Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 17

296K 4.9K 99
By Aver_Cris

Pasulyap-sulyap lamang ako kay Ken habang nasa kotse kami, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko naman na talaga mahal si Dave pero bakit hindi siya naniniwala sa'kin?

I just heaved a sigh and looked at the car window. Mamaya ko na lang siya kakausapin, wala pa akong lakas ng loob ngayon.

Napapaisip din ako kung anong ginagawa ni Dave sa condominium na 'yon. Sino kaya ang pinuntahan niya ro'n? I'm just curious.

Huminto na ang sasakyan sa may tabi ng chapel. Walang pa ring imik na lumabas ng kotse si Ken. Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan na ang pinto, nakatingin lang siya sa'kin hanggang sa makababa ako ng kotse niya.

Hindi ako umiwas ng tingin, nakipagtitigan ako sa kanya. Blankong-blanko ang kanyang mukha at walang emosyon akong nakita sa mga mata niya.

Dati pag titingin ako sa kanyang mga mata ay may makikita akong sari-saring emosyon do'n but now, I see nothing.

“Ken...” I called his name again and breathed, umiwas siya ng tingin.

“Let's go.” lumapit siya pero iwas ang kanyang mga mata sa'kin. Gusto ko tuloy mapaluha ngayon pero hindi pwede kasi magsisimba pa kami. I don't want to ruin this moment. Baka mapauwi kami ng wala sa oras kapag umiyak ako ngayon.

Titiisin ko 'tong nararamdaman kong sakit sa pagtrato niya sa'kin ngayon hanggang mamaya.

Kung kailangang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya, sasabihin ko na. Pahulog naman na ako sa kanya, ihuhulog ko na agad ang sarili ko para tapos na. Kahit hindi niya ako gaanong saluhin ay ayos lang.

Hinawakan niya ako sa'king kanang siko at inalalayan papasok sa chapel. Marami ng tao sa loob pagpasok namin, mukhang wala na kaming mauupuan pa.

“Umupo ka ro'n. Tatayo na lang ako rito, love.” he whispered, ang mga mata'y nakatingin sa bakanteng upuan ng babaeng nasa dulo.

Hindi ako umimik, naglakad na lang ako palapit do'n sa babae at kinausap ito.

“Hi... paupo ako sa tabi mo, pwede?” nakangiti kong pagtatanong. Tumingin ang babae sa'kin and we both gasped.

“Ali...”

“Hailey...”

We're both in shocked right now and couldn't say a word. Kanina, si Dave ang aking nakita at ngayon naman ay si Hailey. Wow, just wow.

Her eyes looked down at my tummy and gasped again. “You're pregnant...” hindi makapaniwalang wika nito. I nodded my head and smiled, umupo na ako sa tabi niya.

“Sinong nakabuntis sa'yo?” mahina niyang pagtatanong dahil nagsisimula na ang misa.

“Mamaya ko sasabihin sa'yo, okay? Nagsisimula na kasi ang misa.”

“Sige.”

Napansin kong siya lang mag-isa ngayon. Gusto kong magtanong about sa asawa't anak niya pero nagsisimula na ang misa. Mamaya ko na lang siya tanungin about sa kanila.

Ang aking atensyon lamang ay nakatuon sa misa, hindi ko nililingon si Ken kahit gustong-gusto ko. Pinipigilan ko ang aking sarili ngayon. 'Yon lang ang magagawa ko sa ngayon muna.

Nang matapos na ang misa ay nagsabi si Hailey na si-cr muna siya kaya sasamahan ko na. Tumingin ako sa kinatatayuan ni Ken at mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa. Tinuro ko si Hailey and mouthed na si-cr lang kaming dalawa. Nagulat siya nang makita ang babaeng tinuro ko at lalapit sana sa'min ng hilahin ko na si Hailey agad papuntang restroom.

“Dahan-dahan lang, Ali! Buntis ka, oy!”

“Sorry.”;nakalabi kong wika.

“Ba't mo ba ako hinila, ah? May humahabol ba sa'yo?”

“Wala naman.”

“Wala pala, eh.” at umiling ito. “Ikaw talaga.”

Pumasok na kami sa loob ng cr nang marating namin 'yon at doon, napakwento na agad ako. Tahimik siyang nakikinig sa'kin habang nag-aayos ng kanyang buhok. Nang mabanggit kong si Ken ang nakabuntis sa'kin ay agad siyang napasigaw.

“Si Sir Ken ang ano?!” and she gasped while looking at me. “Siya ang nakabuntis sa'yo!?”

“Shh! Hinaan mo ang boses mo!” pasigaw ngunit mahina ang aking boses na pagsaway sa kanya.

“Sorry. Hindi lang ako makapaniwala.”

“Ako rin naman.”

“Pero... how? Ang bilis naman.”

“He's a sharpshooter.” at napalabi muli ako. 

Tumawa naman si Hailey nang malakas kaya sinaway ko muli siya. “Nice! Sana all sharpshooter, ano?”

