School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87.1K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 4 "Announcement"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 12 "Katana's Identity"

62.3K 3.3K 451
By Penguin20

"Eto oh," itinunggo ko sa dibdib Jace ang plastik na naglalaman nung sweatshirt na napanalunan niya sa dare namin. "Mahal ang bili ko diyan, 1,200!" Pagsisinungaling ko, 300 ko lang nabili 'yan.

He opened the plastik at tiningnan ang hitsura nung sweatshirt. "Cool! Ang bait talaga nitong bestfriend ko!" Iniipit niya ang ulo ko sa kanyang kilikili.

"Alam mo kadiri ka! Bitawan mo nga ako, ang baho ng kilikili mo e!" Pilit kong iniaalis ang aking ulo at nung nakawala ako ay masama ko siyang tinitigan na tinawanan lang ni Jace. Of course he's my bestfriend, gustong-gusto niyang nakikita na naaasar ako. Iyon ang source of happiness niya.

"Ano, sabay ba tayong uuwi mamaya?" Tanong niya sa akin, vacant namin ngayon dahil saglit lang na nagturo ang professor namin sa unang subject.

"Hindi pwede, may practice ako," I informed him, totoo namang may practice kami. Ayoko ngang uma-attend sa practice na iyon dahil nakikita ko lang ang pagmumukha nung Raydin na iyon. Ang pangit niya, grabe!

Hindi ko nga alam kay Ericka kung bakit parati niyang sinasabihan na cool si Raydin eh hindi ko naman makita kung saan siya banda cool? The way he speaks? The way he act? Mukha lang siyang ambitious gangster.

"E'di hihintayin kita!" He proudly said.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ako mahilig magsinungaling pero hindi nga kami pwede magsabay ngayon umuwi dahil makikipag-meet pa ako kay Katana mamayang hapon. Na-excite na naman ako ngayong naalala ko.

"Hindi pwede, late kami makakauwi ngayon. Mauna ka na, okay?" Napansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha. "Bawi ako sa'yo bukas. Hindi ako a-attend sa practice."

Muling umaliwalas ang mukha ni Jace. "Talaga ba? Sabi mo 'yan, ha! Walang bawian!" Mabuti na lang talaga at isang uto-uto itong bestfriend ko.

The whole day, iniisip ko ang hitsura ni Katana. Kinakabahan ako na nae-excite. This is my first time to meet my online friend in real world. Hindi naman talaga ako madalas makipag-meet up, sadyang napalapit lang ang loob ko kanila Katana and Lucky. If I will be given a chance ay gusyo ko mga ring ma-meet si Lucky e.

Nasa library ako ngayon and a small piece of paper ang tumama sa mukha ko. Kumunot ang aking noo at pinagmasdan ang taong gumawa nang pagbato. "Ano na naman bang problema mo?!" Mahina kong sabi pero punong-puno ito ng inis.

"Huwag ka ngang tumutulala, ang pangit mo." Sabi no Raydin, pumilas din ako ng maliit na papel sa aking notebook at ibinato sa kanya.

"Ako nga sobrang napapangitan sa kahit anong ekspresyon ng mukha mo... Nagreklamo ba ako? Ewan ko sa'yo, ang pangit mo." Kinuha ko ang gamit konh nakakalat sa desk at umupo sa tabi ni Ericka.

"Ano, nag-away na naman kayo?" Tanong niya.

"Anong bago? Parati naman kaming nag-aaway ng mokong na iyan.

Nagkaroon kami kanina ng maikling drill and unluckily, sa aming tatlo ay si Raydin na naman ang lamang. Pinagmamayabang niya na sampung puntos daw ang lamang niya sa akin. "Alam mo, hindi mo kasi ginagalingan mangopya ngayon e,"

"Bakit ba ang hilig mong sabihin na nangopya ko sa'yo. May basis ka ba diyan sa mga sinasabi mo?! Kung makapag--"

"SHHHH!" Sabay-sabay na naman na sabi nung mga tao sa library. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko sa hiya. Gosh! Ako na naman ang napagalitan dahil dito kay Raydin na ito. Bakit ba kasi nag-exist pa siya?!

"Dani, ikaw na naman ang maingay!" Sigaw sa akin nung librarian sabay patunog ng bell. Kilala na niya ako dahil ako lang naman ang biglang sumisigaw dito sa library. Napapasigaw lang naman ako dahil ditonkay Raydin.

"Sorry po." Nahihiya kong sabi at napailing-iling na lang si Ericka na para bang sanay sa ganoong senaryo.

After we have a drill ay napagdesisyunan namin na ligpitin ang aming mga gamit.

Isang text ang na-receive ko from unknown number.

From: 0935330****
Hi Dani! This is Katana, nandito na ako sa third gate :D

Nung nabasa ko ang text ay mas nagmadali ako sa pagliligpit. Naglagay pa ako ng pulbos sa aking mukha. "Ano, Ericka? Ayos lang ba ang hitsura ko?" Tanong ko.

"Stop askin' me that question, alam ng lahat na maganda ka Dani kahit hindi ka na mag-ayos." Pambobola ni Ericka kung kaya't napangiti ako.

"Lalaki ulo niyan, mukha siyang kaliskis ng buwaya," biglang nagsalita si Raydin at automatic na nawala ang ngiti sa aking labi.

"Alam mo, ikaw, kahit kailan epal ka. Epal siguro pangalan mo sa dati mong buhay." Umirapa ako sa ere at naglakad na kami palabas ng library.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila dahil dire-diretso na akong tumakbo tungo sa third gate.

There's a lot of students ang lumalabas kung kaya't hindi ko malaman kung sino doon si Katana, but there's a girl that caught everyone's eyes-- si Sophia. The daughter of the owner of the school.

