Mon Amour

By Childof1998

71.5K 1.8K 137

I've been hook up, and head over heels in one girl. For 3 years courting her, and repeatedly hearing "Im not... More

Chapter 1: Scarlet and Kaireen
Chapter 3: Make her fall for me
Chapter 4: Change
Chapter 5: Brace yourself
Chapter 6: Make it up
Chapter 7: I want to have a family with you
Chapter 8: Make Her Mine Officially
Chapter 9: Akin ka lang
Chapter 10: Marrying her
Chapter 11: Jealousy
Chapter 12: Proposal
Chapter 13: Wedding Agad?!
Chapter 14: Happy Ending
AUTHOR

Chapter 2: Tired

4.9K 153 9
By Childof1998

Scarlet's POV:


"Good morning world!" masayang sigaw ko sa kwarto ko pagka gising ko.

Im imcredibly in a good mood now. May meeting kasi kami ni kaireen ngayon and I always considered it a date. Hehe.

Naligo na muna ako at pagtapos ko maligo nag ayos agad ako. Nag suot ako ng long sleeve na jacket pero walang hood, at naka jeans lang at nag shoes na brown. Nag sumbrero ako at nakangiti na lumabas ng kwarto.

Nadatnan ko si manang na nag aayos ng kusina ar nakahanda na ang breakfast namin, although sa meeting namin ni kaireen sana ako mag brebreakfast since its a breakfast meeting pero dito na ako kakain.

Wala kasing kasama si manang na mag almusal. Naupo na ako sa dining area, at nakangiti na humarap kay manang. Naupo na rin si manang sa harap ko at sinandukan ako.

"Good morning manang," bati ko sa kanya.

"Good morning din iha," bati pabalik ni manang. "Masaya yata ang gising mo ngayon ah?"

"Opo, may meeting kasi kami ni kaireen mamaya eh." masayang sagot ko naman sabay subo ng hotdog.

"Kaya naman pala, ilang taon ka ng nanliligaw sa kanya. Di ka ba napang hihinaan ng loob?" halata sa boses ni manang ang pag aalala.

I understand her. Even dad, sinasabi yun sakin na di ba ako susuko sa pagliligaw kay kaireen. Eh alam ko nagmumukha na akong tanga, na friends at barkada lang ang tingin niya sakin. Nasasaktan ako oo. Pero wala eh, mahal ko talaga siya eh.

"Tinamaan po talaga ako manang eh," sagot ko kay manang na nakangiti. She smiled at me too at tinapik tapik ako.

"Di bale iha, alam ko na darating din ang araw na mapapansin ka rin nun higit pa sa kaibigan," sabi niya. Nangiti naman ako.

Masaya kaming nag breakfast ni manang. Dalawa lang kasi kami sa bahay eh, kaya parang totoong lola na ang tingin ko sa kanya. Si dad kasi nasa ibang bansa, kasama ang iba niyang pamilya. Mabait naman si tita charie, close naman kami nun. Yung step brother ko lang ang hindi, I mean, he hates me. But ako, okay naman ako sa kanya. Gusto ko nga na magkaroon ng kuya eh. Kaso siya ayaw niya sakin kaya ako na mismo ang umalis sa bahay namin.

At dito na lang sa pilipinas na nag stay. Maganda rin kasi andito rin naman si kaireen. Hehe. And, alam nila dad at tita charie ang panliligaw ko kay kaireen and they're okay with it. Binibigyan pa nga nila ako ng advice minsan.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagpunta na sa opisina ng nga Kent. Im the president here kasi, one of the investor nila.

Dunaretso ako sa coference room, andun na daw kasi si kaireen. Panigurado, galit na naman yun sakin.

Pagdating ko sa conference room, nadatnan ko siya na halatang naiinip na sakin. Nilabas ko ang bulaklak na pinadala ko kanina daretso sa office na sinalubong ko na lang sa guard kanina, at binigay sa kanya.

