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko. "Ang sweet ng baby ko."

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ito hinarap muli. Pinagtama ko ang mga ilong namin bago tumayo. Ako na ang humatak sa bag nito. Humanap kami ng tricycle. Ngayong kasama ko si Reid ay mas lalong dumoble ang kaba ko na baka magpakita si Wright at kunin ang anak ko sa akin. Dinala ko si Reid sa Jolibee at nag-takeout ng chicken Joy. Reward niya iyon dahil naging magaling siya sa school.

Hindi ko inaalis si Reid sa tabi ko. Kung sakali mang bibitiw ito sa kamay ko ay agad ko siyang hahanapin. Ayoko. Ayokong sa isang iglap ay mawala siya sa tabi ko.

Pagkauwi namin ay agad kong inayos ang pagkain. Samantalang si Reid naman ay pumasok sa kwrato niya para magbihis. Nagsaing muna ako bago magbihis. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko agad si Reid na nasa harapng TV habang hawak ang controller. Fstration niya talaga ang video games. Hinayaan ko muna siya na gawin iyon. Bata, kaya syempre, pagbibigyan.

Pagkaluto ng sinaing ay tinawag ko na siya para kumain. Agad naman siyang tumalima, ikinuwento niya sa akin ang kaganapan sa school nila kanina. Si Thunder daw kasi ay nakapagpaiyak ng batang babae. Si Thunder ay bestfriend ni Reid. Pareho silang masungit, ewan ko ba, magkadikit na ata ang pusod nilang dalawa. Pagkatapos niyang kumain at iligpit ang pinagkainan namin, umupo na siya sa harap ng TV at hinawakan ang controller. Napahilamos nalang ako sa mukha ko.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa tabi niya. "Reid, tama na 'yan. Assignments muna." 

"Later. Multiplication lang naman po." Walang ganang sabi nito at hindi tumitingin sa akin.

"Ang yabang." I mumbled. Alam kong matalino siya pero ayaw ko pa ring nagpapabaya siya sa pag-aaral. "Three times Two?"

"Six." Parang tamad na tamadna sabi niya.

"Four times Nine?"

Medyo matagal itong nag-isip. Sa tingin ko ay ginagamit nito ang technique na tinuro ko sa kanya. "Thirty-Six."

"Six times Three?"

"Eighteen." Pinindot nito ang Pause at saka timingin sa akin. "Mom, I'm at the middle of the game."

Nakaisip ako ng plano para gawin nito ang homeworks niya. "Pagnatalo kita, gagawin mo na ang assignments mo."

"Deal. Anong laro?"

"Street Fighter." Mayabang kong sabi. Iyon lang kasi ang alam kong video game. insan nga ay natatalo pa ako ni Reid kapag naglalaro kami nun.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Muntik pa akong mapasinghap dahil si Wright ang nakita ko nang gawin niya iyon. "Guile."

Tumikhim ako at saka nagbuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. Tumingin ako sa TV Screen atsaka pumili ng character.

"Gouken." Sabi ko. "Game start."

Sinimulan namin ang laro. Hindi naman talaga ako marunong sa video game na ito. Pero dahil ini-imagine ko na si Wright si Guile ay nagiging desperado akong patamaan ito at bugbugin.

Napatayo si Reid nang mapatumba ko ng left hook ang character nito. Napasigaw siya ng lumabas sa screen ang K.O. "Woah! Mom! You're super!"

"What? You think women can't play games like that? Think twice, Son." Pagmamayabang ko. Tinuro ko ang pinto ng kwarto niya. "Do your homeworks."

"Oh, man!" Kinamot nito ang batok at nanlalatang naglakad papunta sa kwarto niya. I don't wanna spoil him kahit na nag-iisang anak ko siya. Gusto ko magkaroon siya ng disiplina sa sarili.

Alam ni Reid na aalis ako. Binasahan ko muna siya ng Don Quixote hanggang sa makatulog siya. Ilang minutokong pinagmasdan ang mukha nito habang natutulog. Talagang mahahalata ang malaking pagkakahawig nila ni Wright. Paano ko pa mai-deny na hindi siya anak ni Wright kung sa unang tingin palang ay alam mo na kung sino ang kanyang ama.

Hinalikan ko ito sa noo at hinaplos ang pisngi bago dahan-dahang isinarado ang pintong kwarto niya. Naglakad ako papunta sa may sala. Naroon ang nakaupong si Minerva. Ang inatasan kong magbanatay ng bahay at lalong-lalo na kay Reid.

"Minerva, ikaw muna ang bahala sa anak ko, ha? Babayaran uli kita sa pagbantay sa kanya." Bilin ko rito. Kahit na siya ang pinagkakatiwalaan ko ay hindi pa rin maalis sa sistema ko ang kaba na baka pag-uwi ko rito ay wala na ang anak ko. "'Wag na 'wag mong pagbubuksan ng pinto ang mga 'di mo kilala."