Everybody knows her, hindi lang siya anak ng may-ari ng school... Siya rin ang mukha ng Northford University dahil siya ang nanalo sa Miss Intramurals last year.

I bit my lip, and texted Katana.

To: Katana
Nandito na 'ko, saan ka?

Naghintay ako ng ilang segundo at maya maya pa ay may tumawag sa cellphone ko. "Hello," pagkausap ko habang inililibot ang paningin sa paligid.

"I am here, standing malapit sa guard office." Sagot niya at napatingin ako doon. My jaw literally dropped.

Si Sophia? No way!

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya pero in the end, napagdesisyunan kong lapitan ko siya.

"Hi, Katana," I offered my hand at napatingin sa akin si Sophia. Her calm look, her high class person vibe... Sobrang nakaka-intimidate.

"Oh my gosh! Are you Majesty?!" She asked. Nabigla ako nung bigla niya akong yakapin. "It's nice meeting you!" Dugtong niya pa.

Ibang-iba si Sophia kay Katana. Si Katana ay palaban sa laro habang eto, si Sophia, parang hindi makabasag pinggan.

She invited me to have a sip of coffee sa malapit na cafe sa school at doon kami nagkuwentuhan.

Who would thought na matagal ko ng kaibigan ang anak ng may-ari ng school? It just... nakakagulat siyang makilala sa personal.

Ang ganda nung ambiance dito sa coffee shop. A brown bricked wall na may mga abstract painting na nakadikit sa dingding, a wooden oak table and chair, at maaamoy sa paligid ang matapang na amoy ng kape kung kaya't nakaka-relax.

"Ang ganda mo sa personal, Majesty," puri sa akin ni Katana... I don't know what should I addressed to her, Katana or Sophia?

"Mas maganda ka, ikaw nga ang mukha ng school e. Hindi ko in-expect na ang anak ng school owner is kalaro ko sa SWO." Namamangha kong sabi at napatawa si Sophia.

"Actually, I play secretly. Walang nakakaalam na gamer din ako, sadyang gusto ko lang kayo ma-meet ni Lucky kung kaya't inaya ko kayo ng meet up," kumunot ang noo niya. "Had we met before... Ang pamilyar ng mukha mo, Majesty?"

"Last year, miss intrams." Napa-ooh siya na parang natandaan niya na. "Ako ang representative ng College namin... Dani." Pagsabi ko ng aking pangalan.

Sa tingin ko naman ay hindi ako maganda, sadyang napag-trip-an lang ako ni Dean nung mga panahong iyon kung kaya't ako ang pinanglaban. I ended up as a second runner up pero itong si Sophia ang nanalo.

Marami kaming napag-usapan ni Sophia tungkol sa laro, pinaghahandaan niya rin daw talaga ang family na balak niyang itayo sa game. Siyempre ay suportado ko iyon.

Out topic becomes deeper and deeper hanggang mapunta ang usapan namin sa mga seryosong bagay. "Dani, bakit ka naglalaro?" Tanong niya sa akin.

Saglit akong humigop ng Dark Mocha na kape ko. "Siguro... To kill some time? Ayoko rin kasing inii-stress ang sarili ko masyado sa academics," napatango-tango siya sa paliwanag ko. "Ikaw, bakit ka naglalaro?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

Nawala ang ngiti na nakasilay sa mukha ni Sophia at mas sumeryoso ito.

"Alam mo naman na ako ang mukha ng school 'diba? Anak din ako ng may-ari..." there's a long paused bago ulit siya nagsalita. "Minsan ang hirap din ng sitwasyon ko. I need to act like this... I need to do that... Bawal ang ganito,"

Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya sa pagkukwento niya pa lamang. "Nahirapan din akong magkaroon ng totoong kaibigan, sumasama lang sila dahil anak ako ng school owner." Pagpapatuloy niya pa.

Mukhang maling desisyon na ibalik ko sa kanya ang tanong na iyon. Mukhang nag-trigger lang iyon para maalala ang masasakit na pangyayari kay Sophia.

"I am sorry to hear that,"

"Ano ka ba," she laughed. "Wala ka namang kasalanan. The reason why I became addicted to gaming, nagkakaroon ako ng totoong kaibigan, I can hide my identity and I can do whatever I want. Kahit sa laro man lang ay nagiging masaya ako, okay na ako doon. At isa pa, nakilala ko kayong dalawa ni Lucky." Napangiti ako sa kanyang sinabi.

Hindi lang naman pamatay ng oras ang gaming, it helps stress people, it easing the pain for a while. May ibang tao na gaming na lang ang nakikita nilang solusyon para sumaya kahit papaano. Tsaka sa mundong iyon, mas totoo kami.

The two of us continue to eat at magbabandang-alas siete na nung natapos ang aming kwentuhan.

"Balitaan mo ako kapag na-approve yung family mo, ha?" Sabi ko sa kanya at tumango si Sophia sa akin. "Siya nga pala... Pwedw bang, wala ka munang pagsasa--"

"Hindi ko ipagkakalat na ikaw si Majesty. Noted," nakahinga ako ng malalim. "Ganyan din ang gusto kong sabihin sa'yo haha!"

We bid a good bye at umuwi na ako sa bahay. Tumingin ako sa orasan, 7:35pm. Siguro naman ay pwede akong mag-online kahit saglit?

Continue Reading

You'll Also Like

295K 20.9K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
29.9K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
3.8K 200 43
The aspiration to become a filmmaker began for Isaiah Lavidar when his parents took him on a film-set tour for his eighth birthday. The moment he saw...
1M 68.4K 69
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...