SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

975 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - 사랑해
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 4 - TRY

25 1 6
By KimSeungHae


Angel's Point of View

"H-Huh? W-Wala akong makita." Nabigla kong sabi nang idilat ko ang aking mata ngunit sobrang dilim sa paligid. 

Puro black lang ang nakikita ko. Shocks! Bulag na ata ako.

"S-Steph! J-Jerra! Wala akong makita! WALA AKONG MAKITA!" Sigaw ko habang nangangapa.

Kinapa ko ang paligid ko at gumapang sa sahig. Di ko na alam kung nasaan na ako.

"Huy! Ano ba yan ang aga-aga." Singhal ng isang lalakeng tingin ko ay si Steph.

"S-Steph? Ikaw ba yan? Tulungan mo ko wala akong makita." Daing ko.

"Saang bundok ka ba nanggaling ha?" Sambit niya sabay tanggal by facemask na kagabi pa pala tuyo at kagabi pa rin pala nasa mukha ko.

Ginala ko ang mata ko at nakita kong nakarating na pala ako sa sala dahil sa kakagapang ko kanina.

"Ayy.." Usal ko nang may halong kahihiyan.

Matapos non ay bumalik na kami ni Steph sa kwarto at doon nakita namin ang isang natutulog na nilalang.

Aakalain mong may pugad na nakatabon sa mukha. Sabog sabog ang buhok nito habang ang kumot niya naman ay nasa paa niya na.

Ang tibay neto. Grabe na yung kakasigaw ko kanina hindi manlang siya nagising o naalimpungatan man lang.

"Gigisingin na ba natin yan?" Sambit ko.

"Maya-maya na siguro, five thirty palang naman eh." Usal ni Steph.

"So anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Aba'y malay ko sayo. Ikaw ang gumising-gising saken dyan eh. 'Steph.Jerra.. tulungan niyo ko wala akong makita'  nyenyenye." Pagrere-enact ni Steph sa nangyari kanina na may halong pang-aasar at kasabay ng pag-make face.

Tinarayan ko na lang siya at umupo sa sofa, binuksan niya ang TV habang siya naman ay pumunta sa kusina at kumuha ng itlog at hotdog sa ref namin.

" Girl, anong papanoorin mo dyan eh diba hindi pa bukas ang mga local channels sa mga ganitong oras?" Tanong niya habang nagluluto.

"Nakalimutan mo na bang de-cable ang TV naten?"  Sagot ko sa kanya.

Nilipat ko ang channel hanggang sa mapunta 'yon sa makakita ako ng k-drama at doon ko nalang 'yon pinanatili. 

Kalaunan ay naamoy ko na ang mga niluluto ni Steph at talagang napakabango non.

Maya-maya sa kalagitnaan ng panonood ko ay may kumalabog sa kwarto namin na siyang ikinagulat naming dalawa ni Steph.

"Ano 'yon?" Rinig kong tanong ni Steph mula sa kusina.

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa kwarto at doon ay may nakita akong babaeng nakasalampak sa sahig.

"Aray.." Mahina at halatang inaantok na reklamo niya.

"Jerra? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

"Ewan ko... Basta ang natatandaan ko nanaginip lang akong nagde-date daw kami ni Yoongi sa Hongdae tas nagulat na lang ako ng bigla akong napunta sa tuktok ng isang building don at bigla akong nahulog.. And then nagising ako na nasa baba na ako ng double deck." Pagpapaliwanag ni Jerra.

Halos pinipigilan kong tumawa sa harapan ni Jerra ngayon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa. Gulo-gulo kasi ang buhok niya at mukhang bangag. Para siyang batang inabandona sa Quiapo. Haha!

Tinulungan ko na lang siyang tumayo at inalalayan ko papunta sa ma lamesa. Sakto namang handa na ang lahat ng pagkain na niluluto ni Steph kaya naman napagpasyahan kong kumain na muna samantalang si Jerra ay bumalik muna ng kwarto at nagsuklay bago sumalo sa amin para mag-almusal.

"Ano ba 'yan. Di ko tuloy natapos yung k-drama na pinapanood ko. Nakakainis, nasa climax pa naman na." Reklamo ko.

"Anong k-drama?" Tanong ni Jerra.

"Black." Maikli kong sagot.

"Boring naman niyan eh." Lait naman niya at dahil doon ay tinarayan ko na lang siya.

Siya nga 'tong dahilan kung ba't na-interrupt yung panonood ko. Nakakagigil. Grrr!

"Angel Ann Ferrer Permithivo.. Alam ko ang mga tingin na 'yan. Nababasa ko sa mga mata mong bina-backstab mo ko." Bwelta niya sa'kin.

"Nice guess, madam auring." Asar ko naman sa kanya pabalik.

"Tsk! Ang aga-aga niyong nag-ookrayan diyan. Bilisan niyo na ngang magsikain. Anong oras na oh, baka ma-late pa tayo sa first class natin." Paalala ni Steph.

"Opo, mama." Asar naman sa kanya ni Jerra at sinuklian lang siya ni Steph ng YOU-DON'T-DARE-TEASE-ME look.

Natawa na lang ako sa kanila ng dahil doon.

Matapos noon ay  binilisan na namin ang kain at inilagay lahat ng plato sa lababo. Pinauna na akong maligo nina Steph at Jerra. Habang nasa banyo ako, nagpupunas si Jerra ng lamesa habang si Steph naman ang naghuhugas ng plato.

Tamang-tama lang nang pagkatapos kong maligo ay tapos na rin sila. Kaya naman sumunod na sa aking pumasok sa banyo si Jerra.

Paspasan lang ang ligo namin. Di kalaunan ng matapos si Jerra sumunod agad si Steph. Nagbihis na kaagad kami ng school uniform namen, kinuha ang I.D at bag.

At nang mabitbit na ang lahat ng kailangan lumabas na kami. Si Steph narin ang naglock ng dorm. Dahil nga rin wala na kaming ganong oras ay sa hallway na kami nagsusuklay ni Jerra sa sobrang pagmamadali.

"Bilisan niyo guys! 30 minutes na lang before magstart, history class natin." Sambit ni Steph habang naglalakad-takbo papunta sa room namin.

"Oo na wait lang! Ang ganit ng buhok ko oh! Palibhasa maikli lang buhok mo." Reklamo ni Jerra habang kanina pa inis na inis kakasuklay sa buhol-buhol niyang buhok.

"Uy ayan na yung room oh! Bilis bago pa tayo maunahan ni Sr. Chris!" Sabi ko naman.

Pagpasok namin sa room marami na ang estudyanteng naroroon pero bakante pa rin ang teacher's table. Umupo kami kung saan kami umupo kahapon and as usual tabi-tabi parin kami.

Tumingin ako sa orasan na nasa phone ko at nakita kong may 15 minutes pa bago dumating si sir. Kay naman inopen ko na lang ang facebook ko at nagscroll sa wall.

And of course puro pa rin bangtan updates at mga posts about them ang laman ng wall ko. Ano pa ba? Bawat post na madaanan ko ay hindi ko mapigilang tumili pero since nasa loob ako ng classroom wala akong magawa kundi tumili sa kaloob-looban ko. Haha!

Maya-maya sa kalagitnaan ng kabaliwan ko ay tumunog na nga ang pintuan ng room at isang lalake ang iniluwa nito.

"Si Sir." Murmur ni Jerra.

"Well! Good morning class!" Bati nito.

"Good morning, Sir Chris!" Sabay-sabay na bati ng lahat.

"Uhmm.. Since it's our second day, we need to tackle up our first lesson. Mga bata handa na ba kayong makinig?" Playful na sambit nito na nagpagana sa mga inaantok na estudyante.

"Opo, sir!" Sabay muli naming sambit.

"Well, as our first lesson let's talk about the Beliefs and Superstitions. At dahil nga, History ang pinag-uusapan natin it means na lahat ng mga ito ay noong sinaunang panahon pa. Pero before we tackle our first lesson can someone help me to set up the projector here in the front?" Usal nito.

Tumayo ang dalawa sa mga kaklase namin at tinulungan si Sr.Chris. Di rin naman ito nagtagal at naset-up din.

"Okay now, we can start. Our first stop is Ancient Egypt. So during the ancient times Egyptian priest believe in many unusual things, one of them is Astral Projection, they believed that the Astral body or known to them as 'kha' gets separated with the 'ba' or the Physical body~"

Habang nag-lelecture si Sir sa harapan ay napansin kong parang tutok na tutok si Steph. Talagang hindi siya gumagalaw ewan ko nga kung humihinga pa siya eh. Basta napaka seryoso niya at nakikinig lang.

Maya-maya sa kalagitnaan ng klase ni Sir ay may kumatok sa pintuan.

"Yes, you may come in." Wika naman niya.

Bumukas ang pinto at mula rito ay isang matandang babae ang pumasok.

"Ay, sir. Magandang umaga po." Wika ng matanda.

"Magandang umaga din, nay. Uhm.. everyone. Stand up and greet, Manang Yaring. She's the head gardener of the school." Sambit naman ni Sir Chris kaya naman sabay-sabay kaming tumayo at binati siya.

Isang ngiti naman ang tugon ng matanda sa amin. Hindi ko alam pero nakakapayapa ang ngiti niya, parang narerelax ang utak ko.

"Manang, ano po palang sadya niyo rito?" Tanong sa kanya ni Sir.

"Ahh.. ilalagay ko lang po itong isang bigkis ng puting bougainvillea sa vase ng teacher's desk." Wika nito kaya naman napatingin si Sir sa flower vase na nasa desk niya at nakita niyang lanta na ang bulaklak na nakalagay doon.

Napalingon ako kay Steph ng marinig kong sabihin ni Manang Yaring ang pangalan ng bulaklak. 

'Puting Bougainvillea'

Ito ang pinakapaboritong bulaklak ni Steph. Sa katunayan puro lang puting bougainvillea ang nakatanim sa likod ng bahay nila, at si Steph ang nagtanim ng lahat ng 'yon.

"Oo nga manang, kailangan na nga talaga siyang palitan. Sige po, pumasok na po kayo." Wika ni Sir Chris.

Pumasok na ang matanda habang hawak ang isang kumpol ng puting-puti na bougainvillea na sobrang ganda at linis ng pagkakabigkis. Nakita ko namang kumutitap ang mata ni Steph ng makita niya ang hawak ni Manang Yaring.

Pagkatapos non ay muli ng lumabas ang matanda at isinara ang pinto. Kaya naman nagpatuloy na ang lecture ni Sir Chris. At si Steph naman ay bumalik na naman sa pagiging seryoso nang magsimula ulit magsalita si Sir. Sinubukan ko siyang tawagin ng pabulong pero hindi niya talaga ko nakuhang lingunin.

Maya-maya'y hindi ko namalayang tapos na pala ang klase ni Sir Chris at nagsisi-alisan na ang mga estudyante.

Wala akong naintindihan sa mga sinasabi at itinuturo ni Sir dahil siguro nakatingin lang ako kay Steph na sobrang seryoso.

Lumabas na kaming tatlo ng history class at papunta na sa English Class namin.

"Girl!" Tawag ko kay Steph ngunit hindi ako nito pinansin.

"Girl!" Ikalawang sambit ko na ikinalingon niya.

"A-ano yun?" Tugon niya na parang wala sa sarili.

"Ano ba? Parang kanina ka pa dyan tulala. Ba't ba ang serious mo? Lalo na noong nagtuturo si Sir." Tanong ko.

"Huh? W-Wala 'yon." Sagot niya pero binigyan ko siya ng isang matalim na titig.

"Basta.. Mamaya, sasabihin ko sa'yo." Tugon niya na lang sa'kin at saka naunang naglakad.

Meron talagang naglalaro sa isipan ng baklitang 'to e. I can feel it in my nerves. Pero kung ano man 'yon sigurado kong malalaman ko rin 'yon kaagad.

Steph's Point Of View

Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang topic namin sa history class kanina, hindi ko rin alam kung bakit. Pero ngayon mas lalo akong naging interested sa Astral Projection something na 'yan. Hindi ko akalaing totoo nga talaga 'yon.

But still medyo magulo pa rin ang isip ko ngayon. Todo kulit pa sa'kin si Angel na medyo kinainis ko pero pinagsa-walang bahala ko na lang. Naglakad kaming magkakaibigan patungo sa susunod naming klase.. kay Ms. Chrisannta.

"Good morning to the three of you, please take your seats." Isang nakakanosebleed na bungad nito.

"Good morning din po ma'am.." Sabay na sambit naming tatlo.

Pagkatapos noon ay umupo na nga kami and of course nasa likod muli kami. Hindi pa nagsisimula ang klase dahil kulang pa siguro bawal din namang maglabas ng cellphone dahil hindi freetime kaya walang choice kundi ang tumunganga.

"Girl!" Pabulong na sabi ni Angel sa akin.

Hindi pa man nagsasalita ang bruhang 'to ay alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"Ano yun?" Tugon ko.

"Bakit nga kasi napaka-serious mo  kanina dun sa History Class natin, tinatawag kita hindi ka naman namamansin."

My thoughts were right.

"Oo nga." Pasulpot na sabi ni Jerra.

"Oh? Nandyan ka pala sa tabi ko? Parang hindi ka namin nararamdaman ah." Sambit ko kay Jerra.

"Che! Minsan na nga lang ako makisali sa usapan niyo gagantuhin mo pa ko." Usal ni Jerra.

"Shhhh" Pagpapatahimik ni Angel kay Jerra na sinuklian lang nito ng isang irap.

"So getting back to the first topic.. ano nga kasi ang dahilan ba't ka tulaley kanina? Sabihin mo nga sa amin. May pinagdadaanan ka ba.. Donna Cariaga?" Pabirong tanong niya sa akin na ikinatawa ko na lang.

Well, since mapilit talaga siya ay nagpasyahan ko na lang na sabihin ang dahilan para naman matigil na ang kakakulit niya sa'kin.

"Fine. Ano kasi---"

"Uhm! Okay class sice we are complete let's start our first lesson." Sambit ni Ma'am Chrisannta na nag-interrupt sa dapat na sasabihin ko.

"Mamaya na nga lang sa Homeroom, ichichika ko sa inyo!" Sambit ko na lang.

At tuluyan na nga nagsimula ng klase si Ms.Chrisannta. Nakakatawa lang tignan na kumakamot sa ulo ang ilang mga kaklase namin dahil nakakanosebleed siya magsalita at puro english ang lumalabas sa bibig niya. Hindi mo talaga siya maririnig mag-tagalog sa buong klase niya.

Pinagmasdan ko ang mga mukha ng sangkalalakihan sa room namin. Parang hindi naman teacher ang nakikita nila sa harapan kundi isang anghel na tumutugtog ng harp. Haha!

Ewan ko ba kung may naiintindihan pa sila sa mga tinuturo ni ma'am. Dahil lahat sila nakafocus sa mukha niya.

But not me of course dahil iisa lang naman ang mahal ko. It's B to the T to the S. BangTanSonyeondan and nothing else. (Ang harot.)

Di kalaunan ay natapos narin ang oras ni Ma'am at oras na nga ng breaktime namin. Kaya naman bumababa kami at ngayon ay patungo ng canteen.

"GIRL!" Tawag sa akin ni Angel.. na naman!

"Oh?" Tugon ko.

"Can you tell us now?" Tanong niya.

"Sabi ko, sa homeroom class na nga diba?"

"Ano ba yan, pa-thrill pa. Pwede naman kasing sabihin ngayon. Tsk! Kating-kati na kong malaman kung ano ba 'yan." Sambit ni Angel na ngayon ay kinakain na ng curiosity.

"Nangangati ka? Gusto mo buhusan kita ng isang drum na suka na may halong alcohol?" Pabirong tugon ko.

"HAHA. Nakakatawa. Super." Sarcastic niyang sagot sa akin.

"Guys, anong kakainin na'tin." Sulpot na wika ni Jerra na nakita kong nakatingin sa menu ng canteen.

"Girl, ba't ka ba bigla-biglang nagsasalita. Nakakaloka ka." Usal ko sa kanya.

"What? Nagtatanong lang naman ako, kung anong kakainin natin ah. May mali ba don?" Bwelta niya sa akin.

"Steph.. Sabihin mo na kasi." Pagmamakaawa ni Angel habang nakahiga ang ulo sa lamesa.

My God! Nagpapacute ba 'to? Hindi yan tatalab sa'kin sis! Haha!

"Tigilan mo nga yan. Nakakacringe." Singhal ko sa kanya.

"Alin? Eto ba? Hmp. Hmp. Andwae. Andwae. " Pag-papacute niya pa.

"Aegyo na 'yan?" Usal ko sa kanya.

"Steph. Sabihin mo na sa'kin. Hmp. Hmp." Pagpapacute niya ulit.

Kinikilabutan talaga ko. Nakakaloka.

"Can you please stop that." Utos ko sa kanya.

"I would not. Why would I? Hmp. Hmp." Pagpapacute niya for the third time.

"Ano naman kasi sayo pag nalaman mo 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Curious lang. Kaya tell me na, or I will aegyo until you cringe to death. Hmp. Hmp." Pag-ulit niya pa.

Nakakabaliktad talaga ng sikmura yung ginagawa niya. It seems that I have no choice kundi ang sabihin 'to para tumigil na ang pinag-gagagawa niya. Hayst.

"Fine okay. Sasabihin ko na." Pagsuko ko.

"I'm listening. Hmp. Hm--"

"But PLEASE! Stop that." Putol ko sa pagpapacute niya pa ulit sana.

"Okay." Wika niya sabay ng pag-ayos sa upo.

"Waiter!" Singit naman ni Jerra.

"Ano ba girl, shut up muna." Singhal ni Angel sa kanya.

"Nagugutom na ko, okay. Bahala kayo dyan." Bwelta naman niya pabalik na sinuklian lang ni Jerra ng irap.

"Um-order na lang muna tayo." Wika ko naman.

"Ugh! Fine." Naiinis na turan ni Angel.

Agad namang lumapit ang waiter sa amin para kunin ang mga order namin isa-isa and then umalis ito agad.

"Oh ayan. Nakapag-order na ta'yo. Can you freaking tell me now?" Inis nang wika ni Angel.

"Okay so, ganito yan--"

"Ay ma'am ano po pala yung drinks niyo." Pagsulpot ng waiter sa gilid namin at pumutol sa dapat na sasabihin ko.

Napayuko na lang si Angel at isinubsob ang mukha sa lamesa dahil sa frustration na siyang ikinatawa ko. Sinagot ko na lang ang tanong ng waiter at saka  siya umalis.

"Sabi sayo mamayang, homeroom na lang eh." Usal ko sa kanya at nakita kong binusangutan niya lang ako.


Angel's Point Of View

Nakakairita talaga! Masyading pabitin 'tong baklang 'to! Kanina ko pa gustong malaman kung anong iniisip niya at bakit napaka-serious niya kanina nung History Class namin. Nakakainis lang at lagi nalang nauudlot. Argh!

Pero  kaysa naman ma-highblood ako at tuluyang sumabog ang batok ko sa inis ay nilantakan ko na lang ang pagkaing nasa harapan ko.

Maya-maya ay natapos din kaming kumain. At since 10 minutes na lang ang natitira sa oras namin ay napagdesisyunan na naming maghiwahiwalay.

"Sige na mga guys! Mauna na ko. Baka gawin pa kong center of attention ng teacher ko sa Biological Science." Sambit ko sa kanilang dalawa.

"Buti pa yung prof namin dun, mabait. Alis na rin ako." Sambit ni Steph.

"Go na rin ako girls, may date pa kami ni Yoongi mamaya." Ambisyosang sabi ni Jerra na ngayon ay masigla na naman dahil busog na sa kinain namin.

"Che! Napakaharot. Alis na ko. Uy, Jerra dito na tayo magkita mamaya para sa Geology class, okay? " Sabi ko at tumango naman siya at saka umalis.

Hindi ko na sila hinintay pang mawala sa paningin ko at lumakad na agad ako papunta sa Biological Science Class ko.

Nakakaloka talaga yung teacher namin dun sa subject na yun dahil biruin mo, first day na first day nanenermon. Kahit kaunting ingay lang ang marinig nagpapanting na kaagad ang tenga tas bigla siyang titigil sa pag-didiscuss sabay titig ng matalim sa aming lahat.

Hindi ata Biological Science ang tinuturo nito e kundi Biological Terrorism. Haha!

I think mas grabe pa siya doon sa naging teacher ko noong highschool which is si Ma'am Lolita Josiline Manieres. Sa sobrang inis namin dati sa ka-striktahan niya ay binigyan namin siya ng nickname.. Mrs. ManDRAGON dahil magigisa ka talaga sa sobrang anghang ng salita niya once na nagwala siya sa buong klase.

And apparently nag-evolve yung nickname niya into Red Dragon na mula sa pangalan ng kontrabida sa isang teleserye. Good old days.

Sa isang iglap nasa harapan na agad ako ng Biological Science Class ko.
Kinabahan ako dahil pagdating ko sa tapat ng room ay tahimik walang kaingay-ingay. Ni kaluskos ng mga paa wala kang maririnig.

Pagpasok ko ng room nagulat ako nang nandoon na ito at nakaupo sa mesa. Napakatalim ng titig sakin ng babaeng nakaupo sa mesa.

Para akong nililitis sa korte dahil halos lahat sila nakatitig sa akin na parang may napatay akong tao.

"Surname?" Bungad nito sa'kin.

"P-Permithivo po ma'am." Pautal kong tugon.

"Ms.Permithivo, don't you know what time is it?" Ma-awtoridad nitong tanong.

"It's 10:47 po ma'am." Mahinang wika ko sa kanya.

"Louder." Sabi niyang muli.

"10:47 po." Mas malakas na sambit ko.

"And what time our class is going to start?" Tanong niyang muli.

"10:30 po." Sagot ko.

"Well, you're 17 minutes late now. Do you think I should let you in?" Turan niya sa akin.

"Answer me!" Ma-awtoridad niya muling sabi. 

"O-Opo." Nauutal kong tugon.

"And why do you think would I do that? Do you have a valid reason on why you're late?" Usal niya pero hindi na ako nakasagot pa dahil paano ko naman sasabihin sa kanya na-late ako dahil napakabagal namin kumaing tatlo nila Jerra at Steph kanina.

"So, it seems that you're reason is not valid because you can not answer my question. Pero sige, I'll let this pass for today. Starting tomorrow, everyone that's late in my class will not be allowed to enter. Not because all of you came from wealthy families, you're already allowed to disobey. Discipline is still a must and all of you must abide by any regulation that this institution has. Understood?" Sambit niya.

"Yes, ma'am." Sabay na wika ng buong klase.

"Oh? Why are you still standing there, go find and take your seat. Now." Sabi niya pa sa akin kaya naman walang ano-ano'y naglakad na ako papunta sa likod habang nakayuko. 

Matapos niyang sabihin yun ay dali-dali akong umupo sa dulo. Nagsimula na itong magdiscuss.

Patuloy lang na nakinig sa kanya ang buong klase, samantalang ako ay nag-iisip ng pwedeng i-nickname sa kanya dahil sa ginawa niya sa'kin kanina. Well, sa ganitong paraan lang ako makakabawi.

Hmmm.. Mrs. Susana Virgilio.

Pagsabi ko ng pangalan niya sa isip ko, at pilit ko paring inaalam kung ano ang suitable nickname sa kanya.

Aha!

From now on, I'll secret call her.. Mrs. Sadako Virgilio. Wahahah!

Di rin nagtagal ay natapos din ang klase ni Mrs. Virgilio.

Kaya naman sinundo ko na si Jerra sa Chemistry class niya. Sakto namang kakatapos lang ng klase nila kaya lumabas na agad siya.

Pagpunta namin ng Geography Class ni Mrs. Belinda Alcueros Magsaysay ay same flow pa rin. Papasok kami, maghihintay makumpleto ang room at magtuturo na ang teacher.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ang klase niya kaya naman inabangan na namin si Steph sa Biological Science class niya.

Pagkadating namin palabas na rin pala si Steph. Kaya naman dumire-diretso na kami sa favorite naming subject.

Korean Class.

Pagkabukas namin ng pinto ay binati agad kami ni Ms.Chae at Ms. Acerino.
Umupo kami kung saan kami umupo kahapon. At dun ay nakita na nga namin ulit ang langit!

Pero nakahoodie pa rin ito at nahihiya pa rin sa mga fellow classmates niya.
Nakakaloka. Hindi dapat tinatago ang ganyang pagmumukha! Biyaya yan! I-share mo naman!

Since shy-type ang koreanong ito it's time to make our moves.

Isang upuan lang ang pagitan namin nang langit.. I mean ng koreanong exchange student.
Hindi katulad kahapon na ang layo niya sa amin.

"Uhm sis.." Pabulong kong sabi sa babaeng nakaupo sa pagitan namin ng koreano.

"Yes?" Magalang niya namang tugon.

"Pwede ba tayong magpalit ng upuan?" Tanong ko dito.

"Oh sure, no problem." Sambit niya.

Matapos nun ay tumayo na nga ito at saka kami nag-swap ng upuan.
At sa wakas nga ay nasa tabing-tabi ko na at abot na abot na siya ng dalawa kong kamay.

Nang magkatabi na kami ay tamang-tama at inilabas niya na ang kanyang mukha mula sa hoodie.

Shocks! (Shalalalalala~)

Sumabog na rin ang biyaya. Kaya naman hindi na ko nag-hesitate pa at sinuggaban ko na ang opportunity.

"Ahh.. H-Hello!" Bungad ko na sinuklian niya lang ng isang cute na ngiti na may halong hiya.

"Are you new here uhmm.. in the ano, in the Philippines?" Nauutal kong sambit.

"Ahh.. Yes." Tugon nito sabay ngiti muli.

Required ba talagang may ngiti. After ng bawat salita? Baka mabusog ako sa kilig niyan. Haha! (Lande.)

"Uhm.. By the way my name is Angel!" Sambit ko sabay taas ng isang kamay.

"A-annyeonghaseyo Angerl, Ah I mean Hello Angerl!" Bulol-bulol niyang sambit at as usual nandoon pa rin ang ngiti.

"It's okay. I can understand a little korean and also speak a little.. Mannaseo banggawoyo." Sagot ko na may halong kaunting pagpapasikat ng korean skills ko.

"Oww! It's good na magkakilala na kayong dalawa Ms.Permithivo and our korean exchange student Mr. Park but can the both of you focus in our lesson now?" Biglang pagsulpot na sambit ni Ms. Acerino sa aming dalawa na agad naming kinahiya ng koreano.

Matapos nun ay napansin naming dalawa na nakakonekta pa rin ang dalawang kamay namin mula sa pagshashake-hands kanina kaya naman agad namin itong kinalas at tumingin sa ibang direksyon dulot narin siguro ng kahihiyan.

At tuluyan na ngang nagturo si Ma'am Chae at Ma'am Acerino. Di kalaunan ay natapos din ang klase nila ma'am.

Kaya naman nang palabas na lahat ng estudyante sa room ay hinabol ko ang koreanong nakipagshakehands ako para humingi ng sorry.

"A-ahh.. J-Ji Hyung!" Tawag ko sa kanya na ikinatigil nito.

"W-wae?" Nahihiyang tanong nito.

"U-uhm.. Sorry about what happened a while ago."

"Its.. okay." Isang cute na tugon mula sa kanya.

"A-ahh, I have to go. Nice to meet you Angerl!" Sambit nito na may halong korean accent.

Matapos nun ay tuluyan na itong naglakad papalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Uy girl!" Sambit ni Steph na nasa likod ko na pala.

"Oh? Ano ba 'yon?" Tanong kong may halong pagmamaldita.

"Mukang naka-iscore ka dun ah. Ang bilis!" Pambubuyo nito sa akin na sinuklian ko lang ng isang irap.

"Oh tara na go na tayo sa canteen kanina pa ko nagugutom." Usal ni Steph.

At matapos nun ay sumunod na nga ako kay Steph para bumaba sa canteen at kumain.
Pagkaupo namin ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko yung pagkakapahiya namin kanina.

Pero atleast diba, kilala ko na siya at ang best part ay kilala niya na rin ako! Pero ayun tulaley pa rin ako hanggang ngayon. Daydreaming at its finest.

"Girl! Uy! Girl! Hello?" Paulit-ulit na pagtawag ng atensyon ni Steph.

"Ha? Ano? Ano ba yun?" Tanong ko.

"Ano ba oorderin mo? Kanina pa naghihintay yung waiter oh!" Sabat ni Jerra.

"Uhm.. Ano.. Kare-kare na lang with iced tea." Tugon ko.

Maya-maya ay dumating na nga ang mga inorder naming pagkain. Sa isang iglap ay parang nasalanta ang mesa namin dahil limas ang lahat ng pagkain na nasa lamesa. Ni isang litid ng karne walang pinatawad.

Nagpahinga lang kami ng saglit bago lumarga sa next naming subject which is math. Umalis na rin kami nang bumaba na ang lahat ng kinain namin.

Pagpasok namin sa Math Class ay hindi na lingid sa aming mga kaalaman na makikipagdigmaan kami muli. Makikipagdigmaan sa antok at mga napakasalimuot na mga mathematical problems at calculations.

Di nagtagal at natapos din ang digmaan,. I mean ang Math Class namin. At iniwan nitong sugatan, duguan, at walang buhay ang bawat isang braincell na meron kami.

Jusko!

Pagdating naman naming dalawa ni Steph sa Chemistry Class ay parang sumabak muli kami sa gera dahil hanggang doon ay parang extention ng Math Class namin.

Buti pa si Jerra, mapagpapahinga niya kahit konti ang braincells niya.

Maya-maya hindi namin namalayang dalawa na tapos na rin ang Chemistry Class namin dahil the whole time tulala kami kung saan-saan.

Sa pader, sa kisame, sa bintana, sa mga gwapo, sa sahig at sa mga gwapo ulit. (Ang lalande.)

Matapos nun ay sinundo na namin si Jerra sa B.S.(Biological Science) Class niya.

Nang kasama na namin siya ay sama-sama na kaming pumunta sa Homeroom Class namin. Doon habang nagpapahinga kami ay kinikwentuhan kami ni Sr. Chris ng talambuhay niya. And syempre hinahaluan niya yon ng comedy kaya natatawa kami habang nakikinig sa kanya.

"Uhm class.. It's our dismissal time already. See you tomorrow and rest well." Biglang sambit ni Sr.Chris matapos ang ilang minuto niyang story-telling.

Pagkatapos sabihin yun ni sir ay tumayo na nga kami at lumabas na ng room. Naglalakad kaming tatlo nila Jerra ng biglang magyaya si Steph na pumunta sa university garden. Since hindi naman kami pagod dahil nakapagpahinga naman kami kanina sa time ni Sir Chris ay pumayag na kami ni Jerra sa sumama sa kanya.

Pagkapunta namin sa entrance ay bumugad kaagad sa amin ang mga puting bougainvillea. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Steph at nakita kong gaya kanina ay kumutitap na naman ang mga mata niya nang makita niya ang paborito niyang bulaklak.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at napansin kong may maliit na lawa sa likod ng hardin at mukhang bahagi din ito ng nasasakupan ng school namin. Ngayon ko lang ito din na-discover dahil hindi naman namin nalibot nila Jerra at Steph ang buong school nung mga nakaraang araw.

Samantalang sa isang tabi ay nakita kong may isang matandang babaeng nagdidilig. Nilapitan ko siya at nakita kong si Manang Yaring ito. Kasalukuyan niyang dinidiligan ang mga puting bougainvillea.

"Mukhang dito po ata nanggaling ang mga inilagay niyong puting bougainvillea sa desk ni Sir kanina." Bungad ko sa kanya.

"Oo iha, tama ka." Wika niya sa akin kasama ng isang ngiti at ng makita ko ang ngiti niya ay nakaramdam na naman ako ng kapayapaan. Kagaya kanina.

Nakita kong pumitas siya ng isang tangkay na punong-puno ng bulaklak ng bougainvillea at iniabot niya 'yon sa akin.

"Bakit po?" Tanong ko naman.

"Ibigay mo sa lalaki mong kaibigan. Nakita ko ang reaksyon niya kanina nung inilalagay ko ang mga bulaklak sa vase. At mukhang gusto niya rin ang bulaklak na 'to." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Salamat po." Sabi ko na lang at tinugon niya na lang ako ng isang ngiti.

Nakita kong nakaupo si Steph at Jerra sa mga bench na nasa gitna ng garden kaya naman agad ko silang pinuntahan. 

"Oh saan galing 'yang bulaklak mo?" Bungad sa akin ni Steph habang nakatingin sa mga bougainvillea na hawak ko.

"Binigay sa'kin ni Manang Yaring, ibigay ko daw sayo kasi nakita ka kanina at mukhang  gusto mo rin daw nito." Paliwanag ko.

"Taray naman girl, close agad kayo ni Manang?" Sambit sa akin ni Jerra.

"Mabait lang talaga siya." Tugon ko naman.

"Akin na." Sambit ni Steph at akma niyang kukunin sa akin ang mga bulaklak pero inilayo na siyang ikinataas naman ng kilay niya.

"May nakakalimutan ka ata Steph." Usal ko.

"Huh? Ano?" Tanong niya.

"Yung dapat i-chichika mo sa'min sa homeroom, hindi mo nai-tuloy." Sabi ko.

"Sorry naman. Nakalimutan lang, pagod kaya utak ko kanina. Ibigay mo na kasi sakin yan." Usal niya nang may pagmamakaawa.

"Tell me the story first." Sabi ko naman.

"Fine! Sige na, just give those flowers." Usal niya sa akin. Grabe talaga ang pagkahilig niya sa bulaklak na 'to akala mo drugs or ewan.

Iniabot ko naman na sa kanya ang bulaklak at saka umupo sa tabi niya.

"I'm listening." Wika ko at napabuntong-hininga naman siya.

"Wala naman kasi talaga 'yon. It's just about the Astral Projection something na topic ni sir na sobrang nahiwagahan lang ako." Panimula niya.

"And then?" Sambit ko.

" 'Yon na yon, wala na." Tugon naman niya.

"What I mean is.. bakit ka nahiwagahan? Anong dahilan?" Tanong ko.

"Kagabi kasi habang nagso-scroll ako sa newsfeed ko pa-ulit ulit na nagpop-out yung Astral Projection na yan, kaya ayon na-curious ako kaya pinindot ko and then nabasa ko yung article kung paano gawin yun. Pero di ako naniwala kasi baka mamaya, loko loko lang kaya nung narinig ko si Sir Chris na naglelecture about it ay nakinig ako ng husto at doon ko napatunayan totoo pala talaga 'yon." Malinaw na paliwanag ni Steph.

"So what do you plan right now?" I asked him at nakita kong napaisip din siya.

"I think I want na subukan 'yon." Turan niya.

"Uy, girl! Baka mapahamak ka niyan." Sulpot muli ni Jerra sa gilid namin ni Steph. At mukhang nakikinig rin pala siya.

"Kaloka. Jerra bigla ka na namang sumusulpot. Nakakagulat." Wika naman sa kanya ni Steph.

"Pero Steph, tama naman kahit pa paano si Jerra. Baka nga mapahamak ka pa dyan." Paalala ko sa kanya.

"Susubukan ko lang naman kung anong feeling. At tsaka kung hindi naman talaga siya totoo, edi hindi tuloy." Usal sa amin ni Steph.

"Eh paano kung totoo?" Nag-aalalang wika ko sa kanya.

"Don't worry hindi naman ako mapapahamak. I'll make sure na safe pa rin ako." Nakangiting sabi niya sa amin.

I just sighed.

Since highschool ay classmates na nga kami ni Steph kaya alam ko na ang mga ugali na meron siya. I know na kapag may sinabi siya, malaki ang posibilidad na gagawin niya talaga 'yon. Sobrang adventurous niya rin madalas pero lagi naman siyang ligtas kahit na risky madalas ang ginagawa niya.  Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala because after all he's still my bestfriend.

Ibinaling ko na lang sa paligid ng garden ang mga mata ko at nag-relax. Tinatanggal ko ang stress sa isip sa pamamagitan ng di pag-iisip ng kung ano-ano.

"Mga iha at iho." Rinig kong tawag ni Manang Yaring sa'min. Agad naman kaming lumingon sa kinaroroonan niya.

"Malapit nang magdilim, mabuti pa sigurong mag-sibalik na kayo sa mga dormitoryo niyo." Paalala niya sa amin.

Tumango nalang kaming tatlo at nagpaalam na sa kanya. Umalis na nga kami habang si Steph ay dala pa rin ang isang tangkay ng bougainvillea.

Pagkadating namin sa dorm ay nakita kong inilagay ni Steph sa isang baso na may kalahating tubig ang mga bulaklak na hawak niya. Matapos non ay nagbihis nga kami, ginawa ang mga skin care routines at huli ang paglapat ng face masks sa mga pagmumukha namin.

Nang mailapat na ang mga face masks ay humiga na nga kaming tatlo sa mga kama namin.

"Girl, itutuloy mo pa rin ba?" Tanong ko habang nakahiga kaming tatlo sa kama at nakalapat ang mga facemasks sa mga mukha namin.

"Nakakatakot naman kasi yang gagawin mo, baka mamaya kung anong mangyari sayo." Pag-aalala ni Jerra.

"Eh diba aalis yung spirit mo sa katawan mo, so baka mamaya may ibang sumapi sayo." Pangamba ko.

"Hindi mangyayari 'yan, don't worry." Sambit ni Steph.

"How can you be so sure?" Tanong ko naman.

"Kasi makikita nila si Jerra." Pabirong tugon niya na ikinatawa ko.

"Baka ang ibig mong sabihin ay 'mabighani ' sila sa'kin." Bwelta naman ni Jerra.

"Ew. Naririnig mo ba sarili mo." Sabat sa kanya ni Steph.

"Inggit ka lang." Pasaring pa ni Jerra.

"No. Never in my entire existence na mangyayari 'yan." Sagot ni Steph.

"Tumigil na kayo. Inaantok na ko. Let's sleep na." Masayang wika ko.

"Dapat lang. Kailangan ni Jerra ng isang daang taong beauty rest." Pahabol na asar niya pa.

"Che!" Wika ni Jerra sabay tanggal ng facemask.

Tumayo na nga kaming tatlo para itapon na ang mga facemasks at para tuluyan ng matulog. Matapos non ay bumalik na nga kami sa mga kama namin.

"Steph. Be safe." Usal ko sa kanya habang nakahiga na siyang tinugon niya naman ng pagtango at isang ngiti. 

Niladlad ko na ang kumot ko at saka sinuot ang dalawa kong paa. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay niyakap ko ng mas mahigpit ang unan ko na may mukha ni Jimin. 

잘자내 지민씨

Steph's POV

Sabay na ngang natulog sina Angel at Jerra dala na rin ng pagod kanina. Maliban sakin, since gusto ko talagang malaman kung talaga nga bang totoo ang Astral Projection na yan o sadyang kathang-isip lang ng iba.

Kaya naman sinimulan ko ng gawin kong anong sinabi sa videong napanood ko kagabi. Gaya ng sabi doon ay inilapat ko ang aking ulo sa isang komportableng posisyon at inihiga sa malambot na unan.

Matapos nun ay itinuwid ko ang aking katawan sa isang maayos na posisyon. Tapos nun ay sinabi din sa video na kailangan linisin ko ang aking isip at dapat ay payapa, walang anumang iniisip kundi ang katahimikan kaya naman yun ang ginawa ko.

Ang huling hakbang ay ang isiping lumulutang ako at humihiwalay ang Astral Body ko sa Katawang Pisikal ko.

Sinabi dun sa video na kapag may narinig at naramdaman akong vibration ay yun na ang simula nun at ang ibigsabihin ay gumagana.

Maya-maya ay unti-unti na akong nakarinig ng mga sinasabing Vibrations kaya natuwa at naexcite ako at bigla kong naisip na hihiwalay na ang Astral Body ko mula sa katawan ko.

"Tsk! Ano ba 'yan." Mahinang singhal ko.

Naexcite ako masyado kaya nagkaroon ng distraction sa utak ko. (Shunga talaga.)

Inulit ko ulit ang mga procedures kagaya ng kanina. Inayos ko ang posisyon ng katawan ko , ang posisyon ng ulo ko, ang pag alis ng mga distractions sa isip at ang isiping lumulutang ako at humihiwalay ang astral body ko sa physical body ko.

"Argh!" Singhal ko nang napabangon muli ako.

"Tsk! Ayoko na! Hindi naman pala totoo ya--" Pagsinghal kong naputol dahil sa pagkagulat.

Nalingat ako habang nakaupo sa aking kama. Hindi ko na nga naituloy ang dapat na mga susunod kong sasabihin dahil sa pagkagulat.

Pagkugulat dahil nakita kong may isa pang ako na nakahiga sa kama.

It's me! It's my physical body!

Tiningnan ko ang dalawa kong kamay at transparent ito na parang isang jellyfish. Hinawak-hawakan ko pa ang mukha ko at sa ikalawang pagkakataon sinabi ko muli sa sarili kong..

Totoo nga talaga siya. And I've succeeded. 

Nakita ko sa kabilang kama naroroon sina Angel at Jerra. Nakanganga pa habang natutulog.

Nang magsink in na saken lahat-lahat ay inisip ko kung anong gagawin ko since nasa Astral State na ako.

Pumasok sa isip ko na gumala-gala sa mga corridors at hallways ng dorm buildings at pumasok sa mga dorm. Kunsabagay kaya ko namang magpatagos-tagos kahit saan ng hindi nakikita. Halos mapuno ng excitement ang buong katawan ko ngayon.

Pagtayo ko mula sa kama ay may parang napansin akong nasa likod ko na ewan. Kaya nang tingnan ko kung ano ito ay may parang transparent din na hose.. or isang chord.

Tama! Ito na nga siguro yung sinasabi nilang Silver Chord. Which means isa na nga talaga akong astral spirit.

Tapos nun ay lumarga na nga ako sa mga hallway ng dorm building. Takbo dito.. Takbo doon.. Yan ang paulit ulit kong ginagawa sa buong dorm building.

Kung saan-saan at kung kani-kaninong dorm ako tumatagos pero hindi nila ako napapansin.

Dahil dito ay napagod ako. Nang iwanan ako ng katangahan ay saka ko lamang narealize na kaya ko nga palang lumutang sa ere!

Ang bobo!

Nakakabagot na ang paikot-ikot sa buong dorm building, puro lang naman kasi tulog na mga nilalang ang nakikita ko eh. Kaya naman napagdesisyunan kong umalis sa Dorm Building ng HER.

Tumagos ako sa isang pader at lumipad papalayo sa Dorm Building. Nang nasa labas na ako ay lumipad ako ng napakataas hanggang sa makita ko ang buong unibersidad na nasa ilalim ko.

At infairness dahil sobrang laki talaga ng HER. Biruin mo yung wide field palang nito eh tatlong beses na ang laki sa dati naming school.

Nakita ko mula sa itaas ang garden na pinuntahan namin kanina kaya napagpasyahan kong bumaba roon. Pagbaba ko ay muli na naman akong naakit sa mga puting bougainvillea na nakatanim doon. 

Hinawakan ko ito and na-amaze ako nung bigla itong nag-glow at ilang segundo lang matapos kong tanggalin ang kamay ko ay nawala rin yung glowing something niya . Naisip kong baka guni-guni lang 'yon pero sa paghawak ko muli sa bulaklak ay muli itong lumiwanag sinubukan ko ring gawin 'yon sa ibang mga bulaklak ng bougainvillea at ganoon din ang nangyari.

Hindi naman nagkakaganito ang mga bulaklak na 'to nung hinahawakan ko kanina gamit ang physical body ko pero bakit kaya ganito ang nangyayari sa mga ito ngayon.

Natuwa ako kakahawak sa mga bougainvillea, sinubukan ko rin gawin 'yon sa mga roses at sa iba pang mga bulaklak. Mas lalo akong natuwa dahil kung anong kulay ng bulaklak na tatapikin ko ay ganun din ang kulay ng pag-glow niya.

Pa-ikot ikot lang ako sa garden habang ginagawa iyon. Para tuloy akong 5 years old na bata na naglalaro sa park.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" Narinig kong sita sa akin ng boses ng isang lalaki.

Napalingon ako. Nakita kong normal lang ang suot niya, kulubot na ang  mukha at nasa 60 pataas na ang edad. Siguro ay isa siya sa mga hardinero ng hardin na 'to.

"N-Nakikita niyo po ako?" Tanong ko na may kasamang takot.

"Oo. At alam kong hindi ka isang pangkaraniwang tao. Kaya naman bumalik ka na kung saang lupalop ka nanggaling." Sita niya muli sa akin.

"P-Pero.."

"Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang ginagawa mong 'yan. Maaari kang mapahamak. Kaya, alis na." Matigas na pahayag niya.

"Sinong nandyan?" Sigaw naman ng boses ng isang matandang babae sa di kalayuan.

"Ako lang ang nandito, Yaring." Usal niya.

Sinenyasan ako ng matandang lalake na umalis na pero hindi ko 'yon ginawa at nagtago lang ako sa likod ng mga kumpol ng bulaklak na nasa hardin.

"Oh, Manong Soling. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Manang Yaring.

"W-Wala. Kinuha ko lang itong pangdilig. Sige na, mauna ka na at susunod na ako sayo." Sagot niya kaya naman napatango si Manang Yaring at umalis na.

Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko at bago pa man umalis ang matandang lalaki na si Manong Soling ay binigyan niya ako ng isang matalim na titig.

Nang mangyari 'yon ay wala na akong nagawa kundi ang bumalik na lang talaga sa pinanggalingan ko.

Tumagos ako sa pintuan ng dorm at nang makapasok na ako ay pumunta na ako ng kwarto.

Napagpasyahan kong bumalik na sa physical body ko. Kaya naman tumabi na ako dito at ipinosiyon ang Astral Body ko kagaya ng posisyon ng katawang pisikal ko.

Ngunit ng pahiga na ako ay biglang umilaw ang phone ni Jerra.

Gising pa pala ang bruha!

Dahil dito ay napatayo akong muli at pinagmasdan ang mga susunod niyang gagawin. Inilawan niya bigla kaming dalawa ni Angel na para bang sinisigurado kung tulog na talaga kami.

At nang masigurong tulog na kami ay lumawak ang ngiti nito sa mukha. Nakakatakot si bakla. Parang akala mo papatayin kami.

Nang akmang tatayo na ito ay bigla itong nauntog na double deck! Gusto niyang umaray ng napakalakas sa sobrang sakit pero pinipigil niya nalang dahil baka nga magising kami.

Matapos nun ay bigla siyang lumabas ng kwarto ng dahan-dahan at sinusubukang hindi gumawa ng ingay. Na siya namang sinundan ko at patuloy lang na tiningnan.

Pumunta ito ng kusina at kumuha ng isang mangkok. Kumuha sya ng dalawang pack ng beef noodles at saka ito niluto.

Matapos maluto ng beef noodles ay kumuha siya ng juice sa ref namin.

Umupo siya sa sofa at binuksan ang TV. Pagbukas na pagbukas niya nito ay hinanaan niya ang volume na sa tipong siya na lang ang makakarinig.

Inilipat niya ang channel ng TV namin sa KBS at doon ay nanood ng While You Were Sleeping na karaniwan niyang nababanggit sa amin.

At ayon sa kanya ay di niya pa daw tapos ito.

Ahhhh.... Ehhhhh.... Ihhhhh... Yan ang mga tunog na pilit niyang pinipigilang lumabas dulot na rin ng sobra niyang kilig.

Napakalupet ng bruhang 'to! Tatlong episodes na ang natatapos niya. At wala pa rin siyang balak matulog.

No wonder kung bakit antok na antok ang baklita kapag nasa klase na kame. Pasikreto pala siyang nagpupuyat.

Ewan ko ba kung ayaw niya kaming idamay o gusto niya masarili niya lang si Lee Jong Suk eh!

Maya-maya matapos ang tumatanging-ting na 8 episodes ay sa wakas napagdesisyunan na nitong matulog. Siguro naisip nitong 3 episodes nalang naman bago niya matapos, kaya matutulog na lang muna  siya.

Mahal niya pa rin naman kasi ang pag-aaral niya at kahit na mayaman sila ay kailangan niya pa rin ito for the future daw nila ni Yoongi. (Harot.)

At nang papunta na ito sa kwarto ay siya namang sinundan ko. Humiga na ito sa kama niya at natulog na.

Samantalang ako naman ay ginawa na rin ang dapat kong gawin. Ihiniga ko na ang astral body ko sa totoong kong katawan. Pero bago yun ay tumingin muna ako kay Jerra at sinabing 'Humanda ka saken bukas, Jerraldina Dravine Villaforte! ' You will surely like to hear the story about my first try.


Continue Reading

You'll Also Like

227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
174K 7.9K 104
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
1M 33.2K 78
"𝙾𝚑, 𝚕𝚘𝚘𝚔 𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚖! 𝚃𝚠𝚘 𝚕𝚒𝚝𝚝𝚕𝚎 𝚗𝚞𝚖𝚋𝚎𝚛 𝚏𝚒𝚟𝚎𝚜! 𝙸𝚝'𝚜 𝚕𝚒𝚔𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚢'𝚛𝚎...𝚍𝚘𝚙𝚙𝚎𝚕𝚐ä𝚗𝚐𝚎𝚛𝚜 𝚘𝚏 𝚎𝚊𝚌𝚑...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...