“Sana all ka pa diyan.” nag-ayos na rin ako ng sarili ngayon. “Nakita ko nga pala si Dave kanina. Sa basement nang condominium kung saan nakatira si Ken.”

“Anong nangyari?”

“Saglit lang kaming nag-usap.” mahina kong wika. “Dahil do'n, naging malamig ang pagtrato sa'kin ni Ken ngayon.”

“Baka akala eh mahal mo pa.” at napaisip ito. “Baka may nararamdaman na 'yon sa'yo Ali, ah.”

“Mayroon ata.” mahina ko pa ring wika.

Napasigaw na naman si Hailey. “Damn, right! May gusto 'yon sa'yo! Hindi ata lang!”

“Hinaan mo ang boses mo!” pagsasaway ko muli. She chuckled and ignored my remarks.

“Kinikilig ako! Ikaw, may gusto ka rin sa kanya, ano?”

“Magkakagusto pa lamang.” pagsasabi ko ng totoo. “Pero mamaya, aamin na agad ako sa kanya. Nasasaktan na ako ngayon sa pagtrato niya sa akin, eh. Baka pag umamin na agad ako, mag-iba ulit bigla ang pagtrato niya sa'kin.”

“Kaya mo 'yan.” ngumiti nang malawak si Hailey at hinawakan ako sa'king kaliwang balikat. “Trust me, may gusto siya sa'yo. Umamin ka kaagad, okay? May sasalo naman agad sa'yo kaya kaya mo 'yan.”

Tumango ako't ngumiti. Sana...

“Anyway, bakit mag-isa ka lang ngayon?”

“Nasa park sina Hugh at Haille ngayon. Ayaw magsimba ng anak namin at umiiyak kaya ako na lang muna pinagsimba ni Hugh habang siya ang bantay sa kanya.” bigla siyang humawak sa kanyang tiyan kaya napatingin ako ro'n. “Buntis din ako ngayon, isang buwan.”

“Talaga?”

Masaya 'tong tumango. “Oo at sana nga babae ulit.”

“Wow. Congratulations!”

“Sa'yo rin.” at sabay kaming napatawa nang mahina. “If that is a boy, i-partner ko siya sa anak ko kapag babae pa rin ito, ah?”

“Oo naman.”

“Itatali ko agad ang anak ko sa'yo. Kung babae pa rin 'to.”

“Sana nga babae.” at sana 'yong akin naman ay lalaki.

Lumabas na kami ng restroom habang nagkukwentuhan pa rin. Paglabas ay sabay kaming nagulat dahil nando'n si Ken, nakatayo habang nakapamulsang nakatingin sa'min.

“Hi, Sir Ken!” agarang pagbati ni Hailey dito. He slightly smiled at her but didn't greeted her back.

Ganyan naman siya lagi kaya sanay na ako at gano'n din si Hailey panigurado.

“Mauuna na ako, ah?” pagbubulong nito sa'kin.

“Sige. Ingat ka, ah?”

“Oo. Kayo rin.”

Naglakad na 'to palayo sa'min kaya lumapit na ako kay Ken.

“Let's go..” mahina kong sabi at nauna nang maglakad.

“Sorry.”

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko, kahit nagulat nang bahagya ay 'di ko siya nilingon muna.

“I'm sorry, Ali.”

Do'n ako lumingon ng ulitin niya ang kaniyang sinabi kanina. I saw sadness and pain in his eyes again. I couldn't bear seeing him like that. Ako ang may gawa niyon, 'di ba? Tama ba si Hailey... na may gusto nga siya sa'kin?

“Okay lang.” 'yon na lang ang aking nasabi.

He sighed and held his nape as he avoiding his gaze to me. “I know it's not okay. It just that...”

“Shh. Okay lang 'yon sa'kin, ano ba?” at bahagya akong tumawa para pagaanin ang kanyang loob. “It's not really a big deal to me.” and I lied, I know. Paiyak na nga ako kanina, eh.

“May narinig ka ba sa usapan namin ni Hailey?” pagtatanong ko.

Umiling 'to, “Wala. Kararating ko lang no'ng sakto kayong lumabas ng restroom.”

“You sure?”

“Yeah.”

Sabi niya, eh. Kaya 'di na ako nagtanong pa. Naglakad na 'to palapit sa'kin, bumuga muna siya ng hangin bago hawakan ang aking kamay.

“Kakain muna tayo sa malapit na restaurant dito and after that, uuwi na tayo at mag-uusap.”

“Oo nga pala, gabi na ngayon.”

“Yeah. It's already 6:30 in the evening.” sabay tingin sa kanyang relo.

“Umuwi na lang tayo.” wala akong sa mood kumain sa restaurant ngayon. “Magluluto na lang ako.”

“Ako na lang ang magluto.”

“Ako na.”

