Read my next story: His & Her Music. Just click the external link >
Read Yui's Sidestory, "A Not So Bitter Love"
Kung sino pa 'yong TUNAY NA NAGMAMAHAL, siya pa 'yong laging NASASAKTAN. :(
Sabi nila, pag wala na yung taong mahal mo, MOVE ON pero paano ba magpapaalam sa isang taong nangako sa'yo na kahit kailan hindi ka iiwan.
*THE ENDING*
Glydel's POV
3 days na akong hindi pumapasok sa school. Tumawag sa akin sila Gab at Kevin. Nagtatanong kung bakit wala ako. Hindi ko masabing aalis na ako.
Gusto ko mag-sorry kay Nathan. Gusto ko sabihin na I don't mean those words.
Sinubukan kong tawagan si Nathan kanina pero out of coverage area. Galit ba siya sa akin? Tinext ko na rin siya pero wala eh. Wala akong natatanggap na text mula sa kanya.
"Gee, sigurado ka ba diyan? Hindi natin kailangang pumunta ng Korea." Sabi ni Lola habang nag iimpake kami ng damit.
"Lola, dati ko pa gusto bumalik. Alam mo naman po yan eh. May scholarship rin po akong natanggap dun. Sayang naman yung opportunity." Ako
"Alam ko naman 'yan, Gee. Pero dati wala kang maiiwan, iba na ngayon. May mga kaibigan ka na. May boyfriend ka na. Ano sa tingin mo mararamdaman nila kapag hindi ka nagpaalam sa kanila?" Lumapit sa akin si Lola tapos may inabot sa akin.
"La, natatakot kasi ako. Kapag nagpaalam ako sakanila, baka magbago isip ko." Ako
"Hindi naman magbabago yung desisyon mo kung nakapagdesisyon ka na talaga, apo" Lola
Nagpatuloy naman ako sa pag-impake pero napatigil ako nung nakita ko yung necklace. Yung necklace na binigay sa akin ni Nathan. Hindi ko na pala 'toh nasusuot. Simula nung first break-up namin. Isusuot ko sana pero ano pang silbi diba? Hindi niya na sinasagot mga tawag at text ko.
Tinignan ko naman yung Class Picture namin ng mga barkada. How can I leave them behind? :(
Pumunta ako dun sa table sa gilid ng kama ko. Andun kasi yung mga pictures namin ni Nathan eh. Dadalhin ko 'toh siyempre. Hindi ko yan maiiwanan. Memories rin yan.
"Gee, si Kevin nasa labas." Lola
Argh. Ba't pumunta siya dito?
Binuksan ko yung pinto tsaka ako lumabas. Hindi ko siya muna papapasukin. Puro maleta kaya nandun. Baka magduda pa.
"Hey Kevs." Tinapik ko siya sa balikat.
"Glyds, hi. Wala kang sakit?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Wala naman. Bakit?" Ako
"Ba't hindi ka pumapasok? May away ba kayo ni Nathan?" Kevin
"Hmm...meron?" Ako
"Di ka sigurado?" Kevin
"Siguro, Kevs balik ka nalang mamaya or bukas. Busy pa kasi ako." Ako
"Aalis ka ba?" Seryoso noyang tanong sa akin.
Ba't niya natanong? May alam ba siya? Sinabihan ba siya ni Nathan?
"H.in..Oo ata. Siguro." >.> Ako
"Bakit ka aalis?" Kevin
"Nothing to worry about, Kevs. Basta wag mo ng sabihan sila Raine ha?" Ako
Kumunot naman noo tsaka siya umiling.
"Gee, sa tingin ko kailangan mong sabihin yan. Ako nga na mahal ka, ayaw kitang paalisin. Sila pa kaya na bestfriends mo?" Kevin
Napatingin nalang ako sa baba. Baka kasi pag sinabi ko hindi ako umalis. >.<
"Bahala ka. Basta kung ako sa'yo, sasabihin ko. Pati Glyds, ang hirap mag-move on. Bakit kasi ang ganda mo?" Tumawa naman siya tsaka siya ngumiti.
Yan yung nagustuhan ko kay Kevs, sinusubukan niyang ilighten-up yung mood.
"Gee?" Kevin
"Hmmm?" Ako
"Wag mo naman sanang iwan si Nathan. Nagparaya ako. Sana naman hindi ko pagsisihan yun?" Sabi niya bago siya umalis.