Napansin ko na lumambot ang expression niya pero balik to being masungit na naman kaya naupo na ako at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Im sorry for being late, napahaba kwentuhan namin ni manang eh." sabi ko. Nilapag na muna niya ang bulaklak na bigay ko sa katabi niyang upuan bago nagsalita,

"Its okay. 5 minutes lang naman ako naghintay, so lets start na meeting," seryosong sabi niya. Nangiti na lang ako ng pilit.

She never thanked me for giving her flowers. Kahit pa nung unang taon na nililigawan ko siya, pag binibigyan ko siya ng bulaklak, di siya nag tha-thank you sakin. Although alam ko na tintabi naman niya yun, pero masakit kasi eh.

Everyday pinapamukha niya lang sakin na parang wala lang sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya. But me, being so masochist, inignore ko na lang lahit damn. Masakit na.

Natapos ang meeting namin ng maayos, dati masaya ako dahil nasosolo ko siya sa ganitong meeting na kaming dalawa lang, pero ngayon? Parang nalungkot lang ako. Kanina na masaya ang gising ko, ngayon parang bula na nawala.

"I got to go," paalam ko kay kaireen at dumaretso ng lumabas. Di ko na magawa pang lumingon sa kanya dahil baka lang maiyak ako.

Dumaretso ako sa office ni snow, alam ko andun siya. Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Ang gulo ng office niya, puro pang bata na laruan ang nasa paligid.

Nangiti ako nang makita ang mga anak niya, si lelouch at glisten na 2 years old na ngayon. Mag three na sila sa susunod na bwan, ang lalaki na nila.

Lumapit ako sa kambal at hinalikan sila sa pisngi. Dun ko lang napansin si snow na nag aayos ng papers sa sofa, tumabi ako sa kanya.

"Andito pala ang kambal," sabi ko.

"Yeah, as you can see." sagot niya without looking at me. Napa buntong hinga ako at walang nagsalita samin na dalawa. Nakatingin lang ako sa kambal niya na nagcocolor.


Gusto ko ri magka anak. Magkaanak kami ni kaireen, yung samin talaga tulad kila snow at summer. Kaso mulang malabo naman yun, siguro magkakaanak siya sa isang lalaki at hindi sa isang babae at mas lalong hindi sakin.

Di ko maiwasan na mainggit kay snow at summer. At sa iba pang barkada, sila may mga lovelife na, ako nganga pa rin. Hays.

"Tired?" biglang sabi ni snow. Nakatingin pa rin siya sa mga papers na hawak niya.

"Siguro," walang gana kong sagot.

"Why dont you give up?" tanong na naman niya.

"I tried. But I cant. The more na iniiwasan ko siya, the more na gusto kong makasama siya."

"You're stupid."

Natawa ako, "I know. Pero alam mo, nakakapagod na rin eh. Hindi niya ako na aappreciate, tulad nung dati,"

*Flashback*

Its been a year since niligawan ko si kaireen. Masungit pa rin siya pero nagiging mabait naman na siya sakin,

And today, im planning to surprise her.

"Is everything ready?" tanong ko sa mga hinire ko na tauhan sa pag aayos ng surprise ko.

"Yes boss, everything is ready. Kayo na lang po ang kulang,"

"Dont worry, parating na kami dyan. Thank you."

Binaba ko na ang tawag at masayang nag drive papuntang mansyon ng mga kent.

Kaso pagdating dun, nadatnan ko lang si fall at sinabi na wala daw dun si ate kaireen at may kadate na iba.

Pumunta na lang ako sa venue at mapait na ngumiti sa mga tauhan ko na nakangiting nakatingin sakin.

"Sh-she's not coming. Im sorry, pakiligpit na lang mga yan," sabi ko sabay alis.

Dumaretso ako sa bar nila jace at nadatnan ko don si snow na naglalasing din. Iniwan kasi siya ni summer. Tumabi ako sa kanya at umorder ng drinks.