Si Minerva ay anak ni Aling Mising. Siya ang panganay sa kanilang pitong magkakapatid. Mahirap ang buhay nila dahil marami silang pinag-aaral ni Aling Mising. Kaya dahil mabait naman si Minerva at ilang taon ko na siyang kapitbahay ay siya ang kinukuha kong babaysitter kapag may gig ako. Mabait siya at matulungin sa nanay niya, ang sweldong tinatanggap niya sa akin ay ibinibigay niya sa nanay niya para sa gastusin.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay mas lalong tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Pero kung hindi ko ito gagawin, mababawasan ang allowance namin ni Reid. May Family Day pa naman ito sa biyernes at alam kong gastos iyon. Kaya ko ito ginagawa ay para maibigay ko sa kanya lahat ng pangangailangan niya.

"'Yung bilin ko, ha? Twelve Midnight na ako makakauwi."

Tumango ito. "Opo, Ate. Ingat po."

"Salamat." Sabi ko. Isinara nito ang pinto nang makalabas ako. Tsinek ko muna kung in-lock ba nito ang pinto. Nang makasigurado na ako, pumara na ako ng taxi para maghatid sa akin sa bar na sinasabi ni Crissa.

Iniabot ko sa taxi driver ang bayad ko bago ako bumaba. Isang eksklusibong bar ang CherryPop Bar. Puro kilalang personalidad ang mga miyembro nila. Hindi nila pinapapasok ang hindi nila miyembo. Big Time pala ang bar na pagtatanghalan namin ngayon nila Crissa. Paniguradong malaki nag kikitain namin dito.

Sinabi ko sa Bouncer na isa ako sa mga magpeperform sa naturang bar. Tiningnan niya muna ang gamit at ID ko bago ako papasukin. Sumalubong sa akin ang lakas ng musika, marami-rami na ang tao at marami na ring nagsasayaw sa dance floor. Sa ilang taon ko ng pagpeperform sa mga bar ay nasanay na ako sa amoy niyon.

Ang hindi lang ako naging komportable ay yung pakiramdam na may tumitingin sa akin. Kapag daw kasi mainit yung likod mo, may nakatingin daw sayo. Iginala ko ang mga mata ko sakaling makita ko kung sino ang tumitingin sa akin.

"Melissa!" Napatingin ako sa gawi kung saan narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Tumatakbo si Ellyza papunta sa akin at mahigpit akong niyakap. "Mabuti naman at 'di kana namumutla."

Nasa likod nito si Nadine, nag-highfive kami ni Nadine.

"Uh, nakapagpahinga na ako, e." Dahilan ko.

Hindi pa rin ako komportable. Parang may tumititig talaga sa akin. HInahap ko kung saan.. Tumingin ako sa iba't-ibang gilid ng bar. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang isang bulto na nakasandal sa bar tool habang may hawak na alak sa kanang kamay. Hindi ko makita ang itsura nito dahil sa dilim pero alam kong sa akin siya nakatingin. Naningkit ang mga mata ko.

"Alam mo ba, usap-usapan ka sa faculty kanina. Bakit mo ba kasi pinagsaraduhan ng ganun si  Wright? Napakagwapo niya sa personal!" Nakuha ni Ellyza ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Inialis ko ang tingin sa bulto na naroroon.

"Uh, n-nabigla ako. Ganun ako ma-starstruck, e." Pwe! Nagasgas na at ang dila ko dahil sa sinabi ko.

"Sabagay. Kung ganung itsura ba naman ang susulpot sa harap mo bakit 'di ka mabibigla." Kinikilig na sabi nito. Kung alam mo lang.. "Sayang, umalis siya agad. Magpapa-autograph pa naman ako."

Naramdaman kong may umakbay sa akin. Nang nilingon ko kung sino ito ay nakita ko ang nakangisingsi Crissa. "Ready na tayo in Two minutes."

"Ano'ng tutugtugin?" Tanong ko.

Disrespect, it's all that you do to me

So messed up, the way that you're treating me

Brace yourself, there's something I want you to know

You should know

Replaceable is one way you're saying it

You've made your bed, now you can lay in it

'Cause one day soon, I'll have a brand new you
(New you)

Sa bawat lyrics nito ay sumisigaw ang puso ko. Parang ito na mismo ang nagsasbai ng mga gusto kong sabihin kay Wright nung nagkita kami. Hindi ko tuloy mapigilang sumabay sa kanta. Yumuko ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa may pisngi ko.

Does it make you mad

When you're thinking back to the starting line?

Back when I was yours and you were mine?