“Tayo na lang dalawa.” he chuckled. Napatitig ako sa kanyang mukha. Na miss ko agad ang pagdaan ng sari-saring emosyon sa kanyang mga mata at ngayong may reaksyon na siya't palaimik na, sumaya muli ako.

“Tayo na lang?”

“Oo.”

Iba ang nasa isip ko bigla. “Yeah, right.”

Kaming dalawa na lang ang magluluto ng kakainin namin since ayaw namin magpatalo sa isa't-isa kung sino ang magluluto ngayong gabi. “Sorry, ah? Wala ako sa mood na kumain ngayon sa restaurant. Gusto kong magluto ngayon, eh.”

“It's okay. So, let's go?”

“Let's go.”

Lumabas na kami ng chapel habang magkahawak-kamay ulit na tinungo ang kotse niya.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko sa sarili ko na malapit na akong mahulog pero idedeklara ko na agad ang pag-ibig ko mamaya sa kanya, do'n din naman kasi ang punta no'n.

Sumakay na kaming dalawa sa kotse at pinaandar na niya 'yon palayo sa chapel. Mabilis ang kanyang pagmaneho na ginawa kaya nakarating agad kami sa parking lot ng condominium.

Nakasakay agad kami sa elevato, diretso ang pag-akyat ng elevator sa 18th floor. Tahimik kaming lumabas at tinungo ang unit niya, ang 1819. Pagpasok naming dalawa ay dumiretso akong kwarto para magbihis habang siya'y umupo sa sofa. Pagbihis ko'y do'n lamang siya tumayo. He took off his t-shirt at nagtungong kwarto. Paglabas niya'y nakasweatpants siyang muli at nagtungo na kami sa kusina.

“Anong lulutuin, love?”

Ano nga ba ang lulutuin namin? “Anong gusto mong ulam?”

“'Di ko alam. Kahit ano na lang maluto natin.”

“I want java rice and... afritada.” biglaang pagsasabi ko. “Ako ang magluto ng java rice, ikaw naman sa ulam. Ano, deal?”

“Sige, deal.”

“Wait,” bago ako kumilos ay kinuha ko muna ang aking cellphone at sinaksak 'yon sa speaker. “papatugtog lang ako.”

Pinindot ko ang Spotify and go to my downloads. I play the music entitled ‘When I Look At You’ by Miley Cyrus at nilakasan ang volume.

“Yeah. I love this.” I mumbled.

Pumunta na akong kusina at nakitang naghahanda na siya ng mga gagamitin niya sa pagluluto, kumilos na rin ako habang nasabay sa kanta.

Naalala ko bigla ang pag-duet na naganap noon. Nag-enjoy si Ken na kumanta kasama ako kaya sobrang saya ko no'n. Pa-bebe lang siya no'ng una at noong napilit, nag-enjoy din naman.

Natapos na ang kanta at napalitan ng ‘Perfect’ by Ed Sheeran.

Nagkatinginan kaming dalawa habang nagluluto. Ang sweet kasi ng kanta!

Biglang sumabay si Ken sa pagkanta at lumapit sa akin, habang nakanta siya ay hinawakan niya ang aking dalawang kamay dahilan para mapakunot-noo ako.

He began to sway his body and smiled while singing. Napatawa ako sa itsura niya at ginaya siya, mukha na kaming sira rito, na kanta't nasayaw kami habang nagluluto.

Pero kahit gano'n, may bago na namang moment ako na kasama siya.

“Baby, you look perfect tonight.” sabay naming kanta sa dulong part ng ‘Perfect’. Napakagat-labi pa ako habang nakangiti.

“Ken...”

“Ali...”

Napaseryoso kaming dalawa nang matapos na ang kanta. Eto na, aamin na ako.

“Mahal kita.”

“Ang niluluto natin, love.”

Sabay naming wikang dalawa at kapwa napahinto. I gasped sabay layo sa kanya, biglang nanlaki ang kanyang mga mata ngayon.

“Ano?” halos walang hangin niyang wika.

Namula ako at tila nakaramdam ng hiya.

Ang epic!

Umamin ako ta's siya... ang niluluto namin ang nasabi! Napakaepic!

“Wa—Wala!”

Sobrang pula na ng mukha ko at siya'y biglang humagalpak ng tawa.

“You said a while ago that you love me!” sobrang saya niya ngayon.

“Hindi, ah!” pagtatanggi ko. Nakakahiya talaga! I can't bear this moment! Kung kanina'y sweet, ngayon naman ay epic!

“I'm not deaf. Damn, Ali!” at tumawa na naman siya. “I love you too!” at ang huli niyang sinabi ang siyang dahilan para mas lalo akong mamula.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 14.3K 75
How could a secret mission of a secret agent change your life forever? (Book 1, 2, 3)
68.8K 3.7K 31
Kailan ba naging kasalanan ang umibig? "Bless me father for I have sinned. I fell in love..." Ang sunod na sinabi ng babaeng nangongompisal ay saglit...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...