"Why are you here? Akala ko ba may surprise ka kay ate kaireen?" tanong niya. Mukang di pa siya lasing. Tipsy lang.

"May kadate na iba eh," sabi ko na lang sabay inom ng alak.

"Akala ko ba alam niya? I mean, alam niya na may lakad kayo tonight diba? Dati mo pa pinapaalala yun sa kanya."

"Oo, pero wala eh. Di talaga siya interesado sakin." mapait na sabi ko.

"Ilang beses ng nangyari yan ah? Nung three months na naliligaw ka, yung pang five months and yung pang seven months. Then now na pang one year, di ka pa rin sinupot?"

"Oo eh," naiiyak na ako. Tama yung sinabi niya, nakailang surprise na ako sa kanya pero di siya pumupunta. Dami kasing manliligaw nun. Sobrang dami at sino ba naman ako diba? Hays.

"Im sorry," sabi ni snow at tinapik niya ako sa balikat. I know she feels bad, kasi di ako pinapahalagahan ng pinsan niya. But its okay, im nit giving up!


*Flashback ends*


"Tumigil ka na kasi," seryosong sabi ni snow sakin. This time, nakatingin na siya sakin eye to eye.

Natawa ako ng mahina, "I told you. I can't. Kahit na sobra sobrang sakit na, di ko pa rin magawa na iwan siya. I know im being stupid. But that's me, im stupid. Stupid pagdating sa kanya,"

"Im gonna try to talk to ate kaireen."

"Hindi na, wag na. Im fine. And its okay, im okay. Sanay naman na ako."

"Ilang beses ka na ba niyang dineadma? Di ka pa napapagod? Kasi halata sayo na sobrang nasasaktan ka na, pero ikaw lang to hay nako. Give yourself a break riyen. I know that's not okay. I know that you're not okay, so please stop pretending and stop hurting youself. Maawa ka naman sa sarili mo,"

"Im sorry. Siguro one day, kapag sobrang pagod na talaga ako. Titigil na ako." yun na lang at sinabi ko at tumahimik na siya.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya maya maya.

"Wala naman, bakit?"

"Ikaw na muna bahala sa kambal ko ha, may meeting ako." tumayo na siya daretso at humalik sa pisngi ng kambal niya atsaka umalis.

I have no choice kundi bantayan ang mga inaanak ko. Ang cucute nila!



...


Diko namalayan kung ilang oras na ba ang nakalipas dahil nakatulog ako. Babangon na sana ako ng maramdaman ko na may kadagan sakin.

Pagtingin ko, ang kambal pala. Napangiti ako, tama nga ang sinabi nila. Na stress reliever ang mga bata. Depressed reliever in my case, naglaro kami ng husto kanina kaya pare-pareho kaming bagsak. Haha.

"You'll be a good parent one day riyen," lumapit samin si snow at inayos ang higa ng mga bata sa kutson sa dito sa carpet,

"I hope so." sagot ko naman tsaka tumayo. "What time is it?" tanong ko.

"1 pm."

"What?!" tumayo agad ako at inayos ang suot ko. "Alis na ako." sabi ko kay snow.

"Thank you," sabi naman ni snow, ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na ng office niya. Dumaretso ako sa office ko, nakalimutan ko may meeting nga pala ako ngayon. 1:30 pm Yun!

"Mam scarlet, buti naman po andito na kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawagan," sabi ng secretary ko,

"Pasensya na, anyway, saan na yung papers for my meeting?"

"Eto po, otw na po ang ka meeting niyo mam."

"Okay, thank you."

Ni review ko na muna ang imemeeting ko tsaka ako nag ayos at pumunta na sa conference room ko dito. May sarili akong conference room eh,

"Mam andito na po si Ms. Crisostomo,"

"Okay sige, papasukin mo."

Tumayo ako at sinalubong ang ka meeting ko. Pagpasok niya pa lang, napanga nga na ako sa kanya. Ang ganda niya!