Anong gagawin ko? Iniwan ko na siya eh. Wala na kami. Wala ng Glythan Couple. >.>
Raine's POV
"HUWAAAAAT?! Aalis si Glydel? KAILAN? BAKIT? PAANO?" T,T Ako
Nakakaloka!!! Ang bilis ha? Aalis kaagad si Glydel? :o
"Yeah." Nathan
YEAH? Yung lang sagot niya? YEAH?!!!!
"Hoy, Nathan! Ano nanamang bang ginawa mo ha? Yan ka nanaman eh. Pa-cool act ka nanaman! Wala ka nang ginawa kundi puro yan!" Ako
Lumingon naman siya sa akin. Sila Yui at Jelly, umiling sila. Ibig sabihin, I should back-off. But, NO NO NO way!
"Anong gusto mong gawin ko?" Nilipag niya yung gamit niya sa lamesa. Nasa bahay kasi kami ni Gab.
"Kahit ano. Wag ka diyang pa-cool cool. Anong akala mo? Kapag gumanyan ka, hindi aalis si Gee? Kaloka Nathan! ANO NANAMAN BA KASING GINAWA MO?!" >.< Ako
"WALA AKONG GINAWA! ANONG GUSTO MONG GAWIN KO? UMIYAK? MAGMUKMOK? SA TINGIN NIYO BA BABALIK SIYA PARA SA AKIN? EH NAKIPAGBREAK NA NGA YUNG TAO EH!" Sigaw niya bago siya napa-upo.
Teka...si Gee ang nakipag-break? Imposible, hinding hindi gagawin ni Gee yun. Mahal na mahal niya kaya yang si Naths.
Walang nag-salita sa amin. Napatingin naman ako kay Jelly na umiiyak na.
"Hindi manlang nagsabi si Gee. Nakapaghanda sana ako....." Jelly
Lumapit naman ako kay Nathan. Tsaka ako nag-sorry. Tumungo lang naman siya pero naka-pikit siya. Hawak niya yung noo niya.
"Tama na yan, kailan ba alis ni Glyds?" Gab
"Bukas." Saktong pasok ni Kevin.
Bukas na kaagad? Iiwan ba talaga ni Gee si Nathan? :(
Glydel's POV
Ngayon na ang araw na aalis ako. Maraming maiiwanan pero life goes on, ika nga.
Siyempre, mamimiss ko lahat ng kaibigan ko rito sa Pilipinas. Naging bahagi sila ng buhay ko.
Pumaikot naman yung tingin ko sa airport. Lungkot lang ata nararamdaman ko eh. :(
"Glydel, tara na?" Lola
"Teka lang, Lola." Ako
Sino ba hinihintay ko? Sino ba yung gusto kong huli kong makita?
Tsaka ko SILA nakita.
"Gee naman! Hindi ka nagsasabi!" Raine
Si Lorraine Marquez. Isa sa mga naging ka-close ko. Isa gang members ko rati. Kalog yan pero alam niya yung limitations niya. Maganda sa loob at labas. Yan si Raine.
"Grabe, Glyds. Aalis ka ba talaga?" Gab
Si Gabriel Mendoza. Aaminin ko pero gwapo talaga yan. Masaya ako dahil nakahanap siya ng babaeng mamahalin niya. Isa sa mga lalaking nagpakilig sa akin. Yan si Gab.
"Gly-chan!!" Yui
Si Yui Aizogawa. Ang kinaaliwan kong Japanese girl. Nung una hindi siya marunong mag-tagalog pero natututo. Isa sa mga babaeng nagpasaya sa akin. Yung tipong babaeng inuuna ang kaibigan bago ang sarili. Yan si Yui.
"GLYDEL. Wag ka ng aalis. T.T" Jelly
Si Jelly Martin. Ang matalinong echusera. >:) Yung tipong matalino nga pero pagdating sa Love, NGA-NGA. Pero siya ang dahilan kung bakit ko naging ka-close ang lahat. Kung hindi niya ako pinalipat ng section siguro, hindi ako kasama sa barkada. Yan si Jells.
"Leader, grabe. Tssss." Lee
Si Lee Pranton. Ang gangster pero loyal and mapagmahal. Lalaking umiiyak dahil sa babae. Yung lalaking nagpapa-under. Isa sa mga taong nagbigay kulay sa boring kong buhay. Yan si Lee.