You took me for granted so I found a brand new you

And when you see me around this time

Well, I hope you see that I'm doing fine

It's never been better since I found a brand new you

(Since I found a brand new you)

Pagkatapos ng huling beat ay agad kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para maiwasan ang paghikbi. Limang kanta pa ang tinugtog namin nila Crissa. Pinagmasdan ko ang mga tao na nababaliw sa tugtog namin habang naghe-head bang. May mga nakita rin ako iilang personalidad na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. Tiningnan ko rin yung pwesto kanina kung saan naroroon yung tao na nakatitig sa akin pero wala na ito doon.

Bumaba na kama sa stage at may pumalit na sa aming iba pang performer. Inilagay ko sa bag ko yung drumsticks ko. Si Nadine at Crissa naman ay inilagay ang kanya-kanyang electric guitar sa case atsaka isinukbot sa balikat. Alam kong hindi na sila magpa-party dahil may pasok pa kami bukas ng maaga.

"Uy, CR lang ako." Paalam ko sa kanila at naglakad na patungo sa Comfort room.

Pumasok ako ngunit bago ko pa man isara ang pinto ay may pumigil na niyon. Muli nitong binuka ang pinto at pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mapangahas na lalaki.

"What the---" Napaatras ako. Isinarado nito ang pinto. Nakita ko pa kung paano i-lock iyon ni Wright. Lalong kumabog ang dibdib ko. Sa bawat hakbang pasulong na gagawin niya ay hahakbang naman ako ng paatras. Mabilis niyang iniabot ang braso ko at isinandal sa pader. Nagpumiglas ako sa hawak nito.

'Wag niyang sabihin siya rin yung nakatingin sa akin kanina? Ang letse!

Bakit ba napaksama sa akin ng tadhana? Napakaraming namang pwedeng pasukan ni Wright na Bar pero dito pa siya napadpad. Lintik! Letse! Bakit ba ayaw niya akong tigilan! Hayop! Itinaas nito ang magkabilang kamay ko sa gilid. Hindi ko iyon mabawi sa sobrang higpit ng hawak niya.

"Melissa." Naamoy ko ang alak sa hininga niya. "I missed you."

Hindi na ako nakapagsalita nang bigla nitong sakupin ang labi ko. Napasinghap ako sa ginawa nito. SInamantala naman niya ang kaunting pagbuka ng labi ko para ipasok ang kanyang mapangahas ng dila. Nalasahan ko roon ang tapang ng alak na ininum niya. Pilit akong nagpupumiglas pero walang nagyayari. Mas lalong nagiging mapanghas ang halik niya kapag nagpupumiglas ako.

Iginilid ko ang ulo ko para makaiwas sa labi nito ngunit hinabol din iyon ng labi niya. Inipon ko lahat ng lakas ko at binawi ang mga kamay ko. Malaks ko siyang tinulak at nang makalayo na rito ay binigyan ko siya ng isang matunog na sampal.

"What're you doing?!" Sigaw ko rito. Mariin kong pinunasan ang labi ko.

"I want to see my son." May bahid ng paghihirap sa boses nito. Lalapit sana ito sa akin ngunit tinulak ko uli siya. Kamuntikan pa siyang matumba dahil sa ginawa ko. Nakita ko ang pagbigat ng talukap ng mga mgata niya. Lasing na siya.

"Get the hell away from me!" Madiin kong sabi. "Don't be pathetic, Wright. 'Wag mong angkinin ang hindi sayo!"

Tumigas ang anyo nito. Nagmamadali kong in-unlock ang pinto at lumabas. Ayoko ng makita ang mukha niya! Maawa naman siya sa akin! Bakit ba ayaw niyaakong tigilan?! Letse!

Sa pagmamadali ko ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Hinimas ko ang ilong ko na nasaktan dahil sa pagtama niyon.

Tumingala ako para huminga ng tawad. "I'm sor---"

Natigil ang paghingi ko ng paumanhin nang makita ko ang maamong mukha ni Eugene. Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko. Kumunot ang noo nito. "Hey.."

"Melissa.." Nilingon ko si Wright na kalalabas palang din ng banyo. Natigilan ito nang makita akong nakayakap kay Eugene. Nagtagisan sila ng titig ni Eugene. Pareho nilang binibigyan ng matatalim na tingin ang bawat isa.

Hindi ko na kinaya pa. "Take me home, Eugene."

"Let's go." Pumalupot ang kamay ni Eugene sa bewang ko at hinila papunta sa exit door na malapit sa CR. Narinig ko pang tinatawag ako ni Wright pero hindi ko ito nililingon. "You had one fucked up day, Sweetheart."

------------

UNEDITED! Pagpasensyahan na ang mga errors. Mayaman ako pagdating dun.

UPLOADED: MAY 19, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 106K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...
31.1K 1.5K 21
Spin-off of My Not So Ideal Man Classmates Series Book 1 Noong high school ay may crush si Owen kay Jeraldine, hence, the "Crushmate" endearment. Per...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.