"A-ahm, Hi Ms. Crisostomo, Im Scarlet Riyen the President here in Kent group of companies. Nice to meet you," nilahad ko ang kamay ko sa kanya at nakangiti naman niyang inabot to.

"Im Mary Kris Crisostomo, nice seeing you Ms. Riyen,"

And I died. Lol. She's so fucking beautiful! Damn! I mean, she's like a real goddess! Lalo na kapag ngumingiti siya.

Sinimulan ko na lang ang meeting dahil masyado akong na didistract sa kagandahan niya.


...


"Thank you again Ms. Crisostomo,"

"Kris na lang riyen."

"Alright, kris. Thank you,"

Andito kami ngayon sa lobby, hinatid ko siya hanggang dito. Sabi ko nga hanggang parking na lang kaso ayaw naman niya.

"See you again," sabi ko.

"Oh yeah, anyway, are you free this coming saturday?" tanong naman niya.

Hmm, sa saturday balak kong yayain si kaireen na magdate kami. Every saturday kasi yun, as in every saturday talaga. Walang palya simula pa nung unang year ko sa pangliligaw sa kanya. But for now, im giving myself a space from her na muna siguro.

"Yes im free. Wanna hang out with me on that day?" nakangiti kong sabi.

"Yes ofcourse! So see you then?"

"Okay, i'll pick you up at 7 pm."

"Cool, bye." humalik na muna siya sa pisngi ko bago umalis. Ngumiti ako sa kanya at kumaway kaway.

Nung nasiguro kong nakaalis na siya tsaka ako tumalikod. Kailangan ko pang gumawa ng mga ilang paper works then uwi na. Magsisimula pa lang ako sa paglalakad nang makita ko si kaireen na nakatayo at mukang nakita yata ang ginawa ni kris sakin.

Nakaramdam ako ng kaba. Nakatingin lang ako sa kanya pero siya, nakakunot noo nakatingin sakin at naka crossed arms pa. Pero bakit naman ako kakabahan? Eh wala namang kami. Okay lang naman sakin na makipag hang out sa iba diba? Since lagi naman niya akong tinatanggihan. Bilang nga lang sa daliri ang mga date na sumama siya sakin eh.

Dumaretso na lang ako sa paglalakad. Di pa ako nakakalampas sa kanya ng nagsalita siya,

"You're not gonna say hi to me?" masungit na tanong niya.

"Then hi." sagot ko naman. Kailangan ko ng mag matigas ngayon sa kanya.

"Yun lang?" bulong niya pero di ko naman masyadong narinig kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

Naging poker face na naman ang mukha niya nung tiningnan ko siya, "Wala. Anyway, is that ms. Crisostomo?"

"Yes."

"She's beautiful."

"I know."

"That's why you're asking her to go out with you this saturday?" medyo tumaas ang boses niya pagkasabi niya nun kaya mas lalong nagunot ang noo ko.

"What's wrong with that?"

"Diba every saturday inaaya moko at mag didinner tayo?" medyo kumalma na ang tono ng boses niya pero halata sa mukha niya ang inis. Ano naman ang ikinaiinis niya?

"Oo, pero lagi mo naman akong tinatanggihan diba? Busy ka diba? Tsaka marami ka namang manliligaw na mas gusto mo pang kasama sa weekend kesa sakin so bakit pa kita aayain? Kaireen, im tired. May karapatan naman siguro ako na makipag hanh out sa iba diba? Since yunh taong gusto kong makasama eh busy sa iba." diko na mapigilan na magsalita sa kanya. Umalis na lang ako daretso at di na ako pumunta pa sa office.


Medyo sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ko. I mean, di ako sanay na napagsabihan siya ng ganun. I mean, I never say that kind of things to her. I feel bad. But at the same time, para akong naginhawaan.

Naging tapat ako sa kanya sa nararamdaman ko na napapagod na ako. But that doesn't mean na suko na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos back to panliligaw na naman.

I just need a rest from her. Im tired.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

118K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.6M 53.1K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...