"Gee....." Kevin
At si Kevin Villamor. Ang sweet & caring kong kaibigan. Siya ang naging takbuhan ko. Siya yung crying-shoulder ko. Almost perfect at maiinlove ka talaga sa kanya. Kung wala lang si Nathan, baka nagpaligaw ako diyan. Joke. :) Yan si Kevin.
Yan ang mga kaibigan kong umalalay at nagmahal sa akin kung sino man ako at kung ano man ako. Iniintindi nila ako kahit anong gawin ko. Yung mga kaibigang hahanap-hanapin mo. Yung tipong HARD TO FIND.
"Gee, alis na tayo." Lola
Lumapit naman sila sa akin tsaka sila yumakap.
"We will miss you. A lot." Sabay-sabay nilang sabi.
"Don't lose contact with us, Gee." Jelly
"I won't" Ako
May inabot naman sa akin si Kevin na box. Hindi ko alam yung laman sa plane ko nalang bubuksan.
"Si.....Nathan?" Ako
Nagtinginan naman sila.
"Sorry Gee, hindi namin siya ma-contact eh. Sorry talaga." Jelly
</3
"Hindi, okay lang. Paki-sabi nalang, Mag-iingat siya palagi. Wag siyang masyadong mag-sungit, Alagaan niya sarili niya, Wag siyang magbibisyo, Tapos wag siyang mag-alala sa akin, tsaka-----"
"Ano ba yan? Ang haba? Grabe? Wala bang mas maikli?" Raine
"Paki-sabi, Mahal ko siya." Ako
Nag-paalam na kami ni Lola sa kanila. Ang hirap tumalikod at iwan sila. Parang ang bilis. Hindi ko na sila makakasama.
"Gee, ano yang hawak mo?" Lola
"Bigay lang po nila." Ako
Buti nalang pinaalala ni lola. Binuksan ko yung box. Scrap book pala. Tsaka letters.
Pag-bukas ko ng scrap book, picture kaagad ng barkada yung tumumbad sa akin. Napangiti naman ako.
"Kasama sa kalokohan...."
"Kasama sa saya, lungot...."
"Nakatutuwang isipin na meron mga taong hindi nagsasawang makasama ka kahit hindi naman sa lahat ng pagkakataon mabait ka. "
Napatigil ako dun sa isang page.
Si Nathan.
Ang saya namin rito. Parang walang problema. Parang no break-ups. Happy lang.
Nathan Lopez. Ang lalaking nagmahal sa akin at ang lalaking minahal ko. Maraming beses niya akong nasaktan. Maraming beses na gusto kong sumuko. Pero kahit minsan hindi ako sumuko sa kanya.
Siya yung lalaking masungit at parang ewan na lalaki. Pero kapag nagmahal, mamatay ka dahil sa sobrang ka-tamisan.
Siya yung lalaking andyan para sa'yo kahit pagtabuyan mo siya.
Yung lalaking sinusuyo ka kapag may away kayo.
Yung lalaking hindi ka matiis tiis.
Yung lalaking abot tenga yung ngiti dahil sa simpleng "Mahal kita" at "I Love you" ko.
Yung lalaking para sakin PERFECT na.
Yung lalaking ang sakit magsalita pero ang tamis ring magpakilig.
Pero iniwan ko siya.Tanga ba ako?
Kung hindi kami, hindi kami. Kung kami, kami.
Pero ma-mimiss ko yung kumag na 'yon.
Kahit saan man ako mag-punta siya ang magiging inspiration ko.
Kahit hindi kami sa huli, siguro may darating pang iba para sa amin.
Hindi ko siya malilimutan.
Kasi siya ang One and Only Loveteam ng buhay ko. Sa ngayon.
Tsaka ko lang na-receive yung text niya.
From: Bee <3
"Ingat ka. Thank you sa lahat. Sorry rin. Hindi na ako nakapunta. Masakit eh. Ikaw lang taong mamahalin ko. sa tingin ko. Pero kung makahanap ka man ng lalaki para sa'yo, that's better. Pero eto lang masasabi ko. I'LL WAIT. EVEN IF TAKES A LIFETIME."
-end of text message-
***********
Oops. May Epilogue pa. :))
Pero bukas na. :D
Vote and